-
2 Hari 4:32-34Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
32 Pagdating ni Eliseo sa bahay, nakita niya sa higaan niya ang batang namatay.+ 33 Pumasok siya sa kuwarto at isinara ang pinto. Siya at ang bata lang ang naroon. At nanalangin siya kay Jehova.+ 34 Pagkatapos, sumampa siya sa higaan at dumapa sa bata at idinikit ang bibig niya sa bibig ng bata, ang mga mata niya sa mga mata nito, at ang mga palad niya sa mga palad nito, at nanatili siyang nakadapa sa bata, at ang katawan ng bata ay unti-unting uminit.+
-