EZEKIEL
1 Nang ika-30 taon,* noong ikalimang araw ng ikaapat na buwan, habang kasama ko ang ipinatapong bayan+ sa tabi ng ilog ng Kebar,+ nabuksan ang langit at nagsimula akong makakita ng mga pangitain mula sa Diyos. 2 Noong ikalimang araw ng buwan—nang ikalimang taon ng pagkatapon ni Haring Jehoiakin+— 3 ang salita ni Jehova ay dumating kay Ezekiel* na anak ni Buzi na saserdote habang nasa tabi siya ng ilog ng Kebar sa lupain ng mga Caldeo.+ Doon, sumakaniya ang kapangyarihan* ni Jehova.+
4 At may nakita akong napakalakas na hanging+ dumarating mula sa hilaga, at may malaking ulap at sumisiklab na apoy*+ na napapalibutan ng maningning na liwanag, at may gaya ng isang elektrum* sa gitna ng apoy.+ 5 Sa gitna nito ay mayroong gaya ng apat na buháy na nilalang,+ at kawangis ng tao ang bawat isa. 6 May apat na mukha at apat na pakpak ang bawat isa.+ 7 Tuwid ang mga paa nila, at ang talampakan nila ay gaya ng sa guya,* at kumikinang ang mga iyon na gaya ng pinakintab na tanso.+ 8 Mayroon silang mga kamay ng tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak sa apat na tagiliran nila, at silang apat ay may mga mukha at pakpak. 9 Nagkakadikit ang mga pakpak nila. Hindi sila bumabaling kapag lumilipat ng puwesto; deretso lang ang bawat isa.+
10 Ganito ang hitsura ng mga mukha nila: Ang bawat isa sa apat ay may mukha ng tao, mukha ng leon+ sa kanan, mukha ng toro+ sa kaliwa, at bawat isa sa apat ay may mukha ng agila.+ 11 Ganiyan ang mga mukha nila. Nakaunat paitaas ang mga pakpak nila. Nagkakadikit ang dalawang pakpak ng bawat isa at tumatakip naman sa katawan nila ang dalawa pa nilang pakpak.+
12 Saanman sila akayin ng espiritu, sumusunod sila nang hindi bumabaling.+ Deretso lang ang bawat isa. 13 At ang buháy na mga nilalang ay parang nagniningas na mga baga, at isang bagay na gaya ng mga sulo ng lumalagablab na apoy ang nagpaparoo’t parito sa pagitan ng buháy na mga nilalang, at may kidlat na lumalabas mula sa apoy.+ 14 At kapag ang buháy na mga nilalang ay umaalis at bumabalik, para silang mga kidlat.
15 Habang pinapanood ko ang buháy na mga nilalang, nakakita ako ng isang gulong sa lupa sa tabi ng bawat isa sa buháy na mga nilalang na may apat na mukha.+ 16 Ang mga gulong ay nagniningning na tulad ng crisolito,* at magkakamukha ang apat. Ang hitsura ng mga gulong ay gaya ng gulong sa loob ng isa pang gulong.* 17 Kapag umaalis ang mga ito, kayang pumunta ng mga ito sa apat na direksiyon nang hindi bumabaling. 18 Napakataas ng mga gulong kaya talagang kamangha-mangha ang mga ito, at ang apat na gulong ay punô ng mata.+ 19 Kapag umaalis ang buháy na mga nilalang, sumasama rin ang mga gulong, at kapag pumapaitaas mula sa lupa ang buháy na mga nilalang, pumapaitaas din ang mga gulong.+ 20 Pumupunta sila kung saan sila akayin ng espiritu, saanman pumunta ang espiritu. Ang mga gulong ay pumapaitaas din kasabay nila, dahil ang espiritung nasa buháy na mga nilalang* ay nasa mga gulong din. 21 Kapag umaalis sila, umaalis ang mga ito; at kapag humihinto sila, humihinto ang mga ito; at kapag pumapaitaas sila mula sa lupa, pumapaitaas din ang mga gulong kasabay nila, dahil ang espiritung nasa buháy na mga nilalang ay nasa mga gulong din.
22 Sa itaas ng ulo ng buháy na mga nilalang ay may gaya ng isang malapad na sahig na kahanga-hanga at nagniningning na tulad ng yelo.+ 23 Sa ilalim ng malapad na sahig, nakaunat paitaas* ang mga pakpak nila at nagkakadikit. Ang bawat isa ay may dalawang pakpak na naipantatakip sa isang panig ng katawan nila at dalawa pa para naman sa kabilang panig. 24 Nang marinig ko ang pagaspas ng mga pakpak nila, para itong rumaragasang tubig, gaya ng tinig ng Makapangyarihan-sa-Lahat.+ Kapag umaalis sila, parang may ugong ng isang hukbo. Kapag humihinto sila, ibinababa nila ang mga pakpak nila.
25 May tinig na nanggagaling sa ibabaw ng malapad na sahig na nasa itaas ng ulo nila. (Kapag humihinto sila, ibinababa nila ang mga pakpak nila.) 26 Sa ibabaw ng malapad na sahig na nasa itaas ng ulo nila ay may gaya ng batong safiro,+ na parang isang trono.+ At may nakaupo sa trono na tulad ng isang tao.+ 27 May nakita akong nagniningning na gaya ng elektrum,+ na tulad ng apoy na nagmumula sa tila baywang niya pataas; at mula sa baywang niya pababa, may nakita akong tulad ng apoy.+ Nagniningning ang palibot niya 28 gaya ng bahaghari+ sa ulap sa isang maulang araw. Ganiyan ang hitsura ng nakapalibot na maningning na liwanag. Gaya iyon ng kaluwalhatian ni Jehova.+ Nang makita ko iyon, sumubsob ako at may narinig akong tinig ng nagsasalita.
2 At sinabi niya sa akin: “Anak ng tao,* tumayo ka at may sasabihin ako sa iyo.”+ 2 Nang magsalita siya, sumaakin ang espiritu at itinayo ako nito+ para marinig ko ang Isa na nakikipag-usap sa akin.
3 Sinabi pa niya: “Anak ng tao, isusugo kita sa bayang Israel,+ sa rebeldeng mga bansa na nagrebelde sa akin.+ Sila at ang mga ninuno nila ay nagkakasala sa akin hanggang sa mismong araw na ito.+ 4 Isusugo kita sa mga anak na palaban at matigas ang ulo,+ at sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.’ 5 Makinig man sila o hindi—dahil sila ay isang rebeldeng sambahayan+—tiyak na malalaman nila na nagkaroon ng propeta sa gitna nila.+
6 “Pero huwag kang matakot sa kanila,+ anak ng tao, at huwag kang matakot sa sasabihin nila, kahit pa napapalibutan ka ng matitinik na halaman*+ at naninirahan ka sa gitna ng mga alakdan. Huwag kang matakot sa sasabihin nila+ at sa tingin nila,+ dahil sila ay isang rebeldeng sambahayan. 7 Sabihin mo sa kanila ang mga salita ko, makinig man sila o hindi, dahil sila ay isang rebeldeng bayan.+
8 “Pero ikaw, anak ng tao, makinig ka sa sinasabi ko sa iyo. Huwag kang magrebelde gaya ng rebeldeng sambahayang ito. Ibuka mo ang bibig mo at kainin ang ibinibigay ko sa iyo.”+
9 At may nakita akong kamay na nakaunat sa akin,+ at may hawak itong balumbon na may sulat.*+ 10 Nang iladlad niya iyon sa harap ko, may sulat iyon sa harap at likod.+ Pagdaing, paghagulgol, at mga awit ng pagdadalamhati ang nakasulat doon.+
3 At sinabi niya: “Anak ng tao, kainin mo ang nasa harap mo. Kainin mo ang balumbong ito, at puntahan mo ang sambahayan ng Israel, at kausapin mo sila.”+
2 Kaya ibinuka ko ang bibig ko, at ipinakain niya sa akin ang balumbong ito. 3 Sinabi pa niya: “Anak ng tao, kainin mo ang balumbong ito na ibinibigay ko sa iyo, at punuin mo nito ang tiyan mo.” Kaya kinain ko iyon, at sintamis iyon ng pulot-pukyutan sa bibig ko.+
4 Sinabi niya: “Anak ng tao, puntahan mo ang sambahayan ng Israel at sabihin mo sa kanila ang mga salita ko. 5 Dahil hindi ka isinusugo sa isang bayang di-maintindihan o kakaiba ang wika, kundi sa sambahayan ng Israel. 6 Hindi ka isinusugo sa maraming bayan na di-maintindihan o kakaiba ang wika, na hindi mo maunawaan ang mga salita. Kung sa kanila kita isusugo, makikinig sila sa iyo.+ 7 Pero hindi makikinig sa iyo ang sambahayan ng Israel, dahil ayaw nilang makinig sa akin.+ Matitigas ang ulo at puso ng lahat ng nasa sambahayan ng Israel.+ 8 Ginawa kong sintigas ng mukha nila ang iyong mukha at sintigas ng noo nila ang iyong noo.+ 9 Ginawa kong gaya ng diamante ang iyong noo, mas matigas pa kaysa sa bato.*+ Huwag kang matakot sa kanila o sa mga tingin nila,+ dahil sila ay isang rebeldeng sambahayan.”
10 Sinabi pa niya: “Anak ng tao, pakinggan mo at isapuso ang lahat ng sinasabi ko sa iyo. 11 Puntahan mo ang mga kababayan* mong ipinatapon,+ at kausapin mo sila. Sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova,’ makinig man sila o hindi.”+
12 Dinala ako ng isang espiritu+ at narinig ko sa likuran ko ang isang malakas na ugong na nagsabi: “Purihin nawa mula sa kaniyang dako ang kaluwalhatian ni Jehova.” 13 Maririnig ang pagaspas ng mga pakpak ng buháy na mga nilalang habang sumasagi sa isa’t isa+ at ang tunog ng mga gulong sa tabi nila+ at ang malakas na ugong. 14 At dinala ako ng espiritu. Naiinis ako at galit na galit, at talagang napakilos ako ng kapangyarihan* ni Jehova. 15 Kaya pinuntahan ko ang mga ipinatapon sa Tel-abib, na naninirahan sa tabi ng ilog ng Kebar,+ at nanatili ako doon kung saan sila naninirahan; pitong araw akong nanatiling kasama nila, at wala ako sa sarili ko.+
16 Sa pagtatapos ng pitong araw, dumating sa akin ang salita ni Jehova:
17 “Anak ng tao, inaatasan kitang maging bantay sa sambahayan ng Israel;+ at kapag may narinig kang salita mula sa aking bibig, babalaan mo sila.+ 18 Kapag sinabi ko sa masama, ‘Tiyak na mamamatay ka,’ pero hindi mo siya binigyan ng babala at sinabihan na talikuran ang masama niyang landasin para mabuhay siya,+ mamamatay siya dahil sa kasalanan niya at dahil masama siya,+ pero sisingilin ko sa iyo ang* dugo niya.+ 19 Pero kung binigyan mo ng babala ang masama at hindi niya tinalikuran ang kasamaan niya at ang masamang landasin niya, mamamatay siya dahil sa kasalanan niya, pero maililigtas mo ang buhay mo.+ 20 Pero kapag tinalikuran ng matuwid ang pagiging matuwid niya at ginawa ang mali,* maglalagay ako ng katitisuran sa harap niya at mamamatay siya.+ Kung hindi mo siya bababalaan, mamamatay siya dahil sa kasalanan niya at malilimutan ang mga ginawa niyang matuwid, pero sisingilin ko sa iyo ang* dugo niya.+ 21 Pero kung nagbabala ka sa matuwid para hindi siya magkasala, at hindi nga siya nagkasala, tiyak na patuloy siyang mabubuhay dahil nababalaan siya,+ at maililigtas mo ang buhay mo.”
22 Doon, sumaakin ang kapangyarihan* ni Jehova. Sinabi niya: “Tumayo ka at pumunta sa kapatagan, at makikipag-usap ako sa iyo roon.” 23 Kaya tumayo ako at pumunta sa kapatagan, at naroon ang kaluwalhatian ni Jehova,+ na gaya ng kaluwalhatiang nakita ko sa tabi ng ilog ng Kebar,+ at sumubsob ako. 24 At sumaakin ang espiritu at itinayo ako nito,+ at sinabi niya sa akin:
“Umuwi ka at magkulong sa bahay mo. 25 At ikaw, anak ng tao, ay igagapos nila ng mga lubid para hindi mo sila mapuntahan. 26 At padidikitin ko ang dila mo sa ngalangala mo, at mapipipi ka at hindi mo sila masasaway, dahil sila ay isang rebeldeng sambahayan. 27 Pero kapag nakipag-usap ako sa iyo, ibubuka ko ang bibig mo, at dapat mong sabihin sa kanila,+ ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.’ Hayaang makinig ang nakikinig,+ at hayaang hindi makinig ang ayaw makinig, dahil sila ay isang rebeldeng sambahayan.+
4 “At ikaw, anak ng tao, kumuha ka ng isang laryo* at ilagay mo iyon sa harap mo. Iukit mo roon ang isang lunsod—ang Jerusalem. 2 Kubkubin* mo ang lunsod+ at magtayo ka ng pader na pangubkob,+ gumawa ka ng rampa,+ magtayo ka ng mga kampo, at palibutan mo iyon ng mga panggiba.+ 3 Kumuha ka ng malapad na lutuang bakal at ilagay mo iyon bilang pader na bakal sa pagitan mo at ng lunsod. At titigan mo iyon;* sa ganitong paraan mo ipapakita kung paano kukubkubin ang lunsod. Ito ay isang tanda para sa sambahayan ng Israel.+
4 “At humiga ka sa kaliwang tagiliran mo at dalhin mo* ang pagkakasala ng sambahayan ng Israel.+ Sa mga araw na nakahiga ka nang patagilid ay dadalhin mo ang pagkakasala nila. 5 Kailangan mo itong gawin nang 390 araw, ayon sa mga taon ng pagkakasala nila,+ at dadalhin mo ang pagkakasala ng sambahayan ng Israel. 6 Dapat mong tapusin iyon.
“Pagkatapos, hihiga ka ulit, sa iyong kanang tagiliran naman, at dadalhin mo ang pagkakasala ng sambahayan ng Juda+ nang 40 araw. Isang araw para sa isang taon, isang araw para sa isang taon, ang itinakda ko sa iyo. 7 At titingnan mo ang pagkubkob sa Jerusalem+ nang nakalabas ang bisig mo, at manghuhula ka laban doon.
8 “Igagapos kita ng lubid para hindi ka makabaling sa kabilang tagiliran mo hanggang sa matapos mo ang mga araw ng iyong pagkubkob.
9 “At kumuha ka ng trigo, sebada, habas, lentehas, mijo, at espelta, at ilagay mo ang mga iyon sa isang lalagyan at gawin mong tinapay para sa iyo. Kakainin mo iyon sa mga araw na nakahiga ka nang patagilid, 390 araw.+ 10 Magtitimbang ka ng 20 siklo* ng pagkain, at iyon ang kakainin mo bawat araw. Kakainin mo iyon sa itinakdang mga oras.
11 “At tatakalin mo ang tubig na iinumin mo, sangkanim na hin.* Iinumin mo iyon sa itinakdang mga oras.
12 “Kakainin mo iyon na gaya ng bilog na tinapay na sebada; iluluto mo iyon sa harap nila gamit ang tuyong dumi ng tao bilang panggatong.” 13 Sinabi pa ni Jehova: “Ganito kakainin ng mga Israelita ang tinapay nila—marumi—sa gitna ng mga bansa kung saan ko sila pangangalatin.”+
14 At sinabi ko: “Huwag, Kataas-taasang Panginoong Jehova! Mula pagkabata, hindi pa ako nadumhan dahil sa pagkain ng karne ng hayop na nakitang patay na o ng nilapang hayop,+ at wala pang maruming karne na pumasok sa bibig ko.”+
15 Kaya sinabi niya: “Sige, papayagan kitang gumamit ng dumi ng baka sa halip na dumi ng tao, at lutuin mo ang iyong tinapay sa ibabaw nito.” 16 Sinabi pa niya: “Anak ng tao, aalisin ko ang suplay ng pagkain* sa Jerusalem,+ at kakainin nila nang may pagkabahala ang kanilang tinimbang na rasyon ng tinapay,+ at iinumin nila nang may takot ang kanilang tinakal na rasyon ng tubig.+ 17 At dahil sa kakulangan ng tinapay at tubig, magkakatinginan sila, mangingilabot, at manlulupaypay dahil sa kanilang kasalanan.
5 “At ikaw, anak ng tao, kumuha ka ng isang matalas na espada para magamit mong gaya ng labaha* ng barbero. Ahitin mo ang iyong balbas at buhok sa ulo, at kumuha ka ng timbangan para matimbang mo at mahati ang buhok sa tatlong bahagi. 2 Ang sangkatlo ay susunugin mo sa loob ng lunsod kapag tapos na ang mga araw ng pagkubkob.+ Pagkatapos, kukunin mo ang isa pang sangkatlo at tatadtarin iyon gamit ang espada sa bawat bahagi ng lunsod,*+ at ang huling sangkatlo ay isasaboy mo sa hangin, at huhugot ako ng espada na hahabol sa mga iyon.+
3 “Kumuha ka mula roon ng ilang hibla, at ilagay mo ang mga iyon sa tupi* ng damit mo. 4 At kumuha ka pa ng ilan mula roon at ihagis mo sa apoy at sunugin. Mula rito, may kakalat na apoy sa buong sambahayan ng Israel.+
5 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Ito ang Jerusalem. Inilagay ko siya sa gitna ng mga bansa, na may mga lupain sa palibot niya. 6 Pero nagrebelde siya sa aking mga hudisyal na pasiya at mga batas; mas masahol pa siya sa mga bansa at lupain sa palibot niya.+ Dahil itinakwil niya ang aking mga hudisyal na pasiya, at hindi siya sumunod sa aking mga batas.’
7 “Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Dahil mas masahol kayo sa mga bansa sa palibot ninyo, at hindi kayo sumunod sa aking mga batas at hindi ninyo isinagawa ang aking mga hudisyal na pasiya, kundi isinagawa ninyo ang mga hudisyal na pasiya ng mga bansa sa palibot ninyo,+ 8 ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Kikilos ako laban sa iyo, O lunsod,+ at ako mismo ang maglalapat sa iyo ng hatol sa harap ng mga bansa.+ 9 Dahil sa lahat ng kasuklam-suklam mong gawain, ang gagawin ko sa iyo ay hindi ko pa kailanman ginawa, at ang tulad nito ay hindi ko na gagawin ulit.+
10 “‘“Kaya kakainin ng mga ama sa gitna mo ang mga anak nila,+ at kakainin ng mga anak ang mga ama nila, at maglalapat ako ng hatol sa gitna mo at pangangalatin ko ang iba pa sa iyo sa lahat ng direksiyon.”’*+
11 “‘Kaya isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘itatakwil* kita dahil dinumhan mo ang santuwaryo ko sa pamamagitan ng iyong kasuklam-suklam na mga idolo at mga gawain;+ hindi ako maaawa,* at hindi ako mahahabag.+ 12 Sangkatlo sa iyo ang mamamatay sa gitna mo dahil sa salot* o sa taggutom. Ang isa pang sangkatlo ay babagsak sa palibot mo sa pamamagitan ng espada.+ At ang huling sangkatlo ay pangangalatin ko sa lahat ng direksiyon,* at huhugot ako ng espada na hahabol sa kanila.+ 13 Pagkatapos nito, mawawala* ang galit ko, at huhupa ang poot ko sa kanila, at masisiyahan na ako.+ At kapag nailabas ko na ang galit ko sa kanila, malalaman nila na akong si Jehova ay nagsalita sa kanila dahil humihiling ako ng bukod-tanging debosyon.*+
14 “‘Wawasakin kita at gagawing tampulan ng pandurusta ng nakapalibot na mga bansa at ng lahat ng dumadaan.+ 15 Ikaw ay magiging tampulan ng pandurusta at panlalait,+ isang babala at dahilan ng pagkatakot ng mga bansa sa palibot mo, kapag inilapat ko sa iyo ang hatol ko nang may galit, poot, at matitinding parusa. Akong si Jehova ang nagsalita.
16 “‘Magpapadala ako sa kanila ng nakamamatay na mga pana ng taggutom para malipol sila. Mapapahamak kayo dahil sa mga panang ipadadala ko.+ Aalisin ko ang inyong suplay ng pagkain* para mas tumindi pa ang taggutom.+ 17 Magpapasapit ako sa inyo ng taggutom at magpapadala ako ng mababangis na hayop,+ at mawawalan kayo ng mga anak dahil sa mga ito. Lubusan kayong mawawalan ng pag-asa dahil sa salot at pagpatay, at sasaktan ko kayo sa pamamagitan ng espada.+ Akong si Jehova ang nagsalita.’”
6 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 2 “Anak ng tao, humarap ka sa mga bundok ng Israel at humula laban sa kanila. 3 Sabihin mo, ‘O mga bundok ng Israel, makinig kayo sa mensahe ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova sa mga bundok, burol, batis, at mga lambak: “Sasaktan ko kayo sa pamamagitan ng espada, at wawasakin ko ang inyong matataas na lugar. 4 Ang inyong mga altar at mga patungan ng insenso ay sisirain,+ at ang mga pinatay sa inyo ay ihahagis ko sa harap ng inyong karima-rimarim na mga idolo.*+ 5 Ihahagis ko ang mga bangkay ng bayang Israel sa harap ng kanilang karima-rimarim na mga idolo, at ikakalat ko ang mga buto ninyo sa palibot ng inyong mga altar.+ 6 Sa lahat ng inyong tinitirhan, wawasakin ang mga lunsod+ at sisirain ang matataas na lugar at magiging tiwangwang.+ Gigibain at pagdudurog-durugin ang inyong mga altar, aalisin ang inyong karima-rimarim na mga idolo, sisirain ang inyong mga patungan ng insenso, at wawasakin ang inyong mga gawa. 7 At ang mga tao ay mamamatay sa gitna ninyo,+ at malalaman ninyo na ako si Jehova.+
8 “‘“Pero hahayaan kong may matira sa inyo, dahil ang ilan sa inyo ay makatatakas mula sa espada at mangangalat sa mga bansa at lupain.+ 9 At maaalaala ako ng mga nakatakas habang bihag sila sa gitna ng mga bansa.+ Maiisip nilang nasaktan ako dahil sa kanilang di-tapat* na puso na lumayo sa akin+ at dahil sa kanilang mga mata na nagnanasa sa karima-rimarim nilang mga idolo.*+ Ikahihiya nila at kapopootan ang lahat ng kasuklam-suklam at masasamang ginawa nila.+ 10 Malalaman nila na ako si Jehova at na totoo ang mga babala ko tungkol sa kapahamakang ito.”’+
11 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Pumalakpak ka, pumadyak ka, at dumaing ka dahil sa lahat ng kasuklam-suklam at masasamang ginawa ng sambahayan ng Israel, dahil mamamatay sila sa espada, taggutom, at salot.+ 12 Ang nasa malayo ay mamamatay sa salot, ang nasa malapit ay mamamatay sa espada, at ang iba pa ay mamamatay sa taggutom; at talagang ilalabas ko ang galit ko sa kanila.+ 13 At malalaman ninyo na ako si Jehova,+ kapag ang mga pinatay sa kanila ay nakahandusay kasama ng karima-rimarim nilang mga idolo, sa palibot ng mga altar nila,+ sa ibabaw ng bawat mataas na burol, sa tuktok ng lahat ng bundok, sa ilalim ng bawat mayabong na puno, at sa ilalim ng mga sanga ng malalaking puno kung saan sila nag-alay ng mababangong handog* para payapain ang lahat ng karima-rimarim nilang idolo.+ 14 At iuunat ko ang kamay ko laban sa kanila at gagawing tiwangwang ang lupain, at lahat ng tinitirhan nila ay magiging mas tiwangwang kaysa sa ilang na malapit sa Dibla. At malalaman nila na ako si Jehova.’”
7 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 2 “Anak ng tao, ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova sa lupain ng Israel: ‘Kawakasan! Dumating na ang kawakasan sa apat na sulok ng lupain. 3 Dumating na ang kawakasan mo, at ilalabas ko ang galit ko sa iyo, at hahatulan kita ayon sa iyong landasin at pagbabayarin sa lahat ng kasuklam-suklam na ginawa mo. 4 Hindi ako maaawa* sa iyo; hindi rin ako mahahabag,+ dahil ipararanas ko sa iyo ang resulta ng landasin mo, at pagdurusahan mo ang epekto ng kasuklam-suklam na mga ginawa mo.+ At malalaman ninyo na ako si Jehova.’+
5 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Isang kapahamakan, isang walang-katulad na kapahamakan, ang dumarating.+ 6 Dumarating ang kawakasan; darating ang kawakasan; bigla itong darating* sa iyo. Tingnan mo! Ito ay dumarating. 7 Ikaw na naninirahan sa lupain, darating sa iyo ang kapahamakan.* Dumating na ang panahon, malapit na ang araw.+ Kaguluhan at hindi hiyaw ng kagalakan ang maririnig sa mga bundok.
8 “‘Napakalapit ko nang ibuhos sa iyo ang poot ko,+ at talagang ilalabas ko ang galit ko sa iyo,+ at hahatulan kita ayon sa iyong landasin at pagbabayarin sa lahat ng kasuklam-suklam na ginawa mo. 9 Hindi ako maaawa;* hindi rin ako mahahabag.+ Ipararanas ko sa iyo ang resulta ng landasin mo, at pagdurusahan mo ang epekto ng kasuklam-suklam na mga ginawa mo. At malalaman ninyo na akong si Jehova ang nagpaparusa sa inyo.+
10 “‘Narito na ang araw! Dumarating na ito!+ Darating sa iyo ang kapahamakan;* ang tungkod ay namulaklak na at ang kapangahasan ay sumibol. 11 Ang karahasan ay naging tungkod na pamparusa sa kasamaan.+ Walang makaliligtas sa kanila. Walang matitirang kayamanan, tao, o katanyagan. 12 Darating ang panahon, darating ang araw. Huwag magsaya ang mga bumili, at huwag magdalamhati ang mga nagbenta, dahil nag-aalab ang galit ng Diyos sa kanilang lahat.+ 13 Dahil ang ipinagbili ay hindi maibabalik sa nagbenta, kahit pa makaligtas siya, dahil ang pangitain ay para sa kanilang lahat. Walang makababalik, at dahil sa* kaniyang kasalanan, walang makapagliligtas ng buhay niya.
14 “‘Hinipan nila ang trumpeta,+ at handa na ang lahat, pero walang pumupunta sa digmaan, dahil nag-aalab ang galit ko sa kanilang lahat.+ 15 Nasa labas ang espada,+ at nasa loob ang salot at taggutom. Ang sinumang nasa parang ay mamamatay sa espada, at taggutom at salot naman ang papatay sa mga nasa lunsod.+ 16 Ang mga makaliligtas ay pupunta sa mga bundok, at gaya ng mga kalapati sa mga lambak, bawat isa ay daraing dahil sa kasalanan niya.+ 17 Lalaylay ang mga kamay nila, at tutulo ang tubig sa mga tuhod nila.*+ 18 Nagsuot sila ng telang-sako+ at nangatog nang husto.* Hihiyain ang lahat, at makakalbo ang lahat ng ulo.*+
19 “‘Itatapon nila sa lansangan ang kanilang pilak, at kamumuhian nila ang kanilang ginto. Hindi sila maililigtas ng kanilang pilak o ginto sa araw ng galit ni Jehova.+ Hindi sila masisiyahan, at hindi rin mabubusog ang tiyan nila, dahil ito* ay naging katitisuran na sanhi ng pagkakasala nila. 20 Ipinagmamalaki nila ang ganda ng kanilang mga palamuti, at ginamit nila ang mga ito* sa paggawa ng kanilang kasuklam-suklam na mga imahen, ng kanilang karima-rimarim na* mga idolo.+ Kaya naman gagawin ko itong nakamumuhing bagay para sa kanila. 21 Ibibigay ko iyon* sa mga banyaga at sa masasamang tao sa lupa bilang samsam, at lalapastanganin nila iyon.
22 “‘Tatalikuran ko sila,+ at lalapastanganin nila ang aking espesyal na lugar,* at papasukin iyon ng mga magnanakaw at lalapastanganin.+
23 “‘Gawin mo ang tanikala,*+ dahil ang lupain ay punô ng maling paghatol na nagdudulot ng kamatayan+ at ang lunsod ay punô ng karahasan.+ 24 Dadalhin ko sa kanila ang pinakamasasamang tao sa mga bansa,+ at aangkinin ng mga ito ang mga bahay nila,+ at wawakasan ko ang pagmamapuri ng malalakas, at malalapastangan ang kanilang mga santuwaryo.+ 25 Kapag napighati sila, maghahanap sila ng kapayapaan, pero hindi nila ito masusumpungan.+ 26 Sunod-sunod na darating ang kapahamakan, at sunod-sunod ang mga ulat, at ang mga tao ay maghahanap ng pangitain mula sa propeta,+ pero walang makukuhang pakinabang sa kautusan* mula sa saserdote at sa payo mula sa matatandang lalaki.+ 27 Magdadalamhati ang hari,+ at mawawalan ng pag-asa* ang pinuno, at manginginig sa takot ang kamay ng mga tao sa lupain. Pakikitunguhan ko sila ayon sa kanilang landasin, at hahatulan ko sila kung paano sila humatol sa iba. At malalaman nila na ako si Jehova.’”+
8 At nang ikaanim na taon, noong ikalimang araw ng ikaanim na buwan, habang nakaupo ako sa bahay ko at nakaupo sa harap ko ang matatandang lalaki ng Juda, doon ay sumaakin ang kapangyarihan* ng Kataas-taasang Panginoong Jehova. 2 At may nakita akong isang anyo na gaya ng apoy; mula sa tila baywang niya pababa ay may apoy,+ at ang kaniyang baywang pataas ay nagniningning na gaya ng elektrum.*+ 3 Iniunat niya ang tila isang kamay at hinawakan ako sa buhok, at iniangat ako ng isang espiritu sa pagitan ng lupa at ng langit at dinala sa Jerusalem sa pamamagitan ng mga pangitaing mula sa Diyos, sa hilagang pintuang-daan ng maliit na looban,+ kung saan naroon ang idolatrosong simbolo* na pumupukaw ng pagseselos.+ 4 At nakita ko roon ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel,+ gaya ng anyo na nakita ko sa kapatagan.+
5 At sinabi niya: “Anak ng tao, pakisuyo, tumingin ka sa hilaga.” Kaya tumingin ako sa hilaga, at sa hilaga ng pintuang-daan ng altar, sa pasukan nito, naroon ang simbolong* ito ng pagseselos. 6 Sinabi niya: “Anak ng tao, nakikita mo ba ang napakasama at kasuklam-suklam na mga bagay na ginagawa rito ng sambahayan ng Israel,+ mga bagay na nagpapalayo sa akin sa santuwaryo ko?+ Pero may makikita ka pang mas kasuklam-suklam sa mga ito.”
7 Pagkatapos, dinala niya ako sa pasukan ng looban, at may nakita akong butas sa pader. 8 Sinabi niya: “Anak ng tao, pakisuyo, lakihan mo ang butas sa pader.” Kaya pinalaki ko ang butas sa pader, at may nakita akong isang pasukan. 9 Sinabi niya: “Pumasok ka, tingnan mo ang masama at kasuklam-suklam na mga bagay na ginagawa nila rito.” 10 Kaya pumasok ako at tumingin, at nakita ko ang larawan ng iba’t ibang gumagapang na nilikha at nakapandidiring hayop+ at ang lahat ng karima-rimarim na idolo* ng sambahayan ng Israel;+ nakaukit ang mga iyon sa nakapalibot na pader. 11 At 70 mula sa matatandang lalaki ng sambahayan ng Israel ang nakatayo sa harap ng mga iyon, at kasama nila si Jaazanias na anak ni Sapan.+ Hawak ng bawat isa ang kani-kaniyang insensaryo, at pumapailanlang ang mabangong usok ng insenso.+ 12 Sinabi niya: “Anak ng tao, nakikita mo ba ang ginagawa sa dilim ng matatandang lalaki ng sambahayan ng Israel, ng bawat isa sa kanila sa pinakaloob na mga silid kung saan naroon ang kani-kaniyang idolo? Sinasabi nila, ‘Hindi tayo nakikita ni Jehova. Iniwan na ni Jehova ang lupain.’”+
13 Sinabi pa niya: “May makikita ka pang mas kasuklam-suklam na mga bagay na ginagawa nila.” 14 Kaya dinala niya ako sa pasukan ng hilagang pintuang-daan ng bahay ni Jehova, at may nakita ako roon na mga babaeng nakaupo at iniiyakan ang diyos na si Tamuz.
15 Sinabi pa niya: “Nakikita mo ba ito, O anak ng tao? May makikita ka pang kasuklam-suklam na mga bagay na mas masahol pa sa mga ito.”+ 16 Kaya dinala niya ako sa maliit na looban* ng bahay ni Jehova.+ Doon sa pasukan ng templo ni Jehova, sa pagitan ng beranda at ng altar, may mga 25 lalaki na nakatalikod sa templo ni Jehova at nakaharap sa silangan; niyuyukuran nila ang araw sa silangan.+
17 Sinabi niya: “Anak ng tao, nakikita mo ba ito? Iniisip ba ng sambahayan ng Juda na maliit na bagay lang ang kasuklam-suklam na ginagawa nila, na pinupuno nila ng karahasan ang lupain+ at paulit-ulit akong ginagalit? Idinuduldol nila sa ilong ko ang sanga.* 18 Kaya sa galit ko ay kikilos ako. Hindi ako maaawa;* hindi rin ako mahahabag.+ Kahit lakasan pa nila ang pagtawag sa akin, hindi ko sila pakikinggan.”+
9 At narinig kong nagsalita siya nang malakas: “Tipunin ang mga maglalapat ng parusa sa lunsod, na hawak ang kani-kaniyang sandata sa pagpuksa!”
2 May nakita akong dumarating na anim na lalaki mula sa mataas na pintuang-daan+ na nakaharap sa hilaga, at hawak ng bawat isa ang kani-kaniyang sandatang pandurog; may kasama silang isang lalaki na nakasuot ng lino at may tintero ng kalihim* sa baywang. Pumasok sila at tumayo sa tabi ng tansong altar.+
3 At ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel+ ay pumaitaas mula sa ibabaw ng mga kerubin at lumipat sa may pinto ng bahay,+ at tinawag niya ang lalaking nakasuot ng lino at may tintero ng kalihim sa baywang. 4 Sinabi ni Jehova sa kaniya: “Lumibot ka sa lunsod, sa Jerusalem, at markahan mo sa noo ang mga taong nagbubuntonghininga at dumaraing+ dahil sa lahat ng kasuklam-suklam na bagay na ginagawa sa lunsod.”+
5 At narinig kong sinabi niya sa iba pa: “Sundan ninyo siya sa paglibot sa lunsod at pabagsakin ang mga tao. Huwag kayong maaawa,* at huwag kayong mahahabag.+ 6 Lipulin ninyo ang mga matandang lalaki, binata, dalaga, maliit na bata, at babae.+ Pero huwag kayong lalapit sa sinumang may marka.+ Magsimula kayo sa santuwaryo ko.”+ Kaya nagsimula sila sa matatandang lalaki na nasa harap ng bahay.+ 7 Sinabi pa niya sa kanila: “Dungisan ninyo ang bahay at punuin ng mga pinatay ang mga looban.+ Humayo kayo!” Kaya umalis sila at pinabagsak ang mga tao sa lunsod.
8 Habang pinababagsak nila ang mga tao, ako lang ang natira, at sumubsob ako at humiyaw: “O Kataas-taasang Panginoong Jehova! Lilipulin mo ba ang lahat ng natira sa Israel habang ibinubuhos ang iyong galit sa Jerusalem?”+
9 Sinabi niya: “Talagang napakalaki ng kasalanan ng sambahayan ng Israel at ng Juda.+ Dumadanak ang dugo sa lupain,+ at ang lunsod ay punô ng kasamaan.+ Dahil sinasabi nila, ‘Iniwan na ni Jehova ang lupain, at walang nakikita si Jehova.’+ 10 Kaya hindi ako maaawa;* hindi rin ako mahahabag.+ Ibabalik ko sa kanila ang bunga ng landasin nila.”
11 At nakita kong bumalik ang lalaking nakasuot ng lino at may tintero sa baywang, at sinabi niya: “Nagawa ko na ang iniutos mo.”
10 Habang nakatingin ako, sa ibabaw ng malapad na sahig na nasa itaas ng ulo ng mga kerubin ay may nakita akong gaya ng batong safiro, na parang isang trono.+ 2 At sinabi niya sa lalaking nakasuot ng lino:+ “Pumunta ka sa pagitan ng mga gulong,+ sa ilalim ng mga kerubin, at punuin mo ang mga kamay mo ng baga+ na nasa pagitan ng mga kerubin at isaboy mo sa lunsod.”+ Kaya pumunta ito roon habang nakatingin ako.
3 Ang mga kerubin ay nakatayo sa may kanan ng bahay nang pumasok ang lalaki, at napuno ng ulap ang maliit na looban. 4 At ang kaluwalhatian ni Jehova+ ay pumaitaas mula sa mga kerubin at lumipat sa may pinto ng bahay, at unti-unting napuno ng ulap ang bahay,+ at ang looban ay punô ng ningning ng kaluwalhatian ni Jehova. 5 At ang pagaspas ng mga pakpak ng mga kerubin ay naririnig sa malaking looban, gaya ng tinig ng Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat kapag nagsasalita siya.+
6 Inutusan niya ang lalaking nakasuot ng lino: “Kumuha ka ng apoy* sa pagitan ng mga gulong, sa pagitan ng mga kerubin,” at pumunta siya at tumayo sa tabi ng gulong. 7 At iniunat ng isa sa mga kerubin ang kamay niya tungo sa apoy* na nasa pagitan ng mga kerubin.+ Kumuha siya nito at inilagay sa mga kamay ng lalaking nakasuot ng lino,+ na nagdala nito at umalis. 8 Ang mga kerubin ay may mga kamay na gaya ng sa tao sa ilalim ng mga pakpak nila.+
9 Habang nakatingin ako, may nakita akong apat na gulong sa tabi ng mga kerubin, isang gulong sa tabi ng bawat kerubin, at ang mga gulong ay nagniningning na tulad ng batong crisolito.+ 10 Magkakamukha ang apat, gaya ng gulong sa loob ng isa pang gulong. 11 Kapag umaalis ang mga ito, kayang pumunta ng mga ito sa apat na direksiyon nang hindi bumabaling, dahil saanman nakaharap ang ulo, pumupunta roon ang mga gulong nang hindi bumabaling. 12 Punô ng mata ang kanilang katawan, likod, mga kamay, at mga pakpak, at ang mga gulong nilang apat.+ 13 At may narinig akong tumawag sa mga gulong, “Mga gulong!”
14 Ang bawat isa* ay may apat na mukha. Ang una ay mukha ng kerubin, ang ikalawa ay mukha ng tao, ang ikatlo ay mukha ng leon, at ang ikaapat ay mukha ng agila.+
15 At pumapaitaas ang mga kerubin—sila rin ang buháy na mga nilalang* na nakita ko sa may ilog ng Kebar+— 16 at kapag umaalis ang mga kerubin, sumasama rin ang mga gulong; at kapag itinataas ng mga kerubin ang mga pakpak nila para pumaitaas mula sa lupa, ang mga gulong ay hindi bumabaling o umaalis sa tabi nila.+ 17 Kapag humihinto sila, humihinto ang mga ito; at kapag pumapaitaas sila, pumapaitaas din ang mga ito, dahil ang espiritung nasa buháy na mga nilalang* ay nasa mga ito rin.
18 At ang kaluwalhatian ni Jehova+ ay umalis sa may pinto ng bahay at tumigil sa ibabaw ng mga kerubin.+ 19 Nakita kong itinaas ng mga kerubin ang mga pakpak nila, at pumaitaas sila mula sa lupa. Sumama rin ang mga gulong nang umalis sila. Huminto sila sa silangang pintuang-daan ng bahay ni Jehova, at nasa ibabaw nila ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel.+
20 Sila ang buháy na mga nilalang* na nakita ko sa ilalim ng Diyos ng Israel sa may ilog ng Kebar,+ kaya nalaman kong mga kerubin sila. 21 Silang apat ay may apat na mukha, apat na pakpak, at mga kamay na gaya ng sa tao na nasa ilalim ng mga pakpak nila.+ 22 At ang mga mukha nila ay gaya ng mga mukhang nakita ko sa tabi ng ilog ng Kebar.+ Deretso lang ang bawat isa kapag umaalis sila.+
11 At itinaas ako ng isang espiritu at dinala sa silangang pintuang-daan ng bahay ni Jehova, ang pintuang-daan na nakaharap sa silangan.+ Sa pasukan ng pintuang-daan, may nakita akong 25 lalaki at kasama rito si Jaazanias na anak ni Azur at si Pelatias na anak ni Benaias, na mga opisyal ng bayan.+ 2 At sinabi Niya sa akin: “Anak ng tao, ito ang mga lalaking nagpapakana at nagpapayo ng masasamang bagay sa* lunsod na ito. 3 Sinasabi nila, ‘Hindi ba ito ang panahon para magtayo ng mga bahay?+ Ang lunsod* ang lutuan,*+ at tayo ang karne.’
4 “Kaya humula ka laban sa kanila. Humula ka, anak ng tao.”+
5 At sumaakin ang espiritu ni Jehova,+ at sinabi niya: “Sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Tama ang sinabi ninyo, O sambahayan ng Israel; at alam ko ang iniisip ninyo. 6 Marami ang namatay sa lunsod na ito dahil sa inyo, at pinuno ninyo ng mga patay ang mga lansangan nito.”’”+ 7 “Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Ang karne ay ang mga patay na ikinalat ninyo sa lunsod, at ang lutuan ay ang lunsod.+ Pero kayo ay ilalabas dito.’”
8 “‘Takot kayo sa espada,+ pero sasaktan ko kayo sa pamamagitan ng espada,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova. 9 ‘Ilalabas ko kayo sa kaniya at ibibigay sa kamay ng mga banyaga, at lalapatan ko kayo ng hatol.+ 10 Mamamatay kayo sa espada.+ Hahatulan ko kayo sa hangganan ng Israel,+ at malalaman ninyo na ako si Jehova.+ 11 Ang lunsod ay hindi magiging lutuan para sa inyo, at hindi kayo ang magiging karne sa loob nito; hahatulan ko kayo sa hangganan ng Israel, 12 at malalaman ninyo na ako si Jehova. Dahil hindi ninyo sinunod ang mga tuntunin ko at mga batas* ko,+ kundi sinunod ninyo ang mga batas* ng mga bansa sa palibot ninyo.’”+
13 Pagkatapos kong humula, namatay si Pelatias na anak ni Benaias, kaya sumubsob ako at sumigaw: “O Kataas-taasang Panginoong Jehova! Lilipulin mo ba ang mga natira sa Israel?”+
14 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 15 “Anak ng tao, ang mga kapatid mo, ang mga kapatid mong may karapatang tumubos, pati ang buong sambahayan ng Israel, ay sinabihan ng mga nakatira sa Jerusalem, ‘Lumayo kayo kay Jehova. Sa amin ang lupain; ibinigay ito sa amin para maging pag-aari namin.’ 16 Kaya sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Kahit ipinatapon ko sila sa malalayong bansa at pinangalat sa mga lupain,+ pansamantala akong magiging santuwaryo para sa kanila sa mga lupaing kinaroroonan nila.”’+
17 “Kaya sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Titipunin ko rin kayo mula sa mga bayan at lupain kung saan kayo nangalat, at ibibigay ko sa inyo ang lupain ng Israel.+ 18 At babalik sila roon at aalisin ang lahat ng kasuklam-suklam na bagay at gawain doon.+ 19 At bibigyan ko sila ng pusong hindi hati*+ at ng bagong espiritu;*+ at aalisin ko ang pusong bato sa katawan nila,+ at bibigyan ko sila ng pusong laman,*+ 20 para masunod nila ang mga batas ko at maisagawa ang mga hudisyal na pasiya ko. At sila ay magiging bayan ko, at ako ang magiging Diyos nila.”’
21 “‘“Pero kung tungkol sa mga patuloy na nanghahawakan sa kanilang kasuklam-suklam na mga bagay at gawain, ibabalik ko sa kanila ang bunga ng landasin nila,” ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.’”
22 At itinaas ng mga kerubin ang mga pakpak nila, at katabi nila ang mga gulong,+ at nasa ibabaw nila ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel.+ 23 At ang kaluwalhatian ni Jehova+ ay pumaitaas mula sa lunsod at tumigil sa ibabaw ng bundok na nasa silangan ng lunsod.+ 24 At sa pangitaing ibinigay sa akin sa pamamagitan ng espiritu ng Diyos, itinaas ako ng isang espiritu at dinala sa ipinatapong bayan sa Caldea. Pagkatapos, nawala ang pangitain. 25 At sinabi ko sa ipinatapong bayan ang lahat ng ipinakita sa akin ni Jehova.
12 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 2 “Anak ng tao, namumuhay kang kasama ng isang rebeldeng sambahayan. May mga mata sila para makakita pero hindi sila nakakakita at may mga tainga para makarinig pero hindi sila nakaririnig,+ dahil rebeldeng sambahayan sila.+ 3 Ikaw, anak ng tao, maghanda ka ng bagahe na dadalhin sa pagkatapon. At sa araw, habang nakatingin ang mga tao, maglakbay ka na gaya ng isang ipinatapon. Habang nakatingin sila, umalis ka sa iyong bahay papunta sa ibang lugar na gaya ng isang ipinatapon. Baka magbigay-pansin sila, kahit rebeldeng sambahayan sila. 4 Sa araw, ilabas mo ang bagahe para sa pagkatapon habang nakatingin sila, at kapag hapon na, habang nakatingin sila, umalis ka na gaya ng isang ipinatapon.+
5 “Habang nakatingin sila, bumutas ka sa pader, at ilabas mo roon ang mga dala mo.+ 6 Habang nakatingin sila, ipasan mo sa balikat ang mga dala mo at ilabas ang mga ito kapag dumilim na. Takpan mo ang iyong mukha para hindi mo makita ang lupa, dahil gagawin kitang isang tanda para sa sambahayan ng Israel.”+
7 Ginawa ko ang iniutos sa akin. Samantalang araw, dinala ko ang bagahe ko na parang bagahe para sa pagkatapon, at nang hapon na, bumutas ako sa pader gamit ang kamay ko. Nang dumilim na, habang nakatingin sila, inilabas ko ang mga dala ko na nakapasan sa aking balikat.
8 Kinaumagahan, dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 9 “Anak ng tao, hindi ba nagtanong ang sambahayan ng Israel, ang rebeldeng sambahayan, ‘Ano ang ginagawa mo?’ 10 Sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Ang kapahayagang ito ay para sa pinuno+ ng Jerusalem at sa buong sambahayan ng Israel na nasa lunsod.”’
11 “Sabihin mo, ‘Nagsilbi akong tanda para sa inyo.+ Kung ano ang ginawa ko, gayon ang gagawin sa kanila. Ipatatapon sila at magiging bihag.+ 12 Kung tungkol sa pinuno nila, papasanin niya sa balikat ang mga gamit niya at aalis habang madilim. Bubutas siya sa pader at ilalabas doon ang mga dala niya.+ Tatakpan niya ang mukha niya para hindi niya makita ang lupa.’ 13 Ihahagis ko sa kaniya ang aking lambat para sa pangangaso at mahuhuli siya nito.+ At dadalhin ko siya sa Babilonya, sa lupain ng mga Caldeo, pero hindi niya iyon makikita; at doon siya mamamatay.+ 14 At ang lahat ng nakapalibot sa kaniya, ang mga lingkod niya at hukbo, ay pangangalatin ko sa lahat ng direksiyon;+ at huhugot ako ng espada na hahabol sa kanila.+ 15 At malalaman nila na ako si Jehova kapag pinangalat ko sila sa mga bansa at lupain. 16 Pero hahayaan kong makaligtas ang ilan sa kanila mula sa espada, taggutom, at salot, para maipaalám nila sa mga bansang paroroonan nila ang lahat ng kanilang kasuklam-suklam na gawain; at malalaman nila na ako si Jehova.”
17 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 18 “Anak ng tao, kainin mo ang iyong tinapay nang may panginginig, at inumin mo ang iyong tubig nang may pagkabalisa at takot.+ 19 Sabihin mo sa mga tao sa lupain, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova sa mga nakatira sa Jerusalem sa lupain ng Israel: “Kakainin nila ang kanilang tinapay nang may pagkabalisa at iinumin ang kanilang tubig nang may takot, dahil ang lupain nila ay lubusang matitiwangwang+ dahil sa karahasan ng lahat ng naninirahan doon.+ 20 Mawawasak ang tinitirhang mga lunsod, at ang lupain ay magiging tiwangwang;+ at malalaman ninyo na ako si Jehova.”’”+
21 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 22 “Anak ng tao, ano itong kasabihan ninyo sa Israel, ‘Lumilipas ang mga araw, pero hindi naman natutupad ang anumang pangitain’?+ 23 Kaya sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Papawiin ko ang kasabihang ito, at hindi na nila gagamitin ang kasabihang ito sa Israel.”’ At sabihin mo sa kanila, ‘Malapit na ang mga araw,+ at mangyayari ang bawat pangitain.’ 24 Dahil hindi na magkakaroon ng anumang di-totoong pangitain o mapanlinlang* na hula sa sambahayan ng Israel.+ 25 ‘“Dahil akong si Jehova ang magsasalita. Anumang sabihin ko ay hindi maaantala.+ Sa inyong mga araw,+ O rebeldeng sambahayan, magsasalita ako at gagawin ko iyon,” ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.’”
26 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 27 “Anak ng tao, ito ang sinasabi ng bayan* ng Israel, ‘Matagal pa bago matupad ang pangitaing nakikita niya, at humuhula siya tungkol sa hinaharap na napakalayo pa.’+ 28 Kaya sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “‘Ang lahat ng sinasabi ko ay malapit nang matupad; anumang sabihin ko ay mangyayari,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”’”
13 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 2 “Anak ng tao, humula ka laban sa mga propeta ng Israel,+ at sabihin mo sa gumagawa ng sarili nilang mga hula,*+ ‘Pakinggan ninyo ang mensahe ni Jehova. 3 Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Kaawa-awang mangmang na mga propeta, na sumusunod sa sarili nilang kaisipan,* dahil wala naman silang nakikita!+ 4 O Israel, ang mga propeta mo ay parang mga asong-gubat* sa kaguhuan. 5 Hindi kayo pupunta sa sirang mga bahagi ng batong pader para ayusin ito alang-alang sa sambahayan ng Israel+ at sa gayon ay manatiling nakatayo ang Israel sa labanan sa araw ni Jehova.”+ 6 “Nakakita sila ng di-totoong mga pangitain at humula ng kasinungalingan, sila na mga nagsasabi, ‘Ang sabi ni Jehova ay,’ pero hindi naman sila isinugo ni Jehova, at hinihintay nilang magkatotoo ang sinabi nila.+ 7 Hindi ba ang nakikita ninyo ay di-totoong pangitain at ang inihuhula ninyo ay isang kasinungalingan kapag sinasabi ninyo, ‘Ang sabi ni Jehova ay,’ samantalang wala naman akong sinabi?”’
8 “‘Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “‘Dahil hindi totoo ang sinasabi ninyo at kasinungalingan ang mga pangitain ninyo, kaaway ninyo ako,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”+ 9 Gagamitin ko ang kapangyarihan* ko laban sa mga propetang hindi totoo ang mga pangitain at kasinungalingan ang hula.+ Hindi sila magiging bahagi ng bayang malapít sa akin; hindi sila mairerehistro sa sambahayan ng Israel; hindi sila makababalik sa lupain ng Israel; at malalaman ninyo na ako ang Kataas-taasang Panginoong Jehova.+ 10 Mangyayari ang lahat ng ito dahil inililigaw nila ang bayan ko sa pagsasabi, “May kapayapaan!” pero wala namang kapayapaan.+ Kapag nagtatayo sila ng mahinang pader, pinipinturahan nila ito ng puti.’*+
11 “Sabihin mo sa mga nagpipintura ng puti sa pader na babagsak iyon. May darating na napakalakas na ulan, may babagsak na mga tipak ng yelo,* at sisirain iyon ng napakalakas na mga buhawi.+ 12 At kapag bumagsak ang pader, tatanungin kayo, ‘Ano na ang nangyari sa ipinahid ninyong pintura?’+
13 “Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Magpapakawala ako ng napakalakas na mga buhawi dahil sa poot ko at napakalakas na ulan dahil sa galit ko at mga tipak ng yelo para wasakin ito dahil galit na galit ako. 14 Gigibain ko ang pader na pininturahan ninyo ng puti at pababagsakin ko iyon sa lupa, at mahahantad ang pundasyon nito. Kapag bumagsak ang lunsod, mamamatay kayo sa loob niya; at malalaman ninyo na ako si Jehova.’
15 “‘Kapag lubusan ko nang nailabas ang poot ko sa pader at sa mga nagpintura nito ng puti, sasabihin ko sa inyo: “Wala na ang pader, pati ang mga nagpintura nito.+ 16 Wala na ang mga propeta ng Israel, na humuhula sa Jerusalem at nakakakita ng mga pangitain ng kapayapaan para sa kaniya, pero wala namang kapayapaan,”’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.
17 “Ikaw, anak ng tao, tingnan mo ang mga anak na babae ng iyong bayan na gumagawa ng sarili nilang mga hula, at humula ka laban sa kanila. 18 Sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Kaawa-awang mga babaeng nagtatahi ng panali para sa lahat ng braso* at gumagawa ng belo na iba-iba ang sukat para bitagin ang mga tao! Binibitag ba ninyo ang bayan ko at sinisikap na iligtas ang sarili ninyong buhay? 19 Nilalapastangan ninyo ako sa gitna ng aking bayan kapalit lang ng mga dakot ng sebada at mga piraso ng tinapay;+ pinapatay ninyo ang mga taong* hindi dapat mamatay at inililigtas ang mga taong* hindi dapat mabuhay sa pamamagitan ng kasinungalingan ninyo sa aking bayan, na nakikinig naman sa inyo.”’+
20 “Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘Napopoot ako sa mga panali ninyo, O mga babae, na ipinambibitag ninyo sa mga tao na para bang sila ay mga ibon, at pipigtasin ko ang mga iyon sa mga braso ninyo, at palalayain ko ang mga binibitag ninyong gaya ng mga ibon. 21 Hahablutin ko ang mga belo ninyo at ililigtas ko ang aking bayan mula sa inyong kamay, at hindi na ninyo sila mabibitag; at malalaman ninyo na ako si Jehova.+ 22 Dahil sa inyong kasinungalingan,+ pinahihina ninyo ang loob ng matuwid gayong ayoko siyang masaktan,* at pinalalakas ninyo ang masama,+ kaya hindi na siya tumalikod sa kasamaan para manatiling buháy.+ 23 Kaya kayong mga babae ay hindi na makakakita ng di-totoong mga pangitain at hindi na rin makapanghuhula;+ at ililigtas ko ang aking bayan mula sa inyong kamay, at malalaman ninyo na ako si Jehova.’”
14 At may ilang matatandang lalaki sa Israel na umupo sa harap ko.+ 2 Dumating sa akin ang salita ni Jehova: 3 “Anak ng tao, desidido ang mga lalaking ito na sumunod sa kanilang karima-rimarim na mga idolo,* at naglagay sila ng katitisuran na nagiging dahilan para magkasala ang bayan. Papayagan ko ba silang sumangguni sa akin?+ 4 Sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Kapag ang isang Israelita ay desididong sumunod sa kaniyang karima-rimarim na mga idolo at naglagay ng katitisuran na nagiging dahilan para magkasala ang bayan, at sumangguni siya sa isang propeta, ako, si Jehova, ay sasagot* sa kaniya ayon sa dami ng kaniyang karima-rimarim na mga idolo. 5 Tatakutin ko ang sambahayan* ng Israel dahil lumayo silang lahat sa akin at sumunod sa kanilang karima-rimarim na mga idolo.”’+
6 “Kaya sabihin mo sa sambahayan ng Israel, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Manumbalik kayo, at talikuran ninyo ang inyong karima-rimarim na mga idolo at lahat ng inyong kasuklam-suklam na gawain.+ 7 Dahil kung may isang Israelita o dayuhang naninirahan sa Israel na lumayo sa akin at desididong sumunod sa kaniyang karima-rimarim na mga idolo at naglagay ng katitisuran na nagiging dahilan para magkasala ang bayan, at sumangguni siya sa isang propeta,+ ako mismong si Jehova ang sasagot sa kaniya. 8 Itatakwil ko ang taong iyon at gagawin siyang isang babala at kasabihan, at papatayin ko siya;+ at malalaman ninyo na ako si Jehova.”’
9 “‘Pero kung malinlang ang propeta at magbigay ng sagot, akong si Jehova ang nanlinlang sa kaniya.+ Gagamitin ko ang kapangyarihan* ko para puksain siya mula sa aking bayang Israel. 10 Kailangan nilang pagbayaran ang kasalanan nila; ang kasalanan ng sumasangguni ay gaya rin ng kasalanan ng propeta, 11 para hindi na patuloy na lumayo sa akin ang sambahayan ng Israel at parumihin ang kanilang sarili dahil sa pagsuway. At sila ay magiging bayan ko at ako ang magiging Diyos nila,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”
12 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 13 “Anak ng tao, kung ang isang bansa ay magkasala sa akin dahil nagtaksil sila, gagamitin ko ang kapangyarihan* ko laban sa kanila at aalisin ang kanilang suplay ng pagkain,*+ at pasasapitan ko sila ng taggutom+ at lilipulin ang tao at hayop doon.”+ 14 “‘Kahit naroon ang tatlong lalaking ito—sina Noe,+ Daniel,+ at Job+—sarili lang nila ang maililigtas nila dahil sa kanilang pagiging matuwid,’+ ang sabi ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova.”
15 “‘Kung magpapadala ako roon ng mababangis na hayop at patayin ng mga ito ang mga tao at maging tiwangwang na lupain ito na hindi dinadaanan ng tao dahil sa mababangis na hayop,+ 16 isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘kahit naroon ang tatlong lalaking ito, hindi nila maililigtas ang kanilang mga anak na lalaki o babae; sarili lang nila ang maililigtas nila, at ang lupain ay magiging tiwangwang.’”
17 “‘O kung magpapadala ako ng espada laban sa lupaing iyon+ at sabihin ko: “Isang espada ang dadaan sa lupain,” at patayin nito ang mga tao at hayop,+ 18 naroon man ang tatlong lalaking ito, isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘hindi nila maililigtas ang kanilang mga anak na lalaki o babae; sarili lang nila ang maililigtas nila.’”
19 “‘O kung magpapasapit ako ng salot sa lupaing iyon+ at ibuhos ko ang galit ko at patayin ang mga tao at hayop doon para malipol sila, 20 kahit naroon sina Noe,+ Daniel,+ at Job,+ isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘hindi nila maililigtas ang kanilang mga anak na lalaki o babae; sarili lang nila ang maililigtas nila dahil sa pagiging matuwid nila.’”+
21 “Dahil ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Ganiyan ang mangyayari kapag ang apat na parusa* ko+—espada, taggutom, mabangis na hayop, at salot+—ay inilapat ko na sa Jerusalem para lipulin ang mga tao at hayop doon.+ 22 Pero ang ilang natira ay makatatakas at mailalabas doon,+ mga anak na lalaki at babae. Pupuntahan nila kayo, at kapag nakita ninyo ang kanilang landasin at gawain, tiyak na hindi na kayo mababagabag dahil sa kapahamakang sinapit ng Jerusalem, sa lahat ng ginawa ko rito.’”
23 “‘Hindi na kayo mababagabag kapag nakita ninyo ang kanilang landasin at gawain, at malalaman ninyong may dahilan kung kaya ginawa ko ang dapat kong gawin,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”
15 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 2 “Anak ng tao, ano ang kaibahan ng kahoy ng punong ubas sa lahat ng iba pang puno o sanga ng mga puno sa gubat? 3 Makakakuha ba roon ng mahabang kahoy na pambuhat? O magagamit ba iyon na sabitán ng gamit? 4 Inihahagis iyon sa apoy bilang panggatong at inuubos ng apoy ang magkabilang dulo nito, at nagiging uling ang gitnang bahagi. Kaya may mapaggagamitan pa ba nito? 5 Wala na itong gamit noong buo pa ito; lalo pa kung nasunog na ito at naging uling!”
6 “Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Kung paanong ang kahoy ng punong ubas na nasa gitna ng mga puno sa gubat ay ibinibigay ko bilang panggatong sa apoy, gayon din ang gagawin ko sa mga nakatira sa Jerusalem.+ 7 Kikilos ako laban sa kanila. Nakatakas sila sa apoy, pero tutupukin din sila ng apoy. At kapag kumilos na ako laban sa kanila, malalaman ninyo na ako si Jehova.’”+
8 “‘At gagawin kong tiwangwang ang lupain+ dahil hindi sila naging tapat,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”
16 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 2 “Anak ng tao, ipaalám mo sa Jerusalem ang kasuklam-suklam na mga gawain niya.+ 3 Sabihin mo, ‘Ito ang sinabi sa Jerusalem ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Ikaw ay nagmula at ipinanganak sa lupain ng mga Canaanita. Amorita+ ang iyong ama, at Hiteo+ ang iyong ina. 4 Nang araw na ipanganak ka, hindi ka pinutulan ng pusod, hindi ka pinaliguan para luminis, hindi ka pinahiran ng asin, at hindi ka ibinalot sa tela. 5 Wala man lang naawa sa iyo at gumawa ng alinman sa mga ito. Walang nahabag sa iyo. Sa halip, inihagis ka sa parang dahil kinapootan ka nang araw na ipanganak ka.
6 “‘“Nang dumaan ako, nakita kitang kakawag-kawag sa sarili mong dugo. Habang nakahiga ka sa iyong dugo, sinabi ko: ‘Patuloy kang mabuhay!’ Oo, sinabi ko sa iyo habang nakahiga ka sa iyong dugo: ‘Patuloy kang mabuhay!’ 7 Pinarami kita nang husto gaya ng mga halamang umuusbong sa parang, at lumaki ka at nagsuot ng pinakamagagandang palamuti. Naging malusog ang iyong dibdib, at lumago ang iyong buhok; pero ikaw ay hubo’t hubad pa rin.”’
8 “‘Nang dumaan ako at makita ka, napansin kong nasa edad ka na para umibig. Kaya itinakip ko sa iyong hubad na katawan ang damit* ko,+ at nanata ako at nakipagtipan sa iyo,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘at naging akin ka. 9 Pinaliguan din kita para maalis ang dugo sa katawan mo at pinahiran ng langis.+ 10 At sinuotan kita ng damit na may burda at binigyan ng magandang sandalyas na gawa sa balat* at binalutan* ng magandang klase ng lino, at sinuotan kita ng mamahaling mga damit. 11 Nilagyan kita ng palamuti at sinuotan ng mga pulseras at kuwintas. 12 Sinuotan kita ng hikaw sa ilong at sa mga tainga at ng magandang korona. 13 Lagi kang nagsusuot ng palamuting ginto at pilak, at ang kasuotan mo ay magandang klase ng lino, mamahalin, at may burda. Ang pagkain mo ay gawa sa magandang klase ng harina, pulot-pukyutan, at langis, at naging napakaganda mo,+ at bagay ka nang maging reyna.’”*
14 “‘Naging tanyag ka* sa gitna ng mga bansa+ dahil sa iyong kagandahan; perpekto iyon dahil karilagan ko ang inilagay ko sa iyo,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”
15 “‘Pero nagsimula kang magtiwala sa kagandahan mo+ at naging babaeng bayaran dahil sa iyong katanyagan.+ Ibinigay mo ang iyong sarili bilang isang babaeng bayaran sa bawat dumadaan,+ at naging kaniya ang iyong kagandahan. 16 Kinuha mo ang ilan sa iyong mga kasuotan at gumawa ka ng makukulay at matataas na lugar kung saan naging babaeng bayaran ka+—hindi dapat mangyari ang mga bagay na iyon. 17 Kinuha mo rin ang magagandang alahas* na ginto at pilak na ibinigay ko sa iyo, at gumawa ka ng mga lalaking estatuwa at nakiapid sa mga ito.+ 18 At kinuha mo ang mga damit mong may burda at ibinalot sa mga ito,* at inihandog mo sa mga ito ang aking langis at insenso.+ 19 At ang tinapay na ibinigay ko sa iyo—ang ipinakain ko sa iyo na gawa sa magandang klase ng harina, langis, at pulot-pukyutan—ay inihandog mo rin sa mga ito bilang nakagiginhawang amoy.+ Iyon ang mismong nangyari,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”
20 “‘Kinuha mo ang iyong mga anak na lalaki at babae na ipinanganak mo sa akin+ at inihain sila sa mga ito para lamunin+—hindi pa ba sapat ang pagiging babaeng bayaran mo? 21 Pinatay mo ang mga anak ko, at sinunog mo sila para ihain.+ 22 Habang isinasagawa mo ang lahat ng kasuklam-suklam na bagay na ito at namumuhay ka bilang babaeng bayaran, hindi mo inalaala ang mga araw ng iyong kabataan noong hubo’t hubad ka at kakawag-kawag sa sarili mong dugo. 23 Kaawa-awa ka dahil sa lahat ng kasamaan mo; kaawa-awa ka,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova. 24 ‘Gumawa ka ng isang bunton at nagtayo ng mataas na lugar sa bawat liwasan* para sa iyong sarili. 25 Itinayo mo ang iyong matataas na lugar sa kanto ng bawat lansangan, at ginawa mong kasuklam-suklam ang iyong kagandahan dahil iniaalok mo ang iyong sarili* sa lahat ng dumadaan,+ at maraming beses kang nakiapid.+ 26 Nakiapid ka sa mga anak na lalaki ng Ehipto,+ ang mahahalay mong kapitbahay,* at ginalit mo ako dahil napakaraming beses mong nakiapid. 27 At gagamitin ko ang kapangyarihan* ko laban sa iyo at babawasan ko ang pagkain mo+ at ibibigay kita sa mga babaeng napopoot sa iyo,+ sa mga anak na babae ng mga Filisteo, na nangingilabot sa mahalay mong paggawi.+
28 “‘Hindi ka pa nasiyahan, kaya nakiapid ka rin sa mga anak na lalaki ng Asirya,+ pero pagkatapos mong gawin iyon, hindi ka pa rin nasiyahan. 29 Kaya nakiapid ka rin sa lupain ng mga negosyante* at sa mga Caldeo,+ pero hindi ka pa rin nasiyahan. 30 Talagang napakasama ng* iyong puso* nang gawin mo ang lahat ng ito; para kang walang-kahihiyang babaeng bayaran!’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova. 31 ‘Pero nang gumawa ka ng bunton sa pinakakilalang lugar sa bawat lansangan at nagtayo ng mataas na lugar sa bawat liwasan, hindi ka naging gaya ng isang babaeng bayaran dahil ayaw mong tumanggap ng bayad. 32 Isa kang mapangalunyang asawa na umiibig sa estranghero sa halip na sa sarili mong asawa!+ 33 Mga babaeng bayaran ang binibigyan ng regalo,+ pero iba ka—ikaw ang nagreregalo sa lahat ng nagnanasa sa iyo,+ at sinusuhulan mo silang pumunta sa iyo mula sa lahat ng lugar para makiapid sa iyo.+ 34 Iba ka sa lahat ng babaeng bayaran. Walang sinuman sa kanila ang nakikiapid nang gaya mo! Ikaw ang nagbabayad, at hindi ka binabayaran. Iba ang paraan mo.’
35 “Kaya pakinggan mo, O babaeng bayaran,+ ang mensahe ni Jehova. 36 Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Dahil nagpakasasa ka sa kahalayan at nahantad ang iyong hubad na katawan nang makiapid ka sa iyong mga kalaguyo at sa lahat ng iyong kasuklam-suklam at karima-rimarim na idolo*+ na pinaghandugan mo pa ng dugo ng iyong mga anak,+ 37 titipunin ko ang lahat ng iyong kalaguyo na pinasaya mo, ang mga inibig mo at ang mga kinapootan mo. Titipunin ko sila laban sa iyo mula sa lahat ng lugar at ihahantad ko sa kanila ang iyong hubad na katawan, at makikita ka nila na hubo’t hubad.+
38 “‘At ipapataw ko sa iyo ang mga parusang nararapat sa mga babaeng mangangalunya+ at mamamatay-tao,+ at paparusahan kita ng kamatayan dahil sa aking galit at pagseselos.+ 39 Ibibigay kita sa kamay nila, at gigibain nila ang iyong mga bunton at ibabagsak ang iyong matataas na lugar;+ at huhubaran ka nila+ at kukunin ang magaganda mong alahas*+ at iiwan kang hubo’t hubad. 40 Magtitipon sila ng mga tao laban sa iyo,+ at babatuhin ka nila+ at papatayin gamit ang espada nila.+ 41 Susunugin nila ang mga bahay mo,+ at ilalapat nila ang mga hatol sa iyo sa harap ng maraming babae; at patitigilin kita sa pagiging babaeng bayaran mo,+ at hindi ka na rin magbabayad. 42 Huhupa ang galit ko sa iyo+ at mawawala ang poot ko;+ at magiging kalmado na ako at hindi na galit.’
43 “‘Dahil hindi mo inalaala ang mga araw ng iyong kabataan+ at ginalit mo ako sa paggawa ng lahat ng bagay na ito, ibabalik ko sa iyo ang bunga ng landasin mo,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘at titigilan mo na ang iyong mahalay na paggawi at lahat ng iyong kasuklam-suklam na gawain.
44 “‘At sasabihin sa iyo ng lahat ng gumagamit ng kawikaan: “Kung ano ang ina, ganoon din ang anak!”+ 45 Katulad ka ng iyong ina na namumuhi sa kaniyang asawa at mga anak. Katulad ka rin ng iyong mga kapatid na babae na namumuhi sa kanilang asawa at mga anak. Hiteo ang inyong ina, at Amorita+ ang inyong ama.’”
46 “‘Ang nakatatanda mong kapatid na babae ay ang Samaria+ na nakatira sa iyong hilaga* kasama ang mga anak niya,*+ at ang nakababata mong kapatid na babae ay ang Sodoma+ na nakatira sa iyong timog* kasama ang mga anak niya.+ 47 Hindi mo lang basta nilakaran ang mga landasin nila at ginaya ang kasuklam-suklam nilang mga gawain, kundi naging mas masama pa ang paggawi mo kaysa sa kanila sa maikling panahon lang.+ 48 Tinitiyak ko, kung paanong buháy ako,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘ang Sodoma na iyong kapatid na babae at ang mga anak niya ay hindi gumawi nang gaya mo at ng iyong mga anak. 49 Ito ang kasalanan ng Sodoma na iyong kapatid: Siya at ang mga anak niya+ ay mapagmataas,+ at sagana sila sa pagkain+ at walang álalahanín,+ pero hindi nila tinulungan ang mga nagdurusa at mahihirap.+ 50 Nanatili silang mapagmataas+ at ipinagpatuloy nila ang kanilang kasuklam-suklam na mga gawain sa harap ko,+ kaya kinailangan ko silang puksain.+
51 “‘Ang mga kasalanan ng Samaria+ ay hindi man lang umabot sa kalahati ng mga kasalanan mo. At patuloy mong dinagdagan ang iyong kasuklam-suklam na mga gawain, kaya nagmukhang matuwid ang mga kapatid mo dahil sa lahat ng iyong kasuklam-suklam na gawain.+ 52 Magtiis ka ngayon sa kahihiyan dahil napagmukha mong tama ang ginawa ng mga kapatid mo.* At dahil mas kasuklam-suklam ang ginawa mong kasalanan kaysa sa ginawa nila, mas matuwid sila kaysa sa iyo. Kaya ngayon, mahiya ka dahil pinagmukha mong matuwid ang mga kapatid mo.’
53 “‘At titipunin ko ang mga nabihag sa kanila, ang mga nabihag mula sa Sodoma at sa mga anak niya at ang mga nabihag mula sa Samaria at sa mga anak niya; titipunin ko rin kasama nila ang mga nabihag mula sa iyo+ 54 para mapahiya ka; at mahihiya ka dahil pinagaan mo ang kalooban nila. 55 Babalik sa dating kalagayan ang mga kapatid mo, ang Sodoma at ang mga anak niya at ang Samaria at ang mga anak niya, at ikaw at ang iyong mga anak ay babalik din sa inyong dating kalagayan.+ 56 Ayaw mo man lang banggitin ang Sodoma na iyong kapatid noong panahong nagmamataas ka, 57 bago nahayag ang iyong sariling kasamaan.+ Ngayon, ikaw ang dinudusta ng mga anak na babae ng Sirya at ng mga nasa palibot niya, at hinahamak ka ng mga anak na babae ng mga Filisteo,+ na nasa palibot mo. 58 Aanihin mo ang bunga ng iyong mahalay na paggawi at kasuklam-suklam na mga gawain,’ ang sabi ni Jehova.”
59 “Dahil ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Paparusahan kita ayon sa mga ginawa mo,+ dahil hinamak mo ang panata mo nang hindi ka tumupad sa pakikipagtipan ko sa iyo.+ 60 Pero aalalahanin ko ang pakikipagtipan ko sa iyo noong mga araw ng iyong kabataan, at gagawa ako ng isang permanenteng tipan sa pagitan natin.+ 61 Maaalaala mo ang mga ginawa mo at mapapahiya ka+ kapag tinanggap mo ang mga kapatid mo, ang mga nakatatanda at nakababata sa iyo, at ibibigay ko sila sa iyo bilang mga anak na babae, pero hindi dahil sa pakikipagtipan ko sa iyo.’
62 “‘At ako mismo ay makikipagtipan sa iyo; at malalaman mo na ako si Jehova. 63 At maaalaala mo ang ginawa mo at hindi mo man lang maibubuka ang iyong bibig dahil sa kahihiyan,+ kapag nagbayad-sala ako para sa iyo sa kabila ng lahat ng ginawa mo,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”
17 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 2 “Anak ng tao, magsabi ka ng isang palaisipan at isang kasabihan tungkol sa sambahayan ng Israel.+ 3 Sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Ang malaking agila,+ na may malalaking pakpak, mahahabang bagwis, at makapal at makukulay na balahibo, ay dumating sa Lebanon+ at kinuha ang tuktok ng sedro.+ 4 Pinutol niya ang supang* nito na nasa pinakatuktok at dinala sa lupain ng mga negosyante* at inilagay sa isang lunsod ng mga negosyante.+ 5 Pagkatapos, kumuha siya ng ilang binhi ng lupain+ at inilagay sa matabang lupa. Itinanim niya ito sa tabi ng katubigan na gaya ng punong sause. 6 Kaya sumibol ito at naging isang mababa at gumagapang na punong ubas.+ Hindi kumalat ang mga sanga nito, at ang ugat nito ay tumubo sa ilalim nito. At ito ay naging isang punong ubas at nagsibol ng mga supang at nagkasanga.+
7 “‘“At dumating ang isa pang malaking agila,+ na may malalaking pakpak at bagwis.+ Agad na iniunat ng punong ubas ang ugat nito patungo sa agila, at palayo sa harding pinagtamnan nito, at iniharap nito roon ang mga dahon nito para madiligan ng agila.+ 8 Nakatanim na ito sa matabang lupa na malapit sa katubigan para magkasanga ito, mamunga, at maging isang magandang punong ubas.”’+
9 “Sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Magtatagumpay ba ito? Hindi ba may bubunot sa ugat nito+ at mabubulok ang bunga at matutuyot ang mga supang nito?+ Sa sobrang tuyot nito, hindi na kailangan ng malakas na bisig o ng maraming tao para mabunot ang ugat nito. 10 Kahit pa itanim ito sa ibang lugar, magtatagumpay ba ito? Hindi ba lubusan itong matutuyot kapag nahipan ng hanging silangan? Matutuyot ito sa hardin kung saan ito sumibol.”’”
11 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 12 “Pakisuyo, sabihin mo sa rebeldeng sambahayan, ‘Hindi ba ninyo naiintindihan ang ibig sabihin ng mga bagay na ito?’ Sabihin mo, ‘Dumating sa Jerusalem ang hari ng Babilonya, at kinuha niya ang hari at mga prinsipe nito at isinama sila sa Babilonya.+ 13 Kinuha rin niya ang isa sa mga maharlikang supling*+ at nakipagtipan dito at pinasumpa ito.+ At kinuha niya ang mga prominenteng tao sa lupain+ 14 para maibaba ang kaharian at hindi makabangon at patuloy lang na umiral kung tutupad ito sa kanilang tipan.+ 15 Pero nagrebelde ang hari+ at nagsugo ng mga mensahero sa Ehipto para humiling ng mga kabayo+ at maraming sundalo.+ Magtatagumpay ba siya? Makatatakas ba sa parusa ang gumagawa ng mga bagay na ito? Puwede ba siyang sumira sa tipan at hindi maparusahan?’+
16 “‘“Isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,” ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, “mamamatay siya sa Babilonya, sa lugar kung saan nakatira ang hari* na nagluklok sa kaniya* bilang hari; hinamak niya ang panata nito at hindi tinupad ang tipan nito.+ 17 At walang magagawa sa digmaan ang malaking hukbong militar at maraming sundalo ng Paraon+ kapag nagawa na ang mga rampa at naitayo na ang mga pader na pangubkob na lilipol ng maraming buhay. 18 Hinamak niya ang isang panata, at sumira siya sa isang tipan. Nangako siya,* pero ginawa pa rin niya ang lahat ng ito. Hindi siya makatatakas.”’
19 “‘Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Isinusumpa ko, kung paanong buháy ako, ibabalik ko sa kaniya ang bunga ng paghamak niya sa panata ko+ at pagsira sa tipan ko. 20 Ihahagis ko sa kaniya ang aking lambat para sa pangangaso at mahuhuli siya nito.+ Dadalhin ko siya sa Babilonya, at hahatulan ko siya roon dahil sa kataksilan niya sa akin.+ 21 Ang lahat ng nakatakas mula sa hukbo niya ay mamamatay sa espada, at ang mga natira ay mangangalat sa lahat ng direksiyon.*+ At malalaman ninyo na akong si Jehova ang nagsalita.”’+
22 “‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Kukuha ako ng supang sa tuktok ng napakataas na sedro+ at itatanim ito, puputol ako ng murang supang+ sa tuktok ng maliliit na sanga nito, at ako mismo ang magtatanim nito sa isang napakataas na bundok.+ 23 Itatanim ko ito sa isang mataas na bundok sa Israel; at tutubo ang mga sanga nito, at mamumunga ito at magiging isang magandang sedro. At lahat ng klase ng ibon ay maninirahan sa ilalim nito, sa lilim ng mga dahon nito. 24 At malalaman ng lahat ng puno sa parang na akong si Jehova ang nagpabagsak sa mataas na puno at nagtaas sa mababang puno;+ tinuyo ko ang mayabong na puno at pinalago ang tuyong puno.+ Akong si Jehova ang nagsabi at gumawa nito.”’”
18 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 2 “Ano ang ibig sabihin ng kasabihang ito na ginagamit ninyo sa Israel, ‘Ang mga ama ang kumain ng hilaw na ubas, pero ang ngipin ng mga anak ang nangingilo’?+
3 “‘Isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘hindi na ninyo gagamitin ang kasabihang ito sa Israel. 4 Ang lahat ng buhay*—akin ang mga iyon. Sa akin ang buhay ng ama at ng anak. Ang taong* nagkakasala ang siyang mamamatay.
5 “‘Ipagpalagay nang matuwid ang isang tao at ginagawa niya kung ano ang makatarungan at tama. 6 Hindi siya kumakain ng mga inihain sa idolo sa mga bundok;+ hindi siya umaasa sa karima-rimarim na mga idolo* ng sambahayan ng Israel; hindi niya dinurungisan ang asawa ng kapuwa niya+ at hindi siya nakikipagtalik sa babaeng nireregla;+ 7 wala siyang inaapi,+ kundi ibinabalik niya sa may utang ang panagot na ibinigay nito;+ hindi siya nagnanakaw,+ kundi ibinibigay niya sa gutom ang sarili niyang pagkain+ at binibigyan ng damit ang hubad;+ 8 hindi siya nagpapatong ng tubo at hindi niya pinagkakakitaan ang mga may utang+—iniiwasan niyang maging di-makatarungan;+ patas siya kapag humatol sa pagitan ng dalawang tao;+ 9 at patuloy niyang sinusunod ang mga batas ko at isinasagawa ang aking mga hudisyal na pasiya para maging tapat siya. Matuwid ang taong iyon at patuloy siyang mabubuhay,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.
10 “‘Pero kung ang ama ay nagkaanak ng isang magnanakaw+ o mamamatay-tao+ o gumagawa ng anumang katulad ng mga ito 11 (kahit hindi ginawa ng ama ang alinman sa mga bagay na ito)—kumakain siya ng inihain sa mga idolo sa mga bundok, dinurungisan niya ang asawa ng kapuwa niya, 12 inaapi niya ang mga nangangailangan at mahihirap,+ nagnanakaw siya, hindi niya ibinabalik ang panagot, umaasa siya sa karima-rimarim na mga idolo,+ gumagawa ng kasuklam-suklam na mga bagay,+ 13 pinagkakakitaan ang mga may utang at nagpapatong ng tubo+—hindi mananatiling buháy ang anak. Tiyak na papatayin siya dahil sa lahat ng ginawa niyang kasuklam-suklam na bagay. Siya ang dahilan ng sarili niyang kamatayan.*
14 “‘Pero ipagpalagay nang ang isang ama ay may anak na nakakakita sa lahat ng ginagawa niyang kasalanan, pero hindi ginawa ng anak ang mga bagay na iyon. 15 Ang anak ay hindi kumakain ng mga inihain sa idolo sa mga bundok; hindi siya umaasa sa karima-rimarim na mga idolo ng sambahayan ng Israel; hindi niya dinurungisan ang asawa ng kapuwa niya; 16 wala siyang inaapi; hindi niya sapilitang kinukuha ang panagot; hindi siya nagnanakaw; ibinibigay niya sa gutom ang sarili niyang pagkain at binibigyan ng damit ang hubad; 17 hindi niya pinahihirapan ang dukha; hindi niya pinagkakakitaan ang mga may utang at hindi siya nagpapatong ng tubo; at isinasagawa niya ang aking mga hudisyal na pasiya at sinusunod ang mga batas ko. Ang taong iyon ay hindi mamamatay dahil sa kasalanan ng kaniyang ama. Patuloy siyang mabubuhay. 18 Pero dahil ang kaniyang ama ay nandaraya, nagnanakaw sa kapatid, at gumagawa ng masama sa gitna ng bayan nito, mamamatay ito dahil sa sarili nitong kasalanan.
19 “‘Pero sasabihin ninyo: “Bakit hindi pagbabayaran ng anak ang kasalanan ng ama niya?” Ginawa ng anak kung ano ang makatarungan at matuwid at sinunod niya ang lahat ng batas ko, kaya patuloy siyang mabubuhay.+ 20 Ang taong* nagkakasala ang siyang mamamatay.+ Hindi pagbabayaran ng anak ang kasalanan ng ama, at hindi pagbabayaran ng ama ang kasalanan ng anak. Ang matuwid ay hahatulan batay sa sarili niyang katuwiran, at ang masama ay hahatulan batay sa sarili niyang kasamaan.+
21 “‘Pero kapag tinalikuran ng masama ang lahat ng ginagawa niyang kasalanan at sinunod ang mga batas ko at ginawa kung ano ang makatarungan at matuwid, tiyak na patuloy siyang mabubuhay. Hindi siya mamamatay.+ 22 Hindi gagamitin laban sa kaniya* ang alinman sa nagawa niyang kasalanan.+ Patuloy siyang mabubuhay dahil sa paggawa ng matuwid.’+
23 “‘Natutuwa ba ako kapag namatay ang masama?’+ ang sabi ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova. ‘Hindi ba mas gusto kong talikuran niya ang kaniyang landasin at patuloy siyang mabuhay?’+
24 “‘Pero kapag tinalikuran ng matuwid ang pagiging matuwid niya at ginawa ang mali,* ang lahat ng kasuklam-suklam na bagay na ginagawa ng masama, patuloy ba siyang mabubuhay? Hindi aalalahanin ang alinman sa mga ginawa niyang matuwid.+ Mamamatay siya dahil sa kasalanan niya at pagiging di-tapat.+
25 “‘Pero sasabihin ninyo: “Hindi makatarungan ang daan ni Jehova.”+ Pakisuyo, makinig kayo, O sambahayan ng Israel. Ang daan ko ba ang hindi makatarungan?+ O ang daan ninyo ang hindi makatarungan?+
26 “‘Kapag tinalikuran ng matuwid ang pagiging matuwid niya at ginawa ang mali at namatay siya dahil dito, namatay siya dahil sa sarili niyang kasalanan.
27 “‘At kapag tinalikuran ng masama ang kaniyang kasamaan at sinimulan niyang gawin kung ano ang makatarungan at matuwid, maiingatan niyang buháy ang sarili niya.+ 28 Kapag nakapag-isip-isip siya at itinigil niya ang lahat ng ginagawa niyang kasalanan, tiyak na patuloy siyang mabubuhay. Hindi siya mamamatay.
29 “‘Pero sasabihin ng sambahayan ng Israel: “Hindi makatarungan ang daan ni Jehova.” O sambahayan ng Israel, ang daan ko ba talaga ang hindi makatarungan?+ O ang daan ninyo ang hindi makatarungan?’
30 “‘Kaya hahatulan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa kaniyang landasin,+ O sambahayan ng Israel,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova. ‘Talikuran ninyo ang lahat ng ginagawa ninyong kasalanan, oo, lubusan ninyo itong talikuran para hindi ito maging katitisuran na magdadala ng parusa sa inyo. 31 Itigil ninyo ang lahat ng ginagawa ninyong kasalanan+ at baguhin ninyo ang inyong puso at kaisipan,*+ dahil bakit kailangan ninyong mamatay,+ O sambahayan ng Israel?’
32 “‘Hindi ako natutuwa sa kamatayan ng sinuman,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova. ‘Kaya manumbalik kayo at patuloy na mabuhay.’”+
19 “Umawit ka ng isang awit ng pagdadalamhati tungkol sa mga pinuno ng Israel, 2 at sabihin mo,
‘Ano ba ang iyong ina? Isang babaeng leon sa gitna ng mga leon.
Humiga siya kasama ng malalakas na leon at inalagaan ang mga anak niya.
3 Pinalaki niya ang isa sa mga anak niya, at ito ay naging malakas na leon.+
Natuto itong lumuray ng biktima;
Nanlapa pa nga ito ng mga tao.
4 Narinig ng mga bansa ang tungkol dito, at binitag nila ito sa kanilang hukay,
At gamit ang mga pangawit, dinala nila ito sa Ehipto.+
5 Naghintay siya pero nawalan din ng pag-asa na babalik pa ito.
Kaya kumuha siya ng isa pang anak niya para maging malakas na leon.
6 Gumala-gala rin ito kasama ng ibang leon at naging malakas na leon.
Natuto itong lumuray ng biktima at nanlapa pa nga ng mga tao.+
7 Gumala-gala ito sa palibot ng kanilang matitibay na tore at winasak ang mga lunsod nila,
Kaya umalingawngaw sa tiwangwang na lupain ang pag-ungal nito.+
8 Ang mga bansa sa nakapalibot na mga distrito ay dumating para hulihin ito ng lambat,
At nabitag ito sa kanilang hukay.
9 Gamit ang mga pangawit, inilagay nila ito sa kulungan at dinala sa hari ng Babilonya.
Ikinulong nila ito roon para hindi na marinig ang ungal nito sa mga bundok ng Israel.
10 Ang iyong ina ay gaya ng isang punong ubas+ sa iyong dugo,* na nakatanim sa tabi ng tubig.
Namunga ito at nagkaroon ng maraming sanga dahil sa saganang tubig.
11 Naging matibay ang mga sanga* nito, na puwedeng gawing setro ng mga tagapamahala.
Lumaki ito at mas tumaas pa sa ibang puno,
At madali itong makita dahil mataas ito at malago.
12 Pero dahil sa galit, binunot ito+ at ibinagsak sa lupa,
At tinuyo ng hanging silangan ang bunga nito.
Ang matitibay nitong sanga ay pinutol at natuyo+ at nilamon ng apoy.+
14 Kumalat ang apoy mula sa mga sanga* nito at nilamon ang mga supang* at bunga nito,
At walang natirang matibay na sanga, walang setro para sa pamamahala.+
“‘Iyan ay awit ng pagdadalamhati, na magiging kilalang awit ng pagdadalamhati.’”
20 At nang ikapitong taon, noong ika-10 araw ng ikalimang buwan, may ilang matatandang lalaki ng Israel na umupo sa harap ko para sumangguni kay Jehova. 2 At dumating sa akin ang salita ni Jehova: 3 “Anak ng tao, sabihin mo sa matatandang lalaki ng Israel, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Narito ba kayo para sumangguni sa akin? ‘Isinusumpa ko, kung paanong buháy ako, hindi ko sasagutin ang tanong ninyo,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”’
4 “Handa ka na bang hatulan sila?* Handa ka na bang hatulan sila, anak ng tao? Ipaalám mo sa kanila ang kasuklam-suklam na mga bagay na ginawa ng mga ninuno nila.+ 5 Sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Nang araw na piliin ko ang Israel,+ sumumpa rin ako* sa mga supling* ng sambahayan ni Jacob, at nagpakilala ako sa kanila sa lupain ng Ehipto.+ Oo, sumumpa ako sa kanila at nagsabi, ‘Ako ang Diyos ninyong si Jehova.’ 6 Nang araw na iyon, sumumpa akong ilalabas ko sila sa Ehipto at dadalhin sa lupaing pinili* ko para sa kanila, na inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan.+ Ito ang pinakamaganda sa* lahat ng lupain. 7 At sinabi ko sa kanila, ‘Dapat itapon ng bawat isa sa inyo ang kasuklam-suklam na mga bagay na nasa harap ninyo; huwag ninyong dungisan ang sarili ninyo sa pamamagitan ng karima-rimarim na mga idolo* ng Ehipto.+ Ako ang Diyos ninyong si Jehova.’+
8 “‘“Pero nagrebelde sila at ayaw nilang makinig sa akin. Hindi nila itinapon ang kasuklam-suklam na mga bagay na nasa harap nila, at hindi nila iniwan ang karima-rimarim na mga idolo ng Ehipto.+ Kaya ipinasiya kong ibuhos sa kanila ang poot ko at ilabas ang buong galit ko sa kanila sa lupain ng Ehipto. 9 Pero kumilos ako alang-alang sa pangalan ko para hindi ito malapastangan ng mga bansang tinitirhan nila noon.+ Dahil sa harap ng mga bansa, ipinakilala ko sa kanila* ang sarili ko nang ilabas ko sila* sa Ehipto.+ 10 Kaya inilabas ko sila sa Ehipto at dinala sa ilang.+
11 “‘“Pagkatapos, ipinaalám ko sa kanila ang mga batas at mga hudisyal na pasiya ko+ para patuloy na mabuhay ang taong magsasagawa ng mga ito.+ 12 Ibinigay ko rin sa kanila ang batas ko sa mga sabbath+ para maging isang tanda sa pagitan namin,+ para malaman nila na akong si Jehova ang nagpapabanal sa kanila.
13 “‘“Pero nagrebelde sa akin sa ilang ang sambahayan ng Israel.+ Hindi nila sinunod ang mga batas ko, at itinakwil nila ang mga hudisyal na pasiya ko; kung isasagawa lang sana ng isang tao ang mga ito, patuloy siyang mabubuhay. Nilapastangan nila nang husto ang mga sabbath ko. Kaya ipinasiya kong ibuhos sa kanila sa ilang ang poot ko para malipol sila.+ 14 Kumilos ako alang-alang sa sarili kong pangalan para hindi ito malapastangan ng mga bansa, na nakakita nang ilabas ko sila.*+ 15 Sumumpa rin ako sa kanila sa ilang na hindi ko sila dadalhin sa lupaing ibinigay ko sa kanila+—isang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan,+ ang pinakamaganda sa* lahat ng lupain— 16 dahil itinakwil nila ang mga hudisyal na pasiya ko, hindi nila sinunod ang mga batas ko, at nilapastangan nila ang mga sabbath ko, dahil ang puso nila ay sumunod sa kanilang karima-rimarim na mga idolo.+
17 “‘“Pero naawa ako* sa kanila, at hindi ko sila pinuksa; hindi ko sila nilipol sa ilang. 18 Sinabi ko sa mga anak nila sa ilang,+ ‘Huwag ninyong sundin ang mga tuntunin o pasiya* ng mga ninuno ninyo+ o dungisan ang sarili ninyo sa pamamagitan ng karima-rimarim na mga idolo nila. 19 Ako ang Diyos ninyong si Jehova. Sundin ninyo ang mga batas ko at isagawa ang mga hudisyal na pasiya ko.+ 20 At pabanalin ninyo ang mga sabbath ko,+ at iyon ay magiging tanda sa pagitan natin para malaman ninyo na ako ang Diyos ninyong si Jehova.’+
21 “‘“Pero nagrebelde sa akin ang mga anak.+ Hindi nila sinunod ang mga batas ko, at hindi nila tinupad ang mga hudisyal na pasiya ko; kung isasagawa lang sana ng isang tao ang mga ito, patuloy siyang mabubuhay. Nilapastangan nila ang mga sabbath ko. Kaya ipinasiya kong ibuhos sa kanila ang poot ko at ilabas ang buong galit ko sa kanila sa ilang.+ 22 Pero nagpigil ako+ at kumilos alang-alang sa sarili kong pangalan+ para hindi ito malapastangan ng mga bansa, na nakakita nang ilabas ko sila.* 23 Sumumpa rin ako sa kanila sa ilang na pangangalatin ko sila sa mga bansa at mga lupain,+ 24 dahil hindi nila isinagawa ang mga hudisyal na pasiya ko at itinakwil nila ang mga batas ko,+ nilapastangan nila ang mga sabbath ko, at sumunod sila* sa karima-rimarim na mga idolo ng mga ninuno nila.+ 25 Hinayaan ko rin silang sumunod sa maling mga tuntunin at sa mga hudisyal na pasiya na hindi magbibigay sa kanila ng buhay.+ 26 Hinayaan ko silang madungisan ng sarili nilang paghahain—kapag sinusunog nila ang bawat panganay+—para mapuksa sila, at sa gayon ay malaman nila na ako si Jehova.”’
27 “Kaya sabihin mo sa sambahayan ng Israel, O anak ng tao, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Sa ganitong paraan din ako nilapastangan ng mga ninuno ninyo nang hindi sila naging tapat sa akin. 28 Dinala ko sila sa lupaing ipinangako* ko sa kanila.+ Nang makita nila ang lahat ng matataas na burol at malalagong puno,+ inihandog nila roon ang kanilang mga hain at nakagagalit na mga handog. Doon nila inialay ang mga hain nila na may nakagiginhawang amoy at ibinuhos ang kanilang mga handog na inumin. 29 Kaya tinanong ko sila, ‘Bakit kayo pumupunta sa mataas na lugar na ito? (Tinatawag pa rin itong Mataas na Lugar hanggang sa araw na ito.)’”’+
30 “Kaya sabihin mo sa sambahayan ng Israel, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Dinurungisan ba ninyo ang inyong sarili gaya ng mga ninuno ninyo sa pamamagitan ng pagsunod at pagsamba* sa kanilang karima-rimarim na mga idolo?+ 31 At dinurungisan pa rin ba ninyo ang inyong sarili hanggang ngayon sa pamamagitan ng paghahandog sa lahat ng karima-rimarim na idolo ninyo at pagsusunog sa mga anak ninyo?+ Kaya bakit ko nga sasagutin ang tanong ninyo, O sambahayan ng Israel?”’+
“‘Isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘hindi ko sasagutin ang tanong ninyo.+ 32 At hinding-hindi mangyayari ang iniisip ninyo nang sabihin ninyo, “Maging gaya tayo ng ibang bansa, gaya ng mga pamilya sa ibang lupain, na sumasamba* sa kahoy at bato.”’”+
33 “‘Isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘maghahari ako sa inyo. Gagamitin ko sa inyo ang aking makapangyarihang kamay at unat na bisig, at ibubuhos ko sa inyo ang poot ko.+ 34 Ilalabas ko kayo mula sa mga bayan at titipunin mula sa mga lupain kung saan kayo nangalat dahil sa aking makapangyarihang kamay, unat na bisig, at ibinuhos na poot.+ 35 Dadalhin ko kayo sa ilang ng mga bayan at lilitisin doon nang harapan.+
36 “‘Kung paanong nilitis ko ang inyong mga ninuno sa ilang ng Ehipto, lilitisin ko rin kayo,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova. 37 ‘Pararaanin ko kayo sa ilalim ng tungkod ng pastol+ at oobligahing tuparin ang* tipan. 38 Pero aalisin ko sa inyo ang mga rebelde at ang mga sumusuway sa akin.+ Dahil ilalabas ko sila sa lupaing pinaninirahan nila bilang dayuhan, pero hindi sila makakapasok sa lupain ng Israel;+ at malalaman ninyo na ako si Jehova.’
39 “Pero para sa inyo, O sambahayan ng Israel, ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Sige, maglingkod ang bawat isa sa inyo sa kaniyang karima-rimarim na mga idolo.+ Pero pagkatapos, kahit hindi kayo makinig sa akin, hindi na ninyo malalapastangan ang aking banal na pangalan dahil sa inyong mga hain at karima-rimarim na mga idolo.’+
40 “‘Dahil sa aking banal na bundok, sa mataas na bundok ng Israel,+ maglilingkod sa akin ang buong sambahayan ng Israel, silang lahat,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova. ‘Doon, malulugod ako sa kanila, at hihingin ko ang inyong abuloy at mga unang bunga ng inyong mga handog, ang lahat ng inyong banal na bagay.+ 41 Dahil sa nakagiginhawang amoy, malulugod ako sa inyo kapag inilabas ko kayo mula sa mga bayan at tinipon mula sa mga lupain kung saan kayo nangalat;+ at mapababanal ako dahil sa inyo sa harap ng mga bansa.’+
42 “‘At malalaman ninyo na ako si Jehova+ kapag dinala ko kayo sa lupain ng Israel,+ sa lupaing ipinangako ko sa mga ninuno ninyo. 43 At maaalaala ninyo roon ang paggawi ninyo at lahat ng ginawa ninyo na nagparungis sa inyong sarili,+ at kamumuhian ninyo ang inyong sarili* dahil sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ninyo.+ 44 At malalaman ninyo, O sambahayan ng Israel, na ako si Jehova kapag pinakitunguhan ko kayo alang-alang sa aking pangalan+ at hindi ayon sa inyong masamang paggawi o pakikitungo,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”
45 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 46 “Anak ng tao, humarap ka sa timog at ihayag mo ang mensahe para sa timog, at humula ka tungkol sa kagubatan sa timog. 47 Sabihin mo sa kagubatan sa timog, ‘Pakinggan mo ang mensahe ni Jehova. Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Magpapalagablab ako ng apoy laban sa iyo,+ at susunugin nito ang bawat mayabong na puno at bawat tuyong puno mo. Hindi mapapatay ang nagliliyab na apoy,+ at mapapaso nito ang lahat ng mukha mula timog hanggang hilaga. 48 At makikita ng lahat ng tao* na akong si Jehova ang nagpaliyab ng apoy, kaya hindi ito mapapatay.”’”+
49 At sinabi ko: “O Kataas-taasang Panginoong Jehova! Sinasabi nila tungkol sa akin, ‘Hindi ba palaisipan* lang naman ang sinasabi niya?’”
21 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 2 “Anak ng tao, humarap ka sa Jerusalem, at ihayag mo ang mensahe laban sa mga banal na lugar, at humula ka laban sa lupain ng Israel. 3 Sabihin mo sa lupain ng Israel, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Kikilos ako laban sa iyo, at huhugutin ko ang espada ko sa lalagyan nito+ at lilipulin ko ang matuwid at ang masama sa gitna mo. 4 Dahil lilipulin ko ang matuwid at ang masama sa gitna mo, huhugutin ko ang espada ko at gagamitin ito laban sa lahat ng tao,* mula timog hanggang hilaga. 5 Malalaman ng lahat ng tao na ako mismong si Jehova ang humugot ng aking espada sa lalagyan nito. Hindi na ito ibabalik pa.”’+
6 “At ikaw, anak ng tao, magbuntonghininga ka habang nanginginig,* oo, magbuntonghininga ka* sa harap nila.+ 7 At kung sabihin nila sa iyo, ‘Bakit ka nagbubuntonghininga?’ sabihin mo, ‘Dahil sa isang ulat.’ Dahil tiyak na magkakatotoo iyon, at manlalambot sa takot ang bawat puso at lalaylay ang bawat kamay at panghihinaan ng loob ang bawat isa at tutulo ang tubig sa bawat tuhod.*+ ‘Tiyak na magkakatotoo iyon—mangyayari iyon,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”
8 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 9 “Anak ng tao, humula ka, at sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Sabihin mo, ‘Isang espada! Pinatalas ang isang espada+ at pinakintab. 10 Pinatalas ito para makapatay ng marami; pinakintab ito para kumislap na gaya ng kidlat.’”’”
“Hindi ba dapat tayong magsaya?”
“‘Hahamakin ba nito* ang setro ng sarili kong anak,+ gaya ng ginagawa nito sa bawat puno?
11 “‘Ibinigay iyon para pakintabin at iwasiwas. Ang espadang ito ay pinatalas at pinakintab para ibigay sa kamay ng tagapuksa.+
12 “‘Sumigaw ka at humagulgol,+ anak ng tao, dahil gagamitin ito laban sa aking bayan; laban ito sa lahat ng pinuno ng Israel.+ Mamamatay sila sa espada kasama ng bayan ko. Kaya paluin mo ang iyong hita sa pagdadalamhati. 13 Dahil nagsagawa ng isang pagsusuri,+ at ano ang mangyayari kung hahamakin ng espada ang setro? Hindi na ito iiral,’*+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.
14 “At ikaw, anak ng tao, humula ka at pumalakpak at sabihin mo nang tatlong beses, ‘Isang espada!’ Iyon ang espada na pumapatay, isang espada na maraming napatay, ang espada na lumiligid sa kanila.+ 15 Manlalambot sa takot ang puso nila,+ at marami ang mamamatay sa mga pintuang-daan ng kanilang lunsod; papatay ako gamit ang espada. Oo, kumikislap itong gaya ng kidlat at pinakintab para sa pagpatay! 16 Tumaga ka sa kanan! Tumaga ka sa kaliwa! Pumunta ka saanman nakaharap ang iyong talim! 17 At papalakpak din ako at pahuhupain ang galit ko.+ Ako mismong si Jehova ang nagsalita.”
18 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 19 “Ikaw, anak ng tao, gumuhit ka ng dalawang daan na puwedeng puntahan ng espada ng hari ng Babilonya. Magmumula sa iisang lupain ang dalawang daang iyon na papunta sa dalawang lunsod, at dapat kang maglagay ng tanda* sa sangandaan nito. 20 Lagyan mo ng tanda ang bawat daan para sa espada: ang isang daan ay papunta sa Raba+ ng mga Ammonita at ang isa pa ay papunta sa napapaderang Jerusalem+ sa Juda. 21 Dahil ang hari ng Babilonya ay tumigil para manghula sa sangandaan, kung saan naghiwalay ang dalawang daan. Inalog niya ang mga palaso. Sumangguni siya sa mga idolo* niya; tumingin siya sa atay. 22 Jerusalem ang napili ng kanang kamay niya batay sa panghuhula, para doon maglagay ng panggiba, magpadala ng utos na pumatay, magbigay ng hudyat para sa pakikipagdigma, maglagay ng panggiba sa mga pintuang-daan, gumawa ng rampang pangubkob, at magtayo ng pader na pangubkob.+ 23 Pero para sa kanila,* na nakipagsumpaan sa mga ito,*+ mali ang sagot sa panghuhula. Pero maaalaala niya ang kasalanan nila at bibihagin niya sila.+
24 “Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Ikaw ang dahilan kaya naalaala ang kasalanan mo; inilantad mo ang pagsuway mo at kitang-kita sa lahat ng iyong pagkilos ang mga kasalanan mo. Kaya ngayong naalaala ka, sapilitan kang bibihagin.’*
25 “O ikaw na nasugatan nang malubha, ang napakasamang pinuno ng Israel,+ dumating na ang araw mo, ang oras ng paglalapat ng parusa na tatapos sa iyo. 26 Ito ang sinabi ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova: ‘Hubarin mo ang turbante, at alisin mo ang korona.+ Hindi na ito magiging gaya ng dati.+ Itaas mo ang mababa,+ at ibaba mo ang mataas.+ 27 Kagibaan, kagibaan, gagawin ko iyon na isang kagibaan. At walang sinumang magmamay-ari doon hanggang sa dumating ang isa na may legal na karapatan,+ at ibibigay ko iyon sa kaniya.’+
28 “At ikaw, anak ng tao, humula ka at sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova tungkol sa mga Ammonita at sa kanilang pang-iinsulto.’ Sabihin mo, ‘Isang espada! Isang espada ang hinugot para pumatay; pinakintab ito para lumipol at kumislap gaya ng kidlat. 29 Sa kabila ng di-totoong mga pangitain at hula tungkol sa iyo, ibubunton ka rin kasama ng mga napatay,* ang napakasamang mga tao na napuksa nang dumating ang oras ng pangwakas na parusa para sa kanila. 30 Ibalik mo ang espada sa lalagyan nito. Hahatulan kita sa lugar kung saan ka ginawa, sa lupaing pinagmulan mo. 31 Ibubuhos ko sa iyo ang galit ko. Bubugahan kita ng apoy ng poot ko, at ibibigay kita sa kamay ng brutal na mga tao na sanay sa pagwasak.+ 32 Magiging panggatong ka sa apoy;+ dadanak ang dugo mo sa lupain, at hindi ka na maaalaala, dahil ako mismong si Jehova ang nagsalita.’”
22 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 2 “Ikaw, anak ng tao, handa ka na bang ihayag ang hatol* sa lunsod na ito na mamamatay-tao+ at sabihin sa kaniya ang lahat ng kaniyang kasuklam-suklam na bagay?+ 3 Sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Malapit nang dumating ang oras mo,+ O lunsod na pumapatay+ at gumagawa ng karima-rimarim na mga idolo* para maging marumi;+ 4 nagkasala ka dahil sa pagpatay mo,+ at pinarumi ka ng karima-rimarim na mga idolo.+ Pinabilis mo ang katapusan ng iyong mga araw, at dumating na ang katapusan ng iyong mga taon. Kaya gagawin kitang tampulan ng pandurusta ng mga bansa at pangungutya ng lahat ng lupain.+ 5 Kukutyain ka ng malalapit at malalayong lupain,+ ikaw na masama ang pangalan at punô ng kaguluhan. 6 Ginagamit ng bawat pinuno ng Israel na nasa loob mo ang awtoridad niya para pumatay.+ 7 Sa loob mo, hinahamak nila ang kanilang ama at ina.+ Dinaraya nila ang dayuhang naninirahan sa lupain at inaapi ang mga batang walang ama* at biyuda.”’”+
8 “‘Namumuhi ka sa aking mga banal na lugar, at nilalapastangan mo ang aking mga sabbath.+ 9 Nasa loob ng iyong lunsod ang mga maninirang-puri na gustong pumatay.+ Sa loob ng iyong lunsod ay kumakain sila ng mga hain sa mga bundok at nagsasagawa ng mahalay na gawain.+ 10 Sa loob ng iyong lunsod, nilalapastangan nila ang higaan ng kanilang ama*+ at pinagsasamantalahan ang babaeng marumi dahil sa kaniyang regla.+ 11 Sa loob ng iyong lunsod, kasuklam-suklam ang ginagawa ng isang lalaki sa asawa ng kapuwa niya,+ dinurungisan ng isa ang kaniyang manugang na babae dahil sa mahalay na paggawi,+ at pinagsasamantalahan ng isa pa ang kaniyang kapatid na babae, ang anak ng sarili niyang ama.+ 12 Sa loob ng iyong lunsod, tumatanggap sila ng suhol para pumatay.+ Nagpapatong ka ng tubo+ at pinagkakakitaan ang mga may utang, at kinikikilan mo ang kapuwa mo.+ Oo, talagang kinalimutan mo na ako,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.
13 “‘At napapapalakpak ako sa pagkasuklam dahil sa pandaraya mo para lang makinabang at dahil sa mga pagpatay mo. 14 Malakas pa rin kaya ang loob mo* at mananatili ka pa ring matibay kapag nagsimula na akong kumilos laban sa iyo?+ Ako mismong si Jehova ang nagsalita, at kikilos ako. 15 Pangangalatin kita sa mga bansa at lupain,+ at tutuldukan ko ang karumihan mo.+ 16 At mapapahiya ka sa harap ng mga bansa, at malalaman mong ako si Jehova.’”+
17 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 18 “Anak ng tao, ang sambahayan ng Israel ay naging gaya ng dumi para sa akin at walang pakinabang. Lahat sila ay parang tanso, lata, bakal, at tingga sa isang hurno. Naging dumi sila sa pilak.+
19 “Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Dahil lahat kayo ay naging dumi na walang pakinabang,+ titipunin ko kayo sa loob ng Jerusalem. 20 Kung paanong tinitipon sa isang hurno ang pilak, tanso, bakal, tingga, at lata para bugahan at tunawin sa apoy, gayon ko kayo titipunin sa aking galit at poot, at bubugahan ko kayo at tutunawin.+ 21 Titipunin ko kayo at bubugahan ng apoy ng poot ko,+ at tutunawin ko kayo sa loob niya.+ 22 Kung paanong natutunaw ang pilak sa hurno, ganoon din kayo matutunaw sa loob niya; at malalaman ninyo na ako mismong si Jehova ang nagbuhos ng poot ko sa inyo.’”
23 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 24 “Anak ng tao, sabihin mo sa kaniya, ‘Ikaw ay lupaing hindi lilinisin o makararanas ng ulan sa araw ng poot. 25 Ang mga propeta sa loob niya ay nagsasabuwatan,+ gaya ng leong umuungal at nanlalapa ng biktima.+ Lumalamon sila ng tao. Nang-aagaw sila ng kayamanan at mahahalagang bagay. Marami silang ginawang biyuda sa loob niya. 26 Ang mga saserdote niya ay lumalabag sa aking kautusan,+ at patuloy nilang nilalapastangan ang aking mga banal na lugar.+ Walang pagkakaiba sa kanila ang banal at karaniwan,+ at hindi nila ipinaaalam kung ano ang marumi at malinis,+ at ayaw nilang sundin ang batas ko sa mga sabbath, at nalalapastangan ako sa gitna nila. 27 Ang mga pinuno sa gitna niya ay parang mga lobo* na nanlalapa ng biktima; nananakit sila at pumapatay ng tao* para sa di-tapat na pakinabang.+ 28 Pero pininturahan ng puti ng mga propeta niya ang mga ginagawa nila. Di-totoo ang mga pangitain nila at humuhula sila ng kasinungalingan,+ at sinasabi nila: “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova,” pero hindi naman talaga nagsalita si Jehova. 29 Ang mga tao sa lupain ay nandaraya at nagnanakaw,+ inaapi nila ang mga nangangailangan at mahihirap, at dinaraya nila ang dayuhang naninirahan sa lupain at pinagkakaitan ng katarungan.’
30 “‘Humahanap ako ng isang lalaki mula sa kanila na magkukumpuni ng batong pader o tatayo sa sirang bahagi nito para protektahan ang lupain para hindi ko ito wasakin,+ pero wala akong nakita. 31 Kaya ibubuhos ko sa kanila ang galit ko at lilipulin sila sa pamamagitan ng apoy ng aking poot. Ibabalik ko sa kanila ang bunga ng landasin nila,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”
23 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 2 “Anak ng tao, may dalawang babae na mga anak ng isang ina.+ 3 Naging babaeng bayaran sila sa Ehipto+ mula pa noong kabataan nila. Doon ay pinisil ang mga suso nila at hinipo ang dibdib ng kanilang pagkadalaga. 4 Ang pangalan ng nakatatanda ay Ohola* at ang nakababata ay Oholiba.* Naging akin sila, at nagsilang sila ng mga anak na lalaki at babae. Si Ohola ang Samaria,+ at si Oholiba ang Jerusalem.
5 “Naging babaeng bayaran si Ohola+ habang akin siya. Pinagnasaan niya ang mga kalaguyo niya,+ ang kalapít na mga Asiryano.+ 6 Mga gobernador sila na nakaasul at mga kinatawang opisyal—kaakit-akit na mga kabataang lalaki na nakasakay sa kabayo. 7 Patuloy siyang nakiapid sa lahat ng pinakaprominenteng anak ng Asirya, at dinungisan niya ang sarili niya+ sa pamamagitan ng karima-rimarim na mga idolo* ng mga pinagnasaan niya. 8 Hindi niya tinalikuran ang pakikiapid na sinimulan niya sa Ehipto, dahil sinipingan nila siya noong kabataan siya, at hinipo nila ang dibdib ng kaniyang pagkadalaga at nagpakasasa sa paggawa ng kahalayan* sa kaniya.+ 9 Kaya ibinigay ko siya sa kamay ng mga kalaguyo niya, sa pinagnasaan niyang mga anak ng Asirya.+ 10 Hinubaran nila siya+ at kinuha ang kaniyang mga anak na lalaki at babae+ at pinatay siya gamit ang espada. Masama ang reputasyon niya sa mga babae, at nilapatan nila siya ng hatol.
11 “Nang makita ito ni Oholiba, naging mas mahalay pa siya kaysa sa kapatid niya, at ang pagiging babaeng bayaran niya ay mas masahol pa kaysa sa kapatid niya.+ 12 Pinagnasaan niya ang mga anak ng Asirya na kalapít niya,+ ang mga gobernador at mga kinatawang opisyal na maganda ang pananamit at nakasakay sa kabayo—kaakit-akit na mga kabataang lalaki. 13 Nang dungisan niya ang sarili niya, nakita kong pareho sila ng tinahak na landas.+ 14 Pero patuloy pa siyang nakiapid. Nakita niya ang mga lalaking nakaukit sa pader, mga larawan ng mga Caldeo na inukit at pininturahan ng pula, 15 na nakasinturon at may suot sa ulo na mahahabang turbante at mukhang mga mandirigma, at lahat ng ito ay mga Babilonyo, na ipinanganak sa lupain ng mga Caldeo. 16 Pagkakita niya rito, pinagnasaan niya sila at nagsugo siya ng mga mensahero sa Caldea.+ 17 Kaya paulit-ulit siyang pinuntahan at sinipingan ng mga anak ng Babilonya sa kaniyang kama, at dinungisan nila siya ng kahalayan nila.* Nang madungisan siya, lumayo siya sa kanila dahil sa pagkasuklam.
18 “Nang magpakasasa siya sa pakikiapid nang walang kahihiyan at ilantad niya ang hubad niyang katawan,+ nilayuan ko siya dahil sa pagkasuklam, kung paanong nilayuan ko ang kapatid niya dahil sa pagkasuklam.+ 19 At patuloy pa siyang nakiapid+ at inalaala ang kabataan niya noong naging babaeng bayaran siya sa Ehipto.+ 20 Pinagnasaan niya sila; gaya siya ng mga kalaguyo ng mga lalaking ang ari ay katulad ng sa asno at sa kabayo. 21 Hinanap-hanap mo ang iyong kahalayan noong kabataan ka pa sa Ehipto+ nang hinihipo nila ang iyong dibdib, ang iyong mga suso noong kabataan ka.+
22 “Kaya, Oholiba, ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Gagalitin ko ang iyong mga kalaguyo+ na nilayuan mo dahil sa pagkasuklam, at sasalakayin ka nila mula sa lahat ng direksiyon,+ 23 ang mga anak ng Babilonya+ at lahat ng Caldeo,+ ang mga lalaki ng Pekod+ at Soa at Koa, pati ang lahat ng anak ng Asirya. Lahat sila ay kaakit-akit na mga kabataang lalaki, mga gobernador at mga kinatawang opisyal, mga mandirigma na piling-pili,* at nakasakay silang lahat sa kabayo. 24 Sasalakayin ka nila nang may dagundong ng mga karwaheng* pandigma at napakaraming sundalo, na may malalaking kalasag at pansalag* at helmet. Papalibutan ka nila, at bibigyan ko sila ng awtoridad na hatulan ka, at hahatulan ka nila ayon sa nakikita nilang nararapat.+ 25 Ilalabas ko ang galit ko sa iyo, at kikilos sila laban sa iyo nang may poot. Tatagpasin nila ang iyong ilong at mga tainga, at ang mga natira sa iyo ay mamamatay sa espada. Kukunin nila ang iyong mga anak na lalaki at babae, at ang natira sa iyo ay lalamunin ng apoy.+ 26 Huhubarin nila sa iyo ang damit mo+ at kukunin ang magaganda mong alahas.*+ 27 Wawakasan ko ang iyong kahalayan at prostitusyon,+ na nagsimula sa Ehipto.+ Hindi mo na sila titingnan, at hindi mo na aalalahanin ang Ehipto.’
28 “Dahil ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Malapit na kitang ibigay sa kamay ng mga kinapopootan mo, ang mga nilayuan mo dahil sa pagkasuklam.+ 29 Pakikitunguhan ka nila nang may poot at kukunin ang lahat ng pinaghirapan mo+ at iiwan kang hubo’t hubad. Malalantad ang iyong kahiya-hiyang imoralidad at kahalayan at prostitusyon.+ 30 Gagawin sa iyo ang mga ito dahil hinabol mo ang mga bansa na gaya ng babaeng bayaran,+ dahil dinungisan mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng kanilang karima-rimarim na mga idolo.+ 31 Tinahak mo ang landas ng kapatid mo,+ at ibibigay ko sa iyo ang kopa niya.’+
32 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova:
‘Iinuman mo ang malalim at malapad na kopa ng kapatid mo,+
At magiging tampulan ka ng panghahamak at kahihiyan, dahil punô ng mga ito ang kopa.+
33 Malalasing ka at mamimighati nang husto;
Iinuman mo ang kopa ng pagkatakot at pagkatiwangwang,
Ang kopa ng iyong kapatid na Samaria.
34 Kailangan mong inumin at sairin ito+ at ngatngatin ang mga piraso ng basag na kopang luwad;
Pagkatapos, hatakin mo ang iyong mga suso hanggang sa matanggal.
“Dahil ako mismo ang nagsalita,” ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.’
35 “Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Dahil lubusan mo akong kinalimutan at binale-wala,*+ aanihin mo ang bunga ng iyong kahalayan at prostitusyon.’”
36 At sinabi ni Jehova: “Anak ng tao, ihahayag mo ba ang hatol kina Ohola at Oholiba+ at sasabihin sa kanila ang karima-rimarim na mga gawain nila? 37 Nangalunya* sila+ at may dugo sa mga kamay nila. Hindi lang sila nangalunya sa pamamagitan ng karima-rimarim na mga idolo nila, kundi sinunog din nila ang mga anak nila sa akin bilang pagkain ng mga idolo nila.+ 38 Ito pa ang ginawa nila sa akin: Dinungisan nila ang santuwaryo ko nang araw na iyon at nilapastangan ang mga sabbath ko. 39 Nang mapatay na nila ang mga anak nila bilang hain sa kanilang karima-rimarim na mga idolo,+ pumunta sila sa santuwaryo ko para lapastanganin ito+ nang mismong araw na iyon. Iyan ang ginawa nila sa loob ng bahay ko. 40 Nagsugo pa sila ng mensahero para magtawag ng mga lalaki mula sa malayo.+ Nang paparating na ang mga ito, naligo ka at pinintahan mo ang iyong mga mata at nagsuot ka ng mga palamuti.+ 41 At umupo ka sa isang maringal na upuan,+ na may mesa sa harap,+ kung saan mo inilagay ang aking insenso+ at langis.+ 42 Maririnig doon ang ingay ng mga taong nagpapakasaya, kasama na ang mga lasenggong dinala mula sa ilang. Sinuotan nila ng pulseras at magagandang korona ang mga babae.
43 “At sinabi ko tungkol sa kaniya na hapong-hapo sa pangangalunya: ‘Ngayon ay patuloy pa siyang makikiapid.’ 44 Kaya patuloy silang pumunta sa kaniya, gaya ng isa na pumupunta sa babaeng bayaran. Gayon sila pumupunta kina Ohola at Oholiba, mahahalay na babae. 45 Pero ang mga lalaking matuwid ay maglalapat sa kaniya ng nararapat na hatol para sa kaniyang pangangalunya+ at pagpatay;+ dahil mga mangangalunya sila, at may dugo sa mga kamay nila.+
46 “Dahil ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Isang hukbo ang sasalakay sa kanila, at sasamsaman sila nito, at mangingilabot ang mga tao.+ 47 Pagbababatuhin sila ng hukbo+ at papatayin gamit ang espada. Papatayin ng mga ito ang kanilang mga anak na lalaki at babae+ at susunugin ang mga bahay nila.+ 48 Wawakasan ko ang kahalayan sa lupain, at matututo ang lahat ng babae at hindi nila gagayahin ang kahalayan ninyo.+ 49 Ipararanas nila sa inyo ang resulta ng inyong kahalayan at mga kasalanan dahil sa karima-rimarim na mga idolo ninyo; at malalaman ninyo na ako ang Kataas-taasang Panginoong Jehova.’”+
24 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova nang ikasiyam na taon, noong ika-10 araw ng ika-10 buwan: 2 “Anak ng tao, itala mo ang petsang ito,* ang mismong araw na ito. Nagsimula nang sumalakay sa Jerusalem ang hari ng Babilonya sa mismong araw na ito.+ 3 At maglahad ka ng isang ilustrasyon* tungkol sa rebeldeng sambahayan, at sabihin mo:
“‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova:
“Isalang ang lutuan;* isalang ito sa apoy at lagyan ng tubig.+
4 Lagyan iyon ng mga piraso ng karne,+ ng bawat magandang parte,
Ng hita at paypay;* punuin iyon ng pinakapiling mga buto.
5 Kunin ang pinakapiling tupa sa kawan,+ at isalansan paikot ang mga kahoy sa ilalim ng lutuan.
Pakuluan ang mga piraso, at lutuin ang mga buto.”’
6 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova:
‘Kaawa-awang lunsod na mamamatay-tao,+ ang kinakalawang na lutuan, na hindi pa natatanggalan ng kalawang!
Isa-isang alisin ang laman nito;+ huwag itong pagpalabunutan.
7 Dahil ang dugong pinadanak nito ay nasa loob pa nito;+ ibinuhos niya iyon sa bato.
Hindi niya iyon ibinuhos sa lupa para matabunan sana ng alabok.+
8 Para mapukaw ang galit ko at maghiganti ako,
Inilagay ko ang kaniyang dugo sa makintab na bato
Para hindi ito matabunan.’+
9 “Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova:
‘Kaawa-awang lunsod na mamamatay-tao!+
Patataasin ko ang salansan ng mga kahoy.
10 Pagpatong-patungin ang mga kahoy, at sindihan ito,
Pakuluang mabuti ang karne, itapon ang sabaw, at hayaang masunog ang mga buto.
11 Ipatong sa baga ang tansong lutuan na walang laman para uminit ito
Hanggang sa magbaga.
At ang karumihan nito at kalawang ay malulusaw.+
Ihagis iyon sa apoy kasama ang kalawang nito!’
13 “‘Marumi ka dahil sa iyong mahalay na paggawi.+ Sinubukan kitang linisin, pero hindi ka luminis sa karumihan mo. Hindi ka lilinis hanggang sa humupa ang galit ko sa iyo.+ 14 Ako mismong si Jehova ang nagsalita. Mangyayari iyon. Kapag kumilos ako, hindi ako magpipigil, malulungkot, at magsisisi.+ Hahatulan ka nila ayon sa landasin mo at pakikitungo,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”
15 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 16 “Anak ng tao, sa isang iglap, kukunin ko sa iyo ang minamahal mo.+ Huwag kang magdadalamhati;* huwag ka ring tatangis o luluha. 17 Dumaing ka nang tahimik, at huwag mong isagawa ang ritwal ng pagdadalamhati sa patay.+ Isuot mo ang iyong turbante,+ at magsandalyas ka.+ Huwag mong takpan ang bigote* mo,+ at huwag mong kainin ang tinapay na ibinibigay sa iyo.”*+
18 Kinaumagahan, nagsalita ako sa bayan at namatay ang asawa ko nang gabing iyon. Kaya kinaumagahan, ginawa ko ang iniutos sa akin. 19 Sinasabi sa akin ng bayan: “Hindi mo ba sasabihin kung ano ang kinalaman sa amin ng mga ginagawa mo?” 20 Sumagot ako: “Dumating sa akin ang mensahe ni Jehova, 21 ‘Sabihin mo sa sambahayan ng Israel: “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘Malapit ko nang lapastanganin ang santuwaryo ko,+ ang ipinagmamalaki ninyo nang husto, ang pinakamamahal ninyo at malapít sa puso ninyo. Ang inyong mga anak na lalaki at babae na iniwan ninyo ay mamamatay sa espada.+ 22 At gagawin ninyo ang ginawa ko. Hindi ninyo tatakpan ang mga bigote ninyo, at hindi ninyo kakainin ang tinapay na ibinibigay sa inyo.+ 23 Isusuot ninyo ang mga turbante ninyo, at magsasandalyas kayo. Hindi kayo magdadalamhati o iiyak. Mabubulok kayo dahil sa mga kasalanan ninyo,+ at daraing kayo sa isa’t isa. 24 Si Ezekiel ay naging tanda para sa inyo.+ Gagawin ninyo ang ginawa niya. Kapag nangyari iyon, malalaman ninyo na ako ang Kataas-taasang Panginoong Jehova.’”’”
25 “Para naman sa iyo, anak ng tao, sa araw na kunin ko sa kanila ang tanggulan nila—ang magandang bagay na nagpapaligaya sa kanila, ang pinakamamahal nila at malapít sa puso nila—at ang kanilang mga anak na lalaki at babae,+ 26 isang takas ang mag-uulat sa iyo ng nangyari.+ 27 Sa araw na iyon, ibubuka mo ang iyong bibig at makikipag-usap ka sa takas, at hindi ka na magiging pipi.+ Magiging isang tanda ka para sa kanila, at malalaman nila na ako si Jehova.”
25 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 2 “Anak ng tao, tumingin ka sa direksiyon ng mga Ammonita+ at humula laban sa kanila.+ 3 Sabihin mo tungkol sa mga Ammonita, ‘Pakinggan mo ang mensahe ng Kataas-taasang Panginoong Jehova. Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Dahil sinabi mo, ‘Buti nga!’ nang lapastanganin ang aking santuwaryo at nang maging tiwangwang ang lupain ng Israel at nang ipatapon ang sambahayan ng Juda, 4 ibibigay kita sa mga taga-Silangan bilang pag-aari. Magtatayo sila ng mga kampo* sa loob mo at ng mga tolda sa gitna mo. Kakainin nila ang iyong mga bunga at iinumin ang iyong gatas. 5 Gagawin kong pastulan ng mga kamelyo ang Raba+ at pahingahan ng kawan ang lupain ng mga Ammonita; at malalaman ninyo na ako si Jehova.”’”
6 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Dahil pumalakpak ka+ at pumadyak at tuwang-tuwa ka sa masamang nangyari sa lupain ng Israel,+ 7 gagamitin ko ang kapangyarihan* ko laban sa iyo at ibibigay kita sa ibang bansa para samsaman. Papawiin kita bilang isang bayan at lilipulin kita sa mga lupain.+ Pupuksain kita, at malalaman mo na ako si Jehova.’
8 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Dahil sinabi ng Moab+ at Seir,+ “Ang sambahayan ng Juda ay katulad na lang ng lahat ng ibang bansa,” 9 gagawin kong hantad ang mga lunsod ng Moab na nasa hangganan nito, na nasa dalisdis nito, ang pinakamagagandang lunsod nito,* ang Bet-jesimot, Baal-meon, at hanggang sa Kiriataim.+ 10 Ibibigay ko sila sa mga taga-Silangan bilang pag-aari kasama ang mga Ammonita,+ at hindi na maaalaala ang mga Ammonita bilang isang bansa.+ 11 At ilalapat ko ang hatol sa Moab,+ at malalaman nila na ako si Jehova.’
12 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Naghiganti ang Edom sa sambahayan ng Juda, at nakagawa sila ng malaking pagkakasala dahil dito;+ 13 kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Gagamitin ko rin ang kapangyarihan* ko laban sa Edom at lilipulin ko ang mga tao at alagang hayop dito, at gagawin ko itong tiwangwang.+ Mula Teman hanggang Dedan, mamamatay sila sa espada.+ 14 ‘Maghihiganti ako sa Edom sa pamamagitan ng aking bayang Israel.+ Ibubuhos nila sa Edom ang aking galit at poot para matikman nito ang paghihiganti ko,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”’
15 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Dahil sa hindi mawala-walang galit ng mga Filisteo, lagi silang naghahanap ng pagkakataon na maghiganti at magpahamak.+ 16 Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Gagamitin ko ang kapangyarihan* ko laban sa mga Filisteo,+ at lilipulin ko ang mga Kereteo+ at ang mga naiwang nakatira sa baybaying dagat.+ 17 Maglalapat ako sa kanila ng napakatinding mga parusa bilang paghihiganti, at malalaman nila na ako si Jehova kapag naghiganti ako sa kanila.”’”
26 Nang ika-11 taon, noong unang araw ng buwan, dumating sa akin ang salita ni Jehova: 2 “Anak ng tao, sinabi ng Tiro tungkol sa Jerusalem,+ ‘Aha! Sira na ang pasukan ng mga bayan!+ Sa akin na pupunta ang lahat, at yayaman ako dahil nawasak na siya’; 3 kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Kikilos ako laban sa iyo, O Tiro, at pasasalakayin ko sa iyo ang maraming bansa, tulad ng paghampas ng mga alon sa dagat. 4 Wawasakin nila ang mga pader ng Tiro at gigibain ang mga tore niya,+ at kakayurin ko ang lupa para siya ay maging isang makintab na bato. 5 Siya ay magiging patuyuan ng lambat sa gitna ng dagat.’+
“‘Dahil ako mismo ang nagsalita,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘at siya ay magiging samsam ng mga bansa. 6 At ang mga pamayanan nito sa nayon ay pababagsakin gamit ang espada, at malalaman ng mga tao na ako si Jehova.’
7 “Dahil ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Pasasalakayin ko sa Tiro si Haring Nabucodonosor* ng Babilonya na mula sa hilaga;+ siya ay hari ng mga hari,+ na may mga kabayo,+ mga karwaheng pandigma,+ mga kabalyero, at isang malaking hukbo ng mga sundalo.* 8 Ang iyong mga pamayanan sa nayon ay wawasakin niya gamit ang espada, at magtatayo siya ng pader na pangubkob at gagawa ng rampa at makikipaglaban sa iyo nang may malaking kalasag. 9 Sisirain niya ang mga pader mo gamit ang panggiba* niya at ibabagsak ang mga tore mo gamit ang mga palakol* niya. 10 Mababalot ka ng alikabok dahil sa dami ng kabayo niya, at uuga ang mga pader mo dahil sa ingay ng mga kabalyero, gulong, at karwaheng pandigma kapag pumasok siya sa iyong mga pintuang-daan, gaya ng paglusob ng mga tao sa isang lunsod na sira ang mga pader. 11 Lulusubin ng mga kabayo ang lahat ng lansangan mo;+ papatayin niya ang iyong bayan gamit ang espada, at babagsak ang iyong matitibay na haligi. 12 Sasamsamin nila ang yaman mo, nanakawin ang mga paninda mo,+ pababagsakin ang mga pader mo, at gigibain ang magagandang bahay mo. At itatapon nila sa tubig ang iyong mga bato, kagamitang kahoy, at lupa.’
13 “‘Patitigilin ko ang ingay ng iyong mga awitin, at hindi na maririnig pa ang musika ng iyong mga alpa.+ 14 Gagawin kitang isang makintab na bato, at magiging patuyuan ka ng lambat.+ Hindi ka na itatayong muli, dahil ako mismong si Jehova ang nagsalita,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.
15 “Ito ang sinabi sa Tiro ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘Kapag narinig ang ingay ng iyong pagbagsak at ang ungol ng mga naghihingalo,* kapag pinagpapatay ang mga naninirahan sa iyo, hindi ba mangingilabot ang mga isla?+ 16 Ang mga prinsipe* sa karagatan ay bababa sa kanilang trono, at huhubarin nila ang kanilang mahahabang damit* at kasuotang may burda, at mangangatog sila.* Uupo sila sa lupa at tuloy-tuloy na mangangatog, at titingin sila sa iyo at matutulala.+ 17 At aawit sila ng isang awit ng pagdadalamhati+ para sa iyo:
“Paano nangyaring nagiba ka,+ ikaw na tirahan ng mga mandaragat, ang kapuri-puring lunsod;
Naging makapangyarihan ka sa dagat,+ ikaw at ang mga naninirahan sa iyo,*
At kinatatakutan ka ng lahat ng tao sa lupa!
18 Ang mga isla ay mangangatog sa araw ng pagbagsak mo,
Ang mga isla sa karagatan ay maliligalig kapag nawala ka na.”’+
19 “Dahil ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Kapag winasak kitang gaya ng mga lunsod na walang naninirahan, kapag itinabon ko sa iyo ang rumaragasang tubig at natakpan ka ng dumadaluyong na tubig,+ 20 ibababa kita sa hukay* gaya ng ginagawa ko sa iba pa, kasama ng mga taong matagal nang patay; para wala nang manirahan sa iyo, dadalhin kita sa pinakamababang lugar, gaya ng mga lunsod na matagal nang wasak, kasama ng iba pang ibinaba sa hukay.+ Pagkatapos, luluwalhatiin* ko ang lupain ng mga buháy.
21 “‘Biglang darating ang kakila-kilabot na katapusan mo.+ Hahanapin ka nila, pero hindi ka na nila makikita kahit kailan,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”
27 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 2 “Anak ng tao, umawit ka ng isang awit ng pagdadalamhati para sa Tiro,+ 3 at sabihin mo sa Tiro,
‘Ikaw na naninirahan sa pasukan ng karagatan,
Ang mangangalakal para sa mga bayang nasa maraming isla,
Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova:
“O Tiro, ikaw mismo ang nagsabi, ‘Sukdulan ang kagandahan ko.’+
4 Nasa gitna ng dagat ang iyong mga teritoryo,
At ginawa kang sukdulan sa ganda ng mga tagapagtayo mo.
5 Gawa sa puno ng enebro mula sa Senir+ ang lahat ng tabla mo,
At kumuha sila ng sedro mula sa Lebanon para sa iyong palo.*
6 Gawa sa punong ensina ng Basan ang mga sagwan mo,
At ang iyong proa* ay gawa sa kahoy na sipres na nilagyan ng garing* mula sa mga isla ng Kitim.+
7 Makukulay na telang lino mula sa Ehipto ang iyong layag,
At gawa sa asul na sinulid at purpurang lana mula sa mga isla ng Elisa+ ang pantabing sa iyong kubyerta.*
8 Ang mga naninirahan sa Sidon at Arvad+ ang mga tagasagwan mo.
Ang bihasa mong mga lalaki, O Tiro, ang mga mandaragat mo.+
9 Makaranasan* at bihasang mga lalaki ng Gebal+ ang nagtapal sa pagitan ng mga tabla ng iyong barko.+
Nakipagkalakalan sa iyo ang lahat ng barko sa dagat at mga marinero ng mga ito.
10 Kasama sa hukbo mo ang mga lalaking mandirigma ng Persia, Lud, at Put.+
Isinabit nila sa iyo ang kanilang kalasag at helmet, at nagdala sila sa iyo ng karangalan.
11 Ang mga lalaki ng Arvad sa hukbo mo ay nakaposisyon sa palibot ng iyong pader,
At matatapang na lalaki ang nagbantay sa iyong mga tore.
Nagsabit sila ng bilog na mga kalasag sa palibot ng pader mo,
At ginawa ka nilang sukdulan sa ganda.
12 “‘“Ang Tarsis+ ay nakipagkalakalan sa iyo dahil sa yaman mo.+ Ipinagpalit nila ang kanilang pilak, bakal, lata, at tingga para sa mga produkto mo.+ 13 Nakipagkalakalan din sa iyo ang Javan, Tubal,+ at Mesec;+ ipinagpalit nila ang kanilang mga alipin+ at kagamitang tanso para sa mga produkto mo. 14 Ipinagpalit ng sambahayan ni Togarma+ ang kanilang mga kabayo, kabayong pandigma, at mula* para sa mga produkto mo. 15 Ang mga taga-Dedan+ ay nakipagkalakalan sa iyo; nagtrabaho para sa iyo ang mga mangangalakal mula sa maraming isla; nagbigay sila sa iyo ng garing+ at ebano* bilang tributo.* 16 Nakipagkalakalan sa iyo ang Edom dahil sa dami ng iyong produkto. Ipinagpalit nila ang kanilang turkesa,* purpurang lana, telang may makukulay na burda, magagandang klase ng tela, korales, at rubi para sa mga produkto mo.
17 “‘“Nakipagkalakalan sa iyo ang Juda at Israel. Ipinagpalit nila ang trigo ng Minit,+ espesyal na mga pagkain, pulot-pukyutan,+ langis, at balsamo+ para sa mga produkto mo.+
18 “‘“Nakipagkalakalan sa iyo ang Damasco+ dahil sa yaman mo at dami ng iyong produkto. Ipinagpalit nila ang alak ng Helbon at lana ng Zahar* para sa mga produkto mo. 19 Ipinagpalit ng Vedan at ng Javan mula sa Uzal ang kagamitang bakal, kasia,* at kania* para sa mga produkto mo. 20 Ang Dedan+ ay nagsuplay sa iyo ng telang pansapin* kapag sumasakay sa hayop. 21 Nagtrabaho para sa iyo ang mga Arabe at lahat ng pinuno ng Kedar,+ na mga mangangalakal ng kordero,* lalaking tupa, at kambing.+ 22 Nakipagkalakalan sa iyo ang mga negosyante ng Sheba at Raama;+ ipinagpalit nila ang pinakamagagandang klase ng pabango, mamahaling mga bato, at ginto para sa mga produkto mo.+ 23 Nakipagkalakalan sa iyo ang Haran,+ Kane, Eden,+ at ang mga negosyante ng Sheba,+ Asur,+ at Kilmad. 24 Sa mga pamilihan mo, ipinagpalit nila ang kanilang magagandang kasuotan, mga asul na balabal na may makukulay na burda, at makukulay na karpet; ang lahat ng ito ay mahigpit na nakatali ng lubid.
25 Ang mga barko ng Tarsis+ ang nagdadala ng mga produkto mo,
Kaya napuno ka ng yaman at bumigat* sa gitna ng dagat.
26 Dinala ka ng mga tagasagwan mo sa dagat na may napakalalaking alon;
Winasak ka ng hanging silangan sa gitna ng dagat.
27 Ang iyong yaman, produkto, paninda, marinero, at mandaragat,
Ang mga nagtatapal sa pagitan ng mga tabla ng iyong barko, ang mga mangangalakal mo,+ at ang lahat ng mandirigma+
—Ang lahat ng* kasama mo—
Lahat sila ay lulubog sa pusod ng dagat sa araw ng pagbagsak mo.+
28 Kapag humiyaw ang mga mandaragat mo, mangingilabot ang mga lupain sa tabing-dagat.
29 Ang lahat ng tagasagwan, marinero, at mandaragat
Ay bababa sa kanilang barko at tatayo sa lupa.
31 Magpapakalbo sila at magsusuot ng telang-sako;
Tatangis sila dahil sa iyo at hahagulgol.
32 Sa pamimighati nila, aawit sila ng isang awit ng pagdadalamhati para sa iyo at hihiyaw:
‘Sino ang tulad ng Tiro, na tahimik na ngayon sa gitna ng dagat?+
33 Kapag dumarating ang mga produkto mo mula sa gitna ng dagat, marami kang napasasayang bayan.+
Yumaman ang mga hari sa lupa dahil sa iyong yaman at produkto.+
34 Ngayon ay nawasak ka sa gitna ng dagat, sa malalim na katubigan,+
At ang lahat ng iyong produkto at mamamayan ay lumubog na kasama mo.+
35 Ang lahat ng nakatira sa mga isla ay titingin sa iyo at matutulala,+
At ang mga hari nila ay mangangatog sa takot+ —makikita ito sa kanilang mukha.
36 Ang mga mangangalakal sa ibang bansa ay mapapasipol dahil sa nangyari sa iyo.
Ang wakas mo ay magiging biglaan at kakila-kilabot,
At lubusan ka nang maglalaho.’”’”+
28 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 2 “Anak ng tao, sabihin mo sa lider ng Tiro, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova:
“Dahil naging mapagmataas ang puso mo,+ lagi mong sinasabi, ‘Ako ay diyos.
Nakaupo ako sa trono ng isang diyos sa gitna ng dagat.’+
Pero tao ka lang at hindi diyos,
Kahit pa sa puso mo ay diyos ka.
3 Mas matalino ka kaysa kay Daniel.+
Walang sekreto na hindi mo nalalaman.
4 Pinayaman mo ang sarili mo sa pamamagitan ng iyong karunungan at kaunawaan,
At patuloy kang nag-iimbak ng ginto at pilak sa iyong mga kabang-yaman.+
5 Yumaman ka nang husto dahil sa husay mo sa negosyo,+
At naging mapagmataas ang puso mo dahil sa yaman mo.”’
6 “‘Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova:
“Dahil sa puso mo ay diyos ka,
7 Magpapadala ako ng mga banyagang lalaban sa iyo, ang pinakamalulupit sa mga bansa,+
At gamit ang kanilang espada, sisirain nila ang lahat ng magagandang bagay na nakuha mo dahil sa iyong karunungan
At lalapastanganin ang iyong karingalan.+
9 Sasabihin mo pa rin ba sa papatay sa iyo, ‘Ako ay diyos’?
Tao ka lang sa kamay ng lalapastangan sa iyo, at hindi isang diyos.”’
10 ‘Sa kamay ng mga banyaga, mararanasan mo ang kamatayan ng mga di-tuli,
Dahil ako mismo ang nagsalita,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”
11 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 12 “Anak ng tao, umawit ka ng isang awit ng pagdadalamhati tungkol sa hari ng Tiro, at sabihin mo sa kaniya, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova:
13 Ikaw ay nasa Eden, ang hardin ng Diyos.
Pinalamutian ka ng lahat ng mamahaling bato
—Rubi, topacio, at jaspe; crisolito, onix, at jade; safiro, turkesa,+ at esmeralda;
At yari sa ginto ang lalagyan* ng mga ito.
Inihanda ang mga ito nang araw na lalangin* ka.
14 Ikaw ang kerubing pinili* para magsanggalang.
Ikaw ay nasa banal na bundok ng Diyos,+ at naglalakad ka sa maaapoy na bato.
15 Walang kapintasan ang landasin mo mula nang araw na lalangin ka
Hanggang sa may nakitang kasamaan sa iyo.+
Kaya paaalisin kita sa bundok ng Diyos bilang lapastangan, at pupuksain kita,+
O kerubin na nagsasanggalang, at mapapalayo ka sa maaapoy na bato.
17 Naging mapagmataas ang puso mo dahil sa iyong kagandahan.+
Sinayang mo ang karunungan mo dahil sa iyong karilagan.+
Ihahagis kita sa lupa.+
Gagawin kitang panoorin ng mga hari.
18 Dahil sa laki ng iyong pagkakasala at di-tapat na pagnenegosyo, nilapastangan mo ang iyong mga santuwaryo.
Magpapalabas ako ng apoy sa gitna mo, at lalamunin ka nito.+
Gagawin kitang abo sa ibabaw ng lupa sa harap ng lahat ng nakatingin sa iyo.
19 Lahat ng nakakakilala sa iyo sa gitna ng mga bayan ay titingin sa iyo at matutulala.+
Ang wakas mo ay magiging biglaan at kakila-kilabot,
At lubusan ka nang maglalaho.”’”+
20 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 21 “Anak ng tao, humarap ka sa direksiyon ng Sidon+ at humula laban sa kaniya. 22 Sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova:
“Kikilos ako laban sa iyo, O Sidon, at maluluwalhati ako sa gitna mo;
At malalaman ng mga tao na ako si Jehova kapag naglapat ako ng hatol sa kaniya at napabanal ako dahil sa kaniya.
23 Padadalhan ko siya ng salot at aagos ang dugo sa mga lansangan niya.
Ang mga tao ay mamamatay sa gitna niya kapag sinalakay siya ng espada mula sa lahat ng direksiyon;
At malalaman nila na ako si Jehova.+
24 “‘“At ang sambahayan ng Israel ay hindi na mapapalibutan ng matitinik at nakasusugat na halaman,+ ang mga humahamak sa kanila; at malalaman ng mga tao na ako ang Kataas-taasang Panginoong Jehova.”’
25 “‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Kapag muli kong tinipon ang sambahayan ng Israel mula sa mga bayan kung saan sila nangalat,+ mapababanal ako dahil sa kanila sa harap ng mga bansa.+ At maninirahan sila sa kanilang lupain+ na ibinigay ko sa lingkod kong si Jacob.+ 26 Maninirahan sila roon nang panatag+ at magtatayo ng bahay at magtatanim ng ubas,+ at maninirahan sila nang panatag kapag inilapat ko ang hatol sa lahat ng nakapalibot sa kanila na humahamak sa kanila;+ at malalaman nila na ako ang Diyos nilang si Jehova.”’”
29 Nang ika-10 taon, noong ika-12 araw ng ika-10 buwan, dumating sa akin ang salita ni Jehova: 2 “Anak ng tao, tumingin ka sa direksiyon ng Paraon na hari ng Ehipto, at humula ka laban sa kaniya at sa buong Ehipto.+ 3 Sabihin mo: ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova:
“Kikilos ako laban sa iyo, Paraon na hari ng Ehipto,+
Ang dambuhalang hayop sa katubigan na nakahiga sa mga kanal ng kaniyang Nilo*+
At nagsasabi, ‘Akin ang Ilog Nilo.
Ginawa ko ito para sa sarili ko.’+
4 Lalagyan ko ng mga kawit ang panga mo at pakakapitin ko sa mga kaliskis mo ang mga isda sa iyong Nilo.
Iaahon kita mula sa iyong Nilo kasama ang lahat ng isda sa Nilo na nakakapit sa mga kaliskis mo.
5 Iiwan kita sa disyerto, ikaw at ang lahat ng isda sa iyong Nilo.
Mabubuwal ka sa parang, at hindi ka pupulutin o titipunin.+
Ibibigay kita bilang pagkain para sa mababangis na hayop sa lupa at sa mga ibon sa langit.+
6 At malalaman ng lahat ng naninirahan sa Ehipto na ako si Jehova,
Dahil gaya ng isang piraso ng dayami,* hindi sila nakapagbigay ng suporta sa sambahayan ng Israel.+
7 Nang humawak sila sa kamay mo, nadurog ka,
At napilay ang balikat nila dahil sa iyo.
8 “‘Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Sasaktan kita sa pamamagitan ng espada,+ at lilipulin ko ang mga tao at hayop sa lupain mo. 9 Ang Ehipto ay magiging tiwangwang at wasak;+ at malalaman nila na ako si Jehova, dahil sinabi mo,* ‘Akin ang Ilog Nilo; ako ang gumawa nito.’+ 10 Kaya kikilos ako laban sa iyo at sa iyong Nilo, at ang lupain ng Ehipto ay gagawin kong wasak, tigang, at tiwangwang,+ mula Migdol+ hanggang Seyene+ na papunta sa hangganan ng Etiopia. 11 Hindi iyon lalakaran ng tao o alagang hayop,+ at hindi iyon titirhan nang 40 taon. 12 Gagawin kong pinakatiwangwang sa lahat ng lupain ang Ehipto, at ang mga lunsod nito ang magiging pinakatiwangwang na mga lunsod sa loob ng 40 taon;+ at pangangalatin ko ang mga Ehipsiyo sa mga bansa at lupain.”+
13 “‘Dahil ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Pagkatapos ng 40 taon, muli kong titipunin ang mga Ehipsiyo mula sa mga bayan kung saan sila nangalat;+ 14 ang bihag na mga Ehipsiyo ay ibabalik ko sa lupain ng Patros,+ ang pinagmulan nilang lupain, at magiging isang mahinang kaharian sila roon. 15 Ang Ehipto ay magiging mas mababa kaysa sa ibang kaharian at hindi na makapamamahala sa ibang bansa,+ at gagawin ko silang napakakaunti kaya hindi na sila makapananakop ng mga bansa.+ 16 Hindi na magtitiwala rito ang sambahayan ng Israel;+ magiging alaala na lang ito ng pagkakamali nila nang humingi sila ng tulong sa mga Ehipsiyo. At malalaman nila na ako ang Kataas-taasang Panginoong Jehova.”’”
17 Nang ika-27 taon, noong unang araw ng unang buwan, dumating sa akin ang salita ni Jehova: 18 “Anak ng tao, pinagtrabaho nang husto ni Haring Nabucodonosor*+ ng Babilonya ang kaniyang hukbong militar para sa pakikipaglaban sa Tiro.+ Nakalbo ang bawat ulo, at natalupan ang bawat balikat. Pero siya at ang hukbo niya ay walang natanggap na kabayaran sa paglaban niya sa Tiro.
19 “Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘Ibibigay ko kay Haring Nabucodonosor* ng Babilonya ang lupain ng Ehipto,+ at kukunin niya ang yaman nito at sasamsaman ito nang husto; at iyon ang magiging kabayaran para sa kaniyang hukbo.’
20 “‘Ibibigay ko sa kaniya ang lupain ng Ehipto bilang kabayaran niya, dahil nakipaglaban sila sa kaniya* para sa akin,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.
21 “Sa araw na iyon, patutubuin ko ang isang sungay para sa sambahayan ng Israel,*+ at bibigyan kita ng pagkakataong magsalita sa gitna nila; at malalaman nila na ako si Jehova.”
30 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 2 “Anak ng tao, humula ka at sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova:
“Tumangis kayo, ‘Dumarating na ang araw!’
3 Dahil ang araw ay malapit na, oo, malapit na ang araw ni Jehova.+
Magdidilim ang ulap sa araw na iyon,+ ang itinakdang panahon para sa mga bansa.+
4 May darating na espada laban sa Ehipto, at matataranta ang Etiopia kapag namatay at nabuwal ang mga tao sa Ehipto;
Ninakaw ang yaman nito at giniba ang mga pundasyon.+
5 Ang Etiopia,+ Put,+ Lud, at ang lahat ng mula sa ibang bansa,
At ang Kub, pati ang mga anak ng lupaing nasa ilalim ng tipan*
—Mabubuwal sila sa pamamagitan ng espada.”’
6 Ito ang sinabi ni Jehova:
‘Ang mga sumusuporta sa Ehipto ay mabubuwal din,
At babagsak ang ipinagmamalaki nitong kapangyarihan.’+
“‘Mula Migdol+ hanggang Seyene,+ mabubuwal sila sa pamamagitan ng espada,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova. 7 ‘Sila ang magiging pinakatiwangwang sa lahat ng lupain, at ang mga lunsod nila ang magiging pinakawasak na mga lunsod.+ 8 At malalaman nila na ako si Jehova kapag nagpaliyab ako ng apoy sa Ehipto at nadurog ang lahat ng kakampi nito. 9 Sa araw na iyon, magpapadala ako ng mga mensaherong sakay ng mga barko para manginig sa takot ang Etiopia na nagtitiwala sa sarili; matataranta sila sa araw ng kapahamakan ng Ehipto, dahil tiyak na darating ito.’
10 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Lilipulin ko ang mga hukbo ng Ehipto sa pamamagitan ng kamay ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya.+ 11 Siya at ang mga hukbo niya, ang pinakamalulupit mula sa mga bansa,+ ay papapasukin para wasakin ang lupain. Huhugutin nila ang mga espada nila laban sa Ehipto at pupunuin ng mga pinatay ang lupain.+ 12 Gagawin kong tuyong lupa ang mga kanal ng Nilo+ at ipagbibili ko ang lupain sa masasamang tao. Gagawin kong tiwangwang ang lupain at wawasakin ang lahat ng naroon sa pamamagitan ng kamay ng mga banyaga.+ Ako mismong si Jehova ang nagsalita.’
13 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Wawasakin ko rin ang karima-rimarim na mga idolo* at aalisin ang walang-silbing mga diyos ng Nop.*+ Hindi na magkakaroon ng prinsipe* mula sa Ehipto, at paghahariin ko ang takot sa Ehipto.+ 14 Gagawin kong tiwangwang ang Patros+ at magpapaliyab ako ng apoy sa Zoan at lalapatan ko ng hatol ang No.*+ 15 Ibubuhos ko ang galit ko sa Sin, ang tanggulan ng Ehipto, at uubusin ko ang populasyon ng No. 16 Magpapaliyab ako ng apoy sa Ehipto. Mababalot ng takot ang Sin, mapapasok ang No, at sasalakayin ang Nop* habang tirik ang araw! 17 Mamamatay sa espada ang mga kabataang lalaki ng On* at Pibeset, at mabibihag ang nasa mga lunsod. 18 Magdidilim sa Tehapnehes kapag binali ko roon ang mga pamatok ng Ehipto.+ Mawawala na ang ipinagmamalaki niyang kapangyarihan,+ matatakpan siya ng ulap, at mabibihag ang nasa mga bayan niya.+ 19 Maglalapat ako ng hatol sa Ehipto, at malalaman nila na ako si Jehova.’”
20 At nang ika-11 taon, noong ikapitong araw ng unang buwan, dumating sa akin ang salita ni Jehova: 21 “Anak ng tao, binali ko ang bisig ng Paraon na hari ng Ehipto; hindi iyon tatalian para gumaling o bebendahan para lumakas muli at makahawak ng espada.”
22 “Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Kikilos ako laban sa Paraon na hari ng Ehipto,+ at babaliin ko ang mga bisig niya, ang malakas at ang may bali,+ at mabibitawan niya ang espada.+ 23 At pangangalatin ko ang mga Ehipsiyo sa mga bansa at lupain.+ 24 Palalakasin ko ang mga bisig* ng hari ng Babilonya+ at ibibigay sa kaniya ang espada ko,+ at babaliin ko ang mga bisig ng Paraon, at uungol ito nang malakas sa harap niya gaya ng isang taong naghihingalo. 25 Palalakasin ko ang mga bisig ng hari ng Babilonya, pero ang mga bisig ng Paraon ay lalaylay; at malalaman nila na ako si Jehova kapag ibinigay ko sa hari ng Babilonya ang espada ko at iwinasiwas niya iyon laban sa Ehipto.+ 26 At pangangalatin ko ang mga Ehipsiyo sa mga bansa at lupain,+ at malalaman nila na ako si Jehova.’”
31 Nang ika-11 taon, noong unang araw ng ikatlong buwan, dumating sa akin ang salita ni Jehova: 2 “Anak ng tao, sabihin mo sa Paraon na hari ng Ehipto at sa kaniyang mga hukbo,+
‘May kapantay ka ba sa kadakilaan?
3 May isang Asiryano, isang sedro sa Lebanon,
Na may magagandang sanga gaya ng palumpong na nagbibigay ng lilim, at napakataas nito;
Nasa mga ulap ang tuktok nito.
4 Lumaki ito dahil sa tubig, at tumaas ito dahil sa malalalim na bukal.
Napapalibutan ng batis ang kinatatamnan nito;
Natutubigan ang lahat ng puno sa parang dahil sa lagusan ng mga bukal.
5 Kaya naman lumaki ito nang higit kaysa sa lahat ng ibang puno sa parang.
Dumami ang malalaking sanga nito at humaba ang maliliit na sanga
Dahil sa saganang tubig sa mga batis nito.
6 Namugad sa malalaking sanga nito ang lahat ng ibon sa langit,
Nanganak sa ilalim ng maliliit na sanga nito ang lahat ng maiilap na hayop sa parang,
At nanirahan sa lilim nito ang lahat ng malalaking bansa.
7 Naging kahanga-hanga ang kagandahan nito at ang haba ng mga sanga nito,
Dahil ang mga ugat nito ay umabot sa saganang tubig.
8 Walang ibang sedro sa hardin ng Diyos+ ang maihahambing dito.
Walang isa mang puno ng enebro ang may malalaking sanga gaya nito,
At hindi mapapantayan ng mga punong platano ang maliliit na sanga nito.
Walang ibang puno sa hardin ng Diyos ang maikukumpara sa kagandahan nito.
9 Ginawa ko itong maganda at mayabong,
At kinainggitan ito ng lahat ng ibang puno sa Eden, ang hardin ng tunay na Diyos.’
10 “Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Naging napakataas nito* at umabot ito sa mga ulap, kaya nagmataas ang puso nito; 11 dahil diyan, ibibigay ko ito sa kamay ng makapangyarihang pinuno ng mga bansa.+ Tiyak na kikilos siya laban dito, at itatakwil ko ito dahil sa kasamaan nito. 12 At puputulin ito ng mga banyaga, ang pinakamalulupit sa mga bansa, at iiwan ito sa ibabaw ng mga bundok, at malalaglag ang mga dahon nito sa lahat ng lambak, at mangangalat sa lahat ng batis sa lupa ang nabaling mga sanga nito.+ Ang lahat ng bayan sa lupa ay aalis sa lilim nito at iiwan ito. 13 Ang lahat ng ibon sa langit ay titira sa bumagsak nitong katawan, at ang lahat ng maiilap na hayop ay sa mga sanga naman nito.+ 14 Mangyayari ito para wala nang punong malapit sa tubig ang maging napakataas o umabot sa mga ulap at para walang punong sagana sa tubig ang maging ganoon kataas. Dahil ibibigay silang lahat sa kamatayan, sa kailaliman ng lupa, kasama ng mga anak ng sangkatauhan, na bumababa sa hukay.’*
15 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Sa araw na bumaba ito sa Libingan,* pagdadalamhatiin ko ang mga tao. Kaya tatakpan ko ang malalim na katubigan at pipigilan ang mga batis nito para maharangan ang saganang tubig. Pagdidilimin ko ang Lebanon dahil dito, at matutuyo ang lahat ng puno sa parang. 16 Sa ingay ng pagbagsak nito, mangingilabot ang mga bansa kapag ibinaba ko ito sa Libingan* kasama ng lahat ng bumababa sa hukay,* at ang lahat ng puno sa Eden,+ ang pinakapili at pinakamainam ng Lebanon at sagana sa tubig, ay maaaliw sa kailaliman ng lupa. 17 Gaya nila, bumaba siya sa Libingan,* kung nasaan ang mga pinatay sa espada;+ at makakasama rin niya ang mga tagasuporta* niya sa gitna ng mga bansang nakatira sa lilim niya.’+
18 “‘Alin sa mga puno sa Eden ang kagaya mo sa kaluwalhatian at kadakilaan?+ Pero tiyak na ibababa ka sa kailaliman ng lupa kasama ng mga puno sa Eden. Hihiga kang kasama ng mga di-tuli, ng mga pinatay sa espada. Ito ang mangyayari sa Paraon at sa lahat ng hukbo niya,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”
32 At nang ika-12 taon, noong unang araw ng ika-12 buwan, dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 2 “Anak ng tao, umawit ka ng isang awit ng pagdadalamhati tungkol sa Paraon na hari ng Ehipto, at sabihin mo sa kaniya,
‘Gaya ka ng isang malakas na leon ng mga bansa,
Pero pinatahimik ka.
Gaya ka ng isang malaking hayop sa katubigan,+ na nagwawala sa iyong mga ilog;
Nagputik ang tubig dahil sa mga paa mo at dumumi ang mga ilog.’*
3 Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova:
‘Ihahagis ko sa iyo ang lambat ko gamit ang isang kalipunan ng maraming bansa,
At iaahon ka nila gamit ang lambat ko.
4 Iiwan kita sa lupa;
Ihahagis kita sa parang.
Padadapuin ko sa iyo ang lahat ng ibon sa langit,
At mabubusog sa iyong laman ang maiilap na hayop sa buong lupa.+
5 Ihahagis ko ang iyong laman sa mga bundok,
At pupunuin ko ang mga lambak ng natira sa iyong katawan.+
6 Ang lupain, pati ang mga bundok, ay babasain ko ng dugo na umaagos sa iyo,
At mapupuno nito* ang mga batis.’
7 ‘At kapag napuksa ka na, tatakpan ko ang langit at pagdidilimin ang mga bituin nito.
Tatakpan ko ng mga ulap ang araw,
At hindi magliliwanag ang buwan.+
8 Pagdidilimin ko ang lahat ng nagniningning na tanglaw sa langit dahil sa iyo,
At babalutin ko ng kadiliman ang lupain mo,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.
9 ‘Mababagabag ang maraming bayan kapag ang mga nabihag sa iyo ay dinala ko sa ibang mga bansa,
Sa mga lupaing hindi mo pa alam.+
10 Masisindak ang maraming bayan,
At mangangatog sa takot ang mga hari nila dahil sa iyo kapag iwinasiwas ko ang espada ko sa harap nila.
Matatakot sila para sa buhay nila at patuloy na manginginig
Sa araw ng pagbagsak mo.’
11 Dahil ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova:
‘Sasalakayin ka ng espada ng hari ng Babilonya.+
12 Pababagsakin ko ang iyong mga hukbo gamit ang espada ng malalakas na mandirigma,
Ang pinakamalulupit sa mga bansa, lahat sila.+
Ibabagsak nila ang ipinagmamalaki ng Ehipto, at malilipol ang lahat ng hukbo niya.+
13 Pupuksain ko ang lahat ng alagang hayop niya na nasa tabi ng kaniyang saganang tubig,+
At hindi na iyon magpuputik dahil sa paa ng tao o alagang hayop.’+
14 ‘Sa panahong iyon, palilinawin ko ang tubig,
At ang mga ilog ay paaagusin kong gaya ng langis,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.
15 ‘Kapag winasak ko ang Ehipto, isang lupaing sagana pero naging tiwangwang,+
Kapag pinabagsak ko ang lahat ng nakatira dito,
Malalaman nila na ako si Jehova.+
16 Ito ay isang awit ng pagdadalamhati, at tiyak na aawitin ito ng mga tao;
Aawitin ito ng mga anak na babae ng mga bansa.
Aawitin nila ito para sa Ehipto at sa lahat ng hukbo nito,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”
17 At nang ika-12 taon, noong ika-15 araw ng buwan, dumating sa akin ang salita ni Jehova: 18 “Anak ng tao, humagulgol ka para sa mga hukbo ng Ehipto at ibaba mo siya sa kailaliman ng lupa, siya at ang mga anak na babae ng makapangyarihang mga bansa, kasama ng mga bumababa sa hukay.*
19 “‘Ikaw ba ang pinakamaganda? Bumaba ka, at humigang kasama ng mga di-tuli!’
20 “‘Babagsak silang kasama ng mga pinatay sa espada.+ Mamamatay siya sa espada; kaladkarin siyang palayo kasama ang lahat ng hukbo niya.
21 “‘Mula sa kailaliman ng Libingan,* makikipag-usap sa kaniya at sa mga katulong niya ang malalakas na mandirigma. Tiyak na bababa sila at hihigang gaya ng di-tuli, na pinatay sa espada. 22 Naroon ang Asirya at ang buong hukbo niya. Nasa palibot niya ang mga libingan nila, silang lahat na pinatay sa espada.+ 23 Ang mga libingan niya ay nasa kailaliman ng hukay,* at nasa palibot ng libingan niya ang hukbo niya, silang lahat na pinatay sa espada, dahil naghasik sila ng takot sa lupain ng mga buháy.
24 “‘Naroon ang Elam+ kasama ang lahat ng hukbo niya na nasa palibot ng libingan niya, silang lahat na pinatay sa espada. Bumaba silang di-tuli sa kailaliman ng lupa, ang mga naghasik ng takot sa lupain ng mga buháy. Mapapahiya sila ngayon kasama ng mga bumababa sa hukay.* 25 Gumawa sila ng higaan niya sa gitna ng mga pinatay, ng lahat ng hukbo niya na nasa palibot ng mga libingan niya. Silang lahat ay di-tuli, pinatay sa espada, dahil naghasik sila ng takot sa lupain ng mga buháy; at mapapahiya sila kasama ng mga bumababa sa hukay.* Isinama siya sa mga pinatay.
26 “‘Naroon ang Mesec at Tubal+ at ang lahat ng hukbo nila.* Nasa palibot niya ang mga libingan nila.* Silang lahat ay di-tuli, sinaksak ng espada, dahil naghasik sila ng takot sa lupain ng mga buháy. 27 Hindi ba hihiga silang kasama ng malalakas at mga di-tuling mandirigma na namatay, na bumaba sa Libingan* kasama ang mga sandata nila? At ilalagay nila ang kanilang mga espada sa ilalim ng ulo nila* at ang kanilang mga kasalanan sa mga buto nila, dahil tinakot ng malalakas na mandirigmang ito ang lupain ng mga buháy. 28 Pero ikaw, dudurugin kang kasama ng mga di-tuli, at hihiga kang kasama ng mga pinatay sa espada.
29 “‘Naroon ang Edom,+ ang mga hari niya at lahat ng pinuno niya, na humigang kasama ng mga pinatay sa espada kahit makapangyarihan sila; sila rin ay hihigang kasama ng mga di-tuli+ at ng mga bumababa sa hukay.*
30 “‘Naroon ang lahat ng prinsipe* ng hilaga kasama ang lahat ng Sidonio,+ na bumabang punô ng kahihiyan kasama ng mga pinatay, kahit kinatatakutan sila dahil malalakas sila. Hihiga silang di-tuli kasama ng mga pinatay sa espada at mapapahiya kasama ng mga bumababa sa hukay.*
31 “‘At makikita ng Paraon ang lahat ng ito, kaya maaaliw na siya sa sinapit ng mga hukbo niya;+ ang Paraon at ang buong hukbo niya ay papatayin sa espada,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.
32 “‘Dahil naghasik siya ng takot sa lupain ng mga buháy, ang Paraon at ang lahat ng hukbo niya ay hihigang kasama ng mga di-tuli, ng mga pinatay sa espada,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”
33 Dumating sa akin ang salita ni Jehova: 2 “Anak ng tao, sabihin mo sa mga anak ng iyong bayan,+
“‘Ipagpalagay nang nagpadala ako ng espada sa isang lupain,+ at ang mga tao sa lupaing iyon ay kumuha ng isang bantay. 3 Nang makita nitong dumarating ang espada, hinipan nito ang tambuli at nagbabala sa mga tao.+ 4 Kung narinig ng isa ang tunog ng tambuli pero hindi siya nagbigay-pansin sa babala+ kaya napatay siya ng espada, siya ang may kasalanan sa pagkamatay niya.+ 5 Narinig niya ang tunog ng tambuli, pero hindi siya nagbigay-pansin sa babala. Siya ang may kasalanan sa pagkamatay niya. Kung nagbigay-pansin sana siya sa babala, makaliligtas siya.
6 “‘Pero kung nakita ng bantay ang dumarating na espada at hindi niya hinipan ang tambuli+ kaya hindi nababalaan ang mga tao at may isang taong* napatay ng espada, ang taong iyon ay mamamatay dahil sa sarili nitong kasalanan, pero sisingilin ko sa bantay ang dugo nito.’*+
7 “Anak ng tao, inaatasan kitang maging bantay sa sambahayan ng Israel; at kapag may narinig kang salita mula sa aking bibig, babalaan mo sila.+ 8 Kapag sinabi ko sa masama, ‘Ikaw na masama, tiyak na mamamatay ka!’+ pero hindi mo siya binigyan ng babala para baguhin niya ang kaniyang landasin, mamamatay siya dahil sa sarili niyang kasalanan,+ pero sisingilin ko sa iyo ang dugo niya. 9 Kung binigyan mo ng babala ang masama para iwan niya ang kaniyang landasin pero ayaw niyang magbago, mamamatay siya dahil sa kasalanan niya,+ pero maililigtas mo ang buhay mo.+
10 “At ikaw, anak ng tao, sabihin mo sa sambahayan ng Israel, ‘Sinabi ninyo: “Nanghihina tayo dahil sa ating mga paghihimagsik at kasalanang nagpapabigat sa atin,+ kaya paano tayo patuloy na mabubuhay?”’+ 11 Sabihin mo sa kanila, ‘“Tinitiyak ko, kung paanong buháy ako,” ang sabi ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova, “hindi ako natutuwa kapag namatay ang masama.+ Mas gusto kong magbago siya+ at patuloy na mabuhay.+ Manumbalik kayo, talikuran ninyo ang masamang landasin ninyo,+ dahil bakit kailangan ninyong mamatay, O sambahayan ng Israel?”’+
12 “At ikaw, anak ng tao, sabihin mo sa mga anak ng iyong bayan, ‘Kapag nagrebelde ang isang matuwid, hindi siya maililigtas ng pagiging matuwid niya noon;+ at kapag tinalikuran ng masama ang dati niyang landasin, hindi siya mapupuksa dahil sa kasamaan niya noon;+ at kahit matuwid noon ang isang tao, hindi siya maliligtas dahil dito sa araw na magkasala siya.+ 13 Kapag sinabi ko sa matuwid: “Tiyak na patuloy kang mabubuhay,” pero nagtiwala siya sa sarili niyang katuwiran* at ginawa ang mali,*+ hindi aalalahanin ang alinman sa mga ginawa niyang matuwid, kundi mamamatay siya dahil sa masamang ginawa niya.+
14 “‘At kapag sinabi ko sa masama: “Tiyak na mamamatay ka,” pero tinalikuran niya ang paggawa ng kasalanan at ginawa kung ano ang makatarungan at matuwid,+ 15 ibinalik ang panagot,+ binayaran ang ninakaw niya,+ at tumigil siya sa paggawa ng mali at sumunod sa kautusan na umaakay sa buhay, tiyak na patuloy siyang mabubuhay.+ Hindi siya mamamatay. 16 Hindi gagamitin laban sa kaniya* ang alinman sa nagawa niyang kasalanan.+ Patuloy siyang mabubuhay dahil ginawa niya kung ano ang makatarungan at matuwid.’+
17 “Pero sinabi ng bayan mo, ‘Hindi makatarungan ang daan ni Jehova,’ samantalang ang daan nila ang talagang hindi makatarungan.
18 “Kapag tinalikuran ng matuwid ang pagiging matuwid niya at ginawa ang mali, dapat siyang mamatay.+ 19 Pero kapag tinalikuran ng masama ang kaniyang kasamaan at ginawa kung ano ang makatarungan at matuwid, patuloy siyang mabubuhay.+
20 “Pero sinabi ninyo, ‘Hindi makatarungan ang daan ni Jehova.’+ Hahatulan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa kaniyang landasin, O sambahayan ng Israel.”
21 Nang maglaon, nang ika-12 taon, noong ikalimang araw ng ika-10 buwan ng aming pagkatapon, dumating ang isang takas mula sa Jerusalem at sinabi niya sa akin:+ “Bumagsak na ang lunsod!”+
22 Noong gabi bago dumating ang nakatakas, sumaakin ang kapangyarihan* ni Jehova, at ibinuka Niya ang bibig ko bago kami nagkita ng lalaki kinaumagahan. Kaya nabuksan ang bibig ko, at hindi na ako pipi.+
23 At dumating sa akin ang salita ni Jehova: 24 “Anak ng tao, sinasabi ng mga nakatira sa winasak na mga lunsod+ tungkol sa lupain ng Israel, ‘Kahit iisa lang si Abraham, naging pag-aari niya ang lupain.+ Pero tayo ay marami, kaya siguradong sa atin na ang lupain.’
25 “Kaya sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Kumakain kayo ng may dugo+ at sumasamba sa karima-rimarim na mga idolo* ninyo, at patuloy kayong pumapatay.+ Kaya bakit ko ibibigay sa inyo ang lupain? 26 Umaasa kayo sa espada ninyo,+ gumagawa ng kasuklam-suklam na mga bagay, at dinurungisan ng bawat isa sa inyo ang asawa ng kapuwa niya.+ Kaya bakit ko ibibigay sa inyo ang lupain?”’+
27 “Ito ang dapat mong sabihin sa kanila, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Isinusumpa ko, kung paanong buháy ako, ang mga nakatira sa nawasak na mga lunsod ay mamamatay sa espada; ang mga nasa parang ay magiging pagkain ng mababangis na hayop; at ang mga nakatira sa mga tanggulan at kuweba ay mamamatay sa sakit.+ 28 Lubusan kong wawasakin at gagawing tiwangwang ang lupain,+ at babagsak ang ipinagmamalaki nito, at ang mga bundok ng Israel ay magiging tiwangwang+ at walang dadaan dito. 29 At malalaman nila na ako si Jehova kapag lubusan kong winasak at ginawang tiwangwang ang lupain+ dahil sa lahat ng kasuklam-suklam na bagay na ginawa nila.”’+
30 “Ikaw, anak ng tao, pinag-uusapan ka ng mga kababayan mo sa tabi ng mga pader at sa pasukan ng mga bahay.+ Sinasabi nila sa isa’t isa, sa kani-kaniyang kapatid, ‘Halika, at pakinggan natin ang salita ni Jehova.’ 31 Sama-sama silang pupunta sa iyo bilang bayan ko at uupo sa harap mo; at makikinig sila sa sasabihin mo, pero hindi nila ito gagawin.+ Dahil papuri sa iyo ang lumalabas sa bibig nila,* pero sakim at madaya ang puso nila. 32 Para sa kanila, isa kang romantikong awitin na kinakanta ng isang mang-aawit na may magandang boses at mahusay tumugtog ng instrumentong de-kuwerdas. Pakikinggan ka nila, pero hindi sila kikilos ayon sa sinabi mo. 33 Kapag nagkatotoo iyon—at tiyak na magkakatotoo iyon—malalaman nila na nagkaroon ng propeta sa gitna nila.”+
34 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 2 “Anak ng tao, humula ka laban sa mga pastol ng Israel. Humula ka, at sabihin mo sa mga pastol, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Kaawa-awang mga pastol ng Israel,+ na nagpapakain sa sarili nila! Hindi ba ang kawan ang dapat pakainin ng mga pastol?+ 3 Kinakain ninyo ang taba, isinusuot ang lana, at pinapatay ang pinakamatabang hayop,+ pero hindi ninyo pinakakain ang kawan.+ 4 Hindi ninyo pinalakas ang mahina o pinagaling ang maysakit o binendahan ang may bali o ibinalik ang napalayo o hinanap ang nawala;+ sa halip, naging mabagsik at malupit kayo sa kanila.+ 5 Kaya nangalat sila dahil walang pastol;+ nangalat sila at naging pagkain ng bawat mabangis na hayop sa parang. 6 Nagpalaboy-laboy ang aking mga tupa sa lahat ng bundok at bawat mataas na burol; nangalat ang aking mga tupa sa buong lupa, at wala man lang naghahanap sa kanila.
7 “‘“Kaya, kayong mga pastol, pakinggan ninyo ang salita ni Jehova: 8 ‘“Isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,” ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, “dahil ang aking mga tupa ay naging mga biktima, pagkain ng bawat mabangis na hayop sa parang dahil walang pastol, at hindi hinanap ng mga pastol ko ang aking mga tupa, kundi patuloy nilang pinakain ang sarili nila at hindi pinakain ang aking mga tupa,”’ 9 pakinggan ninyo, mga pastol, ang salita ni Jehova. 10 Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Kakalabanin ko ang mga pastol, at mananagot sila dahil sa* aking mga tupa at hindi ko na sila aatasang magpakain* sa aking mga tupa,+ at hindi na pakakainin ng mga pastol ang sarili nila. Ililigtas ko ang aking mga tupa mula sa bibig nila, at ang mga ito ay hindi na nila magiging pagkain.’”
11 “‘Dahil ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Narito ako, at ako mismo ang maghahanap sa aking mga tupa, at aalagaan ko sila.+ 12 Aalagaan ko ang aking mga tupa gaya ng pastol na natagpuan ang nangalat niyang mga tupa at nagpapakain sa mga ito.+ Ililigtas ko ang mga tupa saanman nangalat ang mga ito noong araw ng mga ulap at matinding kadiliman.+ 13 Ilalabas ko sila mula sa mga bayan at titipunin mula sa mga lupain, at dadalhin ko sila sa lupain nila at pakakainin sa mga bundok ng Israel,+ sa tabi ng mga batis at ng lahat ng lugar sa lupaing may nakatira. 14 Pakakainin ko sila sa magandang pastulan, at manginginain sila sa matataas na bundok ng Israel.+ Hihiga sila doon sa madamong lupain+ at manginginain sa magagandang pastulan sa mga bundok ng Israel.”
15 “‘“Ako mismo ang magpapakain sa aking mga tupa,+ at pagpapahingahin ko sila,”+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova. 16 “Hahanapin ko ang nawala,+ ibabalik ko ang napalayo, bebendahan ko ang may bali, at palalakasin ko ang mahina; pero ang mataba at ang malakas ay pupuksain ko. Hatol ang ipakakain ko rito.”
17 “‘Kung tungkol sa inyo, aking kawan, ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Malapit na akong humatol sa mga tupa at sa mga lalaking tupa at mga lalaking kambing.+ 18 Hindi pa ba kayo kontento na kumakain kayo sa pinakamagagandang pastulan, kaya kailangan pa ninyong tapak-tapakan ang natirang damo roon? At pagkatapos ninyong uminom sa pinakamalinis na katubigan, tama bang magtampisaw kayo rito at parumihin ito? 19 Manginginain ba ngayon ang aking mga tupa sa pastulan na tinapak-tapakan ninyo, at iinumin ba nila ang tubig na naging marumi dahil sa pagtatampisaw ninyo?”
20 “‘Kaya ito ang sinabi sa kanila ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Narito ako, at ako mismo ang hahatol sa pagitan ng mataba at payat na tupa, 21 dahil nanggigitgit kayo at sinusuwag ninyo ang lahat ng maysakit hanggang sa mangalat sila sa malalayong lugar. 22 Ililigtas ko ang aking mga tupa, at hindi na sila magiging biktima;+ at ako ang hahatol sa pagitan ng mga tupa. 23 Maglalaan ako sa kanila ng isang pastol,+ ang lingkod kong si David,+ at pakakainin niya sila. Siya mismo ang magpapakain sa kanila at magiging pastol nila.+ 24 At akong si Jehova ang magiging Diyos nila,+ at ang lingkod kong si David ay magiging pinuno nila.+ Ako mismong si Jehova ang nagsalita.
25 “‘“At makikipagtipan ako sa kanila para sa kapayapaan,+ at aalisin ko sa lupain ang mababangis na hayop,+ para makapanirahan sila sa ilang nang panatag at makatulog sa mga gubat.+ 26 Gagawin ko silang pagpapala, pati ang lupain sa palibot ng aking burol,+ at magpapaulan ako sa tamang panahon. Bubuhos ang pagpapala gaya ng ulan.+ 27 Mamumunga ang mga puno sa parang, at magbibigay ng ani ang lupa,+ at maninirahan sila nang panatag sa lupain. At malalaman nila na ako si Jehova kapag binali ko ang mga pamatok nila+ at iniligtas ko sila sa kamay ng mga umaalipin sa kanila. 28 Hindi na sila magiging biktima ng mga bansa, at hindi sila lalapain ng mababangis na hayop sa lupa, at maninirahan sila nang panatag at walang sinumang tatakot sa kanila.+
29 “‘“At bibigyan ko sila ng isang kilalang taniman, at hindi na sila mamamatay dahil sa taggutom sa lupain,+ at hindi na sila hihiyain ng mga bansa.+ 30 ‘At malalaman nila na ako, ang Diyos nilang si Jehova, ay sumasakanila at na sila, ang sambahayan ng Israel, ang bayan ko,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”’
31 “‘At kayo na aking mga tupa,+ ang mga tupa na inaalagaan ko, kayo ay mga tao lang, pero ako ang inyong Diyos,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”
35 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 2 “Anak ng tao, humarap ka sa mabundok na rehiyon ng Seir+ at humula laban dito.+ 3 Sabihin mo rito, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Kikilos ako laban sa iyo, O mabundok na rehiyon ng Seir, at iuunat ko ang kamay ko laban sa iyo at gagawin kitang isang tiwangwang na lupain.+ 4 Wawasakin ko ang iyong mga lunsod, at ikaw ay magiging isang tiwangwang na lupain;+ at malalaman mo na ako si Jehova. 5 Dahil lagi mong kinakalaban ang mga Israelita,+ at ibinigay mo sila sa espada noong panahon ng paghihirap nila, noong dumating ang pangwakas na parusa para sa kanila.”’+
6 “‘Kaya isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘nakaabang na sa iyo ang kamatayan,* at ipahahabol kita rito.+ Dahil pinatay mo ang mga kinapopootan mo, ipahahabol kita sa kamatayan.+ 7 Gagawin kong isang tiwangwang na lupain ang mabundok na rehiyon ng Seir,+ at papatayin ko ang sinumang dumadaan o bumabalik dito. 8 Pupunuin ko ang mga bundok nito ng mga pinatay; at ang mga pinatay sa espada ay mabubuwal sa iyong mga burol, mga lambak, at sa lahat ng iyong batis. 9 Gagawin kitang tiwangwang magpakailanman, at hindi na titirhan ang iyong mga lunsod;+ at malalaman ninyo na ako si Jehova.’
10 “Sinabi mo, ‘Magiging akin ang dalawang bansang ito at ang dalawang lupaing ito, at kukunin namin ang mga iyon,’+ kahit naroon si Jehova, 11 ‘kaya isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘ipapakita ko rin sa iyo ang galit, inggit, at pagkapoot na ipinakita mo sa kanila;+ at ipapakilala ko sa kanila ang sarili ko kapag hinatulan kita. 12 At malalaman mo na ako mismong si Jehova ang nakarinig sa lahat ng panghahamak mo sa mga bundok ng Israel nang sabihin mo, “Ginawang tiwangwang ang mga iyon at ibinigay sa atin para wasakin.”* 13 At nagyabang kayo sa akin, at marami kayong sinabi laban sa akin.+ Narinig ko ang lahat ng iyon.’
14 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Magsasaya ang buong lupa kapag ginawa kitang isang tiwangwang na lupain. 15 Dahil nagsaya ka nang maging tiwangwang ang mana ng sambahayan ng Israel, gayon din ang gagawin ko sa iyo.+ Mawawasak ka at magiging tiwangwang, O mabundok na rehiyon ng Seir, oo, ang buong Edom;+ at malalaman nila na ako si Jehova.’”
36 “Ikaw, anak ng tao, humula ka tungkol sa mga bundok ng Israel, at sabihin mo, ‘O mga bundok ng Israel, pakinggan ninyo ang salita ni Jehova. 2 Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Sinabi sa inyo ng kaaway, ‘Sa amin na ang sinaunang matataas na lupain!’”’+
3 “Kaya humula ka, at sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Ginawa nila kayong tiwangwang at sinalakay mula sa lahat ng direksiyon, para mapasakamay kayo ng mga natira mula sa ibang bansa at maging usap-usapan at tampulan ng panghahamak ng mga tao,+ 4 kaya pakinggan ninyo ang salita ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, O mga bundok ng Israel! Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova sa mga bundok at burol, sa mga batis at lambak, sa tiwangwang at wasak na mga lupain,+ at sa pinabayaang mga lunsod na sinamsaman at hinamak ng mga natira mula sa mga bansa sa palibot;+ 5 sinabi sa kanila ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Dahil sa nag-aalab kong galit,+ magsasalita ako laban sa mga natira mula sa ibang bansa at laban sa buong Edom, na tuwang-tuwa at may panunuyang+ inangkin ang lupain ko para mapasakanila ang mga pastulan nito at masamsaman ito.’”’+
6 “Kaya humula ka tungkol sa lupain ng Israel, at sabihin mo sa mga bundok at burol at sa mga batis at lambak, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Magsasalita ako dahil sa tindi ng galit ko, dahil tiniis ninyo ang pang-aalipusta ng mga bansa.”’+
7 “Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Itinataas ko ang kamay ko bilang panunumpa—mapapahiya rin ang mga bansang nakapalibot sa inyo.+ 8 Pero kayo, O mga bundok ng Israel, ay magsisibol ng mga sanga at mamumunga para sa aking bayang Israel,+ dahil malapit na silang bumalik. 9 Dahil ako ay sumasainyo, at bibigyang-pansin ko kayo, at sasakahin kayo at hahasikan ng binhi. 10 Palalakihin ko ang inyong bayan—ang buong sambahayan ng Israel—at ang mga lunsod ay titirhan,+ at ang wasak na mga bahagi ay muling itatayo.+ 11 Oo, palalakihin ko ang inyong bayan at pararamihin ang inyong mga alagang hayop;+ darami sila at magiging palaanakin. May maninirahan ulit sa inyo gaya ng dati,+ at gagawin ko kayong higit na sagana kaysa noon;+ at malalaman ninyo na ako si Jehova.+ 12 Palalakarin ko sa inyo ang bayan kong Israel, at magiging pag-aari nila kayo.+ Kayo ang magiging mana nila, at hindi na sila kailanman mawawalan ng anak dahil sa inyo.’”+
13 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Sinasabi nila sa inyo: “Isa kang lupaing nanlalamon ng tao at nawawalan ng anak ang iyong mga bansa dahil sa iyo,”’ 14 ‘kaya hindi ka na manlalamon ng tao, at hindi na mawawalan ng anak ang iyong mga bansa dahil sa iyo,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova. 15 ‘Hindi ko na hahayaang insultuhin ka ng mga bansa o tuyain ng mga bayan,+ at hindi na matitisod ang iyong mga bansa dahil sa iyo,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”
16 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 17 “Anak ng tao, noong naninirahan pa ang sambahayan ng Israel sa kanilang lupain, pinarumi nila ito ng kanilang landasin at pakikitungo.+ Para sa akin, kasindumi ng regla ang landasin nila.+ 18 Kaya ibinuhos ko sa kanila ang galit ko dahil sa dugong pinadanak nila sa lupain at dahil pinarumi nila ang lupain+ sa pamamagitan ng karima-rimarim na mga idolo* nila.+ 19 Kaya pinangalat ko sila sa mga bansa at lupain.+ Hinatulan ko sila ayon sa kanilang landasin at pakikitungo. 20 Pero nang makasama nila ang mga bansang iyon, nilapastangan ng mga tao ang aking banal na pangalan+ nang sabihin ng mga ito sa kanila, ‘Sila ang bayan ni Jehova, pero kinailangan nilang umalis sa lupain niya.’ 21 Kaya kikilos ako para sa aking banal na pangalan, na nilapastangan ng sambahayan ng Israel sa gitna ng mga bansa kung saan sila nanirahan.”+
22 “Kaya sabihin mo sa sambahayan ng Israel, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Hindi ko ito gagawin para sa inyo, O sambahayan ng Israel, kundi para sa aking banal na pangalan, na nilapastangan ninyo sa gitna ng mga bansa kung saan kayo nanirahan.”’+ 23 ‘Pababanalin ko ang aking dakilang pangalan,+ na nalapastangan sa gitna ng mga bansa dahil sa inyo; at malalaman ng mga bansa na ako si Jehova,’+ ang sabi ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova, ‘kapag napabanal ako dahil sa inyo sa harap nila. 24 Kukunin ko kayo mula sa mga bansa at titipunin mula sa lahat ng lupain, at ibabalik ko kayo sa lupain ninyo.+ 25 Wiwisikan ko kayo ng malinis na tubig, at magiging malinis kayo;+ aalisin ko ang lahat ng karumihan ninyo+ at lahat ng inyong karima-rimarim na idolo.+ 26 Bibigyan ko kayo ng bagong puso+ at bagong espiritu.*+ Aalisin ko ang pusong bato+ sa katawan ninyo, at bibigyan ko kayo ng pusong laman.* 27 Ilalagay ko sa loob ninyo ang aking espiritu, at susundin ninyo ang mga tuntunin ko,+ at tutuparin ninyo at isasagawa ang aking mga hudisyal na pasiya. 28 At titira kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyong mga ninuno, at kayo ang magiging bayan ko at ako ang magiging Diyos ninyo.’+
29 “‘Ililigtas ko kayo mula sa lahat ng karumihan ninyo, at uutusan ko ang butil na maging mabunga, at hindi ako magpapasapit sa inyo ng taggutom.+ 30 Gagawin kong mabunga ang mga puno at ang bukirin para hindi na kayo muling mapahiya sa mga bansa dahil sa taggutom.+ 31 At maaalaala ninyo ang masamang landasin at mga gawain ninyo, at mandidiri kayo sa sarili ninyo dahil sa inyong kasalanan at kasuklam-suklam na mga gawain.+ 32 Pero huwag ninyong isipin na gagawin ko ito para sa inyo,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova. ‘Sa halip, dapat kayong mahiya dahil sa landasin ninyo, O sambahayan ng Israel.’
33 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Sa araw na linisin ko kayo sa lahat ng kasalanan ninyo, muli kong patitirhan ang mga lunsod+ at ipatatayo ang wasak na mga bahagi.+ 34 Ang tiwangwang na lupaing nakikita ng bawat nagdaraan ay sasakahin. 35 At sasabihin ng mga tao: “Ang tiwangwang na lupain ay naging gaya ng hardin ng Eden,+ at ang mga lunsod na giba, wasak, at tiwangwang noon ay may mga pader na at tinitirhan na rin.”+ 36 At malalaman ng natirang mga bansa sa palibot ninyo na ako mismong si Jehova ang nagtayo ng mga nagiba at na tinamnan ko ang lupaing tiwangwang. Ako mismong si Jehova ang nagsalita, at ginawa ko iyon.’+
37 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Hahayaan ko ring hilingin sa akin ng sambahayan ng Israel na paramihin ko silang tulad ng isang kawan. 38 Tulad ng isang kawan ng mga banal, tulad ng kawan sa Jerusalem* sa panahon ng mga kapistahan nito,+ magiging ganoon karami ang mga tao sa mga lunsod na dating giba;+ at malalaman nila na ako si Jehova.’”
37 Sumaakin ang kapangyarihan* ni Jehova, at sa pamamagitan ng espiritu niya, dinala ako ni Jehova at ibinaba sa gitna ng kapatagan,+ at iyon ay punô ng buto. 2 Pinadaan niya ako sa palibot ng mga iyon, at nakita kong napakaraming buto sa kapatagan, at tuyong-tuyo ang mga iyon.+ 3 Nagtanong siya: “Anak ng tao, puwede bang mabuhay ang mga butong ito?” Sinabi ko: “Kataas-taasang Panginoong Jehova, ikaw ang nakaaalam.”+ 4 Kaya sinabi niya: “Humula ka tungkol sa mga butong ito, at sabihin mo, ‘Kayong tuyong mga buto, pakinggan ninyo ang salita ni Jehova:
5 “‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova sa mga butong ito: “Bibigyan ko kayo ng hininga,* at mabubuhay kayo.+ 6 Lalagyan ko kayo ng mga litid at laman, at babalutin ko kayo ng balat at bibigyan ng hininga,* at mabubuhay kayo; at malalaman ninyo na ako si Jehova.”’”
7 At humula ako gaya ng iniutos sa akin. Habang humuhula ako, may narinig akong ingay, may kumakalampag, at nagsimulang magdugtong-dugtong ang mga buto. 8 At nakita kong nagkaroon sila ng mga litid at laman, at nabalot sila ng balat. Pero wala pa silang hininga.*
9 Sinabi pa niya sa akin: “Humula ka sa hangin. Humula ka, anak ng tao, at sabihin mo sa hangin, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Mula sa apat na hangin ay pumarito ka, O hangin, at hipan mo ang mga taong ito na pinatay para mabuhay sila.”’”
10 Kaya humula ako gaya ng iniutos niya sa akin, at nagkaroon sila ng hininga,* at nabuhay sila at tumayo,+ isang napakalaking hukbo.
11 At sinabi niya sa akin: “Anak ng tao, ang mga butong ito ay ang buong sambahayan ng Israel.+ Sinasabi nila, ‘Natuyo ang aming mga buto, at nawala ang aming pag-asa.+ Lubusan kaming inihiwalay sa iba.’ 12 Kaya humula ka, at sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Bubuksan ko ang inyong libingan+ at ibabangon kayo mula roon, bayan ko, at dadalhin ko kayo sa Israel.+ 13 At malalaman ninyo na ako si Jehova kapag binuksan ko ang inyong libingan at kapag ibinangon ko kayo at inilabas doon, O bayan ko.”’+ 14 ‘Ilalagay ko sa inyo ang espiritu ko, at mabubuhay kayo,+ at patitirahin ko kayo sa inyong lupain; at malalaman ninyo na akong si Jehova ang nagsalita at gumawa nito,’ ang sabi ni Jehova.”
15 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 16 “At ikaw, anak ng tao, kumuha ka ng patpat at isulat mo roon, ‘Para kay Juda at sa bayang Israel na kasama niya.’+ At kumuha ka ng isa pang patpat at isulat mo roon, ‘Para kay Jose, ang patpat ni Efraim, at sa buong sambahayan ng Israel na kasama niya.’+ 17 At pagdikitin mo ang mga iyon para maging isang patpat sa iyong kamay.+ 18 Kapag sinabi sa iyo ng iyong bayan,* ‘Hindi mo ba sasabihin sa amin kung ano ang ibig sabihin ng mga ito?’ 19 sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Kukunin ko ang patpat ni Jose, na nasa kamay ni Efraim, at ng mga tribo ng Israel na kasama niya, at ididikit ko ito sa patpat ni Juda; at gagawin ko silang iisang patpat,+ at magiging iisa na lang sila sa aking kamay.”’ 20 Ang mga patpat na sinulatan mo ay dapat na nasa iyong kamay para makita nila.
21 “At sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Kukunin ko ang mga Israelita mula sa mga bansa kung saan sila nanirahan, at titipunin ko sila mula sa lahat ng direksiyon at dadalhin sa lupain nila.+ 22 Gagawin ko silang iisang bansa sa lupain,+ sa mga bundok ng Israel, at isang hari ang mamamahala sa kanilang lahat,+ at hindi na sila magiging dalawang bansa; hindi na rin sila mahahati sa dalawang kaharian.+ 23 Hindi na nila durungisan ang sarili nila sa pamamagitan ng kanilang karima-rimarim na mga idolo* at kasuklam-suklam na mga gawain at lahat ng kanilang kasalanan.+ Ililigtas ko sila mula sa lahat ng kawalang-katapatan nila na naging dahilan ng pagkakasala nila, at lilinisin ko sila. Sila ay magiging bayan ko, at ako ang magiging Diyos nila.+
24 “‘“Ang lingkod kong si David ang magiging hari nila,+ at magkakaroon sila ng iisang pastol.+ Isasagawa nila ang mga hudisyal na pasiya ko at susundin ang mga batas ko.+ 25 Maninirahan sila sa lupaing ibinigay ko sa lingkod kong si Jacob, kung saan tumira ang inyong mga ninuno,+ at titira sila roon magpakailanman,+ sila at ang mga anak nila at ang mga anak ng mga anak nila;+ at ang lingkod kong si David ang magiging pinuno* nila magpakailanman.+
26 “‘“At makikipagtipan ako sa kanila para sa kapayapaan;+ ito ay magiging isang walang-hanggang tipan. Ibibigay ko sa kanila ang lupain nila at pararamihin sila,+ at ilalagay ko sa gitna nila ang aking santuwaryo magpakailanman. 27 Maninirahan akong kasama nila,* at ako ang magiging Diyos nila, at sila ay magiging bayan ko.+ 28 At malalaman ng mga bansa na akong si Jehova ang nagpapabanal sa Israel kapag ang aking santuwaryo ay nasa gitna na nila magpakailanman.”’”+
38 Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova: 2 “Anak ng tao, titigan mo si Gog ng lupain ng Magog,+ ang pangunahing pinuno* ng Mesec at Tubal,+ at humula ka laban sa kaniya.+ 3 Sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Kikilos ako laban sa iyo, O Gog, ang pangunahing pinuno* ng Mesec at Tubal. 4 Ililihis kita sa landas mo at lalagyan ko ng mga kawit ang mga panga mo+ at ilalabas kita kasama ang iyong buong hukbo,+ mga kabayo at mangangabayo, na magaganda ang pananamit, isang napakalaking hukbo na may malalaking kalasag at mga pansalag,* lahat ay humahawak ng espada; 5 kasama nila ang Persia, Etiopia, at Put,+ lahat sila ay may pansalag at helmet; 6 pati ang Gomer at lahat ng hukbo nito, ang sambahayan ni Togarma+ na mula sa pinakamalalayong bahagi sa hilaga, kasama ang lahat ng hukbo nito—maraming bayan ang kasama mo.+
7 “‘“Maghanda kayo, ikaw at ang iyong buong hukbo, na nagkakatipong kasama mo, at ikaw ang magiging kumandante* nila.
8 “‘“Bibigyang-pansin* ka pagkalipas ng maraming araw. Sa huling bahagi ng mga taon, lulusubin mo ang lupain ng bayan na naibalik at nailigtas mula sa espada, na tinipon mula sa maraming bayan at dinala sa mga bundok ng Israel, na matagal na naging wasak. Ang mga nakatira sa lupaing ito ay inilabas mula sa ibang bayan, at lahat sila ay naninirahan nang panatag.+ 9 Lulusubin mo silang gaya ng bagyo, at tatakpan mo ang lupain na gaya ng mga ulap, ikaw at ang lahat ng hukbo mo at ang maraming bayan na kasama mo.”’
10 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Sa araw na iyon, may mga bagay na papasok sa puso mo, at bubuo ka ng masamang plano. 11 Sasabihin mo: “Lulusubin ko ang lupaing hantad ang mga pamayanan.+ Sasalakayin ko ang mga naninirahan nang panatag at walang nanggugulo, lahat sila na naninirahan sa mga pamayanang walang pader, halang, o pintuang-daan.” 12 Ang plano ay ang makakuha ng maraming samsam at masalakay ang wasak na mga lugar na tinitirhan na ngayon+ at ang bayang tinipon mula sa ibang bansa,+ na lumalaki ang yaman at dumarami ang ari-arian,+ ang mga naninirahan sa gitna ng lupa.
13 “‘Sasabihin sa iyo ng Sheba+ at Dedan,+ ang mga mangangalakal ng Tarsis+ at lahat ng mandirigma* nito: “Nanlulusob ka ba para makakuha ng maraming samsam? Tinitipon mo ba ang mga hukbo mo para makakuha ng pilak at ginto, ng yaman at ari-arian, at ng napakaraming samsam?”’
14 “Kaya humula ka, anak ng tao, at sabihin mo kay Gog, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova: “Sa araw na naninirahan nang panatag ang aking bayang Israel, hindi ba mapapansin mo iyon?+ 15 Darating ka mula sa iyong lugar, mula sa pinakamalalayong bahagi sa hilaga,+ ikaw at ang maraming bayan na kasama mo, lahat ay nakasakay sa kabayo, isang malaking puwersang militar, isang napakalaking hukbo.+ 16 Sasalakayin mo ang aking bayang Israel gaya ng mga ulap na tumatakip sa lupain. Sa huling bahagi ng mga araw, ipasasalakay ko sa iyo ang lupain ko+ para makilala ako ng mga bansa kapag pinabanal ko ang sarili ko sa harap nila sa pamamagitan mo, O Gog.”’+
17 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Hindi ba ikaw rin ang binabanggit ko noon sa pamamagitan ng aking mga lingkod na mga propeta ng Israel, na maraming taóng humula na sasalakayin mo sila?’
18 “‘Sa araw na iyon, sa araw na lumusob si Gog sa lupain ng Israel,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘sisiklab ang matinding galit ko.+ 19 Dahil sa nag-aapoy kong galit at nag-aalab na poot, magsasalita ako; at lilindol nang napakalakas sa lupain ng Israel sa araw na iyon. 20 Dahil sa akin, manginginig ang mga isda sa dagat, mga ibon sa langit, maiilap na hayop sa parang, lahat ng reptilyang gumagapang sa lupa, at lahat ng tao sa lupa, at babagsak ang mga bundok,+ at guguho ang mga dalisdis, at babagsak sa lupa ang bawat pader.’
21 “‘Magpapadala ako ng isang espada laban sa kaniya sa lahat ng aking bundok,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova. ‘Magiging laban sa sarili niyang kapatid ang espada ng bawat isa.+ 22 Hahatulan ko siya na may kasamang salot+ at pagpatay; at magbubuhos ako ng napakalakas na ulan na may kasamang mga tipak ng yelo*+ at apoy+ at asupre+ sa kaniya at sa mga hukbo niya at sa maraming bayan na kasama niya.+ 23 At dadakilain ko at pababanalin ang sarili ko, at ipapakilala ko ang sarili ko sa harap ng maraming bansa; at malalaman nila na ako si Jehova.’
39 “At ikaw, anak ng tao, humula ka laban kay Gog,+ at sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Kikilos ako laban sa iyo, Gog, ang pangunahing pinuno* ng Mesec at Tubal.+ 2 Ililihis kita sa landas mo, at mula sa pinakamalalayong bahagi sa hilaga,+ aakayin kita papunta sa mga bundok ng Israel. 3 Hahampasin ko ang búsog sa kaliwang kamay mo at ang mga palaso sa kanang kamay mo para mabitiwan mo ang mga ito. 4 Mabubuwal ka sa mga bundok ng Israel,+ ikaw at ang lahat ng hukbo mo at ang mga bayang sasama sa iyo. Ibibigay kita bilang pagkain sa lahat ng uri ng ibong maninila* at sa mababangis na hayop sa parang.”’+
5 “‘Mabubuwal ka sa parang,+ dahil ako mismo ang nagsalita,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.
6 “‘At magpapadala ako ng apoy sa Magog at sa mga naninirahan nang panatag sa mga isla,+ at malalaman nila na ako si Jehova. 7 Ipapakilala ko ang banal na pangalan ko sa gitna ng aking bayang Israel, at hindi ko na hahayaang malapastangan ang banal na pangalan ko; at malalaman ng mga bansa na ako si Jehova,+ ang Banal sa Israel.’+
8 “‘Oo, darating iyon at matutupad,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova. ‘Ito ang araw na sinasabi ko. 9 Ang mga naninirahan sa mga lunsod ng Israel ay lalabas at gagamiting panggatong ang mga sandata—ang mga pansalag* at kalasag, mga pana, at mga pamalong pandigma* at sibat. At pitong taon nilang gagamiting panggatong ang mga ito.+ 10 Hindi na nila kailangang manguha ng kahoy sa parang o ng panggatong sa gubat, dahil gagamitin nilang panggatong ang mga sandata.’
“‘Sasamsaman nila ang mga nanamsam sa kanila at mandarambong sila sa mga nandambong sa kanila,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.
11 “‘Sa araw na iyon, bibigyan ko si Gog+ ng libingan sa Israel, sa lambak na dinadaanan ng mga naglalakbay sa silangan ng dagat, at haharangan nito ang mga dumadaan doon. Doon nila ililibing si Gog at ang lahat ng hukbo niya, at iyon ay tatawagin nilang Lambak ng Hamon-Gog.*+ 12 Pitong buwan ang gugugulin ng sambahayan ng Israel para mailibing sila at malinis ang lupa.+ 13 Magtutulong-tulong ang lahat ng tao sa lupa sa paglilibing sa kanila, kaya magiging tanyag ang mga ito sa araw na luwalhatiin ko ang sarili ko,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.
14 “‘May mga lalaking aatasan para patuloy na lumibot sa lupa at maglibing ng natirang mga bangkay sa ibabaw ng lupa para maging malinis ito. Pitong buwan silang maghahanap. 15 Kapag may nakitang buto ng tao ang mga naglilibot sa lupa, maglalagay sila ng tanda sa tabi nito. At ililibing ito sa Lambak ng Hamon-Gog ng mga inatasang maglibing.+ 16 At magkakaroon din doon ng isang lunsod na ang pangalan ay Hamona.* At lilinisin nila ang lupa.’+
17 “Anak ng tao, ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Sabihin mo sa bawat uri ng ibon at sa lahat ng mababangis na hayop sa parang, “Magtipon kayo at pumunta rito. Palibutan ninyo ang hain na inihanda ko para sa inyo, isang malaking hain sa ibabaw ng mga bundok ng Israel.+ Kakain kayo ng laman at iinom ng dugo.+ 18 Kakainin ninyo ang laman ng mga makapangyarihan at iinumin ang dugo ng mga pinuno sa lupa—ang mga lalaking tupa, kordero,* kambing, at toro—lahat ng pinatabang hayop sa Basan. 19 Magpapakabusog kayo sa taba at magpapakalasing sa dugo ng hain, na inihanda ko para sa inyo.”’
20 “‘Sa aking mesa, mabubusog kayo sa mga kabayo at sa mga nagpapatakbo ng karwahe, sa malalakas na tao at sa lahat ng uri ng mandirigma,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.
21 “‘Ipapakita ko ang aking kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa, at makikita ng lahat ng bansa ang hatol ko sa kanila at ang ginamit kong kapangyarihan.*+ 22 Mula sa araw na iyon, kikilalanin ng sambahayan ng Israel na ako ang Diyos nilang si Jehova. 23 At malalaman ng mga bansa na ang sambahayan ng Israel ay ipinatapon dahil sa kasalanan nila, dahil hindi sila naging tapat sa akin.+ Kaya tinalikuran ko sila*+ at ibinigay sa kamay ng mga kaaway nila,+ at silang lahat ay napabagsak ng espada. 24 Pinakitunguhan ko sila ayon sa kanilang karumihan at kasalanan, at tinalikuran ko sila.’*
25 “Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Ibabalik ko sa lupain nila ang mga nabihag sa Jacob,+ at kaaawaan ko ang buong sambahayan ng Israel;+ at gagawin ko ang buong makakaya ko para ipagtanggol ang* aking banal na pangalan.+ 26 Matapos silang mapahiya dahil hindi sila naging tapat sa akin,+ maninirahan sila nang panatag sa kanilang lupain, at walang sinumang tatakot sa kanila.+ 27 Kapag ibinalik ko sila mula sa mga bayan at tinipon sila mula sa mga lupain ng mga kaaway nila,+ pababanalin ko rin ang sarili ko sa gitna nila sa harap ng maraming bansa.’+
28 “‘Malalaman nila na ako ang Diyos nilang si Jehova kapag ipinatapon ko sila sa mga bansa at tinipong muli sa kanilang lupain, at walang sinuman sa kanila ang maiiwan.+ 29 Hindi ko na sila tatalikuran,*+ dahil ibubuhos ko ang aking espiritu sa sambahayan ng Israel,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”
40 Nang ika-25 taon ng pagkatapon namin,+ noong ika-10 araw ng unang buwan, nang ika-14 na taon matapos bumagsak ang lunsod,+ sumaakin ang kapangyarihan* ni Jehova nang mismong araw na iyon, at dinala niya ako sa lunsod.+ 2 Sa pamamagitan ng mga pangitain mula sa Diyos, dinala niya ako sa lupain ng Israel at ibinaba ako sa isang napakataas na bundok,+ kung saan may istraktura na gaya ng isang lunsod sa may timog.
3 Nang dalhin niya ako roon, may nakita akong isang lalaki na kumikinang na gaya ng tanso.+ May hawak siyang panaling lino at panukat na tambo,*+ at nakatayo siya sa pasukan. 4 Sinabi ng lalaki: “Anak ng tao, tumingin ka at makinig na mabuti, at bigyang-pansin mo ang* lahat ng ipapakita ko sa iyo, dahil iyan ang dahilan kung bakit ka dinala rito. Sabihin mo sa sambahayan ng Israel ang lahat ng makikita mo.”+
5 May nakita akong pader na nakapalibot sa templo.* Ang lalaki ay may hawak na panukat na tambo na anim na siko ang haba (ang bawat siko ay dinagdagan ng isang sinlapad-ng-kamay).* Sinukat niya ang pader, at ang kapal nito ay isang tambo at ang taas ay isang tambo.
6 Pagkatapos, pumunta siya sa pintuang-daan na nakaharap sa silangan+ at umakyat sa mga baytang nito. Nang sukatin niya ang bungad ng pintuang-daan, isang tambo ang lapad nito, at ang isa pang bungad ay may lapad din na isang tambo. 7 Isang tambo ang haba at isang tambo ang lapad ng bawat silid ng bantay, at limang siko ang pagitan ng mga silid ng bantay.+ Ang sukat ng bungad ng pintuang-daan, na nasa tabi ng beranda nito sa gawing loob, ay isang tambo.
8 Sinukat niya ang beranda ng pintuang-daan sa gawing loob, at ito ay isang tambo. 9 At sinukat niya ang beranda ng pintuang-daan, walong siko; at sinukat niya ang panggilid na mga haligi nito, dalawang siko; at ang beranda ng pintuang-daan ay nasa gawing loob.
10 May tigtatlong silid ng bantay sa magkabilang panig ng silangang pintuang-daan. Iisa ang sukat ng tatlo, at iisa ang sukat ng panggilid na mga haligi sa magkabilang panig.
11 Pagkatapos, sinukat niya ang lapad ng pasukan ng pintuang-daan, at ito ay 10 siko; at ang lapad ng pintuang-daan ay 13 siko.
12 Ang nababakurang bahagi sa harap ng mga silid ng bantay sa magkabilang panig ay isang siko. Ang bawat silid ng bantay sa magkabilang panig ay anim na siko.
13 At sinukat niya ang pintuang-daan mula sa bubong ng isang silid ng bantay* hanggang sa bubong ng isa pa, 25 siko ang lapad; ang isang pasukan ay katapat ng isa pang pasukan.+ 14 Pagkatapos, sinukat niya ang panggilid na mga haligi, 60 siko ang taas, pati ang panggilid na mga haligi sa mga pintuang-daan sa buong palibot ng looban. 15 Mula sa harap ng pasukan ng pintuang-daan hanggang sa harap ng beranda ng pintuang-daan sa gawing loob ay 50 siko.
16 May mga bintanang papakipot ang mga hamba+ sa mga silid ng bantay at sa panggilid na mga haligi sa magkabilang panig sa loob ng pintuang-daan. Ang loob ng mga beranda ay may mga bintana sa magkabilang panig, at may mga disenyo ng puno ng palma+ sa panggilid na mga haligi.
17 At dinala niya ako sa malaking looban, at may nakita akong mga silid-kainan*+ sa palibot ng looban; bato ang sahig sa palibot at may 30 silid-kainan doon. 18 Ang batong sahig sa gilid ng mga pintuang-daan ay kasinghaba ng mga pintuang-daan—ito ang mababang sahig.
19 At sinukat niya ang distansiya* mula sa harap ng mababang pintuang-daan hanggang sa pasukan ng maliit na looban. Ito ay 100 siko sa silangan at sa hilaga.
20 Ang malaking looban ay may pintuang-daan na nakaharap sa hilaga, at sinukat niya ang haba at lapad nito. 21 May tigtatlong silid ng bantay sa magkabilang panig. Ang sukat ng panggilid na mga haligi at beranda nito ay katulad ng nasa unang pintuang-daan—50 siko ang haba at 25 siko ang lapad. 22 Ang sukat ng mga bintana nito, beranda, at mga disenyo ng puno ng palma+ ay katulad ng mga nasa silangang pintuang-daan. Pitong baytang ang aakyatin ng mga tao para marating ito, at ang beranda nito ay nasa harap ng mga iyon.
23 May mga pintuang-daan sa maliit na looban na katapat ng hilagang pintuang-daan at ng silangang pintuang-daan. Sinukat niya ang distansiya ng magkatapat na pintuang-daan, 100 siko.
24 At dinala niya ako sa timog, at may nakita akong pintuang-daan sa timog.+ Sinukat niya ang panggilid na mga haligi at beranda nito, at ang sukat ng mga ito ay katulad ng sa iba. 25 May mga bintana sa magkabilang panig at sa beranda nito, na gaya ng ibang bintana. Ang haba nito ay 50 siko at ang lapad ay 25 siko. 26 Pitong baytang ang aakyatin papunta roon,+ at ang beranda nito ay nasa harap ng mga iyon. At may disenyo ng puno ng palma ang mga panggilid na haligi nito, isa sa bawat panig.
27 Ang maliit na looban ay may pintuang-daan na nakaharap sa timog; sinukat niya ang distansiya ng magkatapat na pintuang-daan sa timog, 100 siko. 28 At idinaan niya ako sa timugang pintuang-daan papunta sa maliit na looban; nang sukatin niya ang timugang pintuang-daan, katulad ito ng sukat ng iba pa. 29 Ang sukat ng mga silid ng bantay, panggilid na mga haligi, at beranda nito ay katulad ng sa iba. May mga bintana sa magkabilang panig at sa beranda nito. Ang haba nito ay 50 siko at ang lapad ay 25 siko.+ 30 May mga beranda sa buong palibot; 25 siko ang haba ng mga ito at 5 siko ang lapad. 31 Ang beranda nito ay nakaharap sa malaking looban, at may mga disenyo ng puno ng palma sa panggilid na mga haligi nito,+ at walong baytang ang aakyatin papunta roon.+
32 Nang ipasok niya ako sa maliit na looban mula sa silangan, sinukat niya ang pintuang-daan at katulad ito ng sukat ng iba pa. 33 Ang sukat ng mga silid ng bantay, panggilid na mga haligi, at beranda nito ay katulad ng sa iba. May mga bintana sa magkabilang panig at sa beranda nito. Ang haba nito ay 50 siko at ang lapad ay 25 siko. 34 Ang beranda nito ay nakaharap sa malaking looban, at may mga disenyo ng puno ng palma sa panggilid na mga haligi nito, at walong baytang ang aakyatin papunta roon.
35 At dinala niya ako sa hilagang pintuang-daan+ at sinukat ito; katulad ito ng sukat ng iba. 36 Ang sukat ng mga silid ng bantay, panggilid na mga haligi, at beranda nito ay katulad ng sa iba. May mga bintana sa magkabilang panig nito. Ang haba nito ay 50 siko at ang lapad ay 25 siko. 37 Ang panggilid na mga haligi nito ay nakaharap sa malaking looban, at may mga disenyo ng puno ng palma sa panggilid na mga haligi nito, at walong baytang ang aakyatin papunta roon.
38 May isang silid-kainan na malapit sa panggilid na mga haligi ng mga pintuang-daan, kung saan hinuhugasan ang mga buong handog na sinusunog.+
39 May tigdalawang mesa sa magkabilang panig ng beranda ng pintuang-daan, kung saan pinapatay ang mga buong handog na sinusunog,+ handog para sa kasalanan,+ at handog para sa pagkakasala.+ 40 Papunta sa hilagang pintuang-daan, may dalawang mesa sa pasukan. May dalawang mesa rin sa kabilang panig ng beranda ng pintuang-daan. 41 May tig-apat na mesa sa magkabilang panig ng pintuang-daan—walong mesa lahat—kung saan pinapatay ang mga hain. 42 Ang apat na mesa para sa buong handog na sinusunog ay gawa sa tinabas na bato. Isa’t kalahating siko ang haba ng mga ito, isa’t kalahating siko ang lapad, at isang siko ang taas. Nasa ibabaw ng mga ito ang mga kagamitan sa pagpatay sa mga handog na sinusunog at mga hain. 43 Nakakabit sa buong palibot ng mga pader sa loob ang mga patungang sinlapad-ng-kamay; at ang laman ng mga handog na kaloob ay ipinapatong sa mga mesa.
44 Sa labas ng pintuang-daan ng maliit na looban ay may mga silid-kainan para sa mga mang-aawit;+ ang mga ito ay nasa maliit na looban malapit sa hilagang pintuang-daan at nakaharap sa timog. May isa pang silid-kainan malapit sa silangang pintuang-daan, at nakaharap ito sa hilaga.
45 Sinabi niya sa akin: “Ang silid-kainan na ito na nakaharap sa timog ay para sa mga saserdote na nag-aasikaso ng mga gawain sa templo.+ 46 Ang silid-kainan na nakaharap sa hilaga ay para sa mga saserdote na nag-aasikaso ng gawaing may kaugnayan sa altar.+ Sila ang mga anak ni Zadok,+ ang mga Levita na inatasang lumapit kay Jehova para maglingkod sa kaniya.”+
47 At sinukat niya ang maliit na looban. Ito ay kuwadrado, 100 siko ang haba at 100 siko ang lapad. Ang altar ay nasa harap ng templo.
48 At dinala niya ako sa beranda ng templo,+ at sinukat niya ang panggilid na mga haligi ng beranda, limang siko sa isang panig at limang siko sa kabila. Ang lapad ng pintuang-daan ay tatlong siko sa isang panig at tatlong siko sa kabila.
49 Ang haba ng beranda ay 20 siko at ang lapad ay 11* siko. May mga baytang na aakyatin ang mga tao papunta roon. May mga haligi sa tabi ng panggilid na mga poste, isa sa bawat panig.+
41 At dinala niya ako sa Banal,* at sinukat niya ang panggilid na mga haligi; anim na siko* ang lapad nito sa isang panig at anim na siko sa kabilang panig. 2 Ang lapad ng pasukan ay 10 siko, at ang lapad ng mga pader* ng pasukan ay 5 siko sa isang panig at 5 siko sa kabila. Sinukat niya ang haba nito, 40 siko, at ang lapad, 20 siko.
3 At pumasok siya sa loob* at sinukat ang lapad ng panggilid na haligi ng pasukan, dalawang siko, at ang lapad ng pasukan ay anim na siko. Ang lapad ng mga pader ng pasukan* ay pitong siko. 4 Pagkatapos, sinukat niya ang silid na nakaharap sa Banal; 20 siko ang haba nito at 20 siko ang lapad.+ At sinabi niya sa akin: “Ito ang Kabanal-banalan.”+
5 At sinukat niya ang kapal ng pader ng templo, anim na siko. Ang lapad ng panggilid na mga silid sa palibot ng templo ay apat na siko.+ 6 Tatlong palapag ang panggilid na mga silid, at may 30 silid sa bawat palapag. May mga pasimano sa palibot ng pader ng templo na sumasapo sa panggilid na mga silid, kaya hindi na kailangang ukaan ang mismong pader ng templo.+ 7 Sa magkabilang panig ng templo ay may paikot na akyatan* na paluwang nang paluwang habang tumataas ang palapag.+ Habang umaakyat ang isa mula sa unang palapag papunta sa ikalawa at ikatlong palapag, nagiging mas malapad ang mga silid habang tumataas ang palapag.
8 Nakita ko na may isang mataas na plataporma sa buong palibot ng templo, at ang taas ng mga pundasyon ng panggilid na mga silid ay isang buong tambo na anim na siko hanggang sa kanto. 9 Limang siko ang kapal ng panlabas na pader ng panggilid na mga silid. May espasyo* sa labas ng panggilid na mga silid na bahagi ng templo.
10 Ang pagitan ng templo at mga silid-kainan*+ ay 20 siko sa bawat panig. 11 May pasukan sa pagitan ng panggilid na mga silid at ng espasyo, isa sa hilaga at isa sa timog. Ang lapad ng espasyo sa buong palibot ay limang siko.
12 Ang gusaling nasa kanluran at nakaharap sa bakanteng lugar ay may lapad na 70 siko at may habang 90 siko; ang kapal ng buong pader ng gusali ay limang siko.
13 Sinukat niya ang templo, at 100 siko ang haba nito. At 100 siko rin ang haba ng bakanteng lugar at ng gusali* at ng mga pader nito. 14 Ang lapad ng harap ng templo na nakaharap sa silangan at ng bakanteng lugar ay 100 siko.
15 Sinukat niya ang haba ng gusaling nakaharap sa likurang bahagi ng bakanteng lugar, pati ang mga pasilyo nito sa magkabilang panig, at ito ay 100 siko.
Sinukat din niya ang Banal, ang Kabanal-banalan,+ at ang mga beranda sa looban, 16 pati ang bungad ng mga ito, ang mga bintanang papakipot ang mga hamba,+ at ang mga pasilyo na nasa tatlong lugar na iyon. Malapit sa bungad ay may mga panel ng kahoy+ mula sa sahig hanggang sa mga bintana; at may takip ang mga bintana. 17 Sinukat ang itaas ng pasukan, loob at labas ng templo, at nakapalibot na pader. 18 Mayroong inukit na mga kerubin+ at puno ng palma;+ may isang puno ng palma sa pagitan ng dalawang kerubin, at bawat kerubin ay may dalawang mukha. 19 Ang mukha ng tao ay nakaharap sa puno ng palma sa isang panig, at ang mukha ng leon ay nakaharap sa puno ng palma sa kabilang panig.+ Ganito ang pagkakaukit sa mga ito sa buong templo. 20 Mula sa sahig hanggang sa itaas ng pasukan ay may inukit na mga kerubin at puno ng palma sa pader ng santuwaryo.
21 Ang mga poste ng pinto* ng santuwaryo ay kuwadrado.+ Sa harap ng banal na lugar* ay may gaya ng 22 isang altar na kahoy+ na ang taas ay tatlong siko at ang haba ay dalawang siko. Mayroon itong mga panulok na poste, at ang paanan* at mga gilid nito ay gawa sa kahoy. At sinabi niya sa akin: “Ito ang mesa na nasa harap ni Jehova.”+
23 Ang Banal at ang banal na lugar ay may tigdalawang pinto.+ 24 Ang bawat pinto ay may tigdalawang panel na pumipihit. 25 May inukit na mga kerubin at puno ng palma sa mga pinto ng santuwaryo, gaya ng mga nasa pader.+ Mayroon ding bubong* na kahoy sa harap ng beranda sa labas. 26 Mayroon ding mga bintanang papakipot ang mga hamba+ at mga disenyo ng puno ng palma sa magkabilang panig ng beranda, pati sa panggilid na mga silid ng templo at sa mga bubong.
42 Pagkatapos, inakay niya ako sa malaking looban, sa bandang hilaga.+ Dinala niya ako sa mga silid-kainan na nasa tabi ng bakanteng lugar,+ sa hilaga ng katabing gusali.+ 2 Ang haba nito sa hilagang pasukan ay 100 siko,* at ang lapad nito ay 50 siko. 3 Ang mga silid-kainan ay nasa pagitan ng maliit na looban, na 20 siko ang lapad,+ at ng batong sahig ng malaking looban. Ang mga ito ay tatlong palapag na may mga balkonahe, at magkakaharap ang mga balkonahe. 4 Sa harap ng mga silid-kainan* ay may isang daanan+ na 10 siko ang lapad at 100 siko ang haba,* at nasa hilaga ang mga pasukan ng mga ito. 5 Ang mga silid-kainan sa ikatlong palapag ay mas maliliit kumpara sa mga nasa una at ikalawang palapag, dahil malaki ang kinuhang espasyo ng mga balkonahe. 6 May tatlong palapag ang mga iyon pero walang mga haligi na gaya ng mga haligi sa mga looban. Kaya mas niliitan ang espasyo sa ikatlong palapag kumpara sa una at ikalawang palapag.
7 Ang batong pader na nasa tabi ng mga silid-kainan na malapit sa malaking looban at katapat ng ibang silid-kainan ay may haba na 50 siko. 8 Ang haba ng mga silid-kainan na malapit sa malaking looban ay 50 siko pero ang mga malapit sa santuwaryo ay 100 siko. 9 Sa silangan ng mga hanay ng silid-kainan, may isang pasukan mula sa malaking looban.
10 May mga silid-kainan din sa loob ng batong pader na nakaharap sa silangan, malapit sa bakanteng lugar at sa gusali.+ 11 May daanan sa harap ng mga ito na katulad ng nasa mga silid-kainan sa hilaga.+ Magkakapareho rin ang haba at lapad ng mga silid-kainan, pati ang labasan at ang disenyo. Ang mga pasukan ng mga silid-kainan sa hilaga ay 12 gaya ng mga pasukan ng mga silid-kainan sa timog. May pasukan sa bukana ng daanan, bago ang karugtong na batong pader na nakaharap sa silangan.+
13 At sinabi niya sa akin: “Ang mga silid-kainan sa hilaga at ang mga silid-kainan sa timog na katabi ng bakanteng lugar+ ay ang mga banal na silid-kainan, kung saan kinakain ng mga saserdoteng lumalapit kay Jehova ang mga kabanal-banalang handog.+ Doon nila inilalagay ang mga kabanal-banalang handog, handog na mga butil, handog para sa kasalanan, at handog para sa pagkakasala, dahil ang lugar na iyon ay banal.+ 14 Kapag pumasok sa banal na lugar ang mga saserdote, hindi sila puwedeng lumabas papunta sa malaking looban nang hindi muna hinuhubad ang mga kasuotang ginamit nila sa paglilingkod,+ dahil banal ang mga iyon. Kailangan nilang magpalit ng kasuotan bago pumunta sa lugar na puwede ring puntahan ng bayan.”
15 Nang matapos niyang sukatin ang loob ng templo,* lumabas kami at dumaan sa pintuang-daan na nakaharap sa silangan,+ at sinukat niya ang buong palibot.
16 Sinukat niya ang silangang bahagi gamit ang panukat na tambo,* at ang haba nito ay 500 tambo mula sa isang panig hanggang sa kabila.
17 Sinukat niya ang hilagang bahagi gamit ang panukat na tambo, at ang haba nito ay 500 tambo.
18 Sinukat niya ang timugang bahagi gamit ang panukat na tambo, at ang haba nito ay 500 tambo.
19 Lumipat siya sa kanlurang bahagi. Sinukat niya ito gamit ang panukat na tambo, at ang haba nito ay 500 tambo.
20 Sinukat niya ang apat na bahagi nito. May pader ito sa buong palibot,+ na may haba na 500 tambo at lapad na 500 tambo,+ para paghiwalayin ang banal na lugar at di-banal na lugar.+
43 Pagkatapos, dinala niya ako sa pintuang-daan na nakaharap sa silangan.+ 2 Nakita ko roon ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel na dumarating mula sa silangan,+ at ang tinig niya ay gaya ng tunog ng rumaragasang tubig;+ at nagliwanag ang lupa dahil sa kaluwalhatian niya.+ 3 Ang nakita ko ay gaya ng pangitaing nakita ko nang dumating ako* para wasakin ang lunsod, at mukhang gaya ito ng nakita ko sa tabi ng ilog ng Kebar;+ at sumubsob ako sa lupa.
4 Ang kaluwalhatian ni Jehova ay pumasok sa templo* mula sa pintuang-daan na nakaharap sa silangan.+ 5 At ibinangon ako ng isang espiritu at dinala ako sa maliit na looban, at nakita kong napuno ng kaluwalhatian ni Jehova ang templo.+ 6 Pagkatapos, may narinig akong kumakausap sa akin mula sa templo, at tumayo ang lalaki sa tabi ko.+ 7 Sinabi niya sa akin:
“Anak ng tao, nandito ang trono ko+ at ang tinatapakan ng mga paa ko,+ ang lugar kung saan ako maninirahan sa gitna ng bayang Israel magpakailanman.+ Ang aking banal na pangalan ay hindi na madurungisan ng sambahayan ng Israel,+ sila at ang mga hari nila, sa pamamagitan ng kanilang espirituwal na prostitusyon at ng mga bangkay ng kanilang mga hari.* 8 Itinabi nila ang pasukan ng templo nila sa pasukan ng templo ko at ang poste ng pinto nila sa poste ng pinto ko, kaya isang pader lang ang pagitan namin,+ at nagsagawa sila ng kasuklam-suklam na mga bagay. Sa gayon, dinungisan nila ang aking banal na pangalan, kaya nilipol ko sila sa galit ko.+ 9 Ilayo nila ngayon sa akin ang kanilang espirituwal na prostitusyon at ang mga bangkay ng mga hari nila, at maninirahan ako sa gitna nila magpakailanman.+
10 “Ikaw, anak ng tao, ilarawan mo ang templo sa sambahayan ng Israel+ para makadama sila ng kahihiyan dahil sa mga kasalanan nila,+ at dapat nilang pag-aralan ang plano nito.* 11 Kung mahiya sila dahil sa lahat ng ginawa nila, dapat mong ipaalám sa kanila ang disenyo ng templo, at ang pagkakaayos, mga labasan, at mga pasukan nito.+ Ipakita mo sa kanila ang buong disenyo at mga batas nito, ang disenyo at mga kautusan nito, at isulat mo ang mga iyon sa harap nila para masunod nila ang buong disenyo at mga batas nito.+ 12 Ito ang kautusan sa templo. Ang tuktok ng bundok at ang buong palibot nito ay napakabanal.+ Ito ang kautusan sa templo.
13 “Ito ang mga sukat ng altar ayon sa mga siko+ (ang bawat siko ay dinagdagan ng isang sinlapad-ng-kamay).* Ang paanan nito ay may taas na isang siko at mas malapad nang isang siko kaysa sa ikalawang bahagi ng altar. Mayroon itong panggilid sa buong palibot na isang dangkal* ang taas. Ito ang paanan ng altar. 14 Ang ikalawang bahagi ng altar na nasa ibabaw ng paanan ay may taas na dalawang siko, at mas malapad ito nang isang siko kaysa sa ikatlong bahagi ng altar. Ang ikatlong bahagi ng altar ay may taas na apat na siko, at mas malapad ito nang isang siko kaysa sa bahaging nasa ibabaw nito. 15 Ang apuyan ng altar sa pinakaibabaw ay may taas na apat na siko, at may apat na sungay sa tuktok ng apuyan ng altar.+ 16 Ang apuyan ng altar ay kuwadrado, 12 siko ang haba at 12 siko ang lapad.+ 17 Ang ikatlong bahagi ay kuwadrado, 14 na siko ang haba at 14 na siko ang lapad; at ang panggilid nito sa buong palibot ay may taas na kalahating siko, at ang paanan nito sa lahat ng panig ay isang siko.
“At ang mga baytang nito ay nakaharap sa silangan.”
18 At sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Ito ang mga tagubilin na susundin kapag ginawa ang altar, para makapaghandog ng mga buong handog na sinusunog at makapagwisik ng dugo sa ibabaw nito.’+
19 “‘Kumuha ka ng isang batang toro* mula sa bakahan bilang handog para sa kasalanan+ at ibigay mo sa mga saserdoteng Levita na mga supling ni Zadok,+ na lumalapit sa akin para maglingkod,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova. 20 ‘Kumuha ka ng dugo nito at ilagay mo iyon sa apat na sungay ng altar, sa apat na kanto ng ikatlong bahagi, at sa panggilid na nasa buong palibot, para madalisay ito mula sa kasalanan at maipagbayad-sala ito.+ 21 At kunin mo ang batang toro, ang handog para sa kasalanan, para sunugin ito sa isang lugar sa templo na itinakda para dito, na nasa labas ng santuwaryo.+ 22 Sa ikalawang araw, maghain ka ng isang malusog na lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan; at dadalisayin nila ang altar mula sa kasalanan kung paanong dinalisay nila iyon mula sa kasalanan sa pamamagitan ng batang toro.’
23 “‘Kapag nadalisay mo na ito mula sa kasalanan, maghandog ka ng isang malusog na batang toro mula sa bakahan at isang malusog na lalaking tupa mula sa kawan. 24 Ihaharap mo ang mga iyon kay Jehova, at ang mga iyon ay lalagyan ng mga saserdote ng asin+ at ihahandog kay Jehova bilang buong handog na sinusunog. 25 Sa loob ng pitong araw, maghahain ka araw-araw ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan,+ pati ng isang batang toro mula sa bakahan at isang lalaking tupa mula sa kawan; maghahandog ka ng mga hayop na walang depekto.* 26 Magbabayad-sala sila para sa altar sa loob ng pitong araw, at dapat nilang linisin iyon at pasinayaan. 27 Pagkatapos, mula sa ikawalong araw+ at patuloy, ihahain ng mga saserdote ang inyong* mga buong handog na sinusunog at haing pansalo-salo sa ibabaw ng altar; at malulugod ako sa inyo,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”
44 Ibinalik niya ako sa silangang pintuang-daan ng malaking looban ng santuwaryo,+ at nakasara ito.+ 2 At sinabi sa akin ni Jehova: “Mananatiling nakasara ang pintuang-daang ito. Hindi ito bubuksan, at hindi makakapasok dito ang sinumang tao; dumaan dito si Jehova, ang Diyos ng Israel,+ kaya mananatili itong nakasara. 3 Pero uupo rito ang pinuno para kumain ng tinapay sa harap ni Jehova,+ dahil siya ay isang pinuno. Papasok siya sa beranda ng pintuang-daan at lalabas din doon.”+
4 At idinaan niya ako sa hilagang pintuang-daan papunta sa harap ng templo. At nakita kong napuno ng kaluwalhatian ni Jehova ang templo ni Jehova.+ Kaya sumubsob ako sa lupa.+ 5 At sinabi ni Jehova: “Anak ng tao, magbigay-pansin ka,* tumingin, at makinig na mabuti sa lahat ng sasabihin ko sa iyo tungkol sa mga batas at kautusan ng templo ni Jehova. Tingnan mong mabuti ang pasukan ng templo at ang lahat ng labasan ng santuwaryo.+ 6 Sabihin mo sa rebeldeng sambahayan ng Israel, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Sobra na ang kasuklam-suklam na mga gawain ninyo, O sambahayan ng Israel. 7 Kapag ipinapasok ninyo sa aking santuwaryo ang mga banyagang di-tuli ang puso at laman, nalalapastangan nila ang templo ko. Inihahandog ninyo sa akin ang aking tinapay, ang taba at dugo, pero sumisira naman kayo sa tipan dahil sa lahat ng inyong kasuklam-suklam na gawain. 8 Hindi ninyo iningatan ang aking mga banal na bagay.+ Sa halip, nag-atas kayo ng iba para mag-asikaso ng mga gawain sa aking santuwaryo.”’
9 “‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Hindi puwedeng pumasok sa aking santuwaryo ang sinumang banyagang nakatira sa Israel na di-tuli ang puso at laman.”’
10 “‘Pero ang mga Levita na lumayo sa akin+ nang iwan ako ng Israel para sumunod sa karima-rimarim na mga idolo* ay mananagot sa kasalanan nila. 11 Pagkatapos, sila ay magiging mga lingkod sa aking santuwaryo na mangangasiwa sa mga pintuang-daan ng templo+ at maglilingkod sa templo. Papatayin nila ang buong handog na sinusunog at ang hain para sa bayan, at tatayo sila sa harap ng bayan para maglingkod sa mga ito. 12 Naglingkod sila sa mga ito sa harap ng karima-rimarim na mga idolo at naging katitisuran na sanhi ng pagkakasala ng sambahayan ng Israel,+ kaya itinaas ko ang kamay ko bilang panunumpa laban sa kanila,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘at mananagot sila sa kasalanan nila. 13 Hindi sila makalalapit sa akin para maglingkod bilang mga saserdote ko; hindi rin sila makalalapit sa alinman sa aking mga banal o kabanal-banalang bagay, at mahihiya sila dahil sa kasuklam-suklam na mga bagay na ginawa nila. 14 Pero aatasan ko sila sa pag-aasikaso ng mga gawain sa templo, ang pagsasagawa ng mga atas doon at ng lahat ng iba pang bagay na dapat gawin doon.’+
15 “‘Para naman sa mga saserdoteng Levita, ang mga anak ni Zadok,+ na nag-asikaso sa mga gawain sa aking santuwaryo nang iwan ako ng mga Israelita,+ makalalapit sila sa akin para maglingkod, at tatayo sila sa harap ko para maghandog ng taba+ at dugo,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova. 16 ‘Sila ang papasok sa aking santuwaryo, at lalapit sila sa aking mesa para maglingkod sa akin,+ at aasikasuhin nila ang mga atas ko sa kanila.+
17 “‘Kapag pumasok sila sa mga pintuang-daan ng maliit na looban, mga kasuotang lino ang dapat na suot nila.+ Hindi sila puwedeng magsuot ng kahit anong lana kapag naglilingkod sa mga pintuang-daan ng maliit na looban o sa loob nito. 18 Dapat silang magsuot ng turbanteng lino at panloob* na lino.+ Hindi sila puwedeng magsuot ng anumang magpapapawis sa kanila. 19 Bago sila pumunta sa malaking looban—ang malaking looban kung saan naroon ang mga tao—dapat nilang hubarin ang mga kasuotang ginamit nila sa paglilingkod+ at ilagay ang mga iyon sa mga banal na silid-kainan.*+ Magpapalit sila ng kasuotan para hindi nila mapasahan ng kabanalan* ang mga tao sa pamamagitan ng mga kasuotan nila. 20 Hindi sila puwedeng mag-ahit ng buhok sa ulo+ o magpahaba ng buhok. Dapat nilang gupitan ang buhok nila sa ulo. 21 Ang mga saserdote ay hindi dapat uminom ng alak kung papasok sila sa maliit na looban.+ 22 Hindi sila puwedeng mag-asawa ng biyuda o diborsiyada;+ pero puwede nilang maging asawa ang isang dalagang Israelita o biyuda ng isang saserdote.’+
23 “‘Dapat nilang ituro sa aking bayan ang pagkakaiba ng banal at di-banal; at ituturo nila sa mga ito ang pagkakaiba ng marumi at malinis.+ 24 Dapat silang maging mga hukom sa isang usapin sa batas;+ dapat silang humatol ayon sa aking mga hudisyal na pasiya.+ Dapat nilang sundin ang aking mga kautusan at batas may kinalaman sa lahat ng aking kapistahan,+ at dapat nilang pabanalin ang mga sabbath ko. 25 Hindi nila puwedeng lapitan ang isang bangkay dahil magiging marumi sila. Pero puwede silang maging marumi para sa kanilang ama, ina, anak na lalaki o babae, kapatid na lalaki, o kapatid na babae na walang asawa.+ 26 At pagkatapos ng pagdadalisay sa isang saserdote, paghihintayin pa nila siya nang pitong araw. 27 Sa araw na pumasok siya sa banal na lugar, sa maliit na looban, para maglingkod sa banal na lugar, dapat niyang ihain ang kaniyang handog para sa kasalanan,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.
28 “‘At ito ang magiging mana nila: Ako ang mana nila.+ Huwag ninyo silang bibigyan ng anumang pag-aari sa Israel, dahil ako ang pag-aari nila. 29 Sila ang kakain ng handog na mga butil,+ handog para sa kasalanan, at handog para sa pagkakasala,+ at ang lahat ng bagay sa Israel na inialay ay magiging kanila.+ 30 Ang pinakapili sa lahat ng unang hinog na bunga at lahat ng klase ng abuloy ninyo ay mapupunta sa mga saserdote.+ At dapat ninyong ibigay sa saserdote ang inyong magaspang na harina mula sa mga unang bunga.+ Dahil dito, pagpapalain ang inyong mga sambahayan.+ 31 Ang mga saserdote ay hindi puwedeng kumain ng anumang ibon o hayop na natagpuang patay o luray-luray.’+
45 “‘Kapag hinati-hati ninyo ang lupain bilang mana,+ dapat kayong mag-abuloy kay Jehova ng isang banal na bahagi mula sa lupain.+ Dapat na 25,000 siko* ang haba nito at 10,000 siko ang lapad.+ Ang kabuoan nito* ay magiging isang banal na bahagi. 2 Mula sa lupaing iyon, isang kuwadradong bahagi ang ilalaan para sa banal na lugar, 500 siko ang haba at 500 siko ang lapad,+ at magiging pastulan ang 50 siko sa bawat panig nito.+ 3 Mula sa sukat na ito, susukat ka ng haba na 25,000 at lapad na 10,000, at sa loob nito ipupuwesto ang santuwaryo, na isang kabanal-banalang lugar. 4 Iyon ay magiging banal na bahagi ng lupain para sa mga saserdote,+ mga lingkod sa santuwaryo, na lumalapit kay Jehova para maglingkod.+ Doon nila itatayo ang mga bahay nila, at iyon ay magiging isang sagradong lugar para sa santuwaryo.
5 “‘Para sa mga Levita, na mga lingkod sa templo, magkakaroon sila ng isang bahagi na 25,000 siko ang haba at 10,000 siko ang lapad.+ Magkakaroon din sila ng 20 silid-kainan.*+
6 “‘Ibigay mo sa lunsod ang isang bahagi na 25,000 siko ang haba (kagaya ng banal na abuloy) at 5,000 siko ang lapad.+ Magiging pag-aari iyon ng buong sambahayan ng Israel.
7 “‘At para sa pinuno, magkakaroon siya ng lupain sa magkabilang panig ng banal na abuloy at bahaging pag-aari ng lunsod. Katabi iyon ng banal na abuloy at ng lupaing pag-aari ng lunsod, sa kanluran at sa silangan. Ang haba nito mula sa kanlurang hangganan hanggang sa silangang hangganan ay magiging kagaya ng lupaing pag-aari ng isa sa mga tribo.+ 8 Ang lupaing ito ang magiging pag-aari niya sa Israel. Hindi na pagmamalupitan ng aking mga pinuno ang bayan ko,+ at ibibigay nila ang lupain sa sambahayan ng Israel ayon sa tribo ng mga ito.’+
9 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Sobra na ang mga ginagawa ninyo, mga pinuno ng Israel!’
“‘Ihinto na ninyo ang karahasan at pang-aapi, at gawin ninyo kung ano ang makatarungan at matuwid.+ Huwag na ninyong agawin ang pag-aari ng bayan ko,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova. 10 ‘Dapat kayong gumamit ng wastong timbangan, wastong takal na epa* at wastong takal na bat.*+ 11 Dapat na hindi nagbabago ang takal na epa at takal na bat. Ang isang takal na bat ay maglalaman ng ikasampu ng isang homer,* at ang isang takal na epa ay maglalaman ng ikasampu ng isang homer. Ang homer ang magiging batayan ng sukat. 12 Ang siklo*+ ay katumbas ng 20 gerah.* Ang isang maneh* ay katumbas ng 20 siklo at 25 siklo at 15 siklo.’
13 “‘Ito ang abuloy na ihahandog ninyo: sangkanim ng epa para sa bawat homer ng trigo at sangkanim ng epa para sa bawat homer ng sebada. 14 Ang dami ng iaabuloy na langis ay nakabatay sa bat. Ang bat ay ikasampu ng kor,* at ang 10 bat ay isang homer, dahil ang 10 bat ay katumbas ng isang homer. 15 Mula sa mga alagang hayop ng Israel, dapat magbigay ng isang tupa mula sa bawat 200. Para ito sa handog na mga butil,+ buong handog na sinusunog,+ at mga haing pansalo-salo,+ na ipambabayad-sala para sa bayan,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.
16 “‘Ito ang iaabuloy ng lahat ng nasa lupain+ para sa pinuno ng Israel. 17 Pero ang pinuno ang magbibigay ng mga buong handog na sinusunog,+ handog na mga butil,+ at handog na inumin sa panahon ng mga kapistahan,+ mga bagong buwan, mga Sabbath,+ at lahat ng iba pang kapistahan sa sambahayan ng Israel.+ Siya ang magbibigay ng handog para sa kasalanan, handog na mga butil, buong handog na sinusunog, at mga haing pansalo-salo, na ipambabayad-sala para sa sambahayan ng Israel.’
18 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Sa unang araw ng unang buwan, kukuha ka ng isang malusog na batang toro* mula sa bakahan, at dadalisayin mo ang santuwaryo mula sa kasalanan.+ 19 Ang saserdote ay kukuha ng dugo mula sa handog para sa kasalanan, at ilalagay niya iyon sa poste ng pinto ng templo,+ sa apat na kanto ng ikatlong bahagi ng altar, at sa poste ng pintuang-daan sa maliit na looban. 20 Iyan ang gagawin mo sa ikapitong araw ng buwan dahil sa sinumang nagkasala nang di-sinasadya o dahil sa kawalang-alam;+ at magbabayad-sala kayo para sa templo.+
21 “‘Sa ika-14 na araw ng unang buwan, ipagdiriwang ninyo ang kapistahan ng Paskuwa.+ Tinapay na walang pampaalsa ang dapat ninyong kainin sa loob ng pitong araw.+ 22 Sa araw na iyon, ang pinuno ay magbibigay ng isang batang toro bilang handog para sa kasalanan para sa sarili niya at sa lahat ng tao sa lupain.+ 23 Sa loob ng pitong-araw na kapistahan, araw-araw siyang magbibigay ng pitong malulusog na batang toro at pitong malulusog na lalaking tupa bilang buong handog na sinusunog para kay Jehova,+ gayundin ng isang lalaking kambing araw-araw bilang handog para sa kasalanan. 24 At para sa handog na mga butil, magbibigay rin siya ng isang epa para sa bawat batang toro at isang epa para sa bawat lalaking tupa, at isang hin* ng langis para sa bawat epa.
25 “‘Sa ikapitong buwan, mula sa ika-15 araw ng buwan, sa panahon ng kapistahan,+ pitong araw siyang magbibigay ng gayon ding handog para sa kasalanan, buong handog na sinusunog, handog na mga butil, at langis.’”
46 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Dapat na manatiling nakasara ang silangang pintuang-daan ng maliit na looban+ sa loob ng anim na araw ng pagtatrabaho,+ pero dapat na nakabukas ito sa araw ng Sabbath at sa araw ng bagong buwan. 2 Papasok ang pinuno sa beranda ng pintuang-daan,+ at tatayo siya sa tabi ng poste ng pintuang-daan. Ihahain ng mga saserdote ang kaniyang buong handog na sinusunog at mga haing pansalo-salo, at yuyukod siya sa may bungad ng pintuang-daan at saka lalabas. Pero hindi isasara ang pintuang-daan hanggang sa gabi. 3 Kapag mga araw ng Sabbath at bagong buwan, ang mga tao sa lupain ay yuyukod sa harap ni Jehova sa pasukan ng pintuang-daang iyon.+
4 “‘Anim na malulusog na lalaking kordero* at isang malusog na lalaking tupa ang dapat ihandog ng pinuno kay Jehova sa araw ng Sabbath bilang buong handog na sinusunog.+ 5 Ang handog na mga butil ay isang epa* para sa lalaking tupa at anumang kaya niyang ibigay para sa mga lalaking kordero, na may kasamang isang hin* ng langis para sa bawat epa.+ 6 Isang malusog na batang toro* mula sa bakahan, anim na lalaking kordero, at isang lalaking tupa ang ihahandog sa araw ng bagong buwan; dapat na malulusog ang mga iyon.+ 7 Ang ihahain niyang handog na mga butil ay isang epa para sa batang toro, isang epa para sa lalaking tupa, at anumang kaya niyang ibigay para sa mga lalaking kordero. At dapat siyang maghandog ng isang hin ng langis para sa bawat epa.
8 “‘Papasok ang pinuno sa beranda ng pintuang-daan, at doon din siya lalabas.+ 9 At kapag ang mga tao sa lupain ay humaharap kay Jehova para sumamba sa panahon ng mga kapistahan,+ ang mga pumapasok sa hilagang pintuang-daan+ ay dapat lumabas sa timugang pintuang-daan,+ at ang mga pumapasok sa timugang pintuang-daan ay dapat lumabas sa hilagang pintuang-daan. Walang sinuman ang puwedeng lumabas sa pintuang-daang pinasukan niya, dahil dapat silang lumabas sa pintuang-daang katapat ng pinasukan nila. 10 Kung tungkol sa pinunong kasama nila, dapat siyang pumasok kapag pumasok sila, at dapat siyang lumabas kapag lumabas sila. 11 Kapag panahon ng mga kapistahan,* ang handog na mga butil ay dapat na isang epa para sa batang toro, isang epa para sa lalaking tupa, at anumang kaya niyang ibigay para sa mga lalaking kordero, na may kasamang isang hin ng langis para sa bawat epa.+
12 “‘Kung ang pinuno ay magbibigay ng buong handog na sinusunog+ o ng mga haing pansalo-salo bilang kusang-loob na handog kay Jehova, bubuksan para sa kaniya ang pintuang-daan na nakaharap sa silangan, at ibibigay niya ang kaniyang buong handog na sinusunog at mga haing pansalo-salo gaya ng ginagawa niya kapag araw ng Sabbath.+ Pagkalabas niya, isasara ang pintuang-daan.+
13 “‘Dapat kang mag-alay araw-araw ng isang malusog na lalaking kordero na hindi lalampas ng isang taóng gulang bilang buong handog na sinusunog para kay Jehova.+ Dapat mo itong gawin tuwing umaga. 14 Kasama nito, magbibigay ka rin tuwing umaga ng sangkanim ng epa bilang handog na mga butil at sangkatlong hin ng langis na iwiwisik sa magandang klase ng harina para sa araw-araw na paghahain ng handog na mga butil para kay Jehova. Isa itong batas hanggang sa panahong walang takda. 15 Dapat nilang ihanda tuwing umaga ang isang lalaking kordero, handog na mga butil, at langis bilang regular na buong handog na sinusunog.’
16 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Kung ang pinuno ay magregalo ng lupain sa bawat isa sa mga anak niya bilang mana, magiging pag-aari iyon ng mga anak niya. Iyon ay minanang pag-aari nila. 17 Kung regaluhan niya ang isa sa mga lingkod niya mula sa kaniyang mana, magiging pag-aari lang iyon ng lingkod hanggang sa taon ng paglaya;+ pagkatapos, babalik iyon sa pinuno. Pero ang pamana niya sa mga anak niya ay mananatiling kanila. 18 Hindi puwedeng palayasin ng pinuno ang bayan sa pag-aari nila para kunin ang mana nila. Dapat na mula sa sarili niyang pag-aari ang ibibigay niyang mana sa mga anak niya, para walang sinuman sa bayan ko ang mapaalis sa pag-aari nito.’”
19 At idinaan niya ako sa pasukan+ na nasa tabi ng pintuang-daan na papunta sa mga banal na silid-kainan* ng mga saserdote, na nakaharap sa hilaga,+ at may nakita akong isang lugar sa likuran sa gawing kanluran. 20 Sinabi niya sa akin: “Dito pakukuluan ng mga saserdote ang handog para sa pagkakasala at handog para sa kasalanan, at dito nila lulutuin ang handog na mga butil,+ para hindi na nila dalhin sa malaking looban ang alinman sa mga ito at mapasahan ng kabanalan* ang mga tao.”+
21 Dinala niya ako sa malaking looban at idinaan sa apat na kanto ng looban, at nakakita ako ng isang looban sa tabi ng bawat kanto ng malaking looban. 22 Sa apat na kanto ng looban ay may maliliit na looban, 40 siko* ang haba at 30 siko ang lapad. Magkakapareho ng sukat ang mga ito. 23 May mga hanay ng bato sa palibot ng apat na ito, at sa ilalim ng mga iyon ay may mga pakuluan para sa mga handog. 24 At sinabi niya sa akin: “Ito ang mga lugar kung saan pinakukuluan ng mga lingkod sa templo ang hain ng bayan.”+
47 At ibinalik niya ako sa pasukan ng templo,+ at may nakita akong tubig na umaagos pasilangan sa ilalim ng bungad ng templo,+ dahil ang templo ay nakaharap sa silangan. Ang tubig ay umaagos sa ilalim ng kanang bahagi ng templo, sa timog ng altar.
2 Pagkatapos, idinaan niya ako sa hilagang pintuang-daan+ para makalabas at inilibot hanggang sa pintuang-daan ng malaking looban na nakaharap sa silangan,+ at may nakita akong kaunting tubig na umaagos sa gawing kanan.
3 Ang lalaking may dalang pising panukat+ ay sumukat ng 1,000 siko* pasilangan, at pinadaan niya ako sa tubig; ang tubig ay hanggang sa bukung-bukong.
4 At sumukat siya ulit ng 1,000 at pinadaan ako sa tubig, at hanggang tuhod ito.
Sumukat siya ulit ng 1,000 at pinadaan ako rito, at ang tubig ay hanggang sa balakang.
5 Nang sumukat siya ulit ng 1,000, isa na itong ilog na hindi ko kayang tawirin; napakalalim na ng tubig kaya kailangan nang lumangoy para matawid ito.
6 Tinanong niya ako: “Nakita mo ba ito, anak ng tao?”
At pinalakad niya ako pabalik sa pampang ng ilog. 7 Pagbalik ko, nakakita ako ng napakaraming puno sa magkabilang pampang ng ilog.+ 8 At sinabi niya sa akin: “Ang tubig na ito ay umaagos papunta sa silangan hanggang sa Araba,*+ at aabot ito sa dagat. Kapag nasa dagat na ito,+ magiging sariwa ang tubig doon. 9 Mabubuhay ang mga kulumpon ng buháy na mga nilalang* saanman umagos ang tubig.* Magkakaroon doon ng napakaraming isda, dahil aagos doon ang tubig na ito. Magiging sariwa ang tubig sa dagat, at ang lahat ay mabubuhay kung saan umaagos ang ilog.
10 “Tatayo sa tabi ng dagat ang mga mangingisda, mula En-gedi+ hanggang En-eglaim, kung saan magkakaroon ng patuyuan ng mga lambat. Magkakaroon ng maraming isda na iba’t ibang klase, gaya ng mga isda sa Malaking Dagat.*+
11 “May mga latian at maputik na mga lugar, at hindi mababago ang mga iyon. Mananatiling maalat ang mga iyon.+
12 “Tutubo sa magkabilang pampang ng ilog ang lahat ng klase ng punong namumunga. Hindi malalanta ang mga dahon ng mga ito; hindi rin titigil sa pamumunga ang mga ito. Mamumunga ang mga puno buwan-buwan, dahil ang tubig na dumidilig sa mga ito ay umaagos mula sa santuwaryo.+ Ang bunga ng mga ito ay magiging pagkain at ang mga dahon ay pampagaling.”+
13 Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Ito ang teritoryong hahati-hatiin ninyo sa 12 tribo ng Israel bilang mana, at si Jose ay magkakaroon ng dalawang bahagi.+ 14 Mamanahin ninyo ito at magkakapareho ng sukat ang tatanggapin ninyo.* Ipinangako* ko ang lupaing ito sa inyong mga ninuno,+ at ngayon ay ibinibigay ito sa inyo bilang mana.
15 “Ito ang hangganan ng lupain sa hilaga: mula sa Malaking Dagat papunta sa Hetlon+ at hanggang sa Zedad,+ 16 Hamat,+ Berota,+ at Sibraim, na nasa pagitan ng teritoryo ng Damasco at teritoryo ng Hamat, hanggang sa Hazer-haticon, na nasa may hangganan ng Hauran.+ 17 Kaya ang hangganan ay mula sa dagat hanggang sa Hazar-enon,+ sa hangganan ng Damasco pahilaga, at sa hangganan ng Hamat.+ Ito ang hangganan sa hilaga.
18 “Ang silangang bahagi ay nasa pagitan ng Hauran at ng Damasco at nasa baybayin ng Jordan, sa pagitan ng Gilead+ at ng lupain ng Israel. Ang susukatin mo ay mula sa hangganan* hanggang sa silanganing dagat.* Ito ang hangganan sa silangan.
19 “Ang hangganan sa timog ay mula Tamar hanggang sa katubigan ng Meribat-kades,+ papunta sa Wadi* at sa Malaking Dagat.+ Ito ang hangganan sa timog.
20 “Ang hangganan sa kanluran ay ang Malaking Dagat, mula hangganan sa timog hanggang bago makarating sa Lebo-hamat.*+ Ito ang hangganan sa kanluran.”
21 “Ang lupaing ito ay paghahati-hatian ninyo, ang 12 tribo ng Israel. 22 Paghahati-hatian ninyo ito bilang mana ninyo at ng mga dayuhang naninirahang kasama ninyo na nagkaanak habang nasa gitna ninyo; at ituturing ninyo silang gaya ng katutubong Israelita. Tatanggap din sila ng mana kasama ng mga tribo ng Israel. 23 Ang manang ibibigay ninyo sa dayuhan ay dapat na nasa teritoryo ng tribo kung saan siya naninirahan,” ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.
48 “Ito ang mga tribo, mula sa pinakadulo ng hilaga: Ang bahagi ng Dan+ ay mula sa daan ng Hetlon hanggang sa Lebo-hamat*+ papuntang Hazar-enan, sa may hangganan ng Damasco sa gawing hilaga, sa tabi ng Hamat;+ at mula ito sa silangan hanggang sa kanlurang hangganan. 2 Ang bahagi ng Aser+ ay nasa tabi ng hangganan ng Dan, mula sa silangan hanggang sa kanlurang hangganan. 3 Ang bahagi ng Neptali+ ay nasa tabi ng hangganan ng Aser, mula sa silangan hanggang sa kanlurang hangganan. 4 Ang bahagi ng Manases+ ay nasa tabi ng hangganan ng Neptali, mula sa silangan hanggang sa kanlurang hangganan. 5 Ang bahagi ng Efraim ay nasa tabi ng hangganan ng Manases,+ mula sa silangan hanggang sa kanlurang hangganan. 6 Ang bahagi ng Ruben ay nasa tabi ng hangganan ng Efraim,+ mula sa silangan hanggang sa kanlurang hangganan. 7 Ang bahagi ng Juda ay nasa tabi ng hangganan ng Ruben,+ mula sa silangan hanggang sa kanlurang hangganan. 8 Ang abuloy na ibibigay ninyo ay nasa tabi ng hangganan ng Juda, mula sa silangan hanggang sa kanlurang hangganan, at ito ay dapat na may lapad na 25,000 siko*+ at kasinghaba ng lupain ng ibang tribo mula sa silangan hanggang sa kanlurang hangganan. Ang santuwaryo ay nasa gitna nito.
9 “Ang abuloy na ibibigay ninyo kay Jehova ay may haba na 25,000 siko at lapad na 10,000. 10 Ito ang banal na abuloy para sa mga saserdote:+ 25,000 siko sa hilaga, 10,000 sa kanluran, 10,000 sa silangan, at 25,000 sa timog. Ang santuwaryo ni Jehova ay nasa gitna nito. 11 Para ito sa pinabanal na mga saserdote, ang mga anak ni Zadok,+ na nag-asikaso sa mga iniatas ko sa kanila at hindi lumayo sa akin nang iwan ako ng mga Israelita at mga Levita.+ 12 Magkakaroon sila ng bahagi mula sa abuloy, sa lupaing ibinukod bilang isang kabanal-banalang lugar, sa tabi ng hangganan ng mga Levita.
13 “Sa tabi ng teritoryo ng mga saserdote, magkakaroon ng bahagi ang mga Levita na ang haba ay 25,000 siko at ang lapad ay 10,000. (Ang kabuoang haba ay 25,000 at ang lapad ay 10,000.) 14 Hindi nila puwedeng ibenta, ipagpalit, o ibigay sa iba ang alinmang bahagi ng pinakapiling lupaing ito, dahil banal ito para kay Jehova.
15 “Ang natitirang bahagi na 5,000 siko ang lapad at 25,000 siko ang haba ay magagamit ng lunsod+ bilang tirahan at pastulan. Ang lunsod ay nasa gitna nito.+ 16 Ito ang sukat ng lunsod: ang hangganan sa hilaga ay 4,500 siko, sa timog ay 4,500, sa silangan ay 4,500, at sa kanluran ay 4,500. 17 Ang sukat ng pastulan ng lunsod ay 250 siko sa hilaga, 250 sa timog, 250 sa silangan, at 250 sa kanluran.
18 “Ang natitirang bahagi ay kasinghaba ng banal na abuloy,+ 10,000 siko sa silangan at 10,000 sa kanluran. Kasinghaba ito ng banal na abuloy, at ang mga ani rito ang magiging pagkain ng mga naglilingkod sa lunsod. 19 Sasakahin ito ng mga naglilingkod sa lunsod na mula sa lahat ng tribo ng Israel.+
20 “Ang buong abuloy ay 25,000 siko kuwadrado, kasama na ang pag-aari ng lunsod. Ibubukod ninyo ito bilang banal na abuloy.
21 “Ang matitira sa magkabilang panig ng banal na abuloy at ng bahaging pag-aari ng lunsod ay mapupunta sa pinuno.+ Nasa tabi ito ng silangan at kanlurang hangganan ng abuloy na may habang 25,000 siko. Ang hangganan ng lupaing para sa pinuno ay katulad ng hangganan ng katabing mga tribo. Ang banal na abuloy at ang santuwaryo ng templo ay nasa gitna nito.
22 “Ang pag-aari ng mga Levita at ng lunsod ay nasa gitna ng lupaing pag-aari ng pinuno. Ang teritoryo ng pinuno ay nasa pagitan ng hangganan ng Juda+ at ng Benjamin.
23 “Ito naman ang natitirang mga tribo: Ang bahagi ng Benjamin ay mula sa silangan hanggang sa kanlurang hangganan.+ 24 Ang bahagi ng Simeon ay nasa tabi ng hangganan ng Benjamin,+ mula sa silangan hanggang sa kanlurang hangganan. 25 Ang bahagi ng Isacar+ ay nasa tabi ng hangganan ng Simeon, mula sa silangan hanggang sa kanlurang hangganan. 26 Ang bahagi ng Zebulon ay nasa tabi ng hangganan ng Isacar,+ mula sa silangan hanggang sa kanlurang hangganan.+ 27 Ang bahagi ng Gad ay nasa tabi ng hangganan ng Zebulon,+ mula sa silangan hanggang sa kanlurang hangganan. 28 Ang hangganan sa timog, kung nasaan ang hangganan ng Gad, ay mula Tamar+ hanggang sa katubigan ng Meribat-kades,+ papunta sa Wadi*+ at sa Malaking Dagat.*
29 “Ito ang lupaing hahati-hatiin ninyo bilang mana ng mga tribo ng Israel,+ at ito ang magiging bahagi nila,”+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.
30 “Ito ang mga labasan ng lunsod: Ang hilagang panig ay may sukat na 4,500 siko.+
31 “Ang mga pintuang-daan ng lunsod ay isusunod sa pangalan ng mga tribo ng Israel. May tatlong pintuang-daan sa hilaga: pintuang-daan ng Ruben, pintuang-daan ng Juda, at pintuang-daan ng Levi.
32 “Ang silangang panig ay may haba na 4,500 siko, at may tatlong pintuang-daan dito: pintuang-daan ng Jose, pintuang-daan ng Benjamin, at pintuang-daan ng Dan.
33 “Ang timugang panig ay may sukat na 4,500 siko, at may tatlong pintuang-daan dito: pintuang-daan ng Simeon, pintuang-daan ng Isacar, at pintuang-daan ng Zebulon.
34 “Ang kanlurang panig ay may haba na 4,500 siko, at may tatlong pintuang-daan dito: pintuang-daan ng Gad, pintuang-daan ng Aser, at pintuang-daan ng Neptali.
35 “Ang palibot ay may sukat na 18,000 siko. At mula sa araw na iyon, ang ipapangalan sa lunsod ay Naroon si Jehova.”+
Malamang na tumutukoy sa edad ni Ezekiel.
Ibig sabihin, “Pinalalakas ng Diyos.”
Lit., “kamay.”
O “at kidlat.”
Makintab na metal na pinaghalong ginto at pilak.
O “batang baka.”
Isang klase ng hiyas, o mahalagang bato.
Posibleng halos magkasinlaki ang dalawang gulong at magkaekis.
Lit., “ang espiritu ng buháy na nilalang.”
O posibleng “pahalang.”
Ito ang una sa 93 paglitaw ng pananalitang “anak ng tao” sa Ezekiel.
O posibleng “kahit pa matigas ang ulo ng mga tao at gaya sila ng mga bagay na tumutusok sa iyo.”
O “balumbon ng isang aklat.”
O “batong pingkian.”
O “anak ng bayan.”
Lit., “kamay.”
O “pero pananagutin kita para sa.”
O “di-makatarungan.”
O “pero pananagutin kita para sa.”
Lit., “kamay.”
Bloke na ginagamit sa pagtatayo; gawa sa pinatigas na putik.
O “Palibutan.”
Lit., “ituon mo ang iyong mukha laban doon.”
Lit., “at ilagay mo rito,” o sa kaliwang tagiliran ni Ezekiel.
Mga 230 g. Tingnan ang Ap. B14.
Mga 0.6 L. Tingnan ang Ap. B14.
Lit., “babaliin ko ang mga tungkod ng tinapay.” Posibleng tumutukoy sa mga tungkod na pinagsasabitan ng tinapay.
O “pang-ahit.”
Lit., “niya.”
O “laylayan.”
Lit., “sa bawat hangin.”
O “pauuntiin.”
Lit., “hindi maaawa ang mata ko.”
O “sakit.”
Lit., “sa bawat hangin.”
O “matatapos.”
O “dahil hindi ako pumapayag na magkaroon ng kahati.”
Lit., “Babaliin ko ang inyong mga tungkod ng tinapay.” Posibleng tumutukoy sa mga tungkod na pinagsasabitan ng tinapay.
Ang terminong Hebreo para dito ay puwedeng iugnay sa isang salita para sa “dumi ng hayop” at isang ekspresyon ng paghamak.
O “imoral.”
O “na sumusunod sa karima-rimarim nilang mga idolo para makiapid.”
O “nakagiginhawang amoy.”
Lit., “Hindi maaawa ang mata ko.”
O “babangon laban.”
O posibleng “putong.”
Lit., “Hindi maaawa ang mata ko.”
O posibleng “putong.”
O posibleng “at sa pamamagitan ng.”
Maiihi sa takot.
Lit., “at natakpan ng pangangatog.”
Magpapakalbo dahil sa pagdadalamhati.
Ang kanilang mga pilak at ginto.
Mga pag-aari nilang gawa sa ginto at pilak.
O “nakapandidiring.”
Ang kanilang ginto at pilak na ginamit sa paggawa ng mga idolo.
Malamang na tumutukoy sa pinakaloob na bahagi ng santuwaryo ni Jehova.
Tanikala ng pagkabihag.
O “tagubilin.”
Lit., “madaramtan ng pagkatiwangwang.”
Lit., “kamay.”
Makintab na metal na pinaghalong ginto at pilak.
O “imahen.”
O “imaheng.”
Ang terminong Hebreo para dito ay puwedeng iugnay sa isang salita para sa “dumi ng hayop” at isang ekspresyon ng paghamak.
O “bakuran.”
Malamang na isang sanga na ginagamit sa idolatrosong pagsamba.
Lit., “Hindi maaawa ang mata ko.”
O “may lalagyan ng tinta ng eskriba.”
Lit., “Huwag maaawa ang inyong mata.”
Lit., “hindi maaawa ang mata ko.”
O “baga.”
O “baga.”
Kerubin.
Lit., “ito ang buháy na nilalang.”
Lit., “ang espiritu ng buháy na nilalang.”
Lit., “Ito ang buháy na nilalang.”
O “laban sa.”
O “Siya,” ang lunsod ng Jerusalem kung saan iniisip ng mga Judio na magiging ligtas sila.
O “lutuan na maluwang ang bibig.”
O “hudisyal na pasiya.”
O “hudisyal na pasiya.”
Lit., “ng iisang puso.”
O “disposisyon.”
Pusong mabilis tumugon sa patnubay ng Diyos.
O “nakakakiliti-sa-tainga.”
Lit., “sambahayan.”
O “sa mga humuhula mula sa sarili nilang puso.”
Lit., “espiritu.”
Sa Ingles, fox.
Lit., “kamay.”
Nagtatayo ng mahinang pader pero pinipinturahan ito ng puti para magmukhang matibay.
Lit., “at kayo, O mga graniso, ay babagsak.”
Mga panaling may kaugnayan sa mahika na isinusuot sa braso o siko.
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “mabagabag.”
Ang terminong Hebreo para dito ay puwedeng iugnay sa isang salita para sa “dumi ng hayop” at isang ekspresyon ng paghamak.
O “magpaparusa.”
O “ang puso ng sambahayan.”
Lit., “kamay.”
Lit., “kamay.”
Lit., “babaliin ko ang mga tungkod ng tinapay niya.” Posibleng tumutukoy sa mga tungkod na pinagsasabitan ng tinapay.
O “Soberanong.”
O “apat na mapaminsalang kahatulan.”
O “laylayan ng damit.”
Balat ng poka, o hayop sa dagat na tinatawag sa Ingles na seal.
O “binalutan ko ang iyong ulo.”
O “maharlika.”
O “Nakilala ang pangalan mo.”
O “palamuti.”
Mga lalaking idolo.
O “plaza.”
Lit., “dahil bumubukaka ka.”
Lit., “ang mga kapitbahay mong malalaki ang laman.”
Lit., “kamay.”
Lit., “lupain ng Canaan.”
O “mahina ang.”
O posibleng “Galit na galit ako sa iyo.”
Ang terminong Hebreo para dito ay puwedeng iugnay sa isang salita para sa “dumi ng hayop” at isang ekspresyon ng paghamak.
O “palamuti.”
Lit., “kaliwa.”
Malamang na tumutukoy sa katabing mga nayon nito.
Lit., “kanan.”
O “dahil nakipagtalo ka para sa mga kapatid mo.”
O “bagong-tubong sanga.”
Lit., “lupain ng Canaan.”
Lit., “binhi.”
Nabucodonosor.
Zedekias.
Lit., “Iniabot niya ang kamay niya.”
Lit., “sa bawat hangin.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Ang terminong Hebreo para dito ay puwedeng iugnay sa isang salita para sa “dumi ng hayop” at isang ekspresyon ng paghamak.
Lit., “Ang sarili niyang dugo ay nasa kaniya.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “Hindi aalalahanin.”
O “Soberanong.”
O “di-makatarungan.”
Lit., “at gumawa kayo para sa inyong sarili ng bagong puso at bagong espiritu.”
O posibleng “ubasan.”
O “tungkod.”
O “tungkod.”
O “bagong-tubong sanga.”
O “ihayag ang hatol sa kanila?”
Lit., “itinaas ko rin ang kamay ko.”
Lit., “sa binhi.”
O “pinaespiyahan.”
O “ang dekorasyon ng.”
Ang terminong Hebreo para dito ay puwedeng iugnay sa isang salita para sa “dumi ng hayop” at isang ekspresyon ng paghamak.
Israel.
Israel.
Israel.
O “ang dekorasyon ng.”
Lit., “naawa ang mata ko.”
O “hatol.”
Israel.
Lit., “nakasunod ang mga mata nila.”
O “isinumpa.”
O “at pagsasagawa ng espirituwal na prostitusyon.”
O “naglilingkod.”
Lit., “at dadalhin sa buklod ng.”
Lit., “mukha.”
Lit., “laman.”
O “kasabihan.”
Lit., “laman.”
Lit., “nanginginig ang balakang mo.”
O “magbuntonghininga ka nang may kapaitan.”
Maiihi sa takot.
Espada ni Jehova.
O “Hindi na iiral ang setro.”
Lit., “kamay.”
Lit., “terapim.”
Mga nakatira sa Jerusalem.
Lumilitaw na tumutukoy sa mga Babilonyo.
Lit., “dadalhin ka ng kamay.”
O “Soberanong.”
Lit., “ibubunton ka sa leeg ng mga napatay.”
Lit., “hahatol ka ba, hahatol ka ba.”
Ang terminong Hebreo para dito ay puwedeng iugnay sa isang salita para sa “dumi ng hayop” at isang ekspresyon ng paghamak.
O “mga ulila.”
Lit., “inihahantad nila ang kahubaran ng kanilang ama.”
Lit., “Matatag pa rin ba ang puso mo.”
O “mababangis na aso.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Ibig sabihin, “Ang Kaniyang Tolda.”
Ibig sabihin, “Ang Aking Tolda ay Nasa Kaniya.”
Ang terminong Hebreo para dito ay puwedeng iugnay sa isang salita para sa “dumi ng hayop” at isang ekspresyon ng paghamak.
O “sa pakikipagtalik.”
O “sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa kaniya.”
Lit., “ipinatawag.”
O “karong.”
Maliit na kalasag na karaniwang dala ng mga mamamanà.
O “palamuti.”
Lit., “at inihagis sa likuran mo.”
Espirituwal na pangangalunya.
Lit., “ang pangalan ng araw.”
O “makasagisag na kuwento.”
O “lutuan na maluwang ang bibig.”
O “balikat.”
O “Huwag mong susuntukin ang iyong dibdib.”
O “nguso.”
Lit., “tinapay ng tao.”
O “napapaderang kampo.”
Lit., “kamay.”
O “ang dekorasyon ng lupain nito.”
Lit., “kamay.”
Lit., “kamay.”
Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.
Lit., “mga bayan.”
O “makinang pansalakay.”
O “espada.”
Lit., “pinatay.”
O “pinuno.”
O “kanilang mga damit na walang manggas.”
Lit., “at madaramtan sila ng panginginig.”
Lit., “siya at ang mga naninirahan sa kaniya.”
O “libingan.”
O “pagagandahin.”
Posteng pinagkakabitan ng layag.
Unahang bahagi ng barko.
Sa Ingles, ivory.
Bukás na palapag ng barko.
Lit., “Matanda.”
Anak ng kabayo at asno.
Espesyal na itim na kahoy.
Tingnan sa Glosari.
Isang klase ng hiyas, o mahalagang bato.
O “at lanang mamula-mula at abuhin.”
Kapamilya ng puno ng kanela, o cinammon.
Mabangong halaman.
O “ng hinabing tela.”
O “batang tupa.”
O posibleng “at naging maluwalhati.”
Lit., “buong kongregasyon na.”
O “libingan.”
O “Soberanong.”
Lit., “ay nagtatatak ng isang parisan.”
O “enggaste.”
O “likhain.”
Lit., “pinahiran.”
Ang “Nilo” sa buong kabanatang ito ay tumutukoy sa ilog at sa mga kanal nito para sa irigasyon.
Lit., “tambo.”
Lit., “balakang.”
Lit., “niya.”
Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.
Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.
Tiro.
O “palalakasin ko ang sambahayan ng Israel.”
Malamang na tumutukoy sa mga Israelitang nakipag-alyansa sa Ehipto.
Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.
Ang terminong Hebreo para dito ay puwedeng iugnay sa isang salita para sa “dumi ng hayop” at isang ekspresyon ng paghamak.
O “Memfis.”
O “pinuno.”
Thebes.
O “Memfis.”
Heliopolis.
O “ang kapangyarihan.”
Lit., “mo.”
O “libingan.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O “libingan.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “ang bisig.”
Lit., “ang mga ilog nila.”
Lit., “mo.”
O “libingan.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O “libingan.”
O “libingan.”
O “libingan.”
Lit., “niya.”
Lit., “niya.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Malamang na tumutukoy sa mga mandirigmang inilibing na kasama ang kanilang mga sandata at binigyan ng parangal bilang sundalo.
O “libingan.”
O “pinuno.”
O “libingan.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “pero pananagutin ko ang bantay para sa dugo nito.”
O “Soberanong.”
Tingnan sa Glosari.
O “di-makatarungan.”
Lit., “Hindi aalalahanin.”
Lit., “kamay.”
Ang terminong Hebreo para dito ay puwedeng iugnay sa isang salita para sa “dumi ng hayop” at isang ekspresyon ng paghamak.
O “Dahil nagsasalita sila nang may pagnanasa.”
O “at babawiin ko sa kanila ang.”
O “mag-alaga.”
Lit., “pagdanak ng dugo.”
Lit., “para maging pagkain.”
Ang terminong Hebreo para dito ay puwedeng iugnay sa isang salita para sa “dumi ng hayop” at isang ekspresyon ng paghamak.
O “Soberanong.”
O “disposisyon.”
Mabilis tumugon sa patnubay ng Diyos.
O posibleng “Tulad ng mga kawan ng ihahandog na tupa sa Jerusalem.”
Lit., “kamay.”
Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
O “ng mga anak ng iyong bayan.”
Ang terminong Hebreo para dito ay puwedeng iugnay sa isang salita para sa “dumi ng hayop” at isang ekspresyon ng paghamak.
O “prinsipe.”
Lit., “Ang tirahan ko ay mapapasaibabaw nila.”
O “prinsipe.”
O “prinsipe.”
Maliit na kalasag na karaniwang dala ng mga mamamanà.
Lit., “bantay.”
O “Ipapatawag.”
O “may-kilíng na batang leon.”
O “Soberanong.”
O “mga graniso.”
O “prinsipe.”
Mga ibon na kumakain ng laman, gaya ng buwitre.
Maliit na kalasag na karaniwang dala ng mga mamamanà.
O posibleng “mga may-tulis na tungkod,” na ginagamit bilang sandata.
O “Lambak ng mga Hukbo ni Gog.”
Ibig sabihin, “Mga Hukbo.”
O “batang tupa.”
Lit., “kamay.”
Lit., “itinago ko sa kanila ang aking mukha.”
Lit., “itinago ko sa kanila ang aking mukha.”
Lit., “at magpapakita ako ng bukod-tanging debosyon para sa.”
Lit., “Hindi ko na itatago sa kanila ang aking mukha.”
Lit., “kamay.”
O “panukat na tungkod.” Tingnan ang Ap. B14.
Lit., “at ituon mo ang puso mo sa.”
Lit., “bahay.” Isinalin na “templo” sa kabanata 40-48 kapag ang “bahay” ay tumutukoy sa lahat ng gusali sa bakuran ng templo o sa mismong templo.
Lit., “panukat na tambo na anim na siko, isang siko at isang sinlapad-ng-kamay.” Tumutukoy ito sa mahabang siko. Tingnan ang Ap. B14.
Posibleng tumutukoy sa tuktok ng pader ng silid ng bantay.
O “silid.”
Lit., “lapad.”
O posibleng “12.”
Lit., “templo.” Sa kabanata 41 at 42, tumutukoy ito sa Banal, na bahagi ng templo, o kaya ay sa buong santuwaryo (kasama ang Banal at Kabanal-banalan).
Mahabang siko. Tingnan ang Ap. B14.
Lit., “gilid.”
Kabanal-banalan.
Lit., “Ang lapad ng pasukan.”
Malamang na tumutukoy sa paikot na mga hagdanan.
Malamang na isang makitid na pasilyo sa palibot ng templo.
O “silid.”
Ang gusaling nasa kanluran ng santuwaryo.
Lit., “Ang poste ng pinto.” Malamang na tumutukoy sa pasukan ng Banal.
Malamang na tumutukoy sa Kabanal-banalan.
Lit., “kahabaan.”
O “tabing.”
Mahabang siko. Tingnan ang Ap. B14.
O “silid.”
Ayon sa Griegong Septuagint, “100 siko ang haba.” Ito naman ang mababasa sa sinaunang mga kopya ng Hebreong Kasulatan: “Isang daanan na isang siko.” Tingnan ang Ap. B14.
Lit., “bahay.”
Tingnan ang Ap. B14.
O posibleng “siya.”
Lit., “bahay.”
Lit., “bangkay ng kanilang mga hari pagkamatay ng mga ito.”
Lit., “sukatin ang parisan.”
Mahabang siko. Tingnan ang Ap. B14.
Mga 22.2 cm (8.75 in). Tingnan ang Ap. B14.
O “lalaking baka.”
O “na perpekto.”
Ang bayan.
Lit., “ituon mo ang puso mo.”
Ang terminong Hebreo para dito ay puwedeng iugnay sa isang salita para sa “dumi ng hayop” at isang ekspresyon ng paghamak.
O “salawal.”
O “silid.”
Lit., “hindi nila mapabanal.”
Mahabang siko. Tingnan ang Ap. B14.
O “Ang lahat ng nasa loob ng hangganan nito.”
O “silid.”
Tingnan ang Ap. B14.
Tingnan ang Ap. B14.
Tingnan ang Ap. B14.
Tingnan ang Ap. B14.
Tingnan ang Ap. B14.
O “mina.” Tingnan ang Ap. B14.
Tingnan ang Ap. B14.
O “lalaking baka.”
Tingnan ang Ap. B14.
O “batang tupa.”
Tingnan ang Ap. B14.
Tingnan ang Ap. B14.
O “lalaking baka.”
Lit., “At sa mga kapistahan at sa mga kapanahunan ng pista.”
O “silid.”
Lit., “at mapabanal.”
Mahabang siko. Tingnan ang Ap. B14.
Mahabang siko. Tingnan ang Ap. B14.
O “ilang.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “dalawang ilog.”
Dagat Mediteraneo.
Lit., “Mamanahin ninyo ito, ang bawat isa gaya ng sa kapatid niya.”
O “Isinumpa kong ibibigay.”
Hilagang hangganan.
Dagat na Patay.
Wadi ng Ehipto.
O “pasukan ng Hamat.”
O “pasukan ng Hamat.”
Mahabang siko. Tingnan ang Ap. B14.
Wadi ng Ehipto.
Dagat Mediteraneo.