Ang mga Panala ay Nagsasaysay ng Nakamamatay na Istorya!
PARAMI nang paraming mga may-ari ng restauran sa Lunsod ng New York ang hinaharap ng mga parokyano na humihiling na sila ay iupo na malayo sa mga nananabako. Samantalang tinatanggihan ng ilan na isipin lamang ang paglanghap ng maruming hininga ng mga taong naninigarilyo, ang iba ay nagrireklamo na ang nakasusuya, mabahong mga usok mula sa mga tabako, mga sigarilyo, o mga kuwako ay sumisira sa nakapagpapaganang amoy ng mahusay na inihandang pagkain. Si Richard Lavin, isang may-ari ng restauran, ay kumbinsido na mabilis na ihihinto ng mga maninigarilyo ang hindi nakalulusog na bisyong ito kung makikita lamang nila ang mga panala ng mga makinang naglilinis ng hangin na umaandar sa kaniyang restauran. Sinabi niya na “ang mga ito ay napakaitim, anupa’t kailangan namin itong linisin ng asido makalawa sa isang linggo.”
Maguguniguni lamang ng isa ang maruming mga epekto ng mga tabako sa mga baga at trachea ng hindi naninigarilyo, huwag nang banggitin pa ang sa mga naninigarilyo!