Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 19:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 Huwag mong dadayain ang kapuwa mo,+ at huwag kang magnanakaw.+ Ang pagbabayad sa upahang trabahador ay huwag mong ipagpapaliban nang buong magdamag hanggang umaga.+

  • Deuteronomio 24:14, 15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 “Huwag mong dadayain ang isang gipit at mahirap na upahang trabahador sa lunsod* ninyo, siya man ay kapatid mo o dayuhang naninirahan sa inyong lupain.+ 15 Dapat mong ibigay ang sahod niya sa mismong araw na iyon,+ bago lumubog ang araw, dahil gipit siya at iyon ang inaasahan niya para mabuhay. Kung hindi mo iyon gagawin, daraing siya kay Jehova at magiging kasalanan mo iyon.+

  • Jeremias 22:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 Kaawa-awa ang nagtatayo ng bahay nang walang katuwiran

      At ng mga silid sa itaas nang walang katarungan.

      Pinagtatrabaho niya ang kapuwa niya nang walang kapalit;

      Ayaw niyang ibigay ang suweldo nito;+

  • Malakias 3:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 “Darating ako para humatol sa inyo, at agad akong tetestigo laban sa mga mangkukulam,*+ laban sa mga mangangalunya, laban sa mga nananata nang may kasinungalingan,+ laban sa mga nandaraya sa mga upahang trabahador,+ biyuda, at batang walang ama,*+ at laban sa mga ayaw tumulong* sa mga dayuhan.+ Ang mga ito ay hindi natatakot sa akin,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share