-
2 Hari 6:15, 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
15 Maagang bumangon ang tagapaglingkod ng lingkod ng tunay na Diyos. At paglabas niya, nakita niyang nakapalibot sa lunsod ang isang hukbo na may mga kabayo at mga karwaheng pandigma. Sinabi niya agad kay Eliseo: “Naku, panginoon ko! Ano ang gagawin natin?” 16 Pero sinabi nito: “Huwag kang matakot!+ Dahil mas marami ang kasama natin kaysa sa mga kasama nila.”+
-