Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 53:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  7 Pinahirapan siya+ at hinayaan niyang pagmalupitan siya,+

      Pero hindi niya ibinuka ang bibig niya.

      Dinala siya sa katayan gaya ng isang tupa,+

      Gaya ng isang babaeng tupa na tahimik sa harap ng mga manggugupit nito,

      At hindi niya ibinuka ang bibig niya.+

  • Isaias 53:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 Dahil sa pagdurusa niya, makakakita siya ng mabubuting bagay at masisiyahan.

      Sa pamamagitan ng kaalaman niya, aakayin ng matuwid kong lingkod+

      Ang maraming tao para magkaroon sila ng matuwid na katayuan,+

      At papasanin niya ang mga pagkakamali nila.+

  • 1 Corinto 15:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Ang bagay na ito ay kasama sa pinakamahahalagang itinuro ko sa inyo, na natutuhan ko rin: si Kristo ay namatay para sa ating mga kasalanan ayon sa Kasulatan;+

  • Hebreo 9:13, 14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 Dahil kung ang dugo ng mga kambing at mga toro+ at ang abo ng dumalagang baka* na iwinisik sa mga nadungisan ay nakapagpapabanal para sa ikalilinis ng laman,+ 14 gaano pa ngang higit na ang dugo ng Kristo,+ na sa pamamagitan ng walang-hanggang espiritu ay naghandog ng sarili niya nang walang dungis sa Diyos, ay makapaglilinis ng ating mga konsensiya mula sa walang-saysay* na mga gawa+ para makapaghandog tayo ng sagradong paglilingkod sa Diyos na buháy?+

  • 1 Pedro 2:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 24 Siya ang nagdala ng mga kasalanan natin+ sa sarili niyang katawan sa tulos,*+ para tayo ay mamatay* na sa mga kasalanan at mabuhay sa katuwiran. At “sa pamamagitan ng mga sugat niya ay gumaling kayo.”+

  • 1 Juan 3:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 Alam din ninyo na dumating siya para alisin ang mga kasalanan natin,+ at siya ay walang kasalanan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share