7 Pinagpala ang taong kay Jehova nagtitiwala
At kay Jehova umaasa.+
8 Magiging gaya siya ng punong nakatanim sa tabi ng tubig,
Na ang mga ugat ay umaabot sa batis.
Kapag uminit, hindi niya iyon mapapansin;
Sa halip, ang mga dahon niya ay mananatiling malago.+
Sa taon ng tagtuyot ay hindi siya mababahala,
At hindi siya titigil sa pamumunga.