Nag-abuloy ang Isang Pamilya sa Corinto Para Tulungan ang mga Kapatid sa Judea
Makikita sa larawan ang isang pamilya sa Corinto na nag-aabuloy. Regular silang nagbubukod ng pang-abuloy para matulungan ang mga kapatid sa Judea. (1Co 16:2) Masaya sila habang nakikipagtulungan sa mga lalaking inatasan sa kongregasyon na mangasiwa sa pagbibigay ng tulong. Dahil tinuruan ng mga magulang ang anak nila na mag-abuloy, natutuhan ng bata na may higit na kaligayahan sa pagbibigay. (Gaw 20:35) Sinabi ng kongregasyon sa Corinto na gusto nilang mag-abuloy. (2Co 8:10, 11) Kaya isang taon pagkatapos nito, sa ikalawang liham ni Pablo, pinasigla niya ang kongregasyon na tapusin ang sinimulan nilang magandang bagay.
Kaugnay na (mga) Teksto: