7 “Kung maghirap ang kapatid mo sa isa sa mga lunsod sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos, huwag mong patigasin ang puso mo o pagdamutan ang naghirap mong kapatid.+8 Dahil dapat kang maging bukas-palad sa kaniya,+ at pahiramin mo siya ng* anumang kailangan niya o kulang sa kaniya.
15 Kung may mga kapatid na walang maisuot* at walang makain sa araw-araw, 16 at sabihin sa kanila ng isa sa inyo, “Huwag kayong mag-alala; magbihis kayo at magpakabusog,” pero hindi naman ninyo ibinibigay ang kailangan nila, ano ang silbi nito?+
20 Kung may magsasabi, “Iniibig ko ang Diyos,” pero napopoot siya sa kapatid niya, sinungaling siya.+ Dahil ang hindi umiibig sa kapatid niya,+ na nakikita niya, ay hindi makaiibig sa Diyos, na hindi niya nakikita.+