-
1 Tesalonica 4:16, 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
16 dahil ang Panginoon mismo ay bababa mula sa langit at maririnig ang kaniyang tinig, tinig ng isang arkanghel,+ at hawak niya ang trumpeta ng Diyos, at ang mga patay na kaisa ni Kristo ang unang bubuhaying muli.+ 17 Pagkatapos, tayong mga natitirang buháy ay aagawin sa mga ulap+ para makasama sila at para salubungin ang Panginoon+ sa hangin; at lagi na nating makakasama ang Panginoon.+
-