NAHUM
1 Isang mensahe laban sa Nineve:+ Ang aklat ng pangitain ni Nahum* na Elkosita:
2 Si Jehova ay Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon,*+ at naghihiganti siya;
Si Jehova ay naghihiganti at handang magpakita ng galit.+
Si Jehova ay naghihiganti sa mga kalaban niya,
At nananatili siyang galit sa mga kaaway niya.
3 Si Jehova ay hindi madaling magalit+ at napakamakapangyarihan,+
Pero si Jehova ay hindi mag-uurong ng nararapat na parusa.+
Sa pagdaan niya, nagkaroon ng mapaminsalang hangin at bagyo,
At ang mga ulap ay gaya ng alabok sa ilalim ng mga paa niya.+
Ang Basan at ang Carmel ay nalalanta,+
At ang mga bulaklak ng Lebanon ay nalalanta.
Ang mundo ay mayayanig dahil sa mukha niya,
Ang lupa at ang lahat ng nakatira dito.+
6 Sino ang makatatagal sa poot niya?+
At sino ang makatatagal sa init ng galit niya?+
Ang galit niya ay ibubuhos na parang apoy,
At ang mga bato ay madudurog dahil sa kaniya.
7 Si Jehova ay mabuti,+ isang moog sa panahon ng pagdurusa.+
Iniisip* niya ang mga nanganganlong sa kaniya.+
8 Sa pamamagitan ng malaking baha ay lubusan niyang wawasakin ang lugar nito,*
At hahabulin ng kadiliman ang mga kaaway niya.
9 Ano ang paplanuhin ninyo laban kay Jehova?
Siya ay lumilipol nang lubusan.
Hindi na magkakaroon ng paghihirap sa ikalawang pagkakataon.+
10 Sala-salabid silang gaya ng matitinik na halaman,
At gaya sila ng mga lasing sa serbesa;*
Pero matutupok silang gaya ng tuyong pinaggapasan.
11 Mula sa iyo ay may isang lalabas na nagpaplano ng masama laban kay Jehova
At nagbibigay ng walang-kabuluhang payo.
12 Ito ang sinasabi ni Jehova:
“Kahit napakalakas nila at napakarami,
Puputulin sila at maglalaho.*
Pinarusahan kita,* pero hindi na kita paparusahan pa.
13 At ngayon ay babaliin ko ang pamatok na inilagay niya sa iyo,+
At ang mga gapos mo ay puputulin ko.
Wawasakin ko ang mga inukit na imahen at ang mga metal na estatuwa mula sa bahay* ng mga diyos mo.
Gagawan kita ng libingan, dahil kasuklam-suklam ka.’
Ipagdiwang mo ang iyong mga kapistahan,+ O Juda, tuparin mo ang iyong mga panata,
Dahil ang walang kabuluhan ay hindi na muling dadaan sa iyo.
Lubusan siyang lilipulin.”
2 Ang nagpapangalat ay dumating para salakayin ka.*+
Bantayan ninyo ang matitibay na pader.
Bantayan ninyo ang daan.
Maghanda kayo* at magpakalakas.
2 Dahil ibabalik ni Jehova ang kaluwalhatian ng Jacob,
Pati ang kaluwalhatian ng Israel,
Dahil winasak sila ng mga nangwawasak;+
At ang mga supang nila ay sinira ng mga ito.
3 Ang kalasag ng kaniyang malalakas na lalaki ay kinulayan ng pula,
Pulang-pula ang damit ng mga mandirigma niya.
Ang mga bakal na nakakabit sa kaniyang mga karwaheng* pandigma ay nagliliwanag na parang apoy
Sa araw na naghahanda siya para sa digmaan,
At ang mga sibat na yari sa kahoy na enebro ay iwinawasiwas.
4 Ang mga karwaheng pandigma ay humahagibis sa mga lansangan.
Ang mga ito ay rumaragasa nang paroo’t parito sa mga liwasan.*
Nagniningas silang gaya ng mga sulo at gumuguhit na gaya ng kidlat.
5 Ipapatawag niya ang mga opisyal niya.
Matitisod sila sa pagtakbo.
Nagmamadali sila papunta sa kaniyang pader;
Naglalagay sila ng barikada.
7 Itinakda na: Hantad siya,
Dinala siya, at umiiyak ang mga alipin niyang babae;
Maingay silang gaya ng mga kalapati habang sinusuntok nila ang kanilang dibdib.*
“Tigil! Tigil!”
Pero walang lumilingon.+
9 Dambungin ang pilak, dambungin ang ginto!
Napakarami ng kayamanan.
Punô ito ng lahat ng uri ng mamahaling bagay.
10 Ang lunsod ay walang laman, abandonado, wasak!+
Natutunaw sa takot ang puso nila, nanghihina ang mga tuhod nila, nanginginig ang balakang nila;
Namumutla ang mga mukha nila.
11 Nasaan ang yungib ng mga leon,+ kung saan kumakain ang mga leon,
Kung saan lumalabas ang leon kasama ang anak nito,
At walang sinumang nananakot sa kanila?
12 Ang nilalapa ng leon ay sapat para sa mga anak niya,
At nananakmal ito para sa kaniyang mga babaeng leon.
Lagi niyang pinupuno ang kaniyang mga lungga ng mga nasila niya,
At ang kaniyang mga yungib, ng mga hayop na nilapa niya.
13 “Ako ay laban sa iyo,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo,+
“Tutupukin ko ang iyong mga karwaheng pandigma,+
At lalamunin ng espada ang iyong mga leon.
Wawakasan ko ang paninila mo sa lupa,
At hindi na maririnig pa ang tinig ng iyong mga mensahero.”+
3 Kaawa-awa ang lunsod na mamamatay-tao!
Punong-puno siya ng kasinungalingan at walang tigil sa pagnanakaw.
Lagi siyang may biktima!
2 Maririnig doon ang hagupit ng latigo at ang pagkalampag ng gulong,
Ang kumakaripas na kabayo at ang humahagibis na karwahe.
3 Ang nakasakay na mangangabayo, ang kumikislap na espada, at ang kumikinang na sibat,
Ang maraming napatay, at ang mga bunton ng bangkay
—Hindi mabilang ang mga bangkay.
Palagi silang natatalisod sa mga bangkay.
4 Dahil ito sa mga kahalayan ng babaeng bayaran,
Na maganda at kaakit-akit, reyna ng pangkukulam,*
At nambibitag ng mga bansa sa pamamagitan ng kaniyang prostitusyon, at ng mga pamilya sa pamamagitan ng kaniyang pangkukulam.
5 “Ako ay laban sa iyo,”* ang sabi ni Jehova ng mga hukbo,+
“Itataas ko ang laylayan ng damit mo hanggang sa iyong mukha;
Ipapakita ko sa mga bansa ang iyong kahubaran,
At sa mga kaharian ang iyong kahihiyan.
Sino ang makikiramay sa kaniya?’
Saan ako makakahanap ng aaliw sa iyo?
8 Nakahihigit ka ba kaysa sa No-amon,*+ na nasa tabi ng mga kanal ng Nilo?+
Napapalibutan siya ng tubig;
Ang kaniyang yaman ay ang dagat, at ang kaniyang pader ay ang dagat.
9 Ang Etiopia ang pinagmumulan ng kaniyang di-nauubos na lakas, pati ang Ehipto.
Ang Put+ at ang mga taga-Libya ang mga katulong mo.+
Ang mga anak din niya ay pinagluray-luray sa kanto ng bawat kalye.*
Ang kaniyang mararangal na lalaki ay pinagpalabunutan,
At ikinadena ang paa ng lahat ng kaniyang dakilang tao.
Maghahanap ka ng kublihan mula sa kaaway.
12 Ang lahat ng iyong tanggulan ay parang mga puno ng igos na may mga unang hinog na bunga;
Kapag niyugyog ang mga ito, mahuhulog ang mga iyon sa bibig ng mga lumalamon.
13 Ang iyong mga hukbo ay parang mga babae.
Ang mga pintuang-daan ng iyong lupain ay magiging bukas na bukas sa mga kaaway mo.
Matutupok ng apoy ang mga halang ng iyong pintuang-daan.
14 Sumalok ka ng tubig para sa panahon ng pagsalakay* ng kaaway!+
Patibayin mo ang iyong mga tanggulan.
Lumusong ka sa lusak at maglakad ka sa putik;
Hawakan mo ang hulmahan ng laryo.*
15 Kahit doon ay lalamunin ka ng apoy.
Pababagsakin ka ng espada.+
Lalamunin ka nitong gaya ng mga batang balang.+
Magparami kang gaya ng mga batang balang!
Oo, magparami kang gaya ng mga balang!
16 Pinarami mo ang iyong mga negosyante nang higit kaysa sa mga bituin sa langit.
Ang batang balang ay nagpapalit ng balat at lumilipad palayo.
17 Ang mga tagapagbantay mo ay parang balang,
At ang mga opisyal mo ay gaya ng kulumpon ng balang.
Kung malamig ang panahon, nagtatago sila sa mga batong pader,
Pero kapag sumikat ang araw, lumilipad sila palayo;
At walang nakaaalam kung nasaan sila.
18 Ang iyong mga pastol ay inaantok, O hari ng Asirya;
Ang iyong mga maharlika ay hindi lumalabas ng tahanan nila.
Ang iyong bayan ay nangalat sa kabundukan,
At walang tumitipon sa kanila.+
19 Walang kaginhawahan sa iyong kasakunaan.
Hindi na gagaling ang sugat mo.
Ang lahat ng makaririnig ng balita tungkol sa iyo ay papalakpak;+
Dahil sino nga ba ang hindi nagdusa sa tindi ng kalupitan mo?”+
Ibig sabihin, “Nagpapatibay-Loob.”
O “na hindi pumapayag na magkaroon ng kahati.”
O “Pinangangalagaan.“ Lit., “Kilala.”
Nineve.
O “serbesang trigo.”
O posibleng “at dadaan siya.”
Juda.
Asirya.
O “templo.”
Nineve.
Lit., “Palakasin ninyo ang balakang ninyo.”
O “karong.”
O “plaza.”
O “babagsak.”
Lit., “puso.”
O “panggagaway.” Tingnan sa Glosari.
Nineve.
Thebes.
Lit., “sa ulo ng lahat ng kalye.”
O “pagkubkob.”
Bloke na ginagamit sa pagtatayo; gawa sa pinatigas na putik.