TANONG 17
Paano makatutulong ang Bibliya sa pamilya mo?
MGA ASAWANG LALAKI/AMA
“Sa katulad na paraan, dapat mahalin ng mga asawang lalaki ang kanilang asawang babae na gaya ng sarili nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kaniyang asawang babae ay nagmamahal sa sarili niya, dahil walang sinumang napopoot sa sarili niyang katawan, kundi pinakakain niya ito at inaalagaan . . . Mahalin ng bawat isa sa inyo ang kaniyang asawang babae gaya ng sarili niya.”
“Mga ama, huwag ninyong inisin ang inyong mga anak, kundi palakihin sila ayon sa disiplina at patnubay ni Jehova.”
MGA ASAWANG BABAE
“Ang asawang babae naman ay dapat magkaroon ng matinding paggalang sa kaniyang asawang lalaki.”
“Kayong mga asawang babae, magpasakop kayo sa inyong asawang lalaki, gaya ng inaasahan sa mga tagasunod ng Panginoon.”
MGA ANAK
“Mga anak, maging masunurin kayo sa inyong mga magulang, ayon sa kalooban ng Panginoon, dahil ito ay matuwid. ‘Parangalan mo ang iyong ama at ina.’ Iyan ang unang utos na may kasamang pangako: ‘Para mapabuti ka at humaba ang buhay mo sa lupa.’”
“Kayong mga anak, maging masunurin kayo sa inyong mga magulang sa lahat ng bagay, dahil talagang nakapagpapasaya ito sa Panginoon.”