29 Pero nang araw na lumabas si Lot sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre* mula sa langit at pinuksa silang lahat.+30 Gayon din ang mangyayari sa araw na iyon kapag ang Anak ng tao ay isiniwalat.+
7 Pero kayo na napipighati ngayon ay pagiginhawahin kasama namin sa panahong isisiwalat ang Panginoong Jesus+ mula sa langit kasama ang makapangyarihang mga anghel niya+
7 para ang inyong nasubok na pananampalataya,+ na mas malaki ang halaga kaysa sa ginto na nasisira kahit nasubok* na ito sa apoy, ay magdulot ng kapurihan at kaluwalhatian at karangalan kapag isiniwalat na si Jesu-Kristo.+