-
2 Corinto 5:18, 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
18 Pero ang lahat ng bagay ay mula sa Diyos; ipinagkasundo niya kami sa sarili niya sa pamamagitan ni Kristo+ at ibinigay niya sa amin ang ministeryo ng pakikipagkasundo,+ 19 ibig sabihin, sa pamamagitan ni Kristo ay ipinakikipagkasundo ng Diyos ang isang sanlibutan sa sarili niya+ at hindi na niya sila pananagutin sa mga kasalanan nila,+ at ipinagkatiwala niya sa amin ang mensahe ng pakikipagkasundo.+
-
-
1 Juan 2:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
2 Mahal kong mga anak, sumulat ako sa inyo tungkol sa mga bagay na ito para hindi kayo magkasala. Pero kung magkasala ang sinuman, may katulong* tayo na kasama ng Ama, ang matuwid na si Jesu-Kristo.+ 2 At siya ay pampalubag-loob na handog*+ para sa mga kasalanan natin,+ pero hindi lang para sa atin kundi para din sa buong sangkatauhan.*+
-