Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)

Nilalaman ng Filipos

Nilalaman ng Filipos

  • A. INTRODUKSIYON (1:1-11)

    • Panimulang pagbati ni Pablo (1:1, 2)

    • Nagpapasalamat sa Diyos si Pablo dahil sa katapatan ng kongregasyon (1:3-7)

    • Ipinanalangin ni Pablo na sumagana ang pag-ibig ng mga taga-Filipos kasama ang kaalaman at unawa (1:8-11)

  • B. KASALUKUYANG KALAGAYAN NI PABLO AT ANG INAASAHAN NIYA SA HINAHARAP (1:12-26)

    • Dahil sa pagkakabilanggo ni Pablo, napatibay ang iba na mangaral nang walang takot (1:12-14)

    • Mabuti man ang motibo ng isang mángangarál o gusto lang niyang makipagtalo, naihahayag pa rin ang Kristo (1:15-20)

    • Ang dalawang pagpipilian ni Pablo, buhay o kamatayan; ang kagustuhan niyang patuloy na maalalayan ang mga taga-Filipos (1:21-26)

  • C. PAYO KUNG PAANO MAMUHAY BILANG KRISTIYANO (1:27–2:18)

    • Kumilos nang nararapat para sa mabuting balita; manatiling matatag (1:27-30)

    • Payo na magkaisa at manatiling mapagpakumbaba (2:1-4)

    • Kahanga-hangang halimbawa ni Kristo sa kapakumbabaan (2:5-11)

    • Patuloy na gawin ang buong makakaya para maligtas; palalakasin ka ng Diyos (2:12, 13)

    • Sumisikat bilang liwanag sa mundo habang mahigpit na nanghahawakan sa salita ng buhay (2:14-18)

  • D. ISUSUGO SINA TIMOTEO AT EPAFRODITO SA FILIPOS (2:19-30)

    • Talagang nagmamalasakit si Timoteo sa mga taga-Filipos (2:19-24)

    • Katapatan ni Epafrodito at ang pagkakasakit niya; “lagi ninyong pahalagahan ang gayong tao” (2:25-30)

  • E. MAG-INGAT SA “MGA NAGTATAGUYOD NG PAGTUTULI” (3:1-11)

    • Ang “mga tunay na tinuli” ay naglilingkod sa pamamagitan ng espiritu ng Diyos at hindi nagtitiwala sa laman (3:1-4a)

    • Ang dating buhay ni Pablo na itinuturing na niya ngayong basura (3:4b-11)

  • F. NAGPAKITA SI PABLO NG MAGANDANG HALIMBAWA SA MGA TAGA-FILIPOS (3:12–4:1)

    • Hindi na inaalaala ni Pablo ang mga bagay na nasa likuran kundi buong lakas siyang tumatakbo para sa mga bagay na nasa unahan (3:12-16)

    • Babala laban sa mga “kaaway ng pahirapang tulos”; ang pagkamamamayan ng tunay na mga Kristiyano ay sa langit (3:17–4:1)

  • G. PAYO NA MAGKAISA AT MAGSAYA; ANG DIYOS NG KAPAYAPAAN AY MAGBIBIGAY NG KAPAYAPAAN NG ISIP (4:2-9)

    • Hinimok sina Euodias at Sintique na magkaroon ng iisang kaisipan habang naglilingkod sa Panginoon (4:2, 3)

    • Magsaya dahil sa Panginoon at maging makatuwiran; huwag mag-alala sa anumang bagay (4:4-7)

    • Magpokus sa mga bagay na matuwid, malinis, at kaibig-ibig; gawin ang mga natutuhan (4:8, 9)

  • H. ANG PAGKAKONTENTO NI PABLO AT ANG MGA IPINAGPAPASALAMAT NIYA (4:10-23)

    • May lakas si Pablo na harapin ang anumang bagay dahil sa kapangyarihan ng Diyos (4:10-13)

    • Nagpapasalamat si Pablo sa mga taga-Filipos dahil bukas-palad sila; tiniyak niyang pagpapalain sila ng Diyos (4:14-20)

    • Mga pagbati ni Pablo at ang panalangin niyang patuloy na makapagpakita ang mga taga-Filipos ng magagandang katangian (4:21-23)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share