-
Hukom 14:5, 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
5 Kaya si Samson ay bumaba sa Timnah kasama ang kaniyang ama at ina. Nang makarating siya sa mga ubasan ng Timnah, sinalubong siya ng isang leong umuungal! 6 Pinalakas siya ng espiritu ni Jehova,+ at hinati niya ito sa dalawa, na parang naghahati ng isang batang kambing gamit lang ang kamay. Pero hindi niya sinabi sa kaniyang ama o ina kung ano ang ginawa niya.
-
-
1 Samuel 17:34-36Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
34 Sinabi ni David kay Saul: “Ang inyong lingkod ay naging isang pastol ng kawan ng kaniyang ama, at may dumating na leon,+ pati oso, at bawat isa ay tumangay ng tupa mula sa kawan. 35 Hinabol ko po iyon at pinabagsak at iniligtas ko ang tupa mula sa bibig nito. Nang bumangon iyon para labanan ako, sinunggaban ko ang balahibo* nito at pinabagsak ito at pinatay. 36 Parehong pinabagsak ng inyong lingkod ang leon at ang oso, at ang di-tuling Filisteong ito ay magiging gaya ng isa sa mga iyon, dahil ininsulto* niya ang hukbo ng Diyos na buháy.”+
-