-
Gawa 11:22-24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
22 Nang mabalitaan ito ng kongregasyon sa Jerusalem, isinugo nila si Bernabe+ sa Antioquia. 23 Nang makarating siya roon at makita niya ang walang-kapantay na kabaitan ng Diyos, nagsaya siya at pinatibay niya ang lahat na patuloy na sumunod sa Panginoon nang buong puso;+ 24 si Bernabe ay isang mabuting tao, na puspos ng banal na espiritu at may matibay na pananampalataya. Dahil dito, marami ang naniwala sa Panginoon.+
-
-
Gawa 15:37-39Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
37 Ipinipilit ni Bernabe na isama si Juan, na tinatawag na Marcos.+ 38 Pero ayaw ni Pablo na isama ito, dahil iniwan sila nito sa Pamfilia at hindi na sumama sa kanila sa gawain.+ 39 Dahil dito, nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo at naghiwalay ng landas; at isinama ni Bernabe+ si Marcos at naglayag papuntang Ciprus.
-