Pahina Dos
Isang mahalagang aral ng Iglesya Katolika Romana sa tuwina ay na ito ang kaisa-isang tunay na Apostolikong Iglesya. Ang mga Katoliko ay naturuan na ang pagkakaisa ng simbahan ay patotoo ng pagiging totoo nito. Subalit ngayon nakakaharap ng mga Katoliko ang isang relihiyon na nahahati sa mga suliranin tungkol sa teolohiya, moral, pamamahala sa simbahan, at liturhiya.
Ang mga disisyon ng papa sa mahahalagang bagay may kinalaman sa pananampalataya at moral ay hinahamon ng mga teologong Katoliko at hindi sinusunod ng marami sa mga tapat na Katoliko. Isang arsobispong Katoliko ang nagtayo ng isang internasyonal na magkakaugnay na mga seminaryo sa pagsasanay sa mga paring rebelde. Parami nang paraming taimtim na mga Katoliko ang nalilito at nagtatanong, ‘Bakit ba nahahati ang aking relihiyon?’