Enerhiya Buhat sa Kordero
SA New Zealand, kung saan nahihigitan sa bilang ng mga tupa ang tatlong milyong mamamayan ng 23 sa 1, ang mga hayop ay pinagkukunan ng enerhiya ng bansa. Ang sobrang taba ng isang katamtamang kordero ay ginagawan ng paraan upang magbigay ng dalawang litrong methyl ester ng taba (tallow), na inihahalo sa regular na diesel.
Ang resultang may halong diesel ay matagumpay na sinubok sa lahat ng bagay mula sa elektrikal na mga genereytor hanggang sa mga motor ng mga bangkang pangisda.
Ang mga trak at mga bus ay sinasabing makatatakbo ng mga labing-anim na kilometro sa taba na nakukuha sa bawat kordero. Sang-ayon sa magasing Omni, “ang mga tupa ay maaaring maglaan ng mahigit na 10 porsiyento ng diesel ng bansa at tinitiyak na kapag ang presyo ng langis sa daigdig ay tumaas na naman, ang mga tsuper sa New Zealand ay hindi maaapektuhan.”