Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 9:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  2 Ang bayan na lumalakad sa kadiliman

      Ay nakakita ng matinding liwanag.

      Sumikat ang liwanag

      Sa mga nakatira sa lupain ng matinding dilim.+

  • Isaias 49:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  6 At sinabi niya: “Hindi lang kita lingkod

      Na magbabangon sa mga tribo ni Jacob

      At magbabalik ng mga iningatang buháy sa Israel.

      Gagawin din kitang liwanag ng mga bansa,+

      Para ang pagliligtas ko ay umabot sa mga dulo ng lupa.”+

  • Mateo 4:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16 Ang bayang nasa kadiliman ay nakakita ng matinding liwanag, at ang mga nasa lupaing natatakpan ng anino ng kamatayan ay sinikatan ng liwanag.”+

  • Juan 1:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 At ang liwanag ay sumisikat sa kadiliman,+ at hindi ito natatalo ng kadiliman.

  • Juan 1:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 Ang tunay na liwanag na nagbibigay ng liwanag sa bawat uri ng tao ay paparating na sa sangkatauhan.+

  • Juan 12:35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 35 Kaya sinabi ni Jesus: “Makakasama ninyo ang liwanag nang kaunting panahon pa.+ Lumakad kayo habang nasa inyo pa ang liwanag, para hindi kayo madaig ng kadiliman; sinumang lumalakad sa kadiliman ay hindi nakaaalam kung saan siya papunta.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share