19 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila: “Sinasabi ko sa inyo, walang anumang magagawa ang Anak sa sarili niyang pagkukusa, kundi kung ano lang ang nakikita niyang ginagawa ng Ama.+ Dahil anuman ang ginagawa ng Ama, gayon din ang ginagawa ng Anak.
3 Makikita sa kaniya ang kaluwalhatian ng Diyos+ at siya ang Kaniyang eksaktong larawan,+ at pinananatili niya ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng makapangyarihan niyang salita. At pagkatapos niya tayong dalisayin mula sa ating mga kasalanan,+ umupo siya sa kanan ng Dakilang Diyos sa kaitaasan.+