Nilalaman ng Hebreo
A. ANG MAS DAKILANG POSISYON NG ANAK NG DIYOS (1:1–3:6)
1. Nagsasalita ang Diyos noon sa pamamagitan ng mga propeta, pero ngayon, sa pamamagitan ng kaniyang Anak (1:1-4)
2. Kung bakit mas dakila ang Anak sa mga anghel (1:5-14)
3. Kailangang magbigay ng higit sa karaniwang pansin sa mga sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo (2:1-9)
4. Si Jesus, ang Punong Kinatawan para sa kaligtasan at isang maawaing Mataas na Saserdote (2:10-18)
5. Bilang Anak sa sambahayan ng Diyos, nakahihigit si Jesus kay Moises (3:1-6)
B. PAGPASOK SA KAPAHINGAHAN NG DIYOS (3:7–4:13)
1. Masamang halimbawa ng di-tapat na mga Israelita na hindi nakapasok sa kapahingahan ng Diyos (3:7-19)
Nasuklam ang Diyos sa henerasyon ng mga Israelitang lumabas sa Ehipto (3:7-11)
Panganib na magkaroon ng “masamang puso na walang pananampalataya” at ‘mapalayo sa Diyos na buháy’ (3:12-15)
Dahil masuwayin at walang pananampalataya ang mga Israelita, hindi sila nakapasok sa kapahingahan ng Diyos (3:16-19)
2. Mayroon pang pahinga na gaya ng Sabbath para sa bayan ng Diyos (4:1-13)
C. NAKAHIHIGIT ANG PAGKASASERDOTE NI KRISTO (4:14–7:28)
1. Si Jesus, ang dakilang Mataas na Saserdote (4:14–5:10)
Isang Mataas na Saserdote na may simpatiya, sinubok sa lahat ng bagay, at walang kasalanan (4:14-16)
Kailangang maghandog ng taong mataas na saserdote para sa kasalanan niya (5:1-3)
Niluwalhati ng Diyos si Kristo at tinawag na saserdote na “gaya ng pagkasaserdote ni Melquisedec” (5:4-6)
Natutong maging masunurin, naging perpekto, at “naging daan para sa walang-hanggang kaligtasan” (5:7-10)
2. Babala laban sa hindi pagsulong at apostasya (5:11–6:12)
“Ang matigas na pagkain ay para sa mga maygulang” (5:11-14)
Huwag manatili sa unang mga doktrina, at sumulong sa pagkamaygulang (6:1-3)
‘Muling ipinako sa tulos’ ng mga tumalikod sa pananampalataya “ang Anak ng Diyos” (6:4-8)
Hinding-hindi “lilimutin [ng Diyos] ang mga ginawa ninyo at ang pag-ibig na ipinakita ninyo” (6:9, 10)
Tularan ang mga ‘nagmana ng mga pangako sa pamamagitan ng pananampalataya at pagtitiis’ (6:11, 12)
3. Ang pangako at sumpa ng Diyos—“dalawang bagay na hindi mababago” (6:13-20)
4. “Si Melquisedec, na hari ng Salem at saserdote ng Kataas-taasang Diyos” (7:1-10)
5. Si Jesus ay “isang saserdote magpakailanman gaya ng pagkasaserdote ni Melquisedec” (7:11-28)
Nakahihigit ang pagkasaserdote ni Jesus kaysa sa pagkasaserdote ng mga Levita (7:11-14)
Hindi nakadepende ang pagkasaserdote ni Jesus sa pinagmulan niyang sambahayan (7:15-17)
Naging saserdote si Jesus sa pamamagitan ng panunumpa ng Diyos (7:18-22)
Hindi kailangan ni Kristo ng mga kahalili; kaya niyang ‘makapagligtas nang lubusan’ (7:23-25)
Nakahihigit si Jesus bilang Mataas na Saserdote (7:26-28)
D. NAKAHIHIGIT ANG BAGONG TIPAN AT ANG HANDOG NI KRISTO (8:1–10:39)
1. Ang tabernakulo sa lupa at ang inilalarawan nito (8:1-6)
2. Inihula ang isang bagong tipan sa pamamagitan ni propeta Jeremias (8:7-13)
3. Ang tolda sa ilalim ng “naunang tipan” ay isang ilustrasyon para sa kasalukuyan (9:1-10)
4. Walang-hanggang kaligtasan sa pamamagitan ng “dugo ng Kristo” (9:11-28)
Pumasok si Kristo sa ‘mas dakilang tolda’ nang minsanan “para iharap . . . ang sarili niyang dugo” (9:11-14)
Nagkabisa ang “naunang tipan” sa pamamagitan ng dugo ng hayop; nagkabisa naman ang “bagong tipan” sa pamamagitan ng dugo ni Kristo (9:15-22)
Pumasok si Kristo sa “langit mismo” para iharap ang sarili sa Diyos (9:23-26)
Kapag nagpakita si Kristo sa “ikalawang pagkakataon,” para na iyon sa kaligtasan ng mga mananampalataya (9:27, 28)
5. Si Kristo ay “nag-alay ng isang handog para sa mga kasalanan at ang bisa nito ay walang hanggan” (10:1-18)
“Ang Kautusan ay may anino ng mabubuting bagay na darating”; walang magagawa ang mga handog na hayop (10:1-4)
Dumating si Kristo sa sanlibutan para gawin ang kalooban ng Diyos (10:5-10)
Matapos mag-alay ng isang handog para sa mga kasalanan, umupo si Jesus sa kanan ng Diyos (10:11-14)
Posible nang mapatawad nang lubusan ang mga kasalanan dahil sa bagong tipan (10:15-18)
6. Isang bagong paraan ng paglapit sa Diyos na umaakay sa buhay sa pamamagitan ng kaniyang dakilang Mataas na Saserdote (10:19-25)
7. Ang panganib ng sadyang pamimihasa sa kasalanan at ang pangangailangang magtiis (10:26-39)
E. KUNG GAANO KAHALAGA ANG PANANAMPALATAYA (11:1–12:17)
1. Kahulugan ng pananampalataya (11:1-3)
2. Mga lalaki at babae noon na nanampalataya at kinalugdan ng Diyos (11:4-40)
“Kung walang pananampalataya, imposibleng mapalugdan nang lubos ang Diyos” (11:6)
Halimbawa nina Noe (11:7), Abraham at Sara (11:8-19), Isaac (11:20), Jacob (11:21), Jose (11:22), ng mga magulang ni Moises (11:23), ni Moises (11:24-28), ng bayang Israel (11:29, 30), at ni Rahab (11:31)
Mga ginawa nina Gideon, Barak, Samson, Jepte, David, Samuel, mga propeta, at ng iba pang tapat na lingkod sa harap ng mga pagsubok at panganib (11:32-38)
Ang mga sinaunang tapat na lingkod ay hindi naunang maging perpekto sa mga kasamang tagapagmana ni Kristo (11:39, 40)
3. Nagtitiis ang mga may pananampalataya; makikinabang tayo sa disiplina ni Jehova (12:1-17)
‘Malaking ulap ng mga saksi’ na nanampalataya; nagtiis si Jesus, ang “Tagapagpasakdal ng pananampalataya natin” (12:1-3)
Ang disiplina ni Jehova ay “nagbubunga . . . ng kapayapaan at katuwiran” (12:4-11)
Pinagpapala ang mga nakikipagpayapaan at nagpapakabanal (12:12-14)
Mag-ingat sa mga gaya na Esau, na hindi nagpapahalaga sa sagradong mga bagay at nagpaparumi sa kongregasyon (12:15-17)
F. ANG NAPAKAGANDANG PRIBILEHIYO NG MGA KRISTIYANO SA ISANG KAHARIAN NA HINDI MAUUGA (12:18-29)
Lumapit ang mga pinahirang Kristiyano, hindi sa isang literal na bundok o lunsod, kundi sa makalangit na Bundok Sion at Jerusalem (12:18-24)
Huwag bale-walain ang nagsasalita mula sa langit (12:25)
Kapag inuga ng Diyos ang lupa at langit, tatanggap ang mga pinahiran ng isang Kaharian na hindi mauuga (12:26-29)
G. PANGHULING MGA PAYO AT MENSAHE (13:1-25)
Payo tungkol sa pag-ibig sa isa’t isa bilang magkakapatid, pagtulong sa mga may pinagdadaanan, pagiging mapagpatuloy, marangal na pag-aasawa, at pagtitiwala kay Jehova (13:1-6)
Tularan ang pananampalataya ng mga nangunguna; iwasan ang mga “kakaibang turo” (13:7-9)
Tiisin ang pandurustang tiniis ni Kristo; patuloy na hanapin ang lunsod na darating (13:10-14)
Mga handog na nagpapalugod sa Diyos: mga papuri, mabubuting gawa, at pagbabahagi sa iba (13:15, 16)
Mga pakinabang ng pagiging masunurin at mapagpasakop sa mga nangunguna (13:17)
Hiniling ni Pablo na ipanalangin siya ng mga kapananampalataya niya, at ipinanalangin niya sa “Diyos ng kapayapaan” na tulungan ang mga Kristiyano na magawa ang kalooban Niya (13:18-21)
Nangako si Pablo na bibisitahin niya ang mga Hebreong Kristiyano; tinapos niya ang liham sa pagbati (13:22-25)