MIKAS
1 Ang mensahe ni Jehova na dumating kay Mikas*+ ng Moreset noong panahon ng mga hari ng Juda+ na sina Jotam,+ Ahaz,+ at Hezekias+ at nakita niya sa pangitain may kinalaman sa Samaria at Jerusalem:
2 “Pakinggan ninyo ito, lahat ng bayan!
Magbigay-pansin ka, O lupa at ang lahat ng nasa iyo,
At maging saksi nawa laban sa inyo ang Kataas-taasang Panginoong Jehova+
—Si Jehova mula sa kaniyang banal na templo.
3 Dahil si Jehova ay lalabas mula sa kinaroroonan niya;
Bababa siya at tatapak sa matataas na lugar sa lupa.
4 Ang mga bundok ay matutunaw sa ilalim niya,+
At ang mga lambak* ay mabibiyak
Gaya ng pagkit* sa harap ng apoy,
Gaya ng tubig na ibinubuhos sa matarik na dalisdis.
5 Nangyari ang lahat ng ito dahil sa paghihimagsik ng Jacob,
Dahil sa mga kasalanan ng sambahayan ng Israel.+
Sino ang dapat sisihin sa paghihimagsik ng Jacob?
Hindi ba’t ang Samaria?+
At sino ang dapat sisihin sa matataas na lugar ng Juda?+
Hindi ba’t ang Jerusalem?
6 Ang Samaria ay gagawin kong isang wasak na lunsod,
Isang taniman ng ubas;
Ihahagis* ko ang mga bato niya pababa sa lambak,
At ilalantad ko ang mga pundasyon niya.
7 Ang lahat ng kaniyang inukit na imahen ay pagdudurog-durugin,+
At ang lahat ng regalong ibinigay sa kaniya kapalit ng pagpapagamit ng kaniyang sarili* ay susunugin.+
Wawasakin ko ang lahat ng kaniyang idolo.
Dahil nakuha niya ang mga iyon mula sa kinita niya sa prostitusyon,
At ngayon, magiging kita naman iyon ng ibang babaeng bayaran.”
Hahagulgol akong gaya ng mga chakal,
At magdadalamhating gaya ng mga avestruz.*
Ang salot ay kumalat na hanggang sa pintuang-daan ng aking bayan, sa Jerusalem.+
10 “Huwag ninyo itong ibalita sa Gat;
Huwag kayong tumangis.
Sa Bet-apra* ay gumulong kayo sa alabok.
11 Tumawid kayong nakahubad at kahiya-hiya, O mga taga-Sapir.
Ang mga taga-Zaanan ay hindi lumalabas.
Maririnig ang mga hagulgol sa Bet-ezel, at hindi na kayo tutulungan nito.
12 Dahil mabuti ang hinihintay ng mga taga-Marot,
Pero masama ang pinasapit ni Jehova sa pintuang-daan ng Jerusalem.
13 Ikabit ninyo ang karwahe* sa mga kabayo, O mga taga-Lakis.+
Sa iyo nagsimula ang kasalanan ng anak na babae ng Sion,
Dahil naghimagsik ito gaya ng Israel.+
14 Kaya magbibigay ka* ng kaloob bilang pamamaalam sa Moreset-gat.
Ang mga bahay ng Aczib+ ay mapandaya sa mga hari ng Israel.
15 Ang mananakop* ay dadalhin ko pa sa inyo,+ O mga taga-Maresa.+
Hanggang sa Adulam+ ay darating ang kaluwalhatian ng Israel.
16 Kalbuhin ninyo ang inyong sarili at ahitin ang inyong buhok para sa inyong minamahal na mga anak.
Kalbuhin ninyo ang inyong sarili na gaya ng agila,
Dahil kinuha sila sa inyo at ipinatapon.”+
2 “Kaawa-awa ang mga may masamang balak,
Na nagpaplano ng kasamaan habang nasa kanilang higaan!
Sa pagsikat ng araw ay ginagawa nila iyon,
Dahil kayang-kaya nilang gawin iyon.+
2 Kapag gusto nila ang isang bukid, inaagaw nila iyon,+
Kapag nagustuhan nila ang isang bahay, kinukuha nila iyon;
Nandaraya sila para makuha ang bahay ng isang tao,+
At makuha ang mana nito.
3 Kaya ito ang sinabi ni Jehova:
‘May inihahanda akong kapahamakan laban sa inyo+ na hindi ninyo matatakasan.*+
Hindi na kayo lalakad nang may kayabangan,+ dahil panahon iyon ng kapahamakan.+
4 Sa araw na iyon, ang mga tao ay bibigkas ng isang kasabihan tungkol sa inyo,
At magdadalamhati sila nang husto dahil sa inyo.+
Sasabihin nila: “Lubusan kaming nawasak!+
Kinuha niya ang parte ng aming bayan at ibinigay sa iba!+
Sa di-tapat ay ibinigay niya ang aming mga bukid.”
5 Kaya walang sinuman sa kongregasyon ni Jehova ang mag-uunat ng tali
Para sukatin ang lupaing pinaghati-hatian sa pamamagitan ng palabunutan.
6 “Huwag kayong mangaral,” ang ipinangangaral nila,
“Hindi nila dapat ipangaral ang mga bagay na ito;
Hindi kami malalagay sa kahihiyan!”
7 O sambahayan ni Jacob, sinasabi ba ng mga tao:
“Naubos na ba ang pasensiya ni Jehova?
Siya ba ang gumawa ng mga ito?”
Hindi ba ang mga salita ko ay para sa kabutihan ng mga namumuhay nang matuwid?
8 Pero nitong huli, ang sarili kong bayan ay naging isang kaaway.
Harap-harapan ninyong kinukuha ang magandang palamuti kasama ng* damit
Mula sa mga taong dumadaan nang panatag, gaya ng mga umuuwi mula sa digmaan.
9 Pinalalayas ninyo ang mga babae ng aking bayan mula sa kanilang komportableng tirahan;
Inalis ninyo ang aking kaluwalhatian mula sa kanilang mga anak magpakailanman.
10 Tumayo kayo at umalis, dahil hindi na kayo magiging panatag dito.
Dahil sa karumihan,+ dumating ang pagkapuksa, isang nakapipighating pagkapuksa.+
11 Kapag ang isang tao ay sumusunod sa hangin at kabulaanan at nagsasabi ng kasinungalingang ito:
“Pangangaralan ko kayo tungkol sa alak at inuming nakalalasing,”
Siya ang mángangarál na nababagay sa bayang ito!+
12 Tiyak na titipunin ko kayong lahat, O Jacob;
Talagang pagsasama-samahin ko ang mga natira sa Israel.+
Pagkakaisahin ko sila, gaya ng mga tupa sa kulungan,
Gaya ng isang kawan sa pastulan nito;+
Magiging maingay ito dahil sa mga tao.’+
13 Ang magbubukas ng daan ay mauuna sa kanila;
Makalalaya sila at dadaan sa pintuang-daan at lalabas mula roon.+
Ang hari nila ay mauuna sa kanila,
At si Jehova ang mangunguna sa kanila.”+
3 Sinabi ko: “Makinig kayo, pakisuyo, kayong mga ulo ng sambahayan ni Jacob
At kayong mga pinuno ng sambahayan ng Israel.+
Hindi ba dapat ay alam ninyo kung ano ang makatarungan?
2 Pero napopoot kayo sa mabuti+ at iniibig ninyo ang masama;+
Binabalatan ninyo ang bayan ko at inaalis ang laman mula sa mga buto nila.+
3 Kinakain din ninyo ang laman ng aking bayan+
At binabalatan sila,
Binabasag ang kanilang mga buto, dinudurog ang mga ito,+
Gaya ng nasa lutuan,* gaya ng karne sa isang lutuan.
4 Sa panahong iyon, hihingi sila ng saklolo kay Jehova,
Pero hindi niya sila sasagutin.
Itatago niya ang kaniyang mukha mula sa kanila sa panahong iyon,+
Dahil sa masasamang ginagawa nila.+
5 Ito ang sinabi ni Jehova laban sa mga propetang nagliligaw sa aking bayan,+
Na sumisigaw ng ‘Kapayapaan!’+ kapag may mangunguya* ang mga ngipin nila+
Pero nagdedeklara* ng digmaan laban sa hindi nagsusubo ng anuman sa bibig nila:
6 ‘Sasapit ang gabi,+ pero hindi kayo magkakaroon ng pangitain;+
Puro kadiliman lang ang makikita ninyo, at hindi kayo makapanghuhula.
Lulubugan ng araw ang mga propeta,
At ang araw ay magdidilim sa kanila.+
Tatakpan nilang lahat ang kanilang bigote,*
Dahil walang sagot mula sa Diyos.’”
8 Ako naman ay punô ng kapangyarihan sa pamamagitan ng espiritu ni Jehova,
At ng katarungan at kalakasan,
Para sabihin sa Jacob ang paghihimagsik niya at sa Israel ang kasalanan niya.
9 Pakinggan ninyo ito, pakisuyo, kayong mga ulo ng sambahayan ni Jacob
At kayong mga pinuno ng sambahayan ng Israel,+
Na nasusuklam sa katarungan at bumabaluktot sa lahat ng tuwid,+
10 Na nagtatayo sa Sion sa pamamagitan ng pagpatay at sa Jerusalem sa pamamagitan ng kasamaan.+
11 Ang mga lider* niya ay humahatol dahil sa suhol,+
Ang mga saserdote niya ay nagtuturo nang may bayad,+
Pero umaasa sila kay Jehova* at nagsasabi:
“Hindi ba’t nasa panig natin si Jehova?+
Hindi tayo mapapahamak.”+
12 Kaya dahil sa inyo,
Ang Sion ay aararuhing gaya ng isang bukid,
Ang Jerusalem ay magiging mga bunton ng guho,+
At ang bundok ng Bahay* ay magiging gaya ng matataas na lugar sa kagubatan.*+
4 Sa huling bahagi ng mga araw,*
Ang bundok ng bahay ni Jehova+
Ay itatatag nang matibay at mas mataas pa sa tuktok ng mga bundok,
At iyon ay gagawing mas mataas pa sa mga burol,
At dadagsa roon ang mga bayan.+
2 At maraming bansa ang magpupunta roon at magsasabi:
“Halikayo, umakyat tayo sa bundok ni Jehova
At sa bahay ng Diyos ni Jacob.+
Tuturuan niya tayo tungkol sa kaniyang mga daan,
At lalakad tayo sa kaniyang mga landas.”
Dahil ang kautusan* ay lalabas mula sa Sion,
At ang salita ni Jehova mula sa Jerusalem.
3 Siya ay hahatol sa maraming bayan+
At magtutuwid ng mga bagay-bagay may kinalaman sa malalakas na bansa sa malayo.
Pupukpukin nila ang kanilang mga espada para gawin itong araro*
At ang kanilang mga sibat para gawin itong karit.+
Walang bansa na magtataas ng espada laban sa ibang bansa,
At hindi na rin sila mag-aaral ng pakikipagdigma.+
4 Uupo* ang bawat isa sa kanila sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos,+
At walang sinumang tatakot sa kanila,+
Dahil si Jehova ng mga hukbo ang nagsabi nito.
5 Dahil ang lahat ng bayan ay susunod sa* kanilang diyos,
Pero tayo ay susunod kay* Jehova na ating Diyos+ magpakailanman.
6 “Sa araw na iyon,” ang sabi ni Jehova,
“Titipunin ko ang bayang iika-ika,
At titipunin ko ang bayang nangalat,+
Kasama ng mga pinighati ko.
7 May ititira ako mula sa bayang iika-ika,+
At ang dinala sa malayo ay gagawin kong malakas na bansa;+
At si Jehova ay mamamahala sa kanila sa Bundok Sion bilang hari,
Ngayon at magpakailanman.
8 At ikaw, O toreng nagbabantay sa kawan,
Ang burol ng anak na babae ng Sion,+
Babalik iyon sa iyo, oo, ang unang* pamamahala ay babalik sa iyo,+
Ang kahariang pag-aari ng anak na babae ng Jerusalem.+
9 Ngayon ay bakit ka humihiyaw?
Wala ka bang hari,
O wala na ba ang tagapayo mo,
Kaya dumaranas ka ng matinding kirot gaya ng isang babaeng nanganganak?+
10 Mamilipit ka sa sakit at dumaing, O anak na babae ng Sion,
Gaya ng babaeng nanganganak,
Dahil mula ngayon ay aalis ka sa lunsod at titira sa parang.
Makakarating ka hanggang sa Babilonya,+
At doon ay ililigtas ka;+
Doon ay tutubusin ka ni Jehova mula sa kamay ng mga kaaway mo.+
11 Ngayon ay maraming bansa ang magtitipon laban sa iyo;
Sasabihin nila, ‘Hayaan natin siyang malapastangan,
At panoorin natin ang mangyayaring ito sa Sion.’
12 Pero hindi nila alam ang kaisipan ni Jehova,
Hindi nila naiintindihan ang layunin niya;
Dahil titipunin niya silang gaya ng isang hanay ng bagong-gapas na uhay para dalhin sa giikan.
13 Tumayo ka at maggiik, O anak na babae ng Sion;+
Dahil ang iyong sungay ay gagawin kong bakal,
At ang iyong mga kuko ay gagawin kong tanso,
At dudurugin mo ang maraming bayan.+
Ibibigay mo kay Jehova ang mga bagay na nakuha nila sa pandaraya,
At ang yaman nila ay ibibigay mo sa tunay na Panginoon ng buong lupa.”+
5 “Ngayon ay hinihiwa mo ang iyong sarili,
O anak na babae na sinasalakay;
Pinapalibutan tayo ng kaaway.+
Hinampas nila ng tungkod ang pisngi ng hukom ng Israel.+
2 At ikaw, O Betlehem Eprata,+
Na napakaliit para mapabilang sa mga angkan* ng Juda,
Sa iyo magmumula ang magiging tagapamahala sa Israel,+
Na ang pinanggalingan ay mula noong unang panahon, mula noong napakatagal nang panahon.
3 Kaya pababayaan niya sila
Hanggang sa panahon na ang manganganak ay makapanganak na.
At ang iba pang mga kapatid niya ay babalik sa bayang Israel.
4 Siya ay tatayo at magpapastol sa tulong ng lakas ni Jehova,+
Sa kadakilaan ng pangalan ni Jehova na kaniyang Diyos.
5 At magdadala siya ng kapayapaan.+
Kapag sinalakay ng Asiryano ang ating lupain at winasak ang ating matitibay na tore,+
Mag-aatas tayo laban dito ng pitong pastol, oo, walong lider mula sa mga tao.
6 Papastulan nila ang lupain ng Asirya gamit ang espada,+
At ang lupain ni Nimrod+ sa mga pasukan nito.
At ililigtas niya tayo mula sa Asiryano,+
Kapag sinalakay nito ang ating lupain at winasak ang ating teritoryo.
7 Ang mga natitira sa sambahayan ni Jacob ay mapapasagitna ng maraming bayan
Gaya ng hamog mula kay Jehova,
Gaya ng ulan sa mga pananim
Na hindi umaasa sa tao
O naghihintay sa mga anak ng tao.
8 Ang mga natitira sa sambahayan ni Jacob ay mapapasagitna ng mga bansa,
Sa gitna ng maraming bayan,
Gaya ng isang leon sa gitna ng mga hayop sa gubat,
Gaya ng isang leon sa gitna ng mga kawan ng tupa,
Na dumadaan at umaatake at nanluluray;
At walang magliligtas sa kanila.
9 Ang iyong kamay ay itataas dahil nagtagumpay ka laban sa mga kaaway mo,
At ang lahat ng kalaban mo ay mapupuksa.”
10 “Sa araw na iyon,” ang sabi ni Jehova,
“Lilipulin ko ang iyong mga kabayo at wawasakin ko ang iyong mga karwahe.
11 Wawasakin ko ang mga lunsod sa iyong lupain
At gigibain ko ang lahat ng iyong tanggulan.
13 Wawasakin ko ang iyong mga inukit na imahen at ang iyong mga haligi,
At hindi ka na yuyukod sa gawa ng iyong mga kamay.+
15 Sa galit at poot ko, maghihiganti ako
Sa mga bansang hindi sumusunod.”
6 Pakisuyo, pakinggan ninyo ang sinasabi ni Jehova.
2 Pakinggan ninyo, O mga bundok, ang kaso ni Jehova,
Kayong matitibay na pundasyon ng lupa,+
Dahil si Jehova ay may kaso laban sa kaniyang bayan;
Sa Israel siya makikipagtalo:+
3 “Bayan ko, ano ba ang ginawa ko sa iyo?
Paano kita pinagod?+
Tumestigo ka laban sa akin.
4 Dahil inilabas kita mula sa lupain ng Ehipto,+
Sa pagkaalipin* ay tinubos kita;+
Isinugo ko sa iyo sina Moises, Aaron, at Miriam.+
5 Bayan ko, alalahanin mo, pakisuyo, kung ano ang pinlano ni Haring Balak ng Moab,+
At kung ano ang isinagot sa kaniya ni Balaam na anak ni Beor+
—Kung ano ang nangyari mula sa Sitim+ hanggang sa Gilgal+—
Para malaman mo ang matuwid na mga gawa ni Jehova.”
6 Ano ang dadalhin ko kapag humarap ako kay Jehova?
Ano ang dadalhin ko sa pagyukod ko sa harap ng Diyos na nasa langit?
Haharap ba ako sa kaniya na may dalang mga buong handog na sinusunog,
Ibibigay ko ba ang panganay kong lalaki para sa aking pagkakamali,
Ang sarili kong anak para sa aking kasalanan?+
8 Sinabi niya sa iyo, O tao, kung ano ang mabuti.
At ano lang ang hinihiling sa iyo ni Jehova?
Ang maging makatarungan,*+ ibigin ang katapatan,*+
At maging mapagpakumbaba*+ sa paglakad na kasama ng iyong Diyos!+
9 Tumatawag si Jehova sa lunsod;
Ang mga may praktikal na karunungan ay matatakot sa pangalan mo.
Magbigay-pansin kayo sa magiging parusa sa inyo at sa magbibigay nito.*+
10 Nasa bahay pa ba ng masasama ang mga kayamanang nakuha sa kasamaan
At ang madayang takalang epa* na kasumpa-sumpa?
11 Maituturing bang malinis ang pagkatao ko* kung madaya ang mga timbangan ko
At kulang sa bigat ang mga batong panimbang na nasa supot ko?+
12 Dahil ang kaniyang mayayaman ay napakarahas,
At ang mga nakatira sa kaniya ay nagsasalita ng kasinungalingan;+
Ang kanilang dila ay mapandaya.+
Ang kinuha mo ay hindi mo madadala nang ligtas,
At kung may madala ka man, ibibigay ko iyon sa mga kaaway mo.*
15 Maghahasik ka ng binhi, pero hindi ka gagapas.
Magpipisa ka ng olibo, pero hindi mo magagamit ang langis;
At gagawa ka ng bagong alak, pero hindi ka iinom ng alak.+
16 Dahil sinusunod ninyo ang mga batas ni Omri at tinutularan ang lahat ng gawain ng sambahayan ni Ahab,+
At nakikinig kayo sa payo nila.
Kaya sa gagawin ko sa inyo ay mangingilabot ang mga tao,
At ang mga nakatira sa lunsod ay hahamakin;*+
At matitikman ninyo ang pandurusta ng mga bayan.”+
7 Kaawa-awa ako! Gaya ako ng isang taong
Pagkatapos ng pag-aani ng prutas na pantag-araw
At ng paghihimalay* na kasunod ng anihan ng ubas
Ay walang makaing kumpol ng mga ubas,
Silang lahat ay nag-aabang para pumatay.+
Hinuhuli ng bawat isa ang sarili niyang kapatid sa pamamagitan ng lambat.
3 Ang mga kamay nila ay magaling sa paggawa ng masama;+
Ang namamahala ay may hinihingi,
Ang hukom ay humihiling ng gantimpala,+
Sinasabi ng prominente ang mga gusto niya,+
At nagsasabuwatan sila.*
4 Ang pinakamabuti sa kanila ay gaya ng matinik na halaman,
Ang pinakamatuwid sa kanila ay masahol pa sa bakod na tinik.
Ang araw na sinasabi sa iyo ng iyong mga bantay, ang araw ng paghatol sa iyo, ay darating.+
Ngayon ay matataranta sila.+
Mag-ingat ka sa sinasabi mo sa kayakap mo.
6 Dahil hinahamak ng anak na lalaki ang kaniyang ama,
Ang anak na babae ay lumalaban sa kaniyang ina,+
At ang manugang na babae sa kaniyang biyenang babae;+
Ang mga kaaway ng isang tao ay ang sarili niyang pamilya.+
7 Pero patuloy akong maghihintay kay Jehova.+
Matiyaga akong maghihintay* sa Diyos na aking tagapagligtas.+
Pakikinggan ako ng aking Diyos.+
8 Huwag kang magsaya dahil sa akin, O kaaway* ko.
Bumagsak man ako, babangon ako;
Kahit nasa kadiliman ako, si Jehova ang magiging liwanag ko.
9 Ang galit ni Jehova ay titiisin ko
—Dahil nagkasala ako sa kaniya+—
Hanggang sa ipagtanggol niya ang kaso ko at bigyan niya ako ng katarungan.
Dadalhin niya ako sa liwanag;
Makikita ko ang kaniyang katuwiran.
10 Makikita rin ito ng kaaway ko,
At mababalot ng kahihiyan ang nagsasabi sa akin:
“Nasaan si Jehova na Diyos mo?”+
Titingin ako sa kaniya.
Ngayon ay tatapak-tapakan siyang gaya ng putik sa lansangan.
11 Iyon ay magiging araw ng pagtatayo ng iyong mga batong pader;
Sa araw na iyon ay lalawak ang saklaw ng hangganan.*
12 Sa araw na iyon ay pupunta sila sa iyo
Mula sa Asirya at sa mga lunsod ng Ehipto,
Mula sa Ehipto hanggang sa Ilog;*
Mula sa isang dagat hanggang sa isa pang dagat, at mula sa isang bundok hanggang sa isa pang bundok.+
14 Pastulan mo ang iyong bayan gamit ang iyong baston, ang kawan na iyong minana,+
Ang mag-isang nakatira sa kagubatan—sa gitna ng taniman.
Pakainin mo sila sa Basan at sa Gilead+ gaya noong unang panahon.
15 “Gaya noong lumabas ka sa lupain ng Ehipto,
Magpapakita ako sa kaniya ng kamangha-manghang mga bagay.+
16 Makikita ito ng mga bansa at mapapahiya sila sa kabila ng kanilang kalakasan.+
Itatakip nila ang kamay nila sa kanilang bibig;
Ang mga tainga nila ay mabibingi.
17 Hihimurin nila ang alabok gaya ng ahas;+
Gaya ng reptilya sa lupa ay lalabas silang nangangatog mula sa kanilang mga balwarte.
Haharap silang nanginginig kay Jehova na aming Diyos,
At matatakot sila sa iyo.”+
18 Sino ang Diyos na tulad mo,
Nagpapaumanhin sa kamalian at nagpapalampas ng kasalanan+ ng nalabi sa kaniyang mana?+
Hindi mananatili ang galit niya magpakailanman,
Dahil nalulugod siya sa tapat na pag-ibig.+
19 Muli niya tayong pagpapakitaan ng awa;+ dadaigin* niya ang ating mga pagkakamali.
Ihahagis mo sa kalaliman ng dagat ang lahat ng kanilang kasalanan.+
20 Magpapakita ka ng katapatan kay Jacob,
Ng tapat na pag-ibig kay Abraham,
Gaya ng ipinangako mo sa mga ninuno namin noong unang panahon.+
Pinaikling Miguel (nangangahulugang “Sino ang Gaya ng Diyos?”) o Micaias (nangangahulugang “Sino ang Gaya ni Jehova?”).
O “mababang kapatagan.”
Sa Ingles, wax.
Lit., “Ibubuhos.”
O “At ang lahat ng kinita niya sa prostitusyon.”
Sa Ingles, ostrich.
O “bahay ng Apra.”
O “karo.”
Anak na babae ng Sion.
O “tagapagtaboy.”
Lit., “na mula rito ay hindi ninyo maiaalis ang leeg ninyo.”
O posibleng “mula sa.”
O “lutuan na maluwang ang bibig.”
O posibleng “habang kumakagat.”
Lit., “nagpapabanal.”
O “bibig.”
Lit., “ulo.”
O “pilak.”
O “sinasabi nilang umaasa sila kay Jehova.”
O “templo.”
O “gaya ng magubat na mga bundok.”
O “Sa mga huling araw.”
O “tagubilin.”
Lit., “talim ng araro.”
O “Maninirahan.”
Lit., “lalakad sa pangalan ng.”
Lit., “ay lalakad sa pangalan ni.”
O “dating.”
Lit., “sa libo-libo.”
O “panggagaway.” Tingnan sa Glosari.
Tingnan sa Glosari.
O “ang usapin mo sa batas.”
Lit., “Sa bahay ng mga alipin.”
O “batang baka.”
O “patas.”
O “maging mabait at tapat sa iyong pag-ibig.” Lit., “ibigin ang tapat na pag-ibig.”
O “At kilalanin ang limitasyon mo.”
O “Magbigay-pansin kayo sa pamalo at sa nag-atas dito.”
Tingnan ang Ap. B14.
O “Maituturing ba akong walang-sala.”
Lit., “sa espada.”
Lit., “sisipulan.”
Tingnan sa Glosari.
O “unang aning.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “hinahabi nila itong magkakasama.”
O “Magpapakita ako ng mapaghintay na saloobin.”
Sa Hebreo, ang salita para sa “kaaway” ay nasa kasariang pambabae.
O posibleng “ay magiging malayo ang batas.”
Eufrates.
Lit., “Dahil sa bunga ng mga gawa nila.”
O “tatapakan.”