Isang Naaliw na Kabataan
Dakong huli ng isang tag-araw, nakaibigan ni Denise ang isang kapuwa lifeguard. Namatay ang nanay ng kaibigan niya nang ito ay bata pa. At kamakailan ay namatay ang kaniyang ama. “Pinadalhan ko siya ng isang anim-na-buwang regalong suskripsiyon para sa Gumising!” paliwanag ni Denise. Pagkaraan ng ilang buwan, tinanggap ni Denise ang sumusunod na liham buhat sa kaniyang kaibigan:
“Binasa ko ang unang dalawang labas ng Gumising! at dalawa sa mga artikulo ang talagang nakatulong sa akin. Ang isa ay tungkol sa pagkasumpong ng kaaliwan pagkatapos mawalan ng isang mahal sa buhay at ang isa ay tungkol sa mga paraan ng pagdaig sa panlulumo. Hindi ko masabi sa iyo kung paano ako lubhang natulungan nito. Sinipi ng huling banggit na artikulo ang Filipos 4:7, ‘Ang kapayapaan ng Diyos na di-masayod ng pag-iisip ay mag-iingat sa inyong mga puso at sa inyong mga kaisipan sa pamamagitan ni Kristo Jesus.’ Pagkabasa ko niyaon ay agad akong nagkaroon ng bagong pag-asa. Maraming salamat sa pagsuskribe mo sa akin sa Gumising!”
May nakikilala ka bang makikinabang mula sa magasing Gumising!? Bakit hindi sila padalhan ng regalong suskripsiyon? Magagawa mo ang gayon sa pamamagitan lamang ng pagsagot at paghuhulog sa koreo ng kupon, ilakip ang ₱60 na kasama ng kupon.
Pakisuyong padalhan ng isang taóng regalong suskripsiyon sa Gumising! ang sumusunod, gayundin ng isang liham na nagpapaliwanag na ito’y isang regalo mula kay‐‐‐‐‐‐‐‐(pangalan mo). Ako’y naglakip ng ₱60.