Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 13:54
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 54 Pagdating niya sa sarili niyang bayan,+ tinuruan niya sila sa kanilang sinagoga, at namangha sila at sinabi nila: “Saan nakuha ng taong ito ang ganitong karunungan at ang kakayahan niyang gumawa ng mga himala?*+

  • Marcos 6:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2 Pagdating ng Sabbath, nagturo siya sa sinagoga, at karamihan sa nakarinig sa kaniya ay namangha at sinabi nila: “Saan natutuhan ng taong ito ang ganitong mga bagay?+ Bakit ang dami niyang alam? At sino ang nagbigay sa kaniya ng kapangyarihang gumawa ng mga himala?+

  • Lucas 2:46, 47
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 46 Pagkalipas ng tatlong araw, nakita nila siya sa templo. Nakaupo siya sa gitna ng mga guro habang nakikinig at nagtatanong sa kanila. 47 At ang lahat ng nakikinig sa kaniya ay hangang-hanga sa kaniyang unawa at mga sagot.+

  • Gawa 4:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 Nang makita nila ang katapangan nina Pedro at Juan at malaman nilang hindi nakapag-aral at pangkaraniwan ang mga taong ito,+ gulat na gulat sila. At naalaala nilang ang mga ito ay kasama noon ni Jesus.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share