Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 12:5, 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 Sa halip, hanapin ninyo ang lugar sa teritoryo ng inyong mga tribo na pinili ng Diyos ninyong si Jehova para sa kaluwalhatian ng pangalan niya. Doon ninyo siya sambahin.+ 6 Doon ninyo dalhin ang inyong mga handog na sinusunog,+ hain, ikapu,*+ abuloy,+ panatang handog, kusang-loob na handog,+ at mga panganay sa inyong bakahan at kawan.+

  • 1 Hari 9:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Sinabi ni Jehova sa kaniya: “Narinig ko ang panalangin at kahilingan mo. Ang bahay na itinayo mo ay pinabanal ko sa pamamagitan ng paglalagay rito ng pangalan ko magpakailanman,+ at ang mga mata at puso ko ay mananatili rito.+

  • 2 Cronica 7:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 Pagkatapos, nagpakita si Jehova kay Solomon+ sa gabi at sinabi niya: “Narinig ko ang panalangin mo, at pinili ko ang bahay na ito para maging lugar na pag-aalayan ng mga handog sa akin.+

  • Awit 122:superskripsiyon-9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • Awit ng Pag-akyat. Awit ni David.

      122 Nagsaya ako nang sabihin nila sa akin:

      “Pumunta tayo sa bahay ni Jehova.”+

       2 At ngayon, nakatayo kami

      Sa loob ng mga pintuang-daan mo, O Jerusalem.+

       3 Ang Jerusalem ay itinayo

      Bilang isang lunsod na pinagkaisa.+

       4 Umakyat doon ang mga tribo,

      Ang mga tribo ni Jah,*

      Gaya ng paalaala sa Israel,

      Para magpasalamat sa pangalan ni Jehova.+

       5 Dahil ang mga trono para sa paghatol ay inilagay roon,+

      Ang mga trono ng sambahayan ni David.+

       6 Humiling kayo ng kapayapaan para sa Jerusalem.+

      Ang mga umiibig sa iyo, O lunsod, ay magiging panatag.

       7 Manatili nawa ang kapayapaan sa loob ng mga tanggulan* mo,

      Ang kapanatagan sa loob ng iyong matitibay na tore.

       8 Alang-alang sa mga kapatid at kasamahan ko ay sasabihin ko:

      “Sumaiyo nawa ang kapayapaan.”

       9 Alang-alang sa bahay ni Jehova na ating Diyos,+

      Idadalangin ko ang ikabubuti mo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share