HABAKUK
1 Isang mensahe na tinanggap ng propetang si Habakuk* sa pangitain:
2 O Jehova, hanggang kailan ako hihingi ng saklolo at hindi mo diringgin?+
Hanggang kailan ako makikiusap na iligtas mo ako sa karahasan at hindi ka kikilos?*+
3 Bakit mo ipinapakita sa akin ang kasamaan?
At bakit mo hinahayaan ang pang-aapi?
Bakit nasa harap ko ang pagkawasak at karahasan?
At bakit laganap ang pag-aaway at labanan?
4 Kaya ang kautusan ay nawawalan ng saysay,
At ang katarungan ay hindi nailalapat.
Pinapalibutan ng masasama ang mga matuwid;
Kaya ang katarungan ay napipilipit.+
5 “Tumingin kayo sa mga bansa at magbigay-pansin!
Matulala kayo at mamangha;
Dahil may mangyayari sa panahon ninyo
Na hindi ninyo paniniwalaan kahit sabihin pa ito sa inyo.+
Sinusuyod nila ang malalawak na lupain ng daigdig
Para mang-agaw ng mga tahanan.+
7 Nakakatakot sila at nakapangingilabot.
May sarili silang batas at awtoridad.*+
8 Ang mga kabayo nila ay mas matulin kaysa sa mga leopardo,
Kumakaripas ang mga kabayo nilang pandigma;
Ang mga kabayo nila ay nagmula pa sa malayo.
Bumubulusok silang gaya ng mga agila para mandagit ng makakain.+
9 Lahat sila ay dumating para maghasik ng karahasan.+
Para silang hanging silangan kapag sumasalakay nang sama-sama,+
At dinadakot nilang parang buhangin ang mga bihag nila.
Pinagtatawanan nila ang bawat tanggulan;+
Gumagawa sila ng lupang rampa para masakop ito.
11 Pagkatapos, umaabante silang gaya ng hangin at dumadaan,
Pero mananagot sila,+
Dahil sinasabi nilang galing sa diyos nila ang kapangyarihan nila.”*+
12 Hindi ba ikaw ay mula sa walang hanggan, O Jehova?+
O aking Diyos, aking Banal na Diyos, hindi ka namamatay.*+
13 Napakadalisay ng iyong mga mata para tumingin sa masasamang bagay,
At hindi mo matitiis ang kasamaan.+
Kaya bakit mo hinahayaan ang mga taksil,+
At nananahimik ka kapag nilalamon ng masamang tao ang mas matuwid sa kaniya?+
14 Bakit mo ginagawang gaya ng mga isda sa dagat ang tao,
Gaya ng mga gumagapang na nilikha na walang tagapamahala?
15 Lahat ng ito ay iniaahon niya* sa pamamagitan ng kawil.
Hinuhuli niya sila sa kaniyang lambat,
At tinitipon niya sila sa kaniyang lambat na pangisda.
Kaya naman nagsasaya siya nang husto.+
16 Kaya naman naghahandog siya ng mga hain sa kaniyang lambat
At nagbibigay ng handog* sa kaniyang lambat na pangisda;
Dahil sa pamamagitan ng mga iyon,
Ang pagkain niya ay sagana* at piling-pili.
17 Patuloy ba niyang aalisan ng huli ang kaniyang lambat?*
Patuloy ba niyang lilipulin nang walang awa ang mga bansa?+
Patuloy akong maghihintay para makita kung ano ang gusto niyang sabihin ko
At kung ano ang isasagot ko kapag sinaway ako.
2 Pagkatapos ay sinabi ni Jehova sa akin:
“Isulat mo ang pangitain, isulat mo nang malinaw sa mga tapyas ng bato,+
3 Dahil ang pangitain ay naghihintay pa sa takdang panahon nito,
At ito ay nagmamadali papunta sa wakas* nito, at hindi ito magiging kasinungalingan.
Kahit na nagtatagal ito,* patuloy mo itong hintayin!*+
Dahil ito ay tiyak na magkakatotoo.
Hindi ito maaantala!
4 Tingnan mo ang mayabang;
Hindi matuwid ang puso niya.
Pero ang matuwid ay mabubuhay sa kaniyang katapatan.*+
5 Dahil taksil ang alak,
Tiyak na hindi makukuha ng taong mayabang ang gusto niya.
Matakaw siyang gaya ng Libingan;*
Hindi siya nakokontento tulad ng kamatayan.
Patuloy niyang tinitipon ang lahat ng bansa
At binibihag ang lahat ng bayan.+
6 Hindi ba silang lahat ay magsasalita ng kasabihan, ng pasaring, at ng mga palaisipan laban sa kaniya?+
Sasabihin nila:
‘Kaawa-awa ang nagpaparami ng mga bagay na hindi kaniya
—Hanggang kailan?—
At nagpapalaki ng sarili niyang utang!
7 Hindi ba biglang babangon ang mga pinagkakautangan mo?
Gigising sila at yuyugyugin ka nang malakas,
At kukunin nila ang pag-aari mo.+
8 Dahil marami kang bansang sinamsaman,
Sasamsaman ka ng lahat ng iba pang bayan,+
Dahil sa pagpatay mo ng mga tao
At sa karahasan mo sa lupa,
Sa mga lunsod at sa mga nakatira dito.+
9 Kaawa-awa ang nagpapayaman ng kaniyang sambahayan sa masamang paraan,
Para mailagay ang pugad niya sa mataas na lugar
At makaligtas sa kapahamakan!
10 Nagplano ka ng kahiya-hiyang bagay laban sa iyong sambahayan.
Sa paglipol sa maraming bayan ay nagkakasala ka sa iyong sarili.+
11 Dahil hihiyaw ang bato mula sa pader,
At mula sa kahoy na bubungan ay sasagot ang biga.
12 Kaawa-awa ang nagtatayo ng lunsod sa pamamagitan ng pagpatay,
At nagtatatag ng bayan sa pamamagitan ng kasamaan!
13 Hindi ba dahil kay Jehova ng mga hukbo ay magiging panggatong lang sa apoy ang pinaghirapan ng mga bayan,
At mauuwi sa wala ang pinagpaguran ng mga bansa?+
14 Dahil ang lupa ay mapupuno ng kaalaman sa kaluwalhatian ni Jehova
Gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.+
15 Kaawa-awa ang nagbibigay sa mga kasama niya ng maiinom,
Na nilalagyan niya ng poot at galit, para malasing sila
At makita niya ang kahubaran nila!
16 Mababalot ka ng kahihiyan sa halip na kaluwalhatian.
Ikaw rin—uminom ka at ilantad mo ang iyong pagiging di-tuli.*
Iinom ka sa kopang nasa kanang kamay ni Jehova,+
At tatabunan ng kahihiyan ang iyong kaluwalhatian;
17 Dahil ang karahasang ginawa sa Lebanon ay tatakip sa iyo,
At ang paglipol na sumindak sa mga hayop ay sasapit sa iyo,
Dahil sa pagpatay mo ng mga tao
At sa karahasan mo sa lupa,
Sa mga lunsod at sa mga nakatira dito.+
18 Ano ang silbi ng inukit na imahen
Kapag naukit na ito ng gumawa nito?
Ano ang silbi ng metal na estatuwa at ng nagtuturo ng kasinungalingan,
Kahit nagtitiwala rito ang maygawa nito,
Na gumagawa ng mga diyos na pipi at walang silbi?+
19 Kaawa-awa ang nagsasabi sa isang piraso ng kahoy, “Gumising ka!”
O sa isang batong di-nakapagsasalita, “Gising! Turuan mo kami!”
20 Pero si Jehova ay nasa kaniyang banal na templo.+
Tumahimik ka sa harap niya, buong lupa!’”+
3 Ang panalangin ng propetang si Habakuk, isang awit ng pagdadalamhati:
2 O Jehova, nabalitaan ko ang tungkol sa iyo.
Namamangha ako, O Jehova, sa iyong gawa.
Sa takdang panahon* ay muli mong gawin iyon!
Sa takdang panahon* ay ipaalám mo iyon.
Maalaala mo sanang magpakita ng awa sa panahon ng kaguluhan.+
Ang kaluwalhatian niya ay tumakip sa langit;+
At napuno ang lupa ng kapurihan niya.
4 Ang kaningningan niya ay gaya ng liwanag.+
May dalawang sinag na lumabas sa kaniyang kamay,
Kung saan nakatago ang kaniyang lakas.
6 Tumigil siya at niyanig ang lupa.+
Nang tumingin siya, napanginig* niya ang mga bansa.+
Ang napakatatag na mga bundok ay nagkadurog-durog,
Ang mga burol na mula pa noong unang panahon ay nagsiyukod.+
Ang mga ito ang kaniyang daan mula pa noong una.
7 Nakakita ako ng kaguluhan sa mga tolda ng Cusan.
Ang mga telang pantolda ng lupain ng Midian ay nanginig.+
8 Sa mga ilog ba, O Jehova,
Sa mga ilog ba nag-iinit ang galit mo?
O napopoot ka ba sa dagat?+
9 Ang iyong pana ay nakalabas at nakahanda.
Handa nang gawin ng mga pamalo* ang atas nila ayon sa panata.* (Selah)
Biniyak mo ang lupa sa pamamagitan ng mga ilog.
10 Namilipit sa sakit ang kabundukan nang makita ka.+
Bumuhos ang napakalakas na ulan.
Ang kalaliman ay dumagundong.+
Itinaas nito ang mga kamay niya.
11 Ang araw at ang buwan ay hindi umalis sa mataas nitong kinalalagyan.+
Ang iyong mga palaso ay humilagpos na gaya ng liwanag.+
Ang kidlat ng iyong sibat ay napakaliwanag.
12 Naglakad ka sa lupa nang may poot.
Sa galit mo ay tinapak-tapakan* mo ang mga bansa.
13 Lumabas ka para sa kaligtasan ng iyong bayan, para iligtas ang iyong pinili.*
Dinurog mo ang lider* ng bahay ng masasama.
Nawasak ito mula sa pundasyon hanggang sa tuktok.* (Selah)
14 Tinuhog mo ang ulo ng mga mandirigma niya gamit ang sarili niyang sandata
Nang dumaluhong sila para pangalatin kami.*
Mula sa pinagtataguan nila ay lumalabas sila at tuwang-tuwang nilalamon ang nagdurusa.
15 Sa dagat ay idinaan mo ang iyong mga kabayo,
Sa napakaalong dagat.
Ang kabulukan ay pumasok sa mga buto ko;+
Nangangatog ang mga binti ko.
Pero tahimik akong naghihintay sa araw ng pagdurusa,+
Dahil darating ito sa bayang sumasalakay sa amin.
17 Hindi man mamulaklak ang puno ng igos,
At hindi mamunga ang punong ubas;
Wala mang sumibol na bunga mula sa punong olibo,
At walang anihing pagkain sa bukid;*
Kahit maglaho ang kawan sa kulungan,
At walang mga baka sa mga kural;
18 Magbubunyi pa rin ako dahil kay Jehova;
Magsasaya ako dahil sa Diyos na aking tagapagligtas.+
19 Ang Kataas-taasang Panginoong Jehova ang aking lakas;+
Ang mga paa ko ay gagawin niyang gaya ng sa mga usa
At palalakarin niya ako sa matataas na lugar.+
Sa direktor; gamit ang aking mga instrumentong de-kuwerdas.
Posibleng ang ibig sabihin ay “Mainit na Yakap.”
O “magliligtas.”
Lit., “ibabangon.”
O “dangal.”
O “sa mababangis na aso.”
O posibleng “Dahil ang diyos nila ay ang kapangyarihan nila.”
O posibleng “hindi kami mamamatay.”
O “sumaway.”
Kaaway na Caldeo.
O “haing usok.”
O “malangis.”
O posibleng “Patuloy ba niyang bubunutin ang espada niya?”
O “matatas.”
O “katuparan.”
O “Kahit na parang nagtatagal ito.”
O “hintayin mo ito nang may pananabik!”
O posibleng “pananampalataya; paniniwala.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O posibleng “at magpasuray-suray ka.”
O posibleng “Sa panahon namin.”
O posibleng “Sa panahon namin.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “napalundag.”
O “karo.”
O “kaligtasan.”
O posibleng “palaso.”
O posibleng “Nasabi na ang mga panata ng mga tribo.”
Lit., “giniik.”
Lit., “pinahiran.” Tingnan sa Glosari, “Pahiran.”
Lit., “ulo.”
Lit., “leeg.”
Lit., “ako,” na kumakatawan sa isang grupo.
Lit., “at naligalig ang tiyan ko.”
O “hagdan-hagdang lupain.”