ANG AWIT NI SOLOMON
1 Ang awit ng mga awit,* na kay Solomon:+
2 “Halikan niya nawa ako ng mga halik ng kaniyang labi,
Dahil ang mga kapahayagan mo ng pagmamahal ay mas mabuti kaysa sa alak.+
3 Mabango ang iyong mga langis.+
Ang iyong pangalan ay gaya ng mabangong langis na ibinubuhos.+
Kaya naman iniibig ka ng mga dalaga.
4 Isama mo ako;* tumakbo tayo.
Dinala ako ng hari sa mga silid niya!
Magalak tayo at magsaya.
Itanghal* natin ang iyong mga kapahayagan ng pagmamahal nang higit kaysa sa alak.
Hindi kataka-takang mahalin ka nila.*
5 Maitim ako, pero maganda, O mga anak na babae ng Jerusalem,
Gaya ng mga tolda ng Kedar,+ gaya ng mga telang pantolda+ ni Solomon.
6 Huwag ninyo akong tingnan dahil maitim ako;
Nasunog kasi ako sa araw.
Nagalit sa akin ang mga kapatid kong lalaki;
Ginawa nila akong tagapag-alaga ng mga ubasan,
Samantalang hindi ko naaalagaan ang sarili kong ubasan.
7 Sabihin mo sa akin, ikaw na mahal na mahal ko,
Kung saan mo pinapastulan ang iyong kawan,+
Kung saan mo ito pinahihiga sa katanghaliang-tapat.
Bakit ba ako magiging gaya ng babaeng nakabelo*
Sa gitna ng mga kawan ng iyong mga kasamahan?”
8 “Kung hindi mo alam, O pinakamaganda sa mga babae,
Sundan mo ang bakas ng kawan
At pastulan mo ang iyong mga batang kambing sa tabi ng mga tolda ng mga pastol.”
9 “Ihahambing kita, mahal ko, sa babaeng kabayo ng* mga karwahe* ng Paraon.+
13 Ang sinta ko ay gaya ng isang supot ng mabangong mira+ para sa akin,
Na nagpapalipas ng gabi sa aking dibdib.
14 Ang sinta ko ay gaya ng isang kumpol ng henna*+ para sa akin,
Sa gitna ng mga ubasan ng En-gedi.”+
15 “Napakaganda mo, mahal ko.
Napakaganda mo. Ang iyong mga mata ay gaya ng sa mga kalapati.”+
16 “Napakaguwapo mo, sinta ko, at kaibig-ibig ka.+
Ang higaan natin ay ang damuhan.
2 “Gaya ng liryo sa gitna ng mga tinik
Ang mahal ko sa gitna ng mga dalaga.”
3 “Gaya ng puno ng mansanas sa gitna ng mga puno sa kagubatan
Ang mahal ko sa gitna ng mga binata.
Gustong-gusto kong umupo sa kaniyang lilim
At kainin ang matamis niyang bunga.
5 Bigyan ninyo ako ng pasas+ at mansanas
Para sumigla ako at lumakas;
Nanghihina ako dahil sa pag-ibig.
Huwag ninyong gisingin sa akin ang pag-ibig na hindi ko nararamdaman.+
8 Naririnig ko na ang mahal ko!
Parating na siya!
Umaakyat sa mga bundok, lumulukso sa mga burol.
9 Ang sinta ko ay gaya ng gasela, gaya ng batang lalaking usa.+
Hayun siya, nakatayo sa likod ng aming pader,
Nagmamasid sa mga bintana,
Tumatanaw sa pagitan ng mga sala-sala.
10 Nagsalita ang sinta ko, sinabi niya sa akin:
‘Bumangon ka, mahal kong napakaganda,
Sumama ka sa akin.
Tumigil na ang pag-ulan.
12 Tumubo na ang mga bulaklak sa lupain,+
Dumating na ang panahon ng pagtatabas,+
At naririnig na sa ating lupain ang awit ng batubato.+
13 Hinog na ang mga unang bunga ng puno ng igos;+
Namumulaklak na at nalalanghap ang bango ng mga punong ubas.
Bumangon ka, mahal kong napakaganda,
Sumama ka sa akin.
14 O kalapati ko na nasa mga puwang ng malaking bato,+
Na nasa mga uka ng bangin,
Gusto kitang makita at gusto kong marinig ang boses mo,+
Dahil maganda ka at malambing ang boses mo.’”+
15 “Hulihin ninyo ang mga asong-gubat* para sa amin,
Ang maliliit na asong-gubat na naninira ng ubasan,
Dahil namumulaklak na ang mga ubasan namin.”
16 “Ang sinta ko ay akin at ako ay kaniya.+
Nagpapastol siya+ sa gitna ng mga liryo.+
17 Bago maging mahangin* at mawala ang mga anino,
Magmadali kang bumalik, O sinta ko,
Gaya ng gasela+ o ng batang lalaking usa+ na nasa mga bundok na naghihiwalay sa atin.*
Hinanap ko siya pero hindi ko nakita.+
Hinanap ko siya pero hindi ko nakita.
3 Nakita ako ng mga bantay na lumilibot sa lunsod.+
Tinanong ko sila, ‘Nakita ba ninyo ang mahal ko?’
4 Hindi pa ako nakalalayo sa kanila,
Nakita ko na ang mahal ko.
Hinawakan ko siya at hindi binitiwan,
At dinala ko siya sa bahay ng aking ina,+
Sa tirahan* ng nagdalang-tao sa akin.
5 Sumumpa kayo, O mga anak na babae ng Jerusalem,
Sa harap ng mga gasela at babaeng usa sa parang:
Huwag ninyong gisingin sa akin ang pag-ibig na hindi ko nararamdaman.”+
6 “Ano itong dumarating mula sa ilang na gaya ng mga haliging usok,
Na napapabanguhan ng mira at olibano,
Ng lahat ng mababangong pulbos ng isang negosyante?”+
7 “Iyon ang higaan ni Solomon!
Animnapung malalakas na lalaki ang nakapalibot doon,
Mula sa malalakas na lalaki ng Israel.+
8 Silang lahat ay may espada;
Lahat ay sinanay sa pakikipagdigma;
Bawat isa ay may espada sa tagiliran
Para ingatan siya mula sa panganib kung gabi.”
9 “Iyon ang kamilya* na ginawa ni Haring Solomon para sa sarili niya,
Na gawa sa mga kahoy ng Lebanon.+
10 Ang mga haligi ay ginawa niyang yari sa pilak,
Ang mga sandalan at patungan ng kamay ay gawa sa ginto.
Ang upuan ay gawa sa purpurang* lana;
Ang loob ay pinaganda nang may pagmamahal
Ng mga anak na babae ng Jerusalem.”
11 “Lumabas kayo, O mga anak na babae ng Sion,
Tingnan ninyo si Haring Solomon
Na suot ang koronang pangkasal* na ginawa ng kaniyang ina+ para sa kaniya,
Para sa araw ng kaniyang kasal,
Para sa araw ng pagsasaya ng puso niya.”
4 “Napakaganda mo, mahal ko.
Napakaganda mo.
Ang mga mata mo sa loob ng iyong belo ay gaya ng sa mga kalapati.
Ang buhok mo ay gaya ng kawan ng kambing
Na bumababa mula sa mga bundok ng Gilead.+
2 Ang iyong mga ngipin ay gaya ng kawan ng tupa
Na bagong gupit at bagong ligo;
Lahat ay may kakambal
At walang isa man ang nawawala.
3 Ang mga labi mo ay gaya ng pulang sinulid,
At kaakit-akit ang iyong pananalita.
4 Ang iyong leeg+ ay gaya ng tore ni David,+
Na gawa sa patong-patong na mga bato
At sinasabitan ng sanlibong kalasag,
Ang lahat ng bilog na kalasag ng malalakas na lalaki.+
6 “Bago maging mahangin* at mawala ang mga anino,
Pupunta ako sa bundok ng mira
At sa burol ng olibano.”+
Bumaba ka mula sa taluktok ng Amanah,*
Mula sa taluktok ng Senir, ang taluktok ng Hermon,+
Mula sa lungga ng leon, mula sa mga bundok ng mga leopardo.
9 Nabihag mo ang puso ko,+ kapatid ko, kasintahan ko,
Nabihag mo ang puso ko sa isang sulyap mo lang,
Sa palawit lang ng iyong kuwintas.
10 Kay sarap ng mga kapahayagan ng pagmamahal mo,+ kapatid ko, kasintahan ko!
Mas gusto ko pa ang mga kapahayagan mo ng pagmamahal kaysa sa alak+
At ang mabangong langis na ginagamit mo kaysa sa anumang pabango!+
11 Kasintahan ko, mula sa mga labi mo ay tumutulo ang purong pulot-pukyutan.+
Pulot-pukyutan at gatas ang nasa ilalim ng iyong dila,+
At ang damit mo ay kasimbango ng Lebanon.
12 Ang kapatid ko, ang kasintahan ko, ay gaya ng isang nakakandadong hardin,
Isang nakakandadong hardin, isang bukal na natatakpan.
13 Ang iyong mga sanga* ay isang hardin* ng mga granada,
Na may pinakapiling mga bunga, na may kasamang henna at mga halamang nardo,
14 Nardo+ at safron, kania*+ at kanela,*+
Na may iba’t ibang uri ng punong olibano, mira at aloe,+
Kasama ng lahat ng pinakamababangong halaman.+
15 Ikaw ay isang bukal sa hardin, isang balon ng sariwang tubig,
At isang batis na umaagos mula sa Lebanon.+
16 Gumising ka, O hanging hilaga;
Pumasok ka, O hanging timog.
Humihip kayo* sa aking hardin.
Ikalat ninyo ang halimuyak nito.”
“Pumasok sana ang sinta ko sa kaniyang hardin
At kumain ng pinakapiling mga bunga nito.”
Nanguha na ako ng mira at mabangong halaman.+
Kumain na ako ng bahay-pukyutan at pulot-pukyutan;
Ininom ko na ang aking alak at gatas.”+
“Kumain kayo, mahal naming mga kaibigan!
Uminom kayo at malasing sa mga kapahayagan ng pagmamahal!”+
2 “Tulóg ako, pero gisíng ang puso ko.+
Naririnig kong kumakatok ang sinta ko!
‘Pagbuksan mo ako, O kapatid ko, mahal ko,
Kalapati kong walang kapintasan!
Dahil basa ng hamog ang ulo ko;
Basa ng hamog sa gabi ang buhok ko.’+
3 Hinubad ko na ang mahabang damit ko.
Isusuot ko pa ba itong muli?
Naghugas na ako ng paa.
Durumhan ko ba ulit iyon?
5 Bumangon ako para pagbuksan ang sinta ko;
Hinawakan ng mga kamay
At daliri kong may langis na mira
Ang hawakan ng trangka.
6 Pinagbuksan ko ang sinta ko,
Pero umalis na ang sinta ko; wala na siya.
Lungkot na lungkot ako nang umalis siya.
Hinanap ko siya pero hindi ko nakita.+
Tinawag ko siya, pero hindi siya sumagot.
7 Nakita ako ng mga bantay na naglilibot sa lunsod.
Sinaktan nila ako at sinugatan.
Kinuha ng mga bantay* ang balabal* ko.
8 Sumumpa kayo, O mga anak na babae ng Jerusalem:
Kung makita ninyo ang sinta ko,
Sabihin ninyo sa kaniya na nanghihina ako dahil sa pag-ibig.”
9 “Bakit mo nasabing nakahihigit sa iba ang iyong sinta,
Ikaw na pinakamagandang babae?
Bakit mo nasabing nakahihigit sa iba ang iyong sinta
At kailangan mo pa kaming pasumpain?”
10 “Ang mahal ko ay guwapo at mamula-mula;
Angat siya sa sampung libong tao.
11 Ang ulo niya ay ginto, pinakamagandang klase ng ginto.
Ang buhok niya ay gaya ng mga dahon ng palma* na hinihipan ng hangin;
Kasing-itim ito ng uwak.
12 Ang mga mata niya ay gaya ng mga kalapati sa tabi ng dumadaloy na tubig,
Na naliligo sa gatas
At nakaupo sa tabi ng umaapaw na imbakan ng tubig.*
Ang mga labi niya ay mga liryo,* na tinutuluan ng langis na mira.+
14 Ang mga kamay niya ay mga silindrong ginto, na may crisolito.
Ang tiyan niya ay pinakintab na garing* na punô ng safiro.
15 Ang mga binti niya ay mga haliging marmol na nasa tuntungang ginto.*
Ang hitsura niya ay gaya ng Lebanon; matangkad siya gaya ng mga sedro.+
Iyan ang sinta ko, ang mahal ko, O mga anak na babae ng Jerusalem.”
6 “Nasaan ang sinta mo,
O pinakamagandang babae?
Saan nagpunta ang sinta mo?
Sasamahan ka namin sa paghanap sa kaniya.”
2 “Pumunta ang sinta ko sa hardin niya,
Sa mga taniman ng mababangong halaman,
Para magpastol sa gitna ng mga hardin
Nagpapastol siya sa gitna ng mga liryo.”+
4 “Kasingganda ka ng Tirza,*+ mahal ko,+
Kaibig-ibig na gaya ng Jerusalem,+
Makapigil-hiningang gaya ng mga hukbong nakapalibot sa mga watawat nila.+
Ang buhok mo ay gaya ng kawan ng mga kambing
Na bumababa sa mga dalisdis ng Gilead.+
6 Ang iyong mga ngipin ay gaya ng kawan ng tupa
Na bagong ligo;
Lahat ay may kakambal,
At walang isa man ang nawawala.
9 Iisa lang ang kalapati kong+ walang kapintasan.
Siya ang pinakaespesyal na anak para sa kaniyang ina,
Ang paborito ng* nagsilang sa kaniya.
Nakita siya ng mga dalaga at sinabing maligaya siya;
Nakita siya ng mga reyna at pangalawahing asawa, at pinuri nila siya.
10 ‘Sino ang babaeng ito na kaakit-akit* gaya ng bukang-liwayway,
Kasingganda ng kabilugan ng buwan,
Kasindalisay ng sinag ng araw,
At makapigil-hiningang gaya ng mga hukbong nakapalibot sa mga watawat nila?’”+
11 “Pumunta ako sa hardin ng mga puno ng nogales*+
Para makita ang mga bagong usbong sa lambak,*
Kung sumibol* na ang punong ubas,
Kung namulaklak na ang mga puno ng granada.
12 Dahil sa kagustuhan kong iyon,
Hindi ko namalayang napunta na ako
Sa mga karwahe ng aking mabubuting kababayan.”*
13 “Bumalik ka, bumalik ka, O Shulamita!
Bumalik ka, bumalik ka,
Para matingnan ka namin!”
“Ano ba ang nakikita ninyo sa Shulamita?”+
“Gaya siya ng sayaw ng Mahanaim!”*
7 “Napakaganda ng mga paa mo sa iyong mga sandalyas,
O kapuri-puring dalaga!
Ang hugis ng mga hita mo ay gaya ng mga palamuti
Na gawa ng dalubhasang manggagawa.
2 Ang pusod mo ay isang bilog na mangkok.
Huwag nawa itong maubusan ng tinimplahang alak.
Ang tiyan mo ay isang bunton ng trigo,
Na napapalibutan ng mga liryo.*
4 Ang leeg mo+ ay gaya ng toreng garing.*+
Ang mga mata mo+ ay gaya ng mga imbakan ng tubig sa Hesbon,+
Na nasa tabi ng pintuang-daan ng Bat-rabim.
Ang ilong mo ay gaya ng tore ng Lebanon,
Na nakatanaw sa Damasco.
Ang hari ay nabighani sa* nakalugay mong buhok.
6 Napakaganda mo, at talagang kaakit-akit ka;
O mahal kong babae, walang katulad ang ibinibigay mong saya!
8 Sinabi ko, ‘Aakyat ako sa puno ng palma
Para mahawakan ang mga kumpol ng bunga nito.’
Ang dibdib* mo ay maging gaya nawa ng mga kumpol ng ubas,
At ang hininga mo ay maging kasimbango ng mansanas,
9 At ang bibig* mo ay maging gaya ng pinakamagandang klase ng alak.”
“Humagod nawa ito nang suwabe para sa sinta ko
At unti-unting dumampi sa mga labi ng natutulog.
12 Bumangon tayo nang maaga at magpunta sa mga ubasan
Para tingnan kung sumibol* na ang punong ubas,
Kung namukadkad na ang mga bulaklak,+
Doon ko ipapakita ang pagmamahal ko sa iyo.+
13 Nalalanghap na ang bango ng mga mandragoras;+
Nasa mga pintuan natin ang iba’t ibang klase ng piling mga bunga.+
Ang mga bagong-pitas at mga pinatuyo*
Ay itinabi ko para sa iyo, O sinta ko.
8 “Kung gaya ka lang sana ng kapatid ko,
Na sumuso sa dibdib ng aking ina,
Mahahalikan kita+ kapag nakita kita sa labas,
At walang kukutya sa akin.
Paiinumin kita ng tinimplahang alak,
Ng sariwang katas ng mga granada.*
4 Sumumpa kayo, O mga anak na babae ng Jerusalem:
Huwag ninyong gisingin sa akin ang pag-ibig na hindi ko nararamdaman.”+
5 “Sino ang babaeng ito na paparating mula sa ilang,
Na nakahilig sa kaniyang sinta?”
“Ginising kita sa ilalim ng puno ng mansanas.
Doon humilab ang tiyan ng iyong ina;
Doon nahirapan sa panganganak ang nagsilang sa iyo.
6 Itatak mo ako* sa iyong puso
At sa iyong bisig,
Dahil ang pag-ibig ay sinlakas ng kamatayan,+
At ang bukod-tanging debosyon ay hindi nagpapadaig gaya ng Libingan.*
Ang mga lagablab nito ay lagablab ng apoy, ang liyab ni Jah.*+
Kung iaalok ng isang lalaki ang lahat ng kayamanan sa bahay niya para ibigin siya,
Hahamakin ito* ng mga tao.”
Ano ang gagawin natin sa kaniya
Kapag may gusto nang kumuha sa kaniya bilang asawa?”
9 “Kung isa siyang pader,
Papalibutan natin ng pilak ang tuktok niya,
Pero kung isa siyang pinto,
Haharangan natin siya ng tablang sedro.”
10 “Isa akong pader,
At ang dibdib ko ay gaya ng mga tore.
Kaya ang tingin niya sa akin
Ay isang babaeng panatag.
11 May ubasan si Solomon+ sa Baal-hamon.
Ipinagkatiwala niya ang ubasan sa mga tagapag-alaga.
Bawat isa ay nagbibigay ng isang libong pirasong pilak para sa mga bunga nito.
12 May sarili akong ubasan, at akin lang iyon.
Kaya sa iyo na ang sanlibong pirasong pilak,* O Solomon,
At ang dalawang daan ay sa mga nag-aalaga sa mga bunga nito.”
Iparinig mo iyon sa akin.”+
14 “Magmadali ka, sinta ko,
At maging kasimbilis ka ng gasela+
O ng batang lalaking usa
Sa mga bundok ng mababangong halaman.”
O “Ang pinakamagandang awit.”
Lit., “Pasunurin mo ako sa iyo.”
O “Alalahanin.”
Mga dalaga.
O “babaeng may suot na belo ng pagdadalamhati.”
O “babaeng kabayo ko na humihila sa.”
O “karo.”
O posibleng “ang mga tirintas ng buhok.”
O “palamuting pabilog.”
Lit., “nardo.”
O “isang mabangong halaman.”
O “napakagandang bahay.”
Isang uri ng bulaklak.
Lit., “baybaying kapatagan.”
Isang uri ng bulaklak.
Lit., “sa bahay ng alak.”
O “tag-ulan.”
Sa Ingles, fox.
Lit., “huminga ang araw.”
O posibleng “mga bundok na may uka.” O “mga bundok ng Beter.”
O “plaza.”
O “loobang silid.”
Higaan o upuan na may tabing at ginagamit para buhatin ang isang prominenteng tao.
O “kulay-ubeng.”
Malamang na tumutukoy ito sa koronang gawa sa mga bulaklak o dahon.
O “sentido.”
Tingnan sa Glosari.
O “dalawang suso.”
Isang hayop na parang usa.
Isang uri ng bulaklak.
Lit., “huminga ang araw.”
O “Anti-Lebanon.”
O posibleng “iyong balat.”
O “paraiso.”
Mabangong halaman.
Sa Ingles, cinnamon.
O “Humihip kayo nang banayad.”
Lit., “butas.”
O “bantay sa mga pader.”
O “belo.”
O posibleng “mga kumpol ng datiles.”
O posibleng “sa gilid ng bukal.”
Isang uri ng bulaklak.
Sa Ingles, ivory.
O “tuntungang yari sa pinakamagandang klase ng ginto.”
Lit., “Ang ngalangala.”
Isang uri ng bulaklak.
O “Kaiga-igayang Lunsod.”
O “sentido.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “Ang isa na dalisay para sa.”
Lit., “nakadungaw.”
Sa Ingles, nut.
O “wadi.”
O “namulaklak.”
O “aking mga kababayang naglilingkod nang kusang-loob.” O posibleng “aking mga tagapamahala.”
O “sayaw ng dalawang grupo ng mga tao.”
Isang uri ng bulaklak.
O “dalawang suso.”
Isang hayop na parang usa.
Sa Ingles, ivory.
Lit., “ulo.”
O “nabihag ng.”
O “mga suso.”
O “mga suso.”
Lit., “ngalangala.”
O “namulaklak.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “luma.”
Tingnan sa Glosari.
O “Ilagay mo ako bilang tatak.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O posibleng “siya.”
O “mga suso.”
Lit., “ang sanlibo.”
O posibleng “mo.”