Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g85 1/8 p. 32
  • ‘Nagsumamo Ako Para sa Aklat’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Nagsumamo Ako Para sa Aklat’
  • Gumising!—1985
Gumising!—1985
g85 1/8 p. 32

‘Nagsumamo Ako Para sa Aklat’

Iyan ang isinulat ng isang kabataan sa Zimbabwe. Isang kaibigan ang may kopya ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, gayunman ay ayaw niyang ipahiram ito sa kabila ng pagsusumamo ng kaniyang kaibigan. Gayunman, ibinigay niya ang direksiyon kung saan maaaring makuha ang aklat, na ang sabi: “Sulong at bumili ka ng sa iyo.” Kaya ang kabataang ito ay sumulat:

“Wala po akong pera, subali’t pakisuyo, ginoo, sabihin po ninyo sa akin ang halaga nang ako po’y makahiram sa aking mayamang amain. Pakisuyo, ginoo, dinggin po ninyo ang aking panalangin. Sana po’y mapadalhan ninyo ako ng aklat na ito. Hinding-hindi po ako magiging malupit sa aking mga kaibigan na gaya ng batang lalaki na kinakitaan ko ng aklat na iyon. Maghihintay po ako araw-araw sa inyong tugon. Ako po’y dose anyos.” Tinanggap niya ang kaniyang aklat.

Napakaraming humihiling sa aklat na ito sa buong daigdig. Ito ngayon ay makukuha na sa mahigit na 40 mga wika, at halos 20 milyong mga sipi na ang naipamahagi.

Ang Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya ay may malalaking letra at mahigit sa 125 malalaking larawan, karamihan ay may kulay. Ang 116 ulat nito mula sa Bibliya ay nagbibigay sa mambabasa ng ideya ng kung ano ang nilalaman ng Bibliya. Ang mga kuwentong ito ay lumilitaw ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kasaysayan. Masusumpungan ninyong talagang kapaki-pakinabang ito sa pag-alam kung kailan, may kaugnayan sa ibang mga pangyayari, naganap ang mga bagay sa kasaysayan. Tanggapin ang mahalagang 256-pahinang aklat na ito sa pamamagitan ng pagsagot at paghuhulog sa koreo ng kupon.

Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng matigas na pinabalatang aklat na Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, na nilakipan ko ng ₱30.00. (Para sa halaga sa ibang bansa, pakisuyong alamin sa lokal na tanggapan ng Watch Tower Society.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share