-
Genesis 41:38-46Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
38 Kaya sinabi ng Paraon sa mga lingkod niya: “May makikita pa ba tayong gaya ng lalaking ito na may espiritu ng Diyos?” 39 At sinabi ng Paraon kay Jose: “Dahil ipinaalám sa iyo ng Diyos ang lahat ng ito, wala nang mas matalino at mas may unawa kaysa sa iyo. 40 Ikaw mismo ang mamamahala sa sambahayan ko, at susundin ng buong bayan ko ang lahat ng sasabihin mo.+ Magiging mas dakila lang ako sa iyo dahil sa papel ko bilang hari.”* 41 Sinabi pa ng Paraon kay Jose: “Inaatasan kita ngayong mamahala sa buong lupain ng Ehipto.”+ 42 Pagkatapos, hinubad ng Paraon ang kaniyang singsing na panlagda at isinuot iyon kay Jose, dinamtan siya ng mga damit na yari sa magandang klase ng lino, at sinuotan siya ng gintong kuwintas. 43 Pinasakay niya rin siya sa ikalawang karwahe* ng hari, at sumisigaw sila sa unahan niya, “Avrek!”* Sa gayong paraan niya siya inatasang mamahala sa buong lupain ng Ehipto.
44 Sinabi pa ng Paraon kay Jose: “Ako ang Paraon, pero kung wala ang pahintulot mo, walang sinuman sa buong lupain ng Ehipto ang makagagawa ng anuman.”*+ 45 Pagkatapos, pinangalanan ng Paraon si Jose na Zapenat-panea at ibinigay sa kaniya bilang asawa si Asenat,+ na anak ni Potipera na saserdote ng On.* At si Jose ay nagsimulang mangasiwa* sa lupain ng Ehipto.+ 46 Si Jose ay 30 taóng gulang+ nang tumayo siya sa harap ng* Paraon na hari ng Ehipto.
Pagkatapos, umalis si Jose mula sa harap ng Paraon at lumibot sa buong lupain ng Ehipto.
-