Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 3/22 p. 32
  • ‘Hindi Ako Nagsawa Rito’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Hindi Ako Nagsawa Rito’
  • Gumising!—1986
Gumising!—1986
g86 3/22 p. 32

‘Hindi Ako Nagsawa Rito’

Iyan ang isinulat ng isang maybahay tungkol sa cassette recordings ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Ingles. Gayunman inamin niya: “Nang una kong mabalitaan na ang mga tape ay gagawin, inakala ko na hindi ito sulit bilhin. Akala ko wala akong gaanong makukuha rito pagkatapos kong mapakinggan ito nang minsan. Subalit maling-mali ako! Pinakinggan ko ito nang paulit-ulit. Hindi ako nagsawa sa paulit-ulit na pagpapatugtog ng mga tape sapagkat talagang higit at higit ang natutuhan ko mula rito. . . .

“Habang ako ay gumagawa ng aking gawaing-bahay, kawili-wiling makinig sa mga tape at gunigunihin ang aking sarili na naroroon noong unang siglo na kasama ng ating mga kapatid na lalaki at babae. Kung minsan napapaiyak ako at nadarama kong para bang kay lapit-lapit ko sa ating mga kapatid na nabuhay noong una.”

Ngayon makukuha na ang lahat ng mga aklat sa Ingles ng Kristiyanong Griegong Kasulatan. Isang magandang kayumangging-vinyl na album ang inihanda upang paglagyan ng mga recording na ito, na mula sa New World Translation of the Holy Scriptures. Ang album, kasama ang kompletong Griegong Kasulatan (18 mga cassette), ay ₱450.

Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng kayumangging-vinyl album kasama ang buong Kristiyanong Griegong Kasulatan (18 cassettes sa Ingles). Ako’y naglakip ng ₱450. (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa higit na impormasyon.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share