Si Saul sa Daan Papuntang Damasco
Sa daan papuntang Damasco, natumba si Saul at nabulag nang suminag sa kaniya ang isang liwanag. Nakarinig siya ng tinig na nagsasabi: “Saul, Saul, bakit mo ako inuusig?” (Gaw 9:3, 4; 22:6-8; 26:13, 14) Hinadlangan ni Jesus ang plano ni Saul na arestuhin ang mga alagad ni Jesus sa Damasco at dalhin sa Jerusalem para litisin. Ibang-iba sa inaasahan ni Saul ang nangyari sa paglalakbay niya nang mga 240 km (150 mi) mula sa Jerusalem. Dahil sa mensahe ni Jesus, ang dating malupit na mang-uusig ng mga Kristiyano na si Saul (nakilala nang maglaon sa Romanong pangalan niya na Pablo) ay naging isa sa pinakamatatapang na tagapagtanggol ng Kristiyanismo. Detalyadong inilarawan ang sigasig ni Pablo sa ministeryo sa aklat ng Gawa.
Kaugnay na (mga) Teksto: