-
Efeso 6:14-17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
14 Kaya tumayo kayong matatag, na suot ang sinturon ng katotohanan+ at ang baluti ng katuwiran+ 15 at suot sa inyong mga paa ang sandalyas ng mabuting balita ng kapayapaan, na handa ninyong ihayag.+ 16 Kunin din ninyo ang malaking kalasag ng pananampalataya,+ na magagamit ninyo bilang panangga sa lahat ng nagliliyab na palaso ng isa na masama.+ 17 Gayundin, tanggapin ninyo ang helmet ng kaligtasan+ at ang espada ng espiritu, ang salita ng Diyos.+
-