‘Ang mga Ito’y Hindi Paliguy-ligoy’
Sa isang liham na humiling ng mga suskripsiyon para sa mga magasing Ang Bantayan at Gumising!, isang mambabasa ang sumulat:
“Nais kong sabihin sa inyo na sa palagay ko ang inyong mga magasin ay kawili-wili at totoong nakakatulong pagdating sa paghanap sa mga simulain ng Bibliya. . . . Isa akong Katoliko at sa palagay ko hindi pa ako nakarinig o nakakita sa Bibliya at sa maluwalhating mensahe nito na ipinahayag sa napakahusay na paraan na gaya ng ginagawa ng mga Saksi. Kahit na ang mga tao ay may maling palagay at bagaman mahirap ang panahon, inaasahan ko po na maipagpapatuloy po ninyo ang inyong gawain. Nanggaling na po ako sa iba’t ibang mga relihiyon at nakabubuting malaman na mayroong isa na hindi nagpapaliguy-ligoy pagdating sa Bibliya at sa kahulugan nito. Isa itong nakagiginhawang pagbabago.”
Maaari rin ninyong makuha ang dalawang babasahing ito na salig-Bibliya na ihahatid sa inyong tahanan sa pamamagitan ng pagsagot at paghulog sa koreo ng kalakip na kupon.
Pakisuyong padalhan ako ng isang taóng suskripsiyon sa Ang Bantayan at Gumising!; ako’y naglakip ng ₱100.