Pagkamamamayang Romano
Makikita rito ang isa sa dalawang bahagi ng bronseng dokumento na inilabas noong 79 C.E. Mababasa sa dokumentong ito na iginagawad ang pagkamamamayang Romano sa isang mandaragat na malapit nang magretiro, sa asawa niya, at sa kanilang anak. Ang dalawang bahagi nito ay pinagsama at tinatakan. May ilan na mamamayang Romano na pagkasilang pa lang, pero ang iba ay ginagawaran lang nito. (Tingnan ang study note sa Gaw 22:28.) Sa anumang paraan nakuha ng isang tao ang pagkamamamayang Romano, napakahalaga ng mga dokumentong ito, dahil magagamit niya itong patunay ng pagkamamamayan niya para makakuha ng mga benepisyo. Pero may binabanggit si Pablo na pagkamamamayang di-hamak na nakahihigit, “ang pagkamamamayan . . . sa langit.”—Fil 3:20.
Credit Line:
© Trustees of the British Museum. Licensed under CC BY-NC-SA 4.0 (http://creativecommons.org/licenses/by/4.0/). Source: http://www.britishmuseum.org/research/collection_online/collection_object_details.aspx?objectId=466050&partId=1&searchText=1923,0116.1&page=1
Kaugnay na (mga) Teksto: