Pahina Dos
“KARANIWAN nang ang tanging panahon na ganito ang posisyon ng isang elepante [ang mga tainga ay malapad na nakaunat] ay kapag ito ay nangangamba at handa nang sumalakay.”—Cynthia Moss, sa “Portraits in the Wild.”
Panahon rin ito para sa pinagtutuonan nito ng pansin na mangamba—pitong tonelada ng matinding galit na bumabayo patungo sa iyo ay nagbababala.
Subalit ang tao ay mas malaking panganib sa elepante kaysa panganib ng elepante sa tao. Ang halaga ng garing (ivory) ay lubhang tumaas, ang pinakamalalaking barakong
elepante ay nagdadala ng mahigit 400 libra (180 kg) nito, at hindi napatitigil ng mga batas ang ilegal na mga mangangaso. Kinukuha nila ang mga pangil at iniiwan ang iba pa upang mabulok. Kay lupit. Anong lungkot.