-
Genesis 3:17-19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
17 At sinabi niya kay Adan:* “Kahit inutusan+ kita, ‘Huwag kang kakain ng bunga mula sa punong iyon,’ pinakinggan mo pa rin ang asawa mo at kumain ka nito; kaya sumpain ang lupa dahil sa iyo.+ Sa lahat ng araw ng buhay mo, maghihirap ka bago makakuha ng bunga mula rito.*+ 18 Tutubuan ito ng mga damo at matitinik na halaman, at kakainin mo ang pananim sa parang. 19 Pagpapawisan ka at maghihirap bago makakuha ng pagkain hanggang sa bumalik ka sa lupa, dahil diyan ka kinuha.+ Ikaw ay alabok, kaya sa alabok ka babalik.”+
-