APOCALIPSIS KAY JUAN
1 Isang pagsisiwalat* ni Jesu-Kristo, na ibinigay ng Diyos sa kaniya,+ para ipakita sa mga alipin niya+ ang mga bagay na malapit nang mangyari. At isinugo niya ang kaniyang anghel para iharap ito sa pamamagitan ng mga tanda sa alipin niyang si Juan,+ 2 na nagpatotoo sa salita na ibinigay ng Diyos at sa patotoo na ibinigay ni Jesu-Kristo, oo, sa lahat ng bagay na nakita niya. 3 Maligaya ang bumabasa nang malakas at ang mga nakikinig sa mga salita ng hulang ito at tumutupad sa mga nakasulat dito,+ dahil ang takdang panahon ay malapit na.
4 Mula kay Juan para sa pitong kongregasyon+ na nasa lalawigan* ng Asia:
Tumanggap nawa kayo ng walang-kapantay na kabaitan at kapayapaan mula sa “Isa na siyang kasalukuyan at nakaraan at darating,”+ at mula sa pitong espiritu+ na nasa harap ng trono niya, 5 at mula kay Jesu-Kristo, “ang Tapat na Saksi,”+ “ang panganay mula sa mga patay,”+ at “ang Tagapamahala ng mga hari sa lupa.”+
Sa kaniya na nagmamahal sa atin+ at nagpalaya sa atin mula sa mga kasalanan natin sa pamamagitan ng sarili niyang dugo+— 6 at ginawa niya tayong isang kaharian,+ mga saserdote+ ng kaniyang Diyos at Ama—oo, sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at kalakasan magpakailanman. Amen.
7 Tingnan ninyo! Dumarating siya na nasa mga ulap,+ at makikita siya ng bawat mata, at ng mga sumaksak sa kaniya; at susuntukin ng lahat ng tribo sa lupa ang dibdib nila sa pagdadalamhati dahil sa kaniya.+ Oo, Amen.
8 “Ako ang Alpha at ang Omega,”*+ ang sabi ng Diyos na Jehova,* “ang Isa na siyang kasalukuyan at nakaraan at darating, ang Makapangyarihan-sa-Lahat.”+
9 Akong si Juan, ang kapatid at kabahagi ninyo sa kapighatian+ at sa kaharian+ at sa pagtitiis*+ kaisa ni Jesus,+ ay nasa isla na tinatawag na Patmos dahil sa pagsasalita tungkol sa Diyos at sa pagpapatotoo tungkol kay Jesus. 10 Sa pamamagitan ng banal na espiritu ay nakarating ako sa araw ng Panginoon, at narinig ko sa likuran ko ang isang malakas na tinig na gaya ng sa trumpeta, 11 na nagsasabi: “Ang nakikita mo ay isulat mo sa isang balumbon at ipadala mo iyon sa pitong kongregasyon: sa Efeso,+ sa Smirna,+ sa Pergamo,+ sa Tiatira,+ sa Sardis,+ sa Filadelfia,+ at sa Laodicea.”+
12 Lumingon ako para makita kung sino ang nagsasalita sa akin, at paglingon ko, nakakita ako ng pitong gintong kandelero,+ 13 at sa gitna ng mga kandelero ay may isang tulad ng anak ng tao,+ na nakasuot ng damit na abot hanggang paa at may gintong pamigkis sa dibdib. 14 Bukod diyan, ang kaniyang ulo at buhok ay maputing gaya ng puting balahibo ng tupa, gaya ng niyebe, at ang mga mata niya ay gaya ng nagliliyab na apoy,+ 15 at ang mga paa niya ay gaya ng magandang klase ng tanso+ kapag nagbabaga sa hurno, at ang tinig niya ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. 16 At sa kanang kamay niya ay may pitong bituin,+ at mula sa bibig niya ay may lumabas na isang matalas at mahabang espada na magkabila ang talim,+ at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw sa katanghaliang-tapat.+ 17 Nang makita ko siya, bumagsak akong parang patay sa paanan niya.
At ipinatong niya sa akin ang kanang kamay niya at sinabi: “Huwag kang matakot. Ako ang Una+ at ang Huli,+ 18 at ang isa na buháy,+ at namatay ako,+ pero ngayon ay nabubuhay ako magpakailanman,+ at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Libingan.*+ 19 Kaya isulat mo ang mga bagay na nakita mo, at ang mga bagay na nangyayari ngayon, at ang mga bagay na magaganap pagkatapos ng mga ito. 20 Kung tungkol sa sagradong lihim ng pitong bituin na nakita mo sa kanang kamay ko at ng pitong gintong kandelero: Ang pitong bituin ay sumasagisag sa mga anghel ng pitong kongregasyon, at ang pitong kandelero ay sumasagisag sa pitong kongregasyon.+
2 “Sa anghel+ ng kongregasyon sa Efeso+ ay isulat mo: Ito ang mga bagay na sinasabi ng isa na may hawak ng pitong bituin sa kanang kamay niya at lumalakad sa gitna ng pitong gintong kandelero:+ 2 ‘Alam ko ang mga ginagawa mo, at ang iyong pagsisikap at pagtitiis,* at na hindi mo kinukunsinti ang masasamang tao, at na sinusubok mo ang mga nagsasabing apostol sila,+ pero hindi sila gayon, at nakita mong sinungaling sila. 3 Naging matiisin* ka rin; naging matatag ka sa harap ng mga problema alang-alang sa pangalan ko,+ at hindi ka nasiraan ng loob.+ 4 Pero mayroon akong laban sa iyo; naiwala mo ang pag-ibig na taglay mo noong una.
5 “‘Kaya alalahanin mo kung mula saan ka nahulog, at magsisi ka+ at gawin mo ang mga ginagawa mo noong una. Kung hindi, pupuntahan kita, at aalisin ko ang kandelero+ mo sa kinalalagyan nito, malibang magsisi ka.+ 6 Pero ito ang kapuri-puri sa iyo: kinapopootan mo ang mga ginagawa ng sekta ni Nicolas,+ na kinapopootan ko rin. 7 Ang may tainga ay makinig sa sinasabi ng espiritu sa mga kongregasyon:+ Ang magtatagumpay*+ ay pakakainin ko mula sa puno ng buhay,+ na nasa paraiso ng Diyos.’
8 “At sa anghel ng kongregasyon sa Smirna ay isulat mo: Ito ang mga bagay na sinasabi niya, ‘ang Una at ang Huli,’+ na namatay at muling nabuhay:+ 9 ‘Alam ko ang kapighatian at kahirapan mo—pero mayaman ka+—at ang pamumusong* ng mga nagsasabing sila ay mga Judio pero hindi naman talaga, kundi sila ay isang sinagoga* ni Satanas.+ 10 Huwag kang matakot sa mga bagay na malapit mo nang pagdusahan.+ Patuloy na ibibilanggo ng Diyablo ang ilan sa inyo para lubos kayong mailagay sa pagsubok, at daranas kayo ng kapighatian sa loob ng 10 araw. Patunayan mong tapat ka maging hanggang kamatayan, at ibibigay ko sa iyo ang korona ng buhay.+ 11 Ang may tainga ay makinig+ sa sinasabi ng espiritu sa mga kongregasyon: Ang magtatagumpay+ ay hinding-hindi daranas ng ikalawang kamatayan.’+
12 “Sa anghel ng kongregasyon sa Pergamo ay isulat mo: Ito ang mga bagay na sinasabi ng isa na may matalas at mahabang espada na magkabila ang talim:+ 13 ‘Alam ko kung saan ka nakatira, sa kinaroroonan ng trono ni Satanas; pero patuloy kang nanghahawakan sa pangalan ko,+ at hindi mo tinalikuran ang pananampalataya mo sa akin+ kahit noong panahon ni Antipas, ang aking tapat na saksi,+ na pinatay+ sa lunsod ninyo, kung saan nakatira si Satanas.
14 “‘Pero may ilang bagay na hindi ko nagustuhan sa iyo; mayroon ka riyang mga sumusunod sa turo ni Balaam,+ na nagturo kay Balak+ na maglagay ng katitisuran sa harap ng mga Israelita, ang kumain ng mga bagay na inihandog sa mga idolo at magkasala ng seksuwal na imoralidad.*+ 15 Sa katulad na paraan, mayroon din diyan sa iyo na mga sumusunod sa turo ng sekta ni Nicolas.+ 16 Kaya magsisi ka. Kung hindi, pupuntahan kita agad, at makikipagdigma ako sa kanila sa pamamagitan ng mahabang espada ng aking bibig.+
17 “‘Ang may tainga ay makinig sa sinasabi ng espiritu sa mga kongregasyon:+ Ang magtatagumpay+ ay bibigyan ko ng nakatagong manna,+ at bibigyan ko siya ng puting bato, at nakasulat sa bato ang isang bagong pangalan na walang nakaaalam maliban sa tumatanggap nito.’
18 “Sa anghel ng kongregasyon sa Tiatira+ ay isulat mo: Ito ang mga bagay na sinasabi ng Anak ng Diyos, ang isa na may mga mata na tulad ng nagliliyab na apoy+ at may mga paa na tulad ng magandang klase ng tanso:+ 19 ‘Alam ko ang mga ginagawa mo, at ang iyong pag-ibig at pananampalataya at ministeryo at pagtitiis,* at na ang mga ginagawa mo nitong huli ay nakahihigit sa mga ginawa mo noong una.
20 “‘Pero may hindi ako nagustuhan sa iyo; kinukunsinti mo ang babaeng iyon na si Jezebel,+ na tumatawag sa sarili niya na propetisa, at nagtuturo siya at inililigaw ang mga alipin ko para magkasala ng seksuwal na imoralidad*+ at kumain ng mga bagay na inihandog sa mga idolo. 21 Binigyan ko siya ng panahon para magsisi, pero ayaw niyang pagsisihan ang kaniyang seksuwal na imoralidad.* 22 Malapit ko na siyang iratay sa banig ng karamdaman, at ang mga nangangalunya sa kaniya ay pararanasin ko ng malaking kapighatian, malibang pagsisihan nila ang mga ginagawa nila na gaya ng sa kaniya. 23 At papatayin ko ang mga anak niya sa pamamagitan ng nakamamatay na salot, para malaman ng lahat ng kongregasyon na ako ang sumusuri sa kaloob-looban ng isip* at sa puso, at ibibigay ko sa bawat isa sa inyo ang ayon sa mga ginagawa ninyo.+
24 “‘Pero sinasabi ko sa iba pa sa inyo na nasa Tiatira, sa lahat ng hindi sumusunod sa turong ito, sa mga hindi nakaaalam ng tinatawag na “malalalim na bagay ni Satanas”:+ Hindi ako maglalagay sa inyo ng iba pang pasanin. 25 Gayunman, manghawakan kayo sa taglay ninyo hanggang sa dumating ako.+ 26 At ang magtatagumpay at patuloy na tutulad sa mga ginawa ko hanggang sa wakas ay bibigyan ko ng awtoridad sa mga bansa,+ 27 gaya ng awtoridad na tinanggap ko mula sa aking Ama, at papastulan niya ang mga bansa gamit ang isang panghampas na bakal+ para magkadurog-durog sila gaya ng mga sisidlang luwad. 28 At ibibigay ko sa kaniya ang bituing pang-umaga.+ 29 Ang may tainga ay makinig sa sinasabi ng espiritu sa mga kongregasyon.’
3 “Sa anghel ng kongregasyon sa Sardis ay isulat mo: Ito ang mga bagay na sinasabi ng isa na may pitong espiritu ng Diyos+ at pitong bituin:+ ‘Alam ko ang mga ginagawa mo, na buháy ka lang sa pangalan,* pero ang totoo, ikaw ay patay.+ 2 Maging mapagbantay ka,+ at palakasin mo ang mga bagay na natitira na malapit nang mamatay, dahil nakita kong hindi mo lubusang ginawa* ang mga ipinagagawa ng aking Diyos. 3 Kaya lagi mong isipin* kung paano mo tinanggap at narinig ang mensahe, at patuloy mong sundin ito, at magsisi ka.+ Tinitiyak ko sa iyo na kung hindi ka gigising, darating ako na gaya ng magnanakaw,+ at hindi mo malalaman kung anong oras ako darating sa iyo.+
4 “‘Pero may ilang indibidwal* sa Sardis na hindi nagparungis ng damit nila,+ at lalakad silang kasama ko na nakaputi,+ dahil karapat-dapat sila. 5 Kaya ang magtatagumpay*+ ay daramtan ng puting damit,+ at hinding-hindi ko buburahin ang pangalan niya sa aklat ng buhay,+ kundi kikilalanin ko ang pangalan niya sa harap ng aking Ama at sa harap ng mga anghel niya.+ 6 Ang may tainga ay makinig sa sinasabi ng espiritu sa mga kongregasyon.’
7 “Sa anghel ng kongregasyon sa Filadelfia ay isulat mo: Ito ang mga bagay na sinasabi ng isa na banal,+ ng isa na totoo,+ na may hawak ng susi ni David,+ ang nagbubukas para walang sinumang makapagsara at ang nagsasara para walang sinumang makapagbukas: 8 ‘Alam ko ang mga ginagawa mo—naglagay ako sa harap mo ng isang bukás na pinto,+ na walang sinumang makapagsasara. At alam ko na may kaunti kang kapangyarihan, at sinunod mo ang salita ko at hindi mo tinalikuran ang pangalan ko. 9 Ang mga nagmula sa sinagoga ni Satanas na nagsasabing mga Judio sila pero hindi naman talaga,+ kundi nagsisinungaling lang, ay papupuntahin ko sa iyo at payuyukurin sa paanan mo, at ipaaalam ko sa kanila na minahal kita. 10 Dahil tinularan mo ang narinig mo tungkol sa pagtitiis* ko,*+ iingatan kita sa oras ng pagsubok+ na darating sa buong lupa para ilagay sa pagsubok ang lahat ng nasa lupa. 11 Malapit na akong dumating.+ Patuloy kang manghawakan sa taglay mo, para walang sinumang kumuha ng korona mo.+
12 “‘Ang magtatagumpay—gagawin ko siyang isang haligi sa templo ng aking Diyos, at hinding-hindi na siya lalabas mula roon, at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Diyos+ at ang pangalan ng lunsod ng aking Diyos, ang Bagong Jerusalem+ na bumababa mula sa langit, mula sa aking Diyos, at ang bago kong pangalan.+ 13 Ang may tainga ay makinig sa sinasabi ng espiritu sa mga kongregasyon.’
14 “Sa anghel ng kongregasyon sa Laodicea+ ay isulat mo: Ito ang mga bagay na sinasabi ng Amen,+ ang saksing tapat at totoo,+ ang pasimula ng paglalang* ng Diyos:+ 15 ‘Alam ko ang mga ginagawa mo, na hindi ka malamig at hindi ka rin mainit. Ang gusto ko sana ay malamig ka o kaya ay mainit. 16 Kaya dahil maligamgam ka at hindi ka mainit+ o malamig,+ isusuka kita. 17 Sinasabi mo, “Mayaman ako+ at nakapag-ipon ng kayamanan, at wala na akong kailangan pa,” pero hindi mo alam na ikaw ay miserable at kaawa-awa at dukha at bulag at hubad. 18 Kaya pinapayuhan kita na bumili ka sa akin ng gintong dinalisay ng apoy para yumaman ka, at ng mga puting damit para may maisuot ka at hindi mahantad ang kahiya-hiya mong kahubaran,+ at ng pamahid sa mata+ para makakita ka.+
19 “‘Ang lahat ng mahal ko ay sinasaway ko at dinidisiplina.+ Kaya maging masigasig ka at magsisi.+ 20 Nakatayo ako sa may pintuan at kumakatok. Kung may makarinig ng tinig ko at magbukas ng pinto, papasok ako sa bahay niya at maghahapunan kaming magkasama. 21 Ang magtatagumpay+ ay pauupuin kong kasama ko sa aking trono,+ kung paanong ako ay nagtagumpay at umupong+ kasama ng aking Ama sa trono niya. 22 Ang may tainga ay makinig sa sinasabi ng espiritu sa mga kongregasyon.’”
4 Pagkatapos nito ay nakita ko ang isang bukás na pinto sa langit, at ang unang tinig na narinig kong nagsasalita sa akin ay gaya ng isang trumpeta na nagsasabi: “Umakyat ka rito, at ipapakita ko sa iyo ang mga bagay na dapat mangyari.” 2 Pagkatapos nito ay agad na sumaakin ang espiritu ng Diyos, at nakita ko ang isang trono na nasa puwesto nito sa langit, at may isang nakaupo sa trono.+ 3 At ang nakaupo ay kumikinang na gaya ng batong jaspe+ at ng batong sardio,* at sa palibot ng trono ay may isang bahagharing kumikinang na gaya ng esmeralda.+
4 Sa palibot ng trono ay may 24 na trono, at sa mga tronong ito ay nakita kong nakaupo ang 24 na matatandang+ nakasuot ng puting damit, at may gintong korona sila sa ulo. 5 Mula sa trono ay may lumalabas na mga kidlat+ at mga tinig at mga kulog;+ at may pitong lampara ng apoy na nagniningas sa harap ng trono, at ang mga ito ay sumasagisag sa pitong espiritu ng Diyos.+ 6 Sa harap ng trono ay may gaya ng isang malasalaming dagat,+ tulad ng kristal.
Sa gitna ng trono* at sa palibot ng trono ay may apat na buháy na nilalang+ na punô ng mata sa harap at sa likuran. 7 Ang unang buháy na nilalang ay tulad ng leon,+ ang ikalawang buháy na nilalang ay tulad ng batang toro,+ ang ikatlong buháy na nilalang+ ay may mukhang tulad ng sa tao, at ang ikaapat na buháy na nilalang+ ay tulad ng lumilipad na agila.+ 8 Ang bawat isa sa apat na buháy na nilalang ay may anim na pakpak; punô sila ng mata sa palibot at sa ilalim.+ At patuloy nilang sinasabi araw at gabi: “Banal, banal, banal ang Diyos na Jehova,*+ ang Makapangyarihan-sa-Lahat, ang nakaraan at ang kasalukuyan at ang darating.”+
9 Sa tuwing ang buháy na mga nilalang ay magbibigay ng kaluwalhatian at karangalan at pasasalamat sa Isa na nakaupo sa trono, ang Isa na nabubuhay magpakailanman,+ 10 ang 24 na matatanda+ ay sumusubsob sa harap ng Isa na nakaupo sa trono at sumasamba sa Isa na nabubuhay magpakailanman, at inihahagis nila ang korona nila sa harap ng trono at sinasabi: 11 “O Jehova* na Diyos namin, ikaw ang karapat-dapat sa* kaluwalhatian+ at karangalan+ at kapangyarihan,+ dahil nilalang mo ang lahat ng bagay,+ at dahil sa kalooban mo ay umiral sila at nalalang.”*
5 At nakita ko sa kanang kamay ng Isa na nakaupo sa trono+ ang isang balumbon na may sulat sa magkabilang panig* at selyadong mabuti ng pitong tatak.* 2 At nakita ko ang isang malakas na anghel na naghahayag sa malakas na tinig: “Sino ang karapat-dapat magbukas ng balumbon at mag-alis ng pagkakadikit ng mga tatak nito?” 3 Pero walang sinuman sa langit o sa lupa o sa ilalim ng lupa ang makapagbukas ng balumbon o makakita ng nasa loob nito. 4 Napahagulgol ako dahil walang nakitang karapat-dapat magbukas ng balumbon o tumingin sa nilalaman nito. 5 Pero sinabi sa akin ng isa sa matatanda: “Huwag ka nang umiyak. Ang Leon mula sa tribo ni Juda,+ ang ugat+ ni David,+ ay nagtagumpay*+ para magbukas ng balumbon at ng pitong tatak nito.”
6 At nakita kong nakatayo sa gitna ng trono at ng apat na buháy na nilalang at sa gitna ng matatanda+ ang isang kordero*+ na parang pinatay+ at may pitong sungay at pitong mata, at ang mga mata ay sumasagisag sa pitong espiritu ng Diyos+ na isinugo sa buong lupa. 7 At agad siyang lumapit at kinuha iyon mula sa kanang kamay ng Isa na nakaupo sa trono.+ 8 Nang kunin niya ang balumbon, ang apat na buháy na nilalang at ang 24 na matatanda+ ay sumubsob sa harap ng Kordero, at ang bawat isa ay may alpa at mga gintong mangkok na punô ng insenso. (Ang insenso ay sumasagisag sa mga panalangin ng mga banal.)+ 9 At umaawit sila ng isang bagong awit:+ “Ikaw ang karapat-dapat kumuha sa balumbon at magbukas nito, dahil ikaw ay pinatay at sa pamamagitan ng dugo mo ay bumili ka ng mga tao para sa Diyos+ mula sa bawat tribo at wika at bayan at bansa,+ 10 at ginawa mo silang isang kaharian+ at mga saserdote sa ating Diyos,+ at pamamahalaan nila ang lupa bilang mga hari.”+
11 At nakita ko, at narinig ko ang tinig ng maraming anghel sa palibot ng trono at ng buháy na mga nilalang at ng matatanda, at ang bilang nila ay laksa-laksang mga laksa* at libo-libong mga libo,+ 12 at sinasabi nila sa malakas na tinig: “Ang Kordero na pinatay+ ay karapat-dapat na tumanggap ng kapangyarihan at kayamanan at karunungan at lakas at karangalan at kaluwalhatian at pagpapala.”+
13 At narinig ko ang bawat nilalang na nasa langit at nasa lupa at nasa ilalim ng lupa+ at nasa dagat, at ang lahat ng bagay na nasa mga ito, na nagsasabi: “Sa Isa na nakaupo sa trono+ at sa Kordero,+ sumakanila nawa ang pagpapala at ang karangalan+ at ang kaluwalhatian at ang kalakasan magpakailanman.”+ 14 Ang apat na buháy na nilalang ay nagsasabi: “Amen!” at ang matatanda ay sumubsob at sumamba.
6 At nakita ko nang buksan ng Kordero+ ang isa sa pitong tatak,+ at narinig kong sinabi ng isa sa apat na buháy na nilalang+ na may tinig na gaya ng kulog: “Halika!” 2 At nakita ko ang isang puting kabayo,+ at ang nakaupo rito ay may pana; at isang korona ang ibinigay sa kaniya,+ at humayo siyang nagtatagumpay* at para lubusin ang pagtatagumpay niya.+
3 Nang buksan niya ang ikalawang tatak, narinig kong sinabi ng ikalawang buháy na nilalang:+ “Halika!” 4 May isa pang lumabas, isang kabayong kulay-apoy, at ang nakaupo rito ay pinahintulutang mag-alis ng kapayapaan sa lupa para magpatayan ang mga tao, at binigyan siya ng isang malaking espada.+
5 Nang buksan niya ang ikatlong tatak,+ narinig kong sinabi ng ikatlong buháy na nilalang:+ “Halika!” At nakita ko ang isang itim na kabayo, at ang nakaupo rito ay may hawak na isang pares ng timbangan. 6 Narinig ko ang isang tinig na parang nasa gitna ng apat na buháy na nilalang, at sinabi nito: “Isang quarto* ng trigo para sa isang denario*+ at tatlong quarto ng sebada para sa isang denario; at huwag mong hayaang maubos ang langis ng olibo at ang alak.”+
7 Nang buksan niya ang ikaapat na tatak, narinig ko ang tinig ng ikaapat na buháy na nilalang+ nang sabihin nito: “Halika!” 8 At nakita ko ang isang kabayong maputla, at ang nakaupo roon ay may pangalang Kamatayan. At ang Libingan* ay kasunod niya. At binigyan sila ng awtoridad sa ikaapat na bahagi ng lupa, para pumatay sa pamamagitan ng mahabang espada at ng kakapusan sa pagkain+ at ng nakamamatay na salot at ng mababangis na hayop sa lupa.+
9 Nang buksan niya ang ikalimang tatak, nakita ko sa ilalim ng altar+ ang dugo+ ng mga pinatay dahil sa salita ng Diyos at dahil sa patotoong ibinigay nila.+ 10 Sumigaw sila nang malakas: “O Kataas-taasang* Panginoon, na banal at totoo,+ hanggang kailan ka magpipigil sa paghatol at paghihiganti sa mga nakatira sa lupa para sa aming dugo?”+ 11 At isang mahabang damit na puti ang ibinigay sa bawat isa sa kanila,+ at sinabihan silang magpahinga pa nang kaunti, hanggang sa makumpleto ang bilang ng kapuwa nila mga alipin at mga kapatid na malapit nang patayin gaya ng nangyari sa kanila.+
12 At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at lumindol nang malakas; at ang araw ay naging itim na gaya ng telang-sako na gawa sa balahibo,* at ang buwan ay naging gaya ng dugo,+ 13 at ang mga bituin sa langit ay nahulog sa lupa gaya ng hilaw na mga igos na nalalaglag mula sa puno kapag inuga ito ng malakas na hangin. 14 At ang langit ay nawala gaya ng isang balumbon na inirolyo,+ at ang bawat bundok at ang bawat isla ay naalis sa kinalalagyan ng mga ito.+ 15 Pagkatapos, ang mga hari sa lupa, ang matataas na opisyal, ang mga kumandante ng militar, ang mayayaman, ang malalakas, ang bawat alipin, at ang bawat malayang tao ay nagtago sa mga kuweba at sa malalaking bato sa mga bundok.+ 16 At paulit-ulit nilang sinasabi sa mga bundok at sa malalaking bato: “Takpan ninyo kami+ at itago ninyo kami mula sa Isa na nakaupo sa trono+ at mula sa poot ng Kordero,+ 17 dahil dumating na ang dakilang araw ng kanilang poot,+ at sino ang makaliligtas?”+
7 Pagkatapos nito ay nakakita ako ng apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, at hinahawakan nilang mahigpit ang apat na hangin ng lupa, para walang hanging humihip sa lupa o sa dagat o sa anumang puno. 2 At nakita ko ang isa pang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw,* at siya ay may tatak ng Diyos na buháy; at sumigaw siya nang malakas sa apat na anghel na binigyan ng awtoridad na puminsala sa lupa at sa dagat: 3 “Huwag ninyong pinsalain ang lupa o ang dagat o ang mga puno, hanggang sa matapos naming tatakan+ sa noo ang mga alipin ng ating Diyos.”+
4 At narinig ko ang bilang ng mga tinatakan, 144,000,+ na tinatakan mula sa bawat tribo ng mga anak ni Israel:+
5 Mula sa tribo ni Juda ay 12,000 ang tinatakan;
mula sa tribo ni Ruben ay 12,000;
mula sa tribo ni Gad ay 12,000;
6 mula sa tribo ni Aser ay 12,000;
mula sa tribo ni Neptali ay 12,000;
mula sa tribo ni Manases+ ay 12,000;
7 mula sa tribo ni Simeon ay 12,000;
mula sa tribo ni Levi ay 12,000;
mula sa tribo ni Isacar ay 12,000;
8 mula sa tribo ni Zebulon ay 12,000;
mula sa tribo ni Jose ay 12,000;
mula sa tribo ni Benjamin ay 12,000 ang tinatakan.
9 Pagkatapos nito ay nakita ko ang isang malaking pulutong, na hindi mabilang ng sinumang tao, mula sa lahat ng bansa at tribo at bayan at wika,+ na nakatayo sa harap ng trono at sa harap ng Kordero at nakasuot ng mahabang damit na puti;+ at may hawak silang mga sanga ng palma.+ 10 At patuloy silang sumisigaw nang malakas: “Ang kaligtasan ay utang namin sa ating Diyos, na nakaupo sa trono,+ at sa Kordero.”+
11 Ang lahat ng anghel ay nakatayo sa palibot ng trono at ng matatanda+ at ng apat na buháy na nilalang, at sumubsob sila sa harap ng trono at sumamba sa Diyos 12 at nagsabi: “Amen! Ang papuri at ang kaluwalhatian at ang karunungan at ang pasasalamat at ang karangalan at ang kapangyarihan at ang lakas ay maging sa Diyos natin magpakailanman.+ Amen.”
13 Pagkatapos, sinabi sa akin ng isa sa matatanda: “Ang mga ito na nakasuot ng mahabang damit na puti,+ sino sila at saan sila nanggaling?” 14 Kaya agad kong sinabi sa kaniya: “Panginoon ko, ikaw ang nakaaalam.” At sinabi niya sa akin: “Sila ang mga lumabas mula sa malaking kapighatian,+ at nilabhan nila ang kanilang mahabang damit at pinaputi iyon sa dugo ng Kordero.+ 15 Iyan ang dahilan kung bakit sila nasa harap ng trono ng Diyos, at gumagawa sila ng sagradong paglilingkod sa kaniya araw at gabi sa templo niya; at ang Isa na nakaupo sa trono+ ay maglulukob ng tolda niya sa kanila.+ 16 Hindi na sila magugutom o mauuhaw, at hindi sila mapapaso ng araw o ng anumang matinding init,+ 17 dahil ang Kordero,+ na nasa gitna ng trono, ay magpapastol sa kanila+ at aakay sa kanila sa mga bukal ng tubig ng buhay.+ At papahirin ng Diyos ang bawat luha sa mga mata nila.”+
8 Nang buksan niya+ ang ikapitong tatak,+ nagkaroon ng katahimikan sa langit nang mga kalahating oras. 2 At nakita ko ang pitong anghel+ na nakatayo sa harap ng Diyos, at binigyan sila ng pitong trumpeta.
3 Isa pang anghel, na may hawak na gintong lalagyan* ng insenso, ang dumating at tumayo sa may altar,+ at binigyan siya ng maraming insenso+ para ihandog iyon kasama ng mga panalangin ng lahat ng banal sa gintong altar+ na nasa harap ng trono. 4 At ang usok ng insenso mula sa kamay ng anghel ay pumailanlang kasama ng mga panalangin+ ng mga banal sa harap ng Diyos. 5 Pero agad na kinuha ng anghel ang lalagyan ng insenso, at pinuno niya iyon ng baga* mula sa altar at inihagis iyon sa lupa. At nagkaroon ng mga kulog at mga tinig at mga kidlat+ at isang lindol. 6 At ang pitong anghel na may pitong trumpeta+ ay naghanda para hipan ang mga iyon.
7 Hinipan ng una ang trumpeta niya. At umulan sa lupa ng yelo* at apoy na may halong dugo;+ at nasunog ang sangkatlo ng lupa, at nasunog ang sangkatlo ng mga puno, at nasunog ang lahat ng berdeng pananim.+
8 Hinipan ng ikalawang anghel ang trumpeta niya. At isang bagay na gaya ng isang malaking bundok na nagliliyab ang inihagis sa dagat.+ At ang sangkatlo ng dagat ay naging dugo;+ 9 at ang sangkatlo ng buháy na mga nilalang sa dagat ay namatay,+ at ang sangkatlo ng mga barko ay nawasak.
10 Hinipan ng ikatlong anghel ang trumpeta niya. At isang malaking bituin na nagniningas na gaya ng lampara ang nahulog mula sa langit, at nahulog ito sa sangkatlo ng mga ilog at sa mga bukal ng tubig.+ 11 Ang pangalan ng bituin ay Ahenho. At ang sangkatlo ng tubig ay naging ahenho, at maraming tao ang namatay dahil sa tubig, dahil ito ay naging mapait.+
12 Hinipan ng ikaapat na anghel ang trumpeta niya. At ang sangkatlo ng araw ay hinampas+ at ang sangkatlo ng buwan at ang sangkatlo ng mga bituin, para ang sangkatlo sa kanila ay magdilim+ at hindi magkaroon ng liwanag sa sangkatlo ng maghapon, at ganoon din sa gabi.
13 At nakita ko ang isang agila na lumilipad sa himpapawid, at narinig ko itong sumigaw: “Kapahamakan, kapahamakan, kapahamakan+ sa mga nakatira sa lupa dahil sa tunog ng trumpeta ng tatlo pang anghel na malapit nang humihip sa trumpeta nila!”+
9 Hinipan ng ikalimang anghel ang trumpeta niya.+ At nakita ko ang isang bituin na nahulog sa lupa mula sa langit, at ibinigay sa kaniya ang susi sa hukay ng kalaliman.+ 2 Binuksan niya ang hukay ng kalaliman, at mula sa hukay ay lumabas ang usok na gaya ng usok ng isang malaking hurno, at nagdilim ang araw,+ pati ang hangin, dahil sa usok ng hukay. 3 At sa usok ay may lumabas na mga balang papunta sa lupa,+ at binigyan sila ng awtoridad, na gaya ng awtoridad ng mga alakdan sa lupa. 4 Sinabihan silang huwag pinsalain ang pananim sa lupa o ang anumang berdeng halaman o puno, kundi ang mga tao lang na walang tatak ng Diyos sa noo nila.+
5 At ang mga balang ay binigyan ng awtoridad, hindi para patayin sila, kundi para pahirapan sila nang limang buwan, at ang paghihirap nila ay gaya ng hirap na nararanasan ng isang tao kapag sinaktan ito ng alakdan.+ 6 Sa panahong iyon, hahanapin ng mga tao ang kamatayan pero hindi nila ito makikita, at gugustuhin nilang mamatay, pero ang kamatayan ay lalayo sa kanila.
7 At ang mga balang ay mukhang mga kabayong nakahanda sa pakikipaglaban;+ sa mga ulo nila ay may gaya ng koronang ginto, at ang mga mukha nila ay gaya ng sa tao, 8 pero ang buhok nila ay gaya ng buhok ng mga babae. At ang mga ngipin nila ay gaya ng sa leon,+ 9 at may mga baluti sila na gaya ng mga baluting bakal. At ang ingay ng mga pakpak nila ay gaya ng dagundong ng mga karwaheng* hila ng mga kabayong lumulusob sa labanan.+ 10 May buntot din silang may tibo gaya ng sa mga alakdan, at nasa buntot nila ang awtoridad nilang saktan ang mga tao nang limang buwan.+ 11 May hari sila, ang anghel ng kalaliman.+ Sa Hebreo, ang pangalan niya ay Abadon,* pero sa Griego, ang pangalan niya ay Apolyon.*
12 Lumipas na ang isa sa mga kapahamakan. Dalawa pang kapahamakan+ ang darating pagkatapos ng mga ito.
13 Hinipan ng ikaanim na anghel+ ang trumpeta niya.+ At narinig ko ang isang tinig mula sa mga sungay ng gintong altar+ na nasa harap ng Diyos; 14 sinabi nito sa anghel na may trumpeta: “Kalagan mo ang apat na anghel na nakagapos sa malaking ilog ng Eufrates.”+ 15 At ang apat na anghel na nakahanda na para sa oras at araw at buwan at taon ay kinalagan para patayin ang sangkatlo ng mga tao.
16 Ang bilang ng mga hukbong mangangabayo ay dalawang laksa ng mga laksa;* narinig ko ang bilang nila. 17 At ganito ang hitsura ng mga kabayo sa pangitain at ang mga nakaupo sa mga ito: Sila ay may mga baluting pula na gaya ng apoy at asul na gaya ng jacinto at dilaw na gaya ng asupre; at ang ulo ng mga kabayo ay gaya ng ulo ng leon,+ at sa bibig nila ay may lumalabas na apoy at usok at asupre. 18 Ang sangkatlo ng mga tao ay namatay dahil sa tatlong salot na ito, dahil sa apoy at sa usok at sa asupre na lumalabas mula sa bibig nila. 19 Dahil ang awtoridad ng mga kabayo ay nasa bibig nila at nasa buntot nila; dahil ang buntot nila ay gaya ng ahas at ito ay may ulo, at sa pamamagitan nito ay namiminsala sila.
20 Pero ang mga taong hindi napatay ng mga salot na ito ay hindi nagsisi sa mga gawa ng mga kamay nila; hindi sila tumigil sa pagsamba sa mga demonyo at mga idolong ginto at pilak at tanso at bato at kahoy, na hindi nakakakita o nakaririnig o nakalalakad.+ 21 At hindi nila pinagsisihan ang kanilang mga pagpatay o ang kanilang mga espiritistikong gawain o ang kanilang seksuwal na imoralidad* o ang kanilang mga pagnanakaw.
10 At nakakita ako ng isa pang malakas na anghel na bumababa mula sa langit; nadaramtan* siya ng ulap, ang ulo niya ay may bahaghari, ang mukha niya ay gaya ng araw,+ at ang mga binti* niya ay gaya ng mga haliging apoy, 2 at may hawak siyang isang maliit na balumbon na nakabukas. At itinapak niya ang kanang paa niya sa dagat, pero ang kaliwang paa niya ay sa lupa, 3 at sumigaw siya nang malakas na gaya ng pag-ungal ng leon.+ At nang sumigaw siya, narinig ko ang mga tinig ng pitong kulog.+
4 Nang magsalita ang pitong kulog, magsusulat na sana ako, pero narinig ko ang isang tinig mula sa langit+ na nagsabi: “Tatakan mo ang mga bagay na sinabi ng pitong kulog, at huwag mong isulat ang mga iyon.” 5 Ang anghel na nakita kong nakatayo sa dagat at sa lupa ay nagtaas ng kanang kamay niya sa langit, 6 at sumumpa siya sa pamamagitan ng Isa na nabubuhay nang walang hanggan,+ na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroon at ng lupa at ng mga bagay na naroon at ng dagat at ng mga bagay na naroon:+ “Tapos na ang panahon ng paghihintay. 7 Dahil sa panahon na malapit nang hipan ng ikapitong anghel+ ang trumpeta niya,+ ang sagradong lihim+ na inihayag ng Diyos bilang mabuting balita sa sarili niyang mga alipin na mga propeta+ ay matutupad na.”
8 At ang tinig na narinig ko mula sa langit+ ay muling nagsalita sa akin; sinabi nito: “Kunin mo ang nakabukas na balumbon na hawak ng anghel na nakatayo sa dagat at sa lupa.”+ 9 Pinuntahan ko ang anghel at sinabi ko sa kaniya na ibigay sa akin ang maliit na balumbon. Sinabi niya sa akin: “Kunin mo ito at kainin,+ at papapaitin nito ang tiyan mo, pero sa bibig mo ay magiging matamis itong gaya ng pulot-pukyutan.” 10 Kinuha ko ang maliit na balumbon na hawak ng anghel at kinain ito,+ at sa bibig ko ay matamis ito na gaya ng pulot-pukyutan,+ pero matapos ko itong kainin, pumait ang tiyan ko. 11 At sinabi nila sa akin: “Dapat kang manghulang muli tungkol sa mga bayan at mga bansa at mga wika at sa maraming hari.”
11 At binigyan ako ng isang tambo na gaya ng tungkod*+ at inutusan: “Tumayo ka at sukatin mo ang santuwaryo ng templo ng Diyos at ang altar at ang mga sumasamba roon. 2 Pero huwag mong isali ang looban na nasa labas ng santuwaryo ng templo; huwag mo itong sukatin, dahil ibinigay na ito sa mga bansa, at yuyurakan nila ang banal na lunsod+ sa loob ng 42 buwan.+ 3 Ipadadala ko ang dalawa kong saksi para manghula sa loob ng 1,260 araw na nakadamit ng telang-sako.” 4 Ang mga ito ay isinasagisag ng dalawang punong olibo+ at ng dalawang kandelero+ na nakatayo sa harap ng Panginoon ng lupa.+
5 Kapag may gustong manakit sa kanila, lumalabas ang apoy mula sa bibig nila at nilalamon ang mga kaaway nila. Kung may gustong manakit sa kanila, sa ganitong paraan siya dapat patayin. 6 Ang mga ito ay may awtoridad na isara ang langit+ para walang bumuhos na ulan+ sa panahon ng panghuhula nila, at may awtoridad silang gawing dugo ang tubig+ at magpasapit sa lupa ng bawat uri ng salot sa tuwing gugustuhin nila.
7 Kapag natapos na nila ang kanilang pagpapatotoo, ang mabangis na hayop na umaahon mula sa kalaliman ay makikipagdigma sa kanila at tatalunin sila at papatayin sila.+ 8 At ang mga bangkay nila ay makikita sa malapad na daan ng dakilang lunsod na sa espirituwal na diwa ay tinatawag na Sodoma at Ehipto, kung saan ipinako rin sa tulos ang Panginoon nila. 9 At ang mga bangkay nila ay titingnan ng mga tao mula sa mga bayan at mga tribo at mga wika at mga bansa sa loob ng tatlo at kalahating araw,+ at hindi hahayaan ng mga ito na mailibing ang mga bangkay nila. 10 At ang mga nakatira sa lupa ay magsasaya at magdiriwang dahil sa nangyari sa kanila, at magpapadala ang mga ito ng regalo sa isa’t isa, dahil pinahirapan ng dalawang propetang ito ang mga nakatira sa lupa.
11 Pagkatapos ng tatlo at kalahating araw, pumasok sa kanila ang puwersa ng buhay* mula sa Diyos,+ at tumayo sila, at labis na natakot ang mga nakakita sa kanila. 12 At narinig nila ang isang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi sa kanila: “Umakyat kayo rito.” At umakyat sila sa langit sa pamamagitan ng ulap, at nakita sila ng* mga kaaway nila. 13 Nang oras na iyon ay lumindol nang malakas, at ang ikasampu ng lunsod ay bumagsak; at 7,000 tao ang namatay sa lindol, at ang mga natira ay natakot at lumuwalhati sa Diyos ng langit.
14 Lumipas na ang ikalawang kapahamakan.+ Ang ikatlong kapahamakan ay mabilis na dumarating.
15 Hinipan ng ikapitong anghel ang trumpeta niya.+ At may malalakas na tinig sa langit na nagsasabi: “Ang kaharian ng sanlibutan ay naging Kaharian ng ating Panginoon+ at ng kaniyang Kristo,+ at maghahari siya magpakailanman.”+
16 At ang 24 na matatanda+ na nakaupo sa mga trono nila sa harap ng Diyos ay sumubsob at sumamba sa Diyos 17 at nagsabi: “Pinasasalamatan ka namin, Diyos na Jehova, ang Makapangyarihan-sa-Lahat, ang kasalukuyan+ at ang nakaraan, dahil kinuha mo na ang iyong dakilang kapangyarihan at nagsimula ka nang maghari.+ 18 Pero ang mga bansa ay nagalit, at ipinakita mo ang iyong galit, at dumating ang takdang panahon para hatulan ang mga patay at gantimpalaan+ ang iyong mga aliping propeta+ at ang mga banal at ang mga natatakot sa pangalan mo, ang mga hamak at ang mga dakila, at ipahamak ang mga nagpapahamak* sa lupa.”+
19 At nabuksan ang santuwaryo ng templo ng Diyos sa langit, at ang kaban ng kaniyang tipan ay nakita sa santuwaryo ng templo niya.+ At nagkaroon ng mga kidlat at mga tinig at mga kulog at isang lindol at ng malakas na pag-ulan ng yelo.*
12 Pagkatapos, isang dakilang tanda ang nakita sa langit: Isang babaeng+ nadaramtan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng mga paa niya, at sa ulo niya ay may isang koronang gawa sa 12 bituin, 2 at siya ay nagdadalang-tao. At sumisigaw siya dahil sa kirot at matinding hirap sa panganganak.
3 Isa pang tanda ang nakita sa langit. Isang malaki at kulay-apoy na dragon,+ na may 7 ulo at 10 sungay, at sa mga ulo nito ay may 7 diadema;* 4 at kinakaladkad ng buntot nito ang sangkatlo ng mga bituin+ sa langit, at inihagis sila nito sa lupa.+ At ang dragon ay nanatiling nakatayo sa harap ng babae+ na malapit nang manganak, para kapag nanganak na ang babae ay malamon nito ang anak niya.
5 At nagsilang siya ng isang anak na lalaki,+ na magpapastol sa lahat ng bansa gamit ang isang panghampas na bakal.+ At ang anak niya ay inagaw at dinala sa Diyos na nakaupo sa trono. 6 At ang babae ay tumakas papunta sa ilang, kung saan may lugar na inihanda ang Diyos para sa kaniya at kung saan nila siya pakakainin sa loob ng 1,260 araw.+
7 At sumiklab ang digmaan sa langit: Si Miguel*+ at ang mga anghel niya ay nakipagdigma sa dragon, at ang dragon at ang mga anghel nito ay nakipagdigma, 8 pero hindi nagtagumpay ang mga ito,* at wala na silang lugar pa sa langit. 9 Kaya inihagis ang malaking dragon,+ ang orihinal na ahas,+ ang tinatawag na Diyablo+ at Satanas,+ na nagliligaw sa buong mundo;+ inihagis siya sa lupa,+ at ang mga anghel niya ay inihagis na kasama niya. 10 Narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit na nagsabi:
“Ngayon ay dumating na ang kaligtasan+ at ang kapangyarihan at ang Kaharian ng ating Diyos+ at ang awtoridad ng kaniyang Kristo, dahil ang tagapag-akusa sa mga kapatid natin ay inihagis na, ang nag-aakusa sa kanila araw at gabi sa harap ng ating Diyos!+ 11 At nagtagumpay sila laban* sa kaniya+ dahil sa dugo ng Kordero+ at sa mensahe ng pagpapatotoo nila,+ at hindi nila inibig ang buhay* nila+ kahit sa harap ng kamatayan. 12 Dahil dito ay matuwa kayo, O langit at kayong mga nakatira diyan! Kaawa-awa ang lupa at ang dagat,+ dahil ang Diyablo ay bumaba na sa inyo na galit na galit, dahil alam niyang kaunti na lang ang panahong natitira sa kaniya.”+
13 Ngayon, nang makita ng dragon na inihagis na siya sa lupa,+ pinag-usig niya ang babae+ na nagsilang sa batang lalaki. 14 Pero ang dalawang pakpak ng malaking agila+ ay ibinigay sa babae, para makalipad siya papunta sa lugar niya sa ilang, kung saan siya pakakainin sa loob ng isang panahon at mga panahon at kalahating panahon*+ na malayo sa ahas.+
15 At ang ahas ay nagbuga ng tubig na parang ilog sa likuran ng babae, para malunod ito sa ilog. 16 Pero tinulungan ng lupa ang babae, at ibinuka ng lupa ang bibig nito at nilulon ang ilog na ibinuga ng dragon. 17 Kaya galit na galit ang dragon sa babae, at umalis siya para makipagdigma sa natitira sa mga supling* ng babae+ na sumusunod sa mga utos ng Diyos at may gawaing pagpapatotoo tungkol kay Jesus.+
13 At tumayo ito* sa buhanginan ng dagat.
At nakita ko ang isang mabangis na hayop+ na umaahon mula sa dagat,+ na may 10 sungay at 7 ulo, at sa mga sungay nito ay may 10 diadema,* pero sa mga ulo nito ay may mga pangalang mapamusong.* 2 Ang mabangis na hayop na nakita ko ay tulad ng leopardo, pero ang mga paa nito ay gaya ng sa oso, at ang bibig nito ay gaya ng bibig ng leon. At ibinigay ng dragon+ sa hayop ang kaniyang kapangyarihan at ang kaniyang trono at malaking awtoridad.+
3 Nakita ko na ang isa sa mga ulo nito ay parang nasugatan nang malubha, pero ang nakamamatay na sugat nito ay gumaling,+ at ang buong lupa ay sumunod sa mabangis na hayop nang may paghanga. 4 At sinamba nila ang dragon dahil ito ang nagbigay ng awtoridad sa mabangis na hayop, at sinamba nila ang mabangis na hayop at sinabi: “Sino ang tulad ng mabangis na hayop, at sino ang maaaring makipaglaban sa kaniya?” 5 Binigyan ito ng bibig na nagsasalita ng kahambugan at pamumusong, at binigyan ito ng awtoridad na kumilos sa loob ng 42 buwan.+ 6 At ibinuka nito ang bibig nito para mamusong+ sa Diyos, sa pangalan niya at sa tirahan niya, pati sa mga nakatira sa langit.+ 7 Pinahintulutan itong makipagdigma sa mga banal at talunin sila,+ at binigyan ito ng awtoridad sa bawat tribo at bayan at wika at bansa. 8 At lahat ng nakatira sa lupa ay sasamba rito. Mula nang itatag ang sanlibutan, walang isa man sa mga pangalan nila ang nakasulat sa balumbon ng buhay+ ng Kordero na pinatay.+
9 Ang sinumang may tainga ay makinig.+ 10 Kung ang sinuman ay para sa pagkabihag, siya ay bibihagin. Kung ang sinuman ay papatay* sa pamamagitan ng espada, dapat siyang patayin sa pamamagitan ng espada.+ Dito kailangan ng mga banal+ ng pagtitiis*+ at pananampalataya.+
11 At nakita ko ang isa pang mabangis na hayop na lumalabas mula sa lupa, at ito ay may dalawang sungay na gaya ng sa isang kordero,* pero nagsimula itong magsalitang gaya ng isang dragon.+ 12 Ginagamit nito ang lahat ng awtoridad ng unang mabangis na hayop+ sa paningin ng unang mabangis na hayop. At pinasasamba nito ang lupa at ang mga nakatira dito sa unang mabangis na hayop, na may nakamamatay na sugat na gumaling.+ 13 At gumagawa ito ng dakilang mga tanda; nagpapababa pa nga ito ng apoy sa lupa mula sa langit sa paningin ng sangkatauhan.
14 Inililigaw nito ang mga nakatira sa lupa, dahil sa mga tanda na ipinahintulot na gawin nito sa paningin ng mabangis na hayop, habang sinasabi nito sa mga nakatira sa lupa na gumawa ng isang estatuwa+ ng mabangis na hayop na nasugatan ng espada pero gumaling.+ 15 At pinahintulutan itong magbigay ng buhay* sa estatuwa ng mabangis na hayop, para ang estatuwa ng mabangis na hayop ay makapagsalita at maipapatay nito ang lahat ng ayaw sumamba sa estatuwa ng mabangis na hayop.
16 Pinipilit nito ang lahat ng tao—ang mga hamak at ang mga dakila, ang mayayaman at ang mahihirap, ang malaya at ang mga alipin—na magpalagay ng marka sa kanang kamay nila o sa noo nila,+ 17 para walang sinumang makabili o makapagtinda maliban sa tao na may marka, ang pangalan+ ng mabangis na hayop o ang numero ng pangalan nito.+ 18 Dito kailangan ng karunungan: Tuosin ng may unawa ang numero ng mabangis na hayop, dahil ito ay numero ng tao, at ang numero nito ay 666.+
14 At nakita ko ang Kordero+ na nakatayo sa Bundok Sion,+ at may kasama siyang 144,000+ na may pangalan niya at pangalan ng kaniyang Ama+ na nakasulat sa noo nila. 2 Narinig ko ang isang tinig mula sa langit na gaya ng lagaslas ng maraming tubig at gaya ng malakas na kulog; at ang tinig na narinig ko ay gaya ng tinig ng mga mang-aawit habang tumutugtog ng alpa. 3 At umaawit sila ng parang isang bagong awit+ sa harap ng trono at sa harap ng apat na buháy na nilalang+ at ng matatanda,+ at hindi matutuhan ng sinuman ang awit na iyon maliban sa 144,000,+ na binili mula sa lupa. 4 Ito ang mga hindi nagparungis ng sarili nila sa mga babae; sa katunayan, mga birhen sila.+ Ito ang mga patuloy na sumusunod sa Kordero saanman siya pumunta.+ Ang mga ito ay binili+ mula sa sangkatauhan bilang mga unang bunga+ sa Diyos at sa Kordero, 5 at walang nakitang panlilinlang sa bibig nila; sila ay walang dungis.+
6 At nakakita ako ng isa pang anghel na lumilipad sa himpapawid,* at mayroon siyang walang-hanggang mabuting balita para sa mga nakatira sa lupa, sa bawat bansa at tribo at wika at bayan.+ 7 Sinasabi niya sa malakas na tinig: “Matakot kayo sa Diyos at magbigay sa kaniya ng kaluwalhatian, dahil dumating na ang oras ng paghatol niya,+ kaya sambahin ninyo ang Isa na gumawa ng langit at lupa at dagat+ at mga bukal ng tubig.”
8 Sumunod ang ikalawang anghel, na nagsasabi: “Bumagsak na siya! Bumagsak na ang Babilonyang Dakila,+ ang nagpainom sa lahat ng bansa ng kaniyang alak ng matinding pagnanasa sa seksuwal na imoralidad!”*+
9 Sumunod sa kanila ang ikatlong anghel, na nagsasabi sa malakas na tinig: “Kung ang sinuman ay sasamba sa mabangis na hayop+ at sa estatuwa nito at tatanggap ng marka sa noo niya o sa kamay niya,+ 10 iinom din siya ng alak ng galit ng Diyos na ibinubuhos nang walang halo sa kopa ng poot Niya,+ at pahihirapan siya sa apoy at asupre+ sa paningin ng mga banal na anghel at sa paningin ng Kordero. 11 At ang usok ng paghihirap* nila ay papailanlang magpakailanman,+ at hindi sila makapagpapahinga araw at gabi, ang mga sumasamba sa mabangis na hayop at sa estatuwa nito at ang sinumang tumatanggap ng marka ng pangalan nito.+ 12 Dito kailangan ng pagtitiis* ng mga banal,+ ang mga sumusunod sa mga utos ng Diyos at nanghahawakan sa pananampalataya+ kay Jesus.”
13 At narinig ko ang isang tinig mula sa langit na nagsabi, “Isulat mo: Maligaya ang mga mamamatay na kaisa ng Panginoon+ mula sa panahong ito. Oo, ang sabi ng espiritu, pagpahingahin sila mula sa mga pagpapagal nila, dahil ang mga bagay na ginawa nila ay sasama sa kanila.”
14 Pagkatapos, nakita ko ang isang puting ulap, at nakaupo sa ulap ang isang gaya ng anak ng tao,+ na may gintong korona sa ulo niya at isang matalas na karit sa kamay niya.
15 Isa pang anghel ang lumabas mula sa santuwaryo ng templo, at sinasabi niya sa malakas na tinig sa isa na nakaupo sa ulap: “Gamitin mo ang iyong karit at gumapas ka, dahil dumating na ang oras para gumapas, dahil ang aanihin sa lupa ay hinog na hinog na.”+ 16 At iniunat ng isa na nakaupo sa ulap ang karit niya sa lupa, at ang lupa ay nagapasan.
17 At isa pang anghel ang lumabas mula sa santuwaryo ng templo na nasa langit, at mayroon din siyang matalas na karit.
18 At isa pang anghel ang lumabas mula sa altar, at may awtoridad siya sa apoy. At sinabi niya sa malakas na tinig sa isa na may matalas na karit: “Gamitin mo ang iyong matalas na karit at tipunin mo ang mga kumpol ng ubas ng lupa, dahil hinog na ang mga bunga nito.”+ 19 Iniunat ng anghel ang karit niya sa lupa at tinipon ang mga ubas ng lupa, at inihagis niya ang mga iyon sa malaking pisaan ng ubas ng galit ng Diyos.+ 20 Ang mga ubas ay tinapakan sa labas ng lunsod, at lumabas ang dugo mula sa pisaan ng ubas at umabot hanggang sa mga renda ng mga kabayo, hanggang sa layo na 1,600 estadyo.*
15 At nakita ko sa langit ang isa pang tanda, na dakila at kamangha-mangha, pitong anghel+ na may pitong salot. Ang mga ito na ang huli, dahil sa pamamagitan nila ay darating sa katapusan ang galit ng Diyos.+
2 At nakita ko ang gaya ng isang malasalaming dagat+ na may halong apoy, at nakatayo sa tabi ng malasalaming dagat ang mga nagtagumpay+ laban sa mabangis na hayop at sa estatuwa nito+ at sa numero ng pangalan nito,+ na may hawak na mga alpa ng Diyos. 3 Inaawit nila ang awit ni Moises+ na alipin ng Diyos at ang awit ng Kordero,+ na nagsasabi:
“Dakila at kamangha-mangha ang iyong mga gawa,+ Diyos na Jehova,* ang Makapangyarihan-sa-Lahat.+ Matuwid at totoo ang iyong mga daan,+ Haring walang hanggan.+ 4 O Jehova,* sino ang hindi matatakot sa iyo at luluwalhati sa pangalan mo, dahil ikaw lang ang tapat?+ Ang lahat ng bansa ay lalapit at sasamba sa harap mo,+ dahil ang iyong matuwid na mga batas ay nahayag na.”
5 Pagkatapos nito, nakita kong nabuksan sa langit ang santuwaryo ng tolda ng patotoo,+ 6 at ang pitong anghel na may pitong salot+ ay lumabas mula sa santuwaryo, na nakasuot ng malinis at maningning na lino at may gintong pamigkis sa dibdib nila. 7 Ang isa sa apat na buháy na nilalang ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong gintong mangkok na punô ng galit ng Diyos,+ na nabubuhay nang walang hanggan. 8 At ang santuwaryo ay napuno ng usok dahil sa kaluwalhatian ng Diyos+ at dahil sa kapangyarihan niya, at walang sinumang makapasok sa santuwaryo hanggang sa matapos ang pitong salot+ ng pitong anghel.
16 At narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa santuwaryo+ na nagsabi sa pitong anghel: “Humayo kayo at ibuhos ninyo sa lupa ang pitong mangkok ng galit ng Diyos.”+
2 Humayo ang una at ibinuhos ang mangkok niya sa lupa.+ At nagkaroon ng masakit at malubhang sugat+ ang mga tao na may marka ng mabangis na hayop+ at sumasamba sa estatuwa nito.+
3 Ibinuhos ng ikalawa ang mangkok niya sa dagat.+ At ito ay naging dugo+ na gaya ng sa taong patay, at ang bawat buháy na nilalang* ay namatay, oo, ang mga bagay na nasa dagat.+
4 Ibinuhos ng ikatlo ang mangkok niya sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig.+ At naging dugo ang mga iyon.+ 5 Narinig kong sinabi ng anghel na may awtoridad sa tubig: “Ikaw, ang kasalukuyan at ang nakaraan,+ ang Isa na tapat,+ ay matuwid, dahil ibinaba mo ang mga hatol na ito,+ 6 dahil ibinuhos nila ang dugo ng mga banal at ng mga propeta,+ at binigyan mo sila ng dugo para inumin;+ nararapat iyon sa kanila.”+ 7 At narinig kong sinabi ng altar: “Oo, Diyos na Jehova,* ang Makapangyarihan-sa-Lahat,+ totoo at matuwid ang mga hatol* mo.”+
8 Ibinuhos ng ikaapat ang mangkok niya sa araw,+ at pinahintulutan ang araw na pasuin ng apoy ang mga tao. 9 At napaso ang mga tao sa matinding init, pero namusong* sila sa pangalan ng Diyos, na may awtoridad sa mga salot na ito, at hindi sila nagsisi at nagbigay ng kaluwalhatian sa kaniya.
10 Ibinuhos ng ikalima ang mangkok niya sa trono ng mabangis na hayop. At nagdilim ang kaharian nito,+ at pinasimulan nilang ngatngatin ang kanilang dila dahil sa kirot, 11 pero namusong sila sa Diyos ng langit dahil sa mga kirot at mga sugat nila, at hindi nila pinagsisihan ang mga ginagawa nila.
12 Ibinuhos ng ikaanim ang mangkok niya sa malaking ilog ng Eufrates,+ at natuyo ang tubig nito+ para ihanda ang daan para sa mga hari+ na mula sa sikatan ng araw.*
13 At nakakita ako ng tatlong maruruming mensahe* na tulad ng mga palaka na lumalabas sa bibig ng dragon+ at sa bibig ng mabangis na hayop at sa bibig ng huwad na propeta. 14 Sa katunayan, ang mga ito ay mga mensaheng galing sa mga demonyo at gumagawa ng mga tanda ang mga ito,+ at pumupunta ang mga ito sa mga hari ng buong lupa, para tipunin sila sa digmaan+ ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.+
15 “Makinig kayo! Dumarating akong gaya ng magnanakaw!+ Maligaya ang nananatiling gisíng+ at nakasuot ng damit* niya, para hindi siya maglakad nang hubad at makita ng mga tao ang kahihiyan niya.”+
16 At tinipon sila ng mga ito sa lugar na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon.*+
17 Ibinuhos ng ikapito ang mangkok niya sa hangin. At isang malakas na tinig ang lumabas sa santuwaryo+ mula sa trono, na nagsasabi: “Naganap na!” 18 At nagkaroon ng mga kidlat at mga tinig at mga kulog, at nagkaroon ng isang malakas na lindol na hindi pa nangyayari mula nang umiral ang tao sa lupa,+ isang napakalawak at napakalakas na lindol. 19 Ang dakilang lunsod+ ay nahati sa tatlo, at ang mga lunsod ng mga bansa ay bumagsak; at ang Babilonyang Dakila+ ay naalaala ng Diyos, para ibigay sa kaniya ang kopa ng alak ng Kaniyang matinding galit.+ 20 At ang bawat isla ay tumakas, at ang mga bundok ay nawala.+ 21 Pagkatapos, mula sa langit ay bumagsak sa mga tao ang malalaking tipak ng yelo,*+ na mga isang talento* ang bigat ng bawat isa, at namusong sa Diyos ang mga tao dahil sa salot ng yelo,+ dahil napakatindi ng salot.
17 Lumapit sa akin ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok,+ at sinabi niya sa akin: “Halika, ipapakita ko sa iyo ang hatol sa maimpluwensiyang babaeng bayaran na nakaupo sa maraming tubig,+ 2 na nagkasala ng seksuwal na imoralidad* kasama ang mga hari sa lupa,+ at ang mga nakatira sa lupa ay nilasing sa alak ng kaniyang seksuwal na imoralidad.”*+
3 At sa kapangyarihan ng espiritu ay dinala niya ako sa ilang. At nakita ko ang isang babae na nakaupo sa isang kulay-iskarlatang* mabangis na hayop na punô ng mapamusong* na mga pangalan at may 7 ulo at 10 sungay. 4 Ang babae ay nakasuot ng damit na purpura*+ at iskarlata, at may mga alahas siyang ginto at mamahaling mga bato at mga perlas,+ at may hawak siyang gintong kopa na punô ng kasuklam-suklam na mga bagay at ng maruruming bagay ng kaniyang seksuwal na imoralidad.* 5 Nakasulat sa noo niya ang isang pangalan, isang misteryo: “Babilonyang Dakila, ang ina ng mga babaeng bayaran+ at ng kasuklam-suklam na mga bagay sa lupa.”+ 6 At nakita ko na ang babae ay lasing sa dugo ng mga banal at sa dugo ng mga saksi ni Jesus.+
Nang makita ko siya, gulat na gulat ako. 7 Kaya sinabi sa akin ng anghel: “Bakit ka nagulat? Sasabihin ko sa iyo ang misteryo ng babae+ at ng mabangis na hayop na sinasakyan niya na may 7 ulo at 10 sungay:+ 8 Ang mabangis na hayop na nakita mo ay umiral, pero wala ito ngayon. Gayunman, malapit na itong umahon mula sa kalaliman,+ at ito ay patungo sa pagkapuksa. At ang mga nakatira sa lupa na ang mga pangalan ay hindi nakasulat sa balumbon ng buhay+ mula nang itatag ang sanlibutan ay magugulat kapag nakita nila kung paanong ang mabangis na hayop ay umiral, pero wala na, at gayunman ay babalik.
9 “Dito kailangan ng isip* na may karunungan: Ang pitong ulo+ ay sumasagisag sa pitong bundok, na sa ibabaw nito ay nakaupo ang babae. 10 At may pitong hari: Bumagsak na ang lima, ang isa ay narito, at ang isa ay hindi pa dumarating; pero pagdating niya, mananatili siya nang maikling panahon. 11 At ang mabangis na hayop na umiral pero wala na,+ ito rin ang ikawalong hari, pero nagmula ito sa pito, at ito ay patungo sa pagkapuksa.
12 “Ang 10 sungay na nakita mo ay sumasagisag sa 10 hari na hindi pa tumatanggap ng kaharian, pero tatanggap sila ng awtoridad bilang mga hari nang isang oras kasama ng mabangis na hayop. 13 Ang mga ito ay may iisang kaisipan, kaya ibinibigay nila ang kapangyarihan at awtoridad nila sa mabangis na hayop. 14 Makikipaglaban ang mga ito sa Kordero,+ pero dahil siya ang Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari,+ magtatagumpay ang Kordero laban sa kanila.+ Magtatagumpay rin ang mga kasama niyang tinawag at pinili at tapat.”+
15 Sinabi niya sa akin: “Ang mga tubig na nakita mo, kung saan nakaupo ang babaeng bayaran, ay sumasagisag sa mga bayan at mga pulutong at mga bansa at mga wika.+ 16 At ang 10 sungay+ na nakita mo at ang mabangis na hayop,+ ang mga ito ay mapopoot sa babaeng bayaran+ at gagawin nila siyang wasak at hubad, at uubusin nila ang laman niya at lubusan siyang susunugin.+ 17 Dahil inilagay ng Diyos sa puso nila na gawin ang nasa isip niya,+ oo, na gawin ang iisa nilang kaisipan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaharian nila sa mabangis na hayop,+ hanggang sa maganap ang mga salita ng Diyos. 18 At ang babae+ na nakita mo ay sumasagisag sa dakilang lunsod na naghahari sa mga hari sa lupa.”
18 Pagkatapos nito, nakakita ako ng isa pang anghel na may malaking awtoridad at bumababa mula sa langit, at nagliwanag ang lupa dahil sa kaluwalhatian niya. 2 At sumigaw siya nang napakalakas: “Bumagsak na siya! Bumagsak na ang Babilonyang Dakila,+ at siya ay naging tahanan ng mga demonyo at tirahan ng bawat masamang* espiritu* at ng bawat marumi at kinasusuklamang ibon!+ 3 Dahil sa kaniyang alak ng matinding pagnanasa sa seksuwal na imoralidad,* nabiktima ang lahat ng bansa,+ at ang mga hari sa lupa ay nagkasala ng seksuwal na imoralidad kasama niya,+ at ang mga negosyante* sa lupa ay yumaman dahil sa kaniyang walang-kahihiyang karangyaan.”
4 At narinig ko ang isa pang tinig mula sa langit na nagsabi: “Lumabas kayo sa kaniya, bayan ko,+ kung ayaw ninyong masangkot sa mga kasalanan niya, at kung ayaw ninyong madamay sa mga salot niya.+ 5 Dahil ang mga kasalanan niya ay nagkapatong-patong at umabot na sa langit,+ at inalaala ng Diyos ang mga ginawa niyang kawalang-katarungan.*+ 6 Ibalik mo sa kaniya ang masamang trato niya sa iba,+ at doblihin mo pa;+ sa kopa+ na pinaghaluan niya ng inumin, maghalo kayo nang doble para sa kaniya.+ 7 Kung paanong labis niyang niluwalhati ang sarili niya at nagpakasasa siya sa walang-kahihiyang karangyaan, labis ding pahirap at dalamhati ang ibigay ninyo sa kaniya. Dahil patuloy niyang sinasabi sa sarili niya: ‘Ako ay isang reyna, at hindi ako biyuda, at hindi ako kailanman magdadalamhati.’+ 8 Iyan ang dahilan kung bakit sa isang araw ay darating ang mga salot niya, ang kamatayan at pagdadalamhati at taggutom, at lubusan siyang susunugin,+ dahil ang Diyos na Jehova,* na humatol sa kaniya, ay malakas.+
9 “At ang mga hari sa lupa na nagkasala ng seksuwal na imoralidad* kasama niya at namuhay sa walang-kahihiyang karangyaan kasama niya ay hahagulgol, at susuntukin nila ang dibdib nila sa pagdadalamhati sa kaniya kapag nakita nila ang usok mula sa pagsunog sa kaniya. 10 Tatayo sila sa malayo dahil sa takot nila sa pagpapahirap sa kaniya at sasabihin: ‘Kaawa-awa, kaawa-awa ka, ikaw na dakilang lunsod,+ O Babilonya, ikaw na matibay na lunsod, dahil sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo!’
11 “Gayundin, ang mga negosyante sa lupa ay umiiyak at nagdadalamhati sa kaniya, dahil wala nang bibili ng mga paninda nila, 12 mga panindang ginto, pilak, mamahaling bato, perlas, magandang klase ng lino, purpurang tela, seda, at matingkad-na-pulang tela; at lahat ng bagay na yari sa mabangong kahoy; at iba’t ibang uri ng produkto na yari sa garing* at sa mamahaling kahoy, tanso, bakal, at marmol; 13 pati kanela,* mababangong sangkap mula sa India, insenso, mabangong langis, olibano, alak, langis ng olibo, magandang klase ng harina, trigo, baka, tupa, kabayo, karwahe, alipin, at mga tao. 14 Oo, ang masasarap na prutas na gustong-gusto mo ay kinuha na sa iyo, at ang lahat ng masasarap na pagkain at ang magagandang bagay ay nawala na sa iyo at hindi na makikita pang muli.
15 “Ang mga negosyante na nagbebenta ng mga ito, na yumaman dahil sa kaniya, ay tatayo sa malayo dahil sa takot nila sa pagpapahirap sa kaniya at iiyak at magdadalamhati, 16 at sasabihin nila: ‘Kaawa-awa, kaawa-awa siya, ang dakilang lunsod, na nadaramtan ng magandang klase ng lino, purpura, at matingkad na pula at nakasuot ng maraming alahas na ginto, mamahaling bato, at perlas,+ 17 dahil sa isang oras ay nawasak ang gayon kalaking kayamanan!’
“At ang bawat kapitan ng barko at ang bawat taong naglalakbay sa dagat at ang mga mandaragat at ang lahat ng naghahanapbuhay sa dagat ay tumayo sa malayo 18 at sumigaw habang nakatingin sa usok mula sa pagsunog sa kaniya at nagsabi: ‘Anong lunsod ang tulad ng dakilang lunsod?’ 19 Nagsaboy sila ng alabok sa mga ulo nila at sumigaw, at umiyak sila at nagdalamhati at nagsabi: ‘Kaawa-awa, kaawa-awa siya, ang dakilang lunsod, na ang kayamanan ay nagpayaman sa lahat ng may barko sa dagat, dahil sa isang oras ay nawasak siya!’+
20 “Matuwa ka sa nangyari sa kaniya, O langit,+ kayo ring mga banal+ at mga apostol at mga propeta, dahil ang Diyos ay naghayag na ng hatol sa kaniya para sa inyo!”+
21 At binuhat ng isang malakas na anghel ang isang bato na gaya ng isang malaking gilingang-bato at inihagis iyon sa dagat, at sinabi niya: “Ganoon kabilis ihahagis ang Babilonya na dakilang lunsod, at hindi na siya makikita pang muli.+ 22 At ang tinig ng mga mang-aawit na sinasabayan ng pagtugtog ng alpa at ang pagtugtog ng mga musikero, ng mga plawtista, at ng mga humihihip ng trumpeta ay hindi na maririnig pang muli sa iyo. At walang bihasang manggagawa ng anumang hanapbuhay ang makikita pang muli sa iyo, at wala nang tunog ng gilingang-bato ang maririnig pang muli sa iyo. 23 Wala nang liwanag ng lampara ang sisinag pang muli sa iyo, at wala nang tinig ng lalaking ikakasal at ng babaeng ikakasal ang maririnig pang muli sa iyo; dahil ang mga negosyante mo ang pinakaprominenteng mga tao sa mundo, at dahil sa espiritistiko mong mga gawain+ ay naligaw ang lahat ng bansa. 24 Oo, nakita sa kaniya ang dugo ng mga propeta at ng mga banal+ at ng lahat ng pinatay sa lupa.”+
19 Pagkatapos nito ay narinig ko ang isang malakas na tinig na gaya ng tinig ng isang malaking pulutong sa langit. Sinabi nila: “Purihin si Jah!*+ Ang kaligtasan at ang kaluwalhatian at ang kapangyarihan ay sa ating Diyos, 2 dahil ang mga hatol niya ay totoo at matuwid.+ Dahil naglapat siya ng hatol sa maimpluwensiyang babaeng bayaran na nagpasamâ sa lupa dahil sa seksuwal na imoralidad* nito, at ipinaghiganti niya ang dugo ng mga alipin niya na nasa kamay nito.”*+ 3 At agad nilang sinabi sa ikalawang pagkakataon: “Purihin si Jah!*+ At ang usok mula sa kaniya ay patuloy na paiilanlang magpakailanman.”+
4 At ang 24 na matatanda+ at ang apat na buháy na nilalang+ ay sumubsob at sumamba sa Diyos na nakaupo sa trono at nagsabi: “Amen! Purihin si Jah!”*+
5 Gayundin, isang tinig mula sa trono ang nagsabi: “Purihin ninyo ang ating Diyos, lahat kayong alipin niya,+ na may takot sa kaniya, ang mga hamak at ang mga dakila.”+
6 At may narinig akong gaya ng tinig ng isang malaking pulutong at parang lagaslas ng maraming tubig at parang malalakas na kulog. Sinabi nila: “Purihin si Jah,*+ dahil si Jehova* na ating Diyos, ang Makapangyarihan-sa-Lahat,+ ay nagsimula nang maghari!+ 7 Magsaya tayo at mag-umapaw sa kagalakan at luwalhatiin natin siya, dahil ang kasal ng Kordero ay sumapit na at ang mapapangasawa niya ay nakahanda na. 8 Oo, ipinagkaloob sa kaniya* ang pribilehiyong magbihis ng maningning, malinis, at magandang klase ng lino—dahil ang magandang klase ng lino ay sumasagisag sa matuwid na mga gawa ng mga banal.”+
9 At sinabi niya sa akin, “Isulat mo: Maligaya ang mga inanyayahan sa hapunan ng kasal ng Kordero.”+ Sinabi rin niya sa akin: “Ito ang tunay na mga pananalita ng Diyos.” 10 At sumubsob ako sa paanan niya para sambahin siya. Pero sinabi niya sa akin: “Mag-ingat ka! Huwag mong gawin iyan!+ Isa lang akong aliping gaya mo at ng mga kapatid mo na nagpapatotoo tungkol kay Jesus.+ Ang Diyos ang sambahin mo!+ Dahil ang mga hula ay para sa pagpapatotoo tungkol kay Jesus.”+
11 Nakita kong bumukas ang langit, at nakita ko ang isang puting kabayo.+ At ang nakasakay roon ay tinatawag na Tapat+ at Totoo,+ at siya ay humahatol at nakikipagdigma ayon sa katuwiran.+ 12 Ang mga mata niya ay nagliliyab na apoy,+ at sa ulo niya ay maraming diadema.* May nakasulat na pangalan sa kaniya na walang ibang nakaaalam kundi siya lang, 13 at nakasuot siya ng damit na namantsahan* ng dugo, at siya ay tinatawag sa pangalang Ang Salita+ ng Diyos. 14 Gayundin, ang mga hukbo sa langit ay sumusunod sa kaniya sakay ng mga puting kabayo, at nakasuot sila ng maputi, malinis, at magandang klase ng lino. 15 At lumabas sa bibig niya ang isang matalas at mahabang espada+ na gagamitin niya para saktan ang mga bansa, at papastulan niya sila gamit ang isang panghampas na bakal.+ Tatapakan din niya ang mga ubas sa pisaan ng ubas ng galit ng poot ng Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat.+ 16 Sa damit niya, oo, sa hita niya, ay may nakasulat na pangalan, Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.+
17 Nakita ko rin ang isang anghel na nasa sinag ng araw, at sumigaw siya nang malakas at nagsabi sa lahat ng ibon na lumilipad sa himpapawid:* “Halikayo rito, matipon kayo sa malaking handaan* ng Diyos,+ 18 para makain ninyo ang laman ng mga hari at ang laman ng mga kumandante ng militar at ang laman ng malalakas na tao+ at ang laman ng mga kabayo at ng mga nakasakay sa mga ito,+ at ang laman ng lahat, ng mga taong malaya pati ng mga alipin at ng mga hamak at ng mga dakila.”
19 At nakita ko ang mabangis na hayop at ang mga hari sa lupa at ang mga hukbo nila na nagtipon para makipagdigma sa isa na nakasakay sa kabayo at sa hukbo niya.+ 20 At sinunggaban ang mabangis na hayop, at kasama nito ang huwad na propeta+ na gumawa sa harap nito ng mga tanda para iligaw ang mga tumanggap ng marka ng mabangis na hayop+ at ang mga sumasamba sa estatuwa nito.+ Habang buháy pa, pareho silang inihagis sa maapoy na lawa na nagniningas sa asupre.+ 21 Pero ang iba pa ay pinatay sa pamamagitan ng mahabang espada na lumabas sa bibig ng nakasakay sa kabayo.+ At ang lahat ng ibon ay nabusog sa laman nila.+
20 At nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit hawak ang susi ng kalaliman+ at isang malaking kadena. 2 Sinunggaban niya ang dragon,+ ang orihinal na ahas,+ ang Diyablo+ at Satanas,+ at iginapos ito sa loob ng 1,000 taon. 3 At inihagis niya ito sa kalaliman+ at isinara iyon at tinatakan ang pasukan, para hindi na nito mailigaw ang mga bansa hanggang sa matapos ang 1,000 taon. Pagkatapos, pakakawalan ito nang kaunting panahon.+
4 At nakakita ako ng mga trono, at ang mga nakaupo sa mga iyon ay binigyan ng awtoridad na humatol. Oo, nakita ko ang dugo ng mga pinatay* dahil sa pagpapatotoo nila tungkol kay Jesus at pagsasalita tungkol sa Diyos, ang mga hindi sumamba sa mabangis na hayop o sa estatuwa nito at hindi tumanggap ng marka sa noo at kamay nila.+ At nabuhay sila at nagharing kasama ng Kristo+ sa loob ng 1,000 taon. 5 (Ang iba pang patay+ ay hindi nabuhay hanggang sa matapos ang 1,000 taon.) Ito ang unang pagkabuhay-muli.+ 6 Maligaya at banal ang sinumang kasama sa unang pagkabuhay-muli;+ walang awtoridad sa kanila ang ikalawang kamatayan,+ kundi sila ay magiging mga saserdote+ ng Diyos at ng Kristo, at maghahari silang kasama niya sa loob ng 1,000 taon.+
7 At pagkatapos ng 1,000 taon, pakakawalan agad si Satanas mula sa bilangguan niya, 8 at lalabas siya para iligaw ang mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, ang Gog at Magog, para tipunin sila sa digmaan. Ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat. 9 At nangalat sila sa buong lupa at pinalibutan ang kampo ng mga banal at ang minamahal na lunsod. Pero bumaba ang apoy mula sa langit at tinupok sila.+ 10 At ang Diyablo na nagliligaw sa kanila ay inihagis sa lawa ng apoy at asupre, na kinaroroonan ng mabangis na hayop+ at ng huwad na propeta;+ at pahihirapan* sila araw at gabi magpakailanman.
11 At nakita ko ang isang malaki at puting trono at ang nakaupo roon.+ Mula sa harap niya ay tumakas ang lupa at ang langit,+ at wala nang lugar para sa mga ito. 12 At nakita ko ang mga patay, ang mga dakila at ang mga hamak, na nakatayo sa harap ng trono, at binuksan ang mga balumbon. Pero may isa pang balumbon na binuksan; ito ang balumbon ng buhay.+ Ang mga patay ay hinatulan sa mga ginawa nila batay sa mga nakasulat sa mga balumbon.+ 13 At ibinigay ng dagat ang mga patay na naroon, at ibinigay ng kamatayan at ng Libingan* ang mga patay na nasa mga ito, at hinatulan ang bawat isa sa kanila ayon sa mga ginawa nila.+ 14 At ang kamatayan at ang Libingan* ay inihagis sa lawa ng apoy.+ Sumasagisag ito sa ikalawang kamatayan,+ ang lawa ng apoy.+ 15 At ang sinumang hindi nakasulat sa aklat ng buhay+ ay inihagis sa lawa ng apoy.+
21 At nakita ko ang bagong langit at ang bagong lupa;+ dahil ang dating langit at ang dating lupa ay lumipas na,+ at ang dagat+ ay wala na. 2 Nakita ko rin ang banal na lunsod, ang Bagong Jerusalem, na bumababa ng langit mula sa Diyos+ at nakahandang gaya ng isang babaeng ikakasal na nakabihis para salubungin ang mapapangasawa niya.+ 3 Pagkatapos, narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono na nagsasabi: “Tingnan mo! Ang tolda ng Diyos ay nasa sangkatauhan, at maninirahan siyang kasama nila, at sila ay magiging bayan niya. At ang Diyos mismo ay sasakanila.+ 4 At papahirin niya ang bawat luha sa mga mata nila,+ at mawawala na ang kamatayan,+ pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot.+ Ang dating mga bagay ay lumipas na.”
5 At sinabi ng nakaupo sa trono:+ “Tingnan mo! Ginagawa kong bago ang lahat ng bagay.”+ Sinabi rin niya: “Isulat mo, dahil ang mga salitang ito ay tapat* at totoo.” 6 At sinabi niya sa akin: “Naganap na ang mga iyon! Ako ang Alpha at ang Omega,* ang pasimula at ang wakas.+ Ang sinumang nauuhaw ay bibigyan ko ng tubig mula sa bukal ng tubig ng buhay nang walang bayad.+ 7 Mamanahin ng sinumang magtatagumpay* ang mga bagay na ito, at ako ang magiging Diyos niya at siya ay magiging anak ko. 8 Pero para naman sa mga duwag at sa mga walang pananampalataya+ at sa mga kasuklam-suklam at marumi at sa mga mamamatay-tao+ at sa mga namimihasa sa* seksuwal na imoralidad*+ at sa mga nagsasagawa ng espiritismo at sa mga sumasamba sa idolo at sa lahat ng sinungaling,+ ihahagis sila sa lawa na nagniningas sa apoy at asupre.+ Sumasagisag ito sa ikalawang kamatayan.”+
9 Dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok na punô ng pitong huling salot,+ at sinabi niya sa akin: “Halika, ipapakita ko sa iyo ang babaeng ikakasal, ang mapapangasawa ng Kordero.”+ 10 Kaya sa kapangyarihan ng espiritu ay dinala niya ako sa isang malaki at napakataas na bundok, at ipinakita niya sa akin ang banal na lunsod na Jerusalem na bumababa ng langit mula sa Diyos+ 11 at nagtataglay ng kaluwalhatian ng Diyos.+ Ang kaningningan nito ay gaya ng isang napakamamahaling bato, gaya ng batong jaspe na kumikinang na parang kristal.+ 12 Ito ay may malaki at napakataas na pader at may 12 pintuang-daan, at sa bawat pintuang-daan ay may isang anghel; sa mga pintuang-daan ay may nakasulat na pangalan ng 12 tribo ng mga anak ni Israel. 13 Tatlong pintuang-daan ang nasa silangan, tatlong pintuang-daan sa hilaga, tatlong pintuang-daan sa timog, at tatlong pintuang-daan sa kanluran.+ 14 Ang pader ng lunsod ay mayroon ding 12 batong pundasyon, at makikita sa mga iyon ang 12 pangalan ng 12 apostol+ ng Kordero.
15 At ang nakikipag-usap sa akin ay may hawak na panukat na gintong tambo para sukatin ang lunsod at ang mga pintuang-daan nito at ang pader nito.+ 16 At ang lunsod ay parisukat, na ang haba at ang lapad ay magkapareho. At sinukat niya ng tambo ang lunsod, 12,000 estadyo;* ang haba at ang lapad at ang taas nito ay magkakasukat. 17 Sinukat din niya ang pader nito, 144 na siko* ayon sa panukat ng tao, na panukat din ng anghel. 18 At ang pader ay gawa sa jaspe,+ at ang lunsod ay purong ginto na gaya ng malinaw na salamin. 19 Ang mga pundasyon ng pader ng lunsod ay gawa sa bawat uri ng mamahaling bato: ang unang pundasyon ay jaspe, ang ikalawa ay safiro, ang ikatlo ay calcedonia, ang ikaapat ay esmeralda, 20 ang ikalima ay sardonica, ang ikaanim ay sardio, ang ikapito ay crisolito, ang ikawalo ay berilo, ang ikasiyam ay topacio, ang ikasampu ay crisopasio, ang ikalabing-isa ay jacinto, ang ikalabindalawa ay amatista. 21 Gayundin, ang 12 pintuang-daan ay 12 perlas; ang bawat isa sa mga pintuang-daan ay gawa sa isang perlas. At ang malapad na daan ng lunsod ay purong ginto, gaya ng malinaw na salamin.
22 Wala akong nakitang templo roon, dahil ang Diyos na Jehova* na Makapangyarihan-sa-Lahat+ ang templo nito, gayundin ang Kordero. 23 Hindi kailangan ng lunsod ang sikat ng araw o liwanag ng buwan, dahil ang kaluwalhatian ng Diyos ang nagbibigay ng liwanag dito,+ at ang lampara nito ay ang Kordero.+ 24 At ang mga bansa ay lalakad sa liwanag nito,+ at dadalhin ng mga hari sa lupa ang kaluwalhatian nila sa loob nito. 25 Ang mga pintuang-daan nito ay hindi isasara sa araw, dahil hindi magkakaroon ng gabi roon.+ 26 At dadalhin nila sa loob nito ang kaluwalhatian at ang karangalan ng mga bansa.+ 27 Pero anumang bagay na nadungisan at sinumang gumagawa ng kasuklam-suklam at mapandaya ay hinding-hindi makakapasok sa loob nito;+ ang makakapasok lang ay ang mga nakasulat sa balumbon ng buhay ng Kordero.+
22 At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay,+ malinaw na gaya ng kristal, na umaagos mula sa trono ng Diyos at ng Kordero+ 2 sa gitna ng malapad na daan ng lunsod. At sa magkabilang panig ng ilog ay may mga puno ng buhay na namumunga nang 12 beses sa isang taon, isang beses sa bawat buwan. At ang mga dahon ng mga puno ay para sa pagpapagaling ng mga bansa.+
3 At hindi na magkakaroon ng anumang sumpa. Ang trono ng Diyos at ng Kordero+ ay matatagpuan sa lunsod, at ang mga alipin niya ay maglilingkod* sa kaniya; 4 at makikita nila ang mukha niya,+ at ang pangalan niya ay masusulat sa mga noo nila.+ 5 Gayundin, ang gabi ay mawawala na,+ at hindi nila kakailanganin ang liwanag ng lampara o ng araw, dahil ang Diyos na Jehova* ang magbibigay ng liwanag sa kanila,+ at maghahari sila magpakailanman.+
6 Sinabi niya sa akin: “Ang mga salitang ito ay tapat* at totoo;+ oo, si Jehova,* ang Diyos na nagsalita sa pamamagitan ng mga propeta,+ ay nagsugo ng anghel niya para ipakita sa mga alipin niya ang mga bagay na malapit nang mangyari. 7 Malapit na akong dumating.+ Maligaya ang sinumang tumutupad sa mga salita ng hula sa balumbong ito.”+
8 Ako, si Juan, ang nakarinig at nakakita sa mga ito. Nang marinig ko at makita ang mga ito, sumubsob ako para sumamba sa paanan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito. 9 Pero sinabi niya sa akin: “Mag-ingat ka! Huwag mong gawin iyan! Isa lang akong alipin gaya mo at ng mga kapatid mong mga propeta at ng mga sumusunod sa mga salita sa balumbong ito. Ang Diyos ang sambahin mo.”+
10 Sinabi rin niya sa akin: “Huwag mong tatakan* ang mga salita ng hula sa balumbong ito, dahil ang takdang panahon ay malapit na. 11 Ang di-matuwid ay patuloy na gumawa ng di-matuwid, at ang marumi ay patuloy na magpakarumi; pero ang matuwid ay patuloy na gumawa ng matuwid, at ang banal ay patuloy na magpakabanal.
12 “‘Malapit na akong dumating, at nasa akin ang kabayarang ibibigay ko, para ibigay sa bawat isa ang ayon sa ginagawa niya.+ 13 Ako ang Alpha at ang Omega,*+ ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas. 14 Maligaya ang mga naglalaba ng mahahaba nilang damit,+ para magkaroon sila ng karapatan sa mga puno ng buhay+ at makapasok sila sa lunsod sa mga pintuang-daan nito.+ 15 Nasa labas ang mga aso* at ang mga nagsasagawa ng espiritismo at ang mga namimihasa sa* seksuwal na imoralidad* at ang mga mamamatay-tao at ang mga sumasamba sa idolo at ang lahat ng mahilig magsinungaling at laging nagsisinungaling.’+
16 “‘Ako, si Jesus, ay nagsugo ng anghel ko para magpatotoo sa inyo tungkol sa mga bagay na ito para sa mga kongregasyon. Ako ang ugat at ang supling ni David+ at ang maningning na bituing pang-umaga.’”+
17 At ang espiritu at ang babaeng ikakasal+ ay patuloy na nagsasabi, “Halika!” at ang sinumang nakikinig ay magsabi, “Halika!” at ang sinumang nauuhaw ay lumapit;+ ang sinumang may gusto ng tubig ng buhay na walang bayad ay kumuha nito.+
18 “Ako ay nagpapatotoo sa bawat isa na nakikinig sa mga salita ng hula sa balumbong ito: Kung ang sinuman ay magdagdag sa mga bagay na ito,+ idaragdag sa kaniya ng Diyos ang mga salot na nakasulat sa balumbong ito;+ 19 at kung ang sinuman ay mag-alis ng anuman sa mga salita ng balumbon ng hulang ito, aalisin ng Diyos ang parte niya sa mga puno ng buhay+ at sa banal na lunsod,+ mga bagay na nakasulat sa balumbong ito.
20 “Sinabi ng nagpapatotoo tungkol sa mga bagay na ito, ‘Oo, malapit na akong dumating.’”+
“Amen! Dumating ka nawa, Panginoong Jesus.”
21 Tumanggap nawa ang mga banal ng walang-kapantay na kabaitan ng Panginoong Jesus.
Sa Griego, a·po·kaʹly·psis.
O “probinsiya.”
O “ang A at ang Z.” Ang Alpha at Omega ang una at huling letra ng alpabetong Griego.
Tingnan ang Ap. A5.
O “pagbabata.”
O “Hades.” Tingnan sa Glosari.
O “pagbabata.”
O “Nagbata.”
O “mananaig.”
Tingnan sa Glosari.
Tingnan sa Glosari.
Tingnan sa Glosari.
O “pagbabata.”
Tingnan sa Glosari.
Sa Griego, por·neiʹa. Tingnan sa Glosari.
O “sa kaibuturan ng damdamin.” Lit., “sa mga bato.”
O “reputasyon.”
O “hindi mo tinapos.”
O “alalahanin.”
Lit., “pangalan.”
O “mananaig.”
O “pagbabata.”
O posibleng “ang halimbawa ko ng pagtitiis.”
O “paglikha.”
O “ng mamahaling bato na kulay pula.”
O “Sa gitna kasama ng trono.”
Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan ang Ap. A5.
Lit., “karapat-dapat tumanggap ng.”
O “nalikha.”
Lit., “sa loob at sa likod.”
Tingnan sa Glosari, “Pantatak; Tatak.”
O “nanaig.”
O “batang tupa.”
O “sampu-sampung libong sampu-sampung libo.”
O “nananaig.”
Tingnan ang Ap. B14.
Baryang pilak sa Roma na katumbas ng isang araw na suweldo. Tingnan ang Ap. B14.
O “Hades.” Tingnan sa Glosari.
O “Soberanong.”
Posibleng balahibo ng kambing.
O “sa silangan.”
O “sunugan.”
Lit., “apoy.”
O “graniso.”
O “karong.”
Ibig sabihin, “Pagpuksa.”
Ibig sabihin, “Tagapuksa.”
O “20,000 na 10,000,” ibig sabihin, 200,000,000.
Sa Griego, por·neiʹa. Tingnan sa Glosari.
O “nababalutan.”
Lit., “paa.”
O “tungkod na panukat.”
Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
O “at nakatingin sa kanila ang.”
O “at puksain ang mga sumisira.”
O “graniso.”
O “korona.”
Ibig sabihin, “Sino ang Tulad ng Diyos?”
O posibleng “pero natalo ito [ang dragon].”
O “nanaig sila.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Tatlo at kalahating panahon.
Lit., “sa binhi.”
Ang dragon.
O “korona.”
Tingnan sa Glosari, “Pamumusong.”
O posibleng “papatayin.”
O “pagbabata.”
O “batang tupa.”
Lit., “hininga.”
O “kalagitnaan ng langit.”
Sa Griego, por·neiʹa. Tingnan sa Glosari.
O “pagkabilanggo.”
O “pagbabata.”
Mga 296 km (184 mi). Ang isang estadyo ay 185 m (606.95 ft). Tingnan ang Ap. B14.
Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Tingnan ang Ap. A5.
O “hudisyal na pasiya.”
Tingnan sa Glosari, “Pamumusong.”
O “sa silangan.”
Lit., “espiritu.”
Lit., “panlabas na kasuotan.”
Sa Griego, Har Ma·ge·donʹ, mula sa salitang Hebreo na nangangahulugang “Bundok ng Megido.”
Lit., “graniso.”
Ang isang talentong Griego ay 20.4 kg. Tingnan ang Ap. B14.
Tingnan sa Glosari.
Sa Griego, por·neiʹa. Tingnan sa Glosari.
O “matingkad-na-pulang.”
Tingnan sa Glosari, “Pamumusong.”
O “kulay-ube.” Tingnan sa Glosari.
Sa Griego, por·neiʹa. Tingnan sa Glosari.
O “katalinuhan.”
Lit., “maruming.”
O posibleng “hininga.”
Sa Griego, por·neiʹa. Tingnan sa Glosari.
O “naglalakbay na negosyante.”
O “krimen.”
Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan sa Glosari.
Sa Ingles, ivory.
Sa Ingles, cinnamon.
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
Sa Griego, por·neiʹa. Tingnan sa Glosari.
Lit., “mula sa kamay nito.”
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
Tingnan ang Ap. A5.
Sa mapapangasawa ng Kordero.
O “korona.”
O posibleng “nawisikan.”
O “kalagitnaan ng langit.”
O “hapunan.”
Lit., “pinatay sa pamamagitan ng palakol.”
O “ibibilanggo.” Tingnan ang tlb. sa Apo 14:11.
O “Hades.” Tingnan sa Glosari.
O “Hades.” Tingnan sa Glosari.
O “mapagkakatiwalaan.”
O “ang A at ang Z.” Ang Alpha at Omega ang una at huling letra ng alpabetong Griego.
O “mananaig.”
O “nagkakasala ng.”
Tingnan sa Glosari.
Mga 2,220 km (1,379 mi). Ang isang estadyo ay 185 m (606.95 ft). Tingnan ang Ap. B14.
Mga 64 m (210 ft). Tingnan ang Ap. B14.
Tingnan ang Ap. A5.
O “maghahandog ng sagradong paglilingkod.”
Tingnan ang Ap. A5.
O “mapagkakatiwalaan.”
Tingnan ang Ap. A5.
Tingnan sa Glosari, “Pantatak; Tatak.”
O “ang A at ang Z.” Ang Alpha at Omega ang una at huling letra ng alpabetong Griego.
Mga gumagawa ng mga bagay na kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.
O “nagkakasala ng.”
Tingnan sa Glosari.