Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • nwtstg
  • Idyoma

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Idyoma
  • Glosari
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Mga Study Note sa Marcos—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Iba Pa
Glosari
nwtstg

Idyoma

Isang ekspresyon na ang ibig sabihin ay iba sa kahulugan ng bawat salita o grupo ng mga salita na bumubuo sa ekspresyong iyon.

Gaya ng ibang wika, maraming idyoma sa wikang Hebreo, Aramaiko, at Griego na ginamit sa Bibliya. Kailangang maintindihan ng isang mambabasa ang mga idyomang ginamit sa Bibliya para maintindihan niya nang tama ang mensahe nito. At kailangan din itong maintindihan ng mga tagapagsalin para maisalin ito nang tumpak. May mga idyoma na madaling maintindihan, kahit na isalin ito nang literal, depende sa wika, kultura, o kinalakhan ng nagbabasa ng Bibliya. (Tingnan ang study note sa Mat 10:27; 24:31.) May mga idyoma naman na baka kailangang ipaliwanag para lubusang maintindihan ng mga hindi pamilyar sa orihinal na mga wikang ginamit sa Bibliya. (Tingnan ang study note sa Mat 26:23; Mar 5:34; 14:40.) At mayroon ding mga idyoma na baka kailangang isalin ayon sa kahulugan nito at ilagay na lang ang literal na salin sa mga talababa o study note.—Tingnan ang study note sa Mat 9:15; Luc 10:6; 12:35.

Ang ilang halimbawa ng mga idyomang makikita sa Bibliya ay: “Lumakad sa” o “lumakad kaayon ng” na nangangahulugang “sumunod; mamuhay kaayon ng.” (Aw 1:1; 25:5; 89:30) Ang pariralang “sumunod sa daan ng buong lupa” ay isang idyomang Hebreo na ang ibig sabihin ay “mamatay.” (Jos 23:14) Ang ekspresyong Griego na “magkaroon sa tiyan” ay nangangahulugang “magdalang-tao.” (Mat 1:18, 23) Ang ekspresyong “pumiraso ng tinapay” na ginamit sa Gaw 20:7 ay nangangahulugang “kumain,” dahil tinapay ang pangunahing pagkain sa mga lupaing binanggit sa Bibliya.—Para sa mga halimbawa ng idyoma sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, tingnan ang The Kingdom Interlinear Translation of the Greek Scriptures.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share