Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 1:12, 13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 Gayunman, ang lahat ng tumanggap sa kaniya ay binigyan niya ng pagkakataong maging mga anak ng Diyos+ dahil nanampalataya sila sa pangalan niya.+ 13 At ipinanganak sila, hindi ng kanilang mga magulang o dahil sa kagustuhan ng mga ito, kundi dahil sa kagustuhan ng Diyos.+

  • 1 Pedro 1:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Purihin nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Kristo. Dahil sa kaniyang dakilang awa, pinangyari niyang muli tayong maisilang+ tungo sa isang buháy na pag-asa+ sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli ni Jesu-Kristo,+

  • 1 Pedro 1:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 23 Dahil muli kayong isinilang,+ hindi sa pamamagitan ng nasisira, kundi ng di-nasisirang binhi,*+ sa pamamagitan ng salita ng buháy at walang-hanggang Diyos.+

  • 1 Juan 3:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 Ang bawat isa sa mga anak ng Diyos ay hindi namimihasa sa kasalanan,+ dahil ang binhi* Niya ay nananatili sa isang iyon, at hindi siya mamimihasa sa kasalanan, dahil siya ay anak ng Diyos.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share