11 Binabautismuhan ko kayo sa tubig dahil nagsisisi kayo.+ Pero ang dumarating na kasunod ko+ ay mas malakas kaysa sa akin, at hindi man lang ako karapat-dapat na mag-alis ng sandalyas niya.+ Ang isang iyon ay magbabautismo sa inyo sa pamamagitan ng banal na espiritu+ at ng apoy.+
7 Ipinangangaral niya: “Dumarating na kasunod ko ang isa na mas malakas kaysa sa akin, at hindi man lang ako karapat-dapat na magkalag sa sintas ng sandalyas niya.+
25 Pero noong papatapos na si Juan sa atas niya, sinasabi niya: ‘Sino ako sa palagay ninyo? Hindi ako ang taong iyon.+* Pero darating siyang kasunod ko, at hindi ako karapat-dapat na magkalag sa sintas ng sandalyas niya.’+