Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 14:19-21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 19 Pagkatapos, pinaupo niya ang mga tao sa damuhan. Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, at pagtingala sa langit, nanalangin siya.+ Matapos pagpira-pirasuhin ang mga tinapay, ibinigay niya ang mga iyon sa mga alagad, at ibinigay naman iyon ng mga alagad sa mga tao. 20 Kaya kumain silang lahat at nabusog, at nang tipunin nila ang natirang mga piraso, 12 basket ang napuno nila.+ 21 Ang kumain ay mga 5,000 lalaki, bukod pa sa mga babae at mga bata.+

  • Marcos 6:39-44
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 39 At ang lahat ng tao ay pinaupo niya nang grupo-grupo sa damuhan.+ 40 Kaya umupo sila nang tig-iisang daan at tiglilimampu. 41 At kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nanalangin.*+ Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at ibinigay sa mga alagad para ipamahagi sa mga tao; at hinati-hati niya ang dalawang isda para sa lahat. 42 Kaya kumain silang lahat at nabusog, 43 at nakapuno sila ng 12 basket ng natirang tinapay, bukod pa sa mga isda.+ 44 Ang kumain ng tinapay ay 5,000 lalaki.

  • Lucas 9:14-17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 Sa katunayan, may mga 5,000 lalaki roon. Pero sinabi niya sa mga alagad niya: “Igrupo ninyo sila nang mga lima-limampu at paupuin.” 15 Sumunod sila at pinaupo ang lahat. 16 At kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nanalangin.* Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay sa mga alagad para ipamahagi sa mga tao. 17 Kaya kumain silang lahat at nabusog, at nang tipunin nila ang natira, 12 basket ang napuno.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share