Nagliliyab na Palaso
Makikita sa larawan (kaliwa) ang isang ulo ng palaso noong panahon ng mga Romano na 19 cm (7.5 in) ang haba. Isang materyales na madaling magliyab ang inilalagay sa katawan nito. Kung minsan, nagpapaulan ang mga hukbo noon ng nagliliyab na mga palaso (gaya ng makikita sa larawan sa kanan) sa loob ng sinasakop nilang lunsod para tupukin ito. Isinulat ni Pablo na gumagamit ang isa na masama ng “nagliliyab na palaso” laban sa mga Kristiyano, pero kaya nila itong salagin gamit ang “malaking kalasag ng pananampalataya.”—Efe 6:16.
Credit Line:
The Metropolitan Museum of Art, Bashford Dean Memorial Collection, Funds from various donors, 1929
Kaugnay na (mga) Teksto: