-
Gawa 9:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
9 Pero si Saul, na patuloy na nagbabanta sa mga alagad ng Panginoon at gustong-gustong patayin ang mga ito,+ ay pumunta sa mataas na saserdote 2 at humingi ng mga liham na puwede niyang ipakita sa mga sinagoga* sa Damasco para maaresto niya at madala sa Jerusalem ang sinumang mahanap niya na kabilang sa Daan,+ kapuwa mga lalaki at babae.
-
-
Filipos 3:5, 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
5 tinuli nang ikawalong araw,+ mula sa bansang Israel, mula sa tribo ni Benjamin, isang Hebreo na may mga magulang na Hebreo;+ kung tungkol sa kautusan, isang Pariseo;+ 6 kung tungkol sa sigasig, pinag-usig ang kongregasyon;+ at kung tungkol sa katuwiran na batay sa kautusan, walang maipipintas sa akin.
-