-
Genesis 6:1-4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 At nang magsimulang dumami ang tao sa ibabaw ng lupa at magkaroon sila ng mga anak na babae, 2 napansin ng mga anak ng tunay na Diyos*+ na magaganda ang mga anak na babae ng tao. Kaya kinuha nila bilang asawa ang lahat ng magustuhan nila. 3 At sinabi ni Jehova: “Hindi ko pagtitiisan* ang tao magpakailanman,+ dahil siya ay laman* lang.* Kaya 120 taon na lang siyang mabubuhay.”+
4 Noong mga araw na iyon at sa lumipas pang mga panahon, may mga Nefilim* sa lupa dahil ang mga anak ng tunay na Diyos ay patuloy na nakipagtalik sa mga anak na babae ng tao, at nanganak ang mga ito ng mga lalaki. Sila ang mga Nefilim, malalakas na lalaki* na bantog noon.
-