-
Mateo 26:71-74Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
71 Pagpunta niya sa may pintuan, isa pang babae ang nakapansin sa kaniya at nagsabi sa mga naroroon: “Ang taong ito ay kasama ni Jesus na Nazareno.”+ 72 Muli niya itong ikinaila at sumumpa siya: “Hindi ko kilala ang taong iyon!” 73 Mayamaya, ang mga nakatayo sa paligid ay lumapit kay Pedro at nagsabi: “Siguradong isa ka rin sa kanila. Halata sa pagsasalita mo.” 74 Kaya sinabi ni Pedro na sumpain nawa siya kung nagsisinungaling siya. At sumumpa siya: “Hindi ko kilala ang taong iyon!” At agad na tumilaok ang tandang.
-