“Bantulot na Bayani”
Ang ketong ay isang nakatatakot na sakit na nakakaapekto sa marahil ay kasindami ng 15 milyong mga tao, lalo na sa Aprika, India, Burma, Thailand, at mga bahagi ng Timog Amerika. Ngayon ang nine-banded armadillo ay tinawag bilang “ang bantulot na bayani” sa pakikipagbaka ng tao laban sa sakit.
Subalit ano ang laban ng munting mammal na ito na halos dalawang piye ang haba (61 cm), na tumitimbang ng hanggang mga 15 libra (6.8 kg) at may balat na yari sa matigas, mabutong mga pohas?
Bueno, nasumpungan na ang tanging mga hayop na madaling kapitan o tablan ng ketong ng tao ay ang mga daga at mga armadillo. Kaya ginagamit ng mga siyentipiko ang armadillo upang gawin ang unang bakuna laban sa ketong, yamang ang mga daga ay gumagawa ng kakaunting kantidad na magagamit. Ang isang nahawaang armadillo ay gumagawa ng 750 dosis ng bakuna. Ngayon, pantanging mga bukirin ay itinayo sa Estados Unidos at Britaniya upang mag-alaga ng may baluting mammal.