Sinaunang Manuskrito ng Ebanghelyo ni Juan
Ito ang unang pahina ng sinaunang manuskrito ng Bibliya na tinatawag na Papyrus Bodmer 2 (P66), na kinopya at ginawang codex noong mga 200 C.E. Mababasa sa manuskritong ito ang malaking bahagi ng tekstong Griego ng Mabuting Balita (o, Ebanghelyo) Ayon kay Juan. Nagsisimula ang unang pahina ng manuskritong ito sa pamagat na (naka-highlight) Eu·ag·geʹli·on Ka·taʹ I·o·anʹnen (“Mabuting Balita Ayon kay Juan”). Ang mga pamagat ay lumilitaw na hindi bahagi ng orihinal na teksto, kundi idinagdag lang ng mga tagakopya. Posibleng naglagay ng mga pamagat kasama ng pangalan ng sumulat ng aklat dahil praktikal ito—mas madaling matukoy ang mga aklat.
Credit Line:
Fondation Martin Bodmer, Cologny (Genève)
Kaugnay na (mga) Teksto: