Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 18:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 Pipili ako mula sa mga kapatid nila ng isang propetang gaya mo,+ at ituturo ko sa kaniya ang sasabihin niya,+ at ipaaalam niya sa kanila ang lahat ng iuutos ko.+

  • Isaias 9:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  6 Dahil isang bata ang ipinanganak sa atin,+

      Isang anak na lalaki ang ibinigay sa atin;

      At ang pamamahala* ay iaatang sa balikat niya.+

      Siya ay tatawaging Kamangha-manghang Tagapayo,+ Makapangyarihang Diyos,+ Walang-Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.

  • Mikas 5:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  2 At ikaw, O Betlehem Eprata,+

      Na napakaliit para mapabilang sa mga angkan* ng Juda,

      Sa iyo magmumula ang magiging tagapamahala sa Israel,+

      Na ang pinanggalingan ay mula noong unang panahon, mula noong napakatagal nang panahon.

  • Malakias 3:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 “Isinusugo ko ang aking mensahero, at hahawanin* niya ang dadaanan ko.+ At ang tunay na Panginoon, na hinahanap ninyo, ay biglang darating sa kaniyang templo;+ at darating ang mensahero ng tipan na kinalulugdan ninyo. Tiyak na darating siya,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.

  • Lucas 24:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 27 At pasimula kay Moises at sa lahat ng Propeta,*+ ipinaliwanag niya sa kanila ang lahat ng sinasabi ng Kasulatan tungkol sa kaniya.

  • Juan 5:46
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 46 Ang totoo, kung pinaniwalaan ninyo si Moises ay paniniwalaan ninyo ako, dahil sumulat siya tungkol sa akin.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share