Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 3:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 Binabautismuhan ko kayo sa tubig dahil nagsisisi kayo.+ Pero ang dumarating na kasunod ko+ ay mas malakas kaysa sa akin, at hindi man lang ako karapat-dapat na mag-alis ng sandalyas niya.+ Ang isang iyon ay magbabautismo sa inyo sa pamamagitan ng banal na espiritu+ at ng apoy.+

  • Juan 1:33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 33 Hindi ko rin siya kilala, pero sinabi mismo ng Diyos na nagsugo sa akin para magbautismo sa tubig: ‘Kapag nakita mo ang espiritu na bumaba sa sinuman at nanatili ito sa kaniya,+ siya ang nagbabautismo sa pamamagitan ng banal na espiritu.’+

  • Gawa 1:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 si Juan ay nagbautismo sa tubig, pero kayo ay babautismuhan sa banal na espiritu+ pagkalipas lang ng ilang araw mula ngayon.”

  • Gawa 10:45
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 45 At namangha ang mga tuling mananampalataya na kasama ni Pedro, dahil ibinubuhos din sa mga tao ng ibang mga bansa ang walang-bayad na regalo ng Diyos, ang banal na espiritu.

  • Gawa 11:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16 At naalaala ko ang sinasabi noon ng Panginoon: ‘Si Juan ay nagbautismo sa tubig,+ pero kayo ay babautismuhan sa banal na espiritu.’+

  • Gawa 19:5, 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 Pagkarinig nito, nagpabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus. 6 Nang ipatong ni Pablo sa kanila ang mga kamay niya, ang banal na espiritu ay bumaba sa kanila,+ at nagsimula silang magsalita ng iba’t ibang wika at manghula.+

  • 1 Corinto 12:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 Dahil sa pamamagitan ng iisang espiritu ay binautismuhan tayong lahat para bumuo ng iisang katawan, Judio man o Griego, alipin man o malaya, at tayong lahat ay tumanggap* ng iisang espiritu.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share